แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Senyorita
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-01 01:16:49

Tahimik na napatitig si Alyssa sa lalaking nasa harapan niya.

"Not yet. Until I know who sent you."

Iyon lang ang sinabi nito. Wala nang dagdag na paliwanag. Wala ring pagbabago sa malamig nitong ekspresyon.

Bahagyang bumuka ang labi ni Alyssa ngunit muli rin niya iyong isinara. Pakiramdam niya ay wala na rin namang saysay kung magsasalita pa siya. Sa paraan pa lang ng pagtitig ng lalaki, alam niyang nakapagdesisyon na ito. Edi bakit pa siya magsasayang ng laway diba kung sarado na talaga ang utak nito.

Huminga siya nang marahan at hinarap ang lalaki. Sayang talaga ang kagwapohan nito kasi parang masyadong inconsiderate. Hindi naman niya sana kasalanan kung bakit siya napunta sa lugar na to. 

"Okay po." Mahina lang ang boses niya.

Kung tutuusin, wala naman talaga siyang pagpipilian. Hindi siya pwedeng pumasok. Hindi rin siya pwedeng umalis dahil hindi niya alam kung paano siya makakauwi. At higit sa lahat, gusto rin niyang malaman kung bakit siya naroon.

Marahan siyang napayuko habang pinagmamasdan ang sariling sapatos. Hindi pa rin siya makapaniwala. Kahapon lang ay nagla-last call siya sa isang irate customer. Ngayon naman ay nakatayo siya sa isang isla na para lamang yata sa mga bilyonaryo.

Kung minsan talaga, napakagaling magbiro ng buhay. Pero pwede naman sanang hindi siya ang paglaruan diba? Pwede bang tong kaharap na lang niya ang paglaruan, total mayaman na eh. Tapos siya, nawalan na nga ng trabaho, napili pang paglaruan ng buhay. 

Ang galing naman talaga, ang galing-galing!

"Chief Ramos."

Naputol ang pag-iisip niya nang may biglang nagsalita.

"Sir."

"Escort Miss Reyes to the waiting lounge."

Tumango ang head of security. "Right away, sir."

Lumapit ito sa kaniya at magalang na bahagyang yumuko.

"This way, Miss."

Napatingin muna siya sa black card na nasa kamay pa rin ni Chief Ramos.

Lintek na black card naman yan, pahamak!

"Ah..." Bahagya siyang nag-atubili. "Pwede pong..."

Napahinto siya sa paglalakad at parehong napatingin sa kaniya ngayon ang dalawang lalaki.

"Yong card ko po..." Muli siyang napakamot sa ulo. "Hindi naman po mawawala, 'di ba?"

Tahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo.

Napangiwi siya. Ay!

Nakakahiya yata ang tanong niya. Hindi naman siguro magnanakaw ang mga taong narito.

Magalang na ngumiti si Chief Ramos. "It will remain under our custody for the meantime, Miss."

Tumango siya. "Sige po."

Wala rin naman siyang magagawa. Kung tutuusin, ang card lang na iyon ang tanging ebidensiya na hindi siya basta-bastang sumakay sa van kanina. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumunod kay Chief Ramos.

~

Pagpasok pa lamang nila sa lobby ay kusang bumagal ang mga hakbang ni Alyssa. Hindi niya napigilang mapalingon sa paligid. Kanina kasi ay hanggang entrance lang ang nakita niya pero ngayon ay mas lalo siyang natulala sa mga nakikita niya.

Napakataas ng kisame. May malalaking crystal chandeliers na nakasabit sa gitna at kumikislap sa bawat tama ng liwanag. Ang puting marmol na sahig ay halos makita na niya ang sarili niyang repleksiyon.

Sa magkabilang gilid ay may mga indoor fountain na dahan-dahang bumabagsak ang tubig sa malalaking batong color gray. May mga halamang hindi niya kilala ang pangalan ngunit halatang inaalagaan araw-araw.

Pati hangin ay parang iba. May preskong amoy na may halong dagat at kung anong pabango na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam niya ay wala na siya sa Pilipinas. O baka hindi lang talaga siya sanay sa mundong ganito. Sino rin bang mag-aakala na may ganitong lugar sa Pilipinas?

What if wala talaga siya sa Pilipinas? Dios ko po! Hindi niya alam kung paano na lang siya uuwi kung gano’n, dagdag stress at problema pa ang nangyari.

Tahimik siyang naglakad habang pinagmamasdan ang bawat sulok. May mga lalaking naka-customized suit. May mga babaeng nakasuot ng mahahabang summer dress na halatang mamahalin. May isang batang babae pang tumatakbo habang sinusundan ng dalawang nanny.

Napakurap siya. May mga bata rin pala rito. Akala niya kasi puro matatandang milyonaryo lang ang makikita niya.

Habang naglalakad sila ay napansin niyang may ilang taong sumusulyap sa kaniya. Hindi naman sila nakatitig nang matagal. Isang mabilis na tingin lamang at pagkatapos ay magpapatuloy na ulit sa ginagawa.

Napayuko siya, siguro halata talagang hindi siya kabilang sa lugar na ito.

Sinulyapan niya ang sarili. Sa suot ba naman niya ay halata talagang hindi siya mayaman pero wala na siyang pakialam.

Automatic na bumukas ang glass doors. Mas lalo siyang napahinto. Malalawak na salamin ang bumabalot sa buong lugar kaya kitang-kita ang kumikinang na dagat. May mga puting sofa na mukhang sobrang lambot. May bookshelf sa isang sulok. May grand piano sa kabilang dulo. At sa gitna ay may maliit na coffee bar na gawa sa puting marmol.

Tahimik ang buong lounge. May ilan lamang taong nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo o kaya'y tahimik na umiinom ng kape.

"Please wait here, Miss."

Napalingon siya kay Chief Ramos habang ang dami ng tanong na lumilipad sa utak niya.

Pero ang isa sa mga tanong niya ay paano niya mapapayag ang lalaki kanina na mag-stay muna siya sa lugar na to? Kasi kung lalabas siya, hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Parang mas maganda pa kasi yata dito tumira, malay mo free lahat diba? Edi, paldong-paldo siya.

Tumango siya kay Chief Ramos.

"Sige po."

"Someone will assist you shortly."

Pagkasabi noon ay bahagya itong yumuko bago tuluyang umalis. Naiwan siyang mag-isa kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta sa bakanteng sofa malapit sa salamin.

Marahan siyang naupo sa sofa at halos lumubog agad ang katawan niya sa sobrang lambot nito. Nanlaki ang mga mata niya saka napatingin pa siya sa sofa.

Ganito ba talaga kalambot ang mga sofa ng mayayaman? Parang ayaw na siyang patayuin.

Napangiti siya sa sariling naiisip. Maya-maya ay dumako ang tingin niya sa dagat.

Napakalinaw ng tubig. Maging ang puting buhangin ay tanaw mula sa kinauupuan niya. Sa di kalayuan ay may isang malaking yacht na dahan-dahang dumadaong sa pribadong pantalan.

Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. Ang tahimik ng lugar. Malayong-malayo sa ingay ng production floor na limang taon niyang nakasanayan. Walang sunod-sunod na ringtone. Walang customer na nagrereklamo. Walang supervisor na sumisilip sa metrics.

Dagat lang at katahimikan pero imbes na gumaan ang pakiramdam niya ay mas lalo siyang kinabahan.

Hindi pa rin niya alam kung bakit siya naroon. Hindi niya kilala kung sino ang nagpadala ng Black Card. At lalong hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa loob ng Isla Verde.

Marahan niyang hinigpitan ang hawak sa strap ng tote bag na nasa kandungan niya. Sa unang pagkakataon mula nang makarating siya sa isla ay pakiramdam niya ay may binuksan siyang pintong maaaring hindi na niya muling maisara.

Tahimik na napapitlag si Alyssa nang biglang bumukas ang glass door ng lounge.

Napalingon siya at nakita niyang muli na namang naglalakad papasok si Damien Montenegro. Diretso ang mga hakbang nito hanggang sa huminto sa harap niya. Hawak pa rin nito ang matte black card, habang ang malamig nitong mga mata ay nakatutok lamang sa kaniya.

"Miss Reyes." Mahinahon ang boses nito ngunit mas mabigat kaysa kanina. "Come with me." Sandali itong tumigil bago muling nagsalita. "I think it's time you tell me the truth." 

Napakunot-noo si Alyssa. 

"The Black Card you presented is authentic." Marahan nitong inilapag ang card sa mesa sa pagitan nila. "Now tell me..." Bahagyang tumalim ang tingin nito sa kaniya. "Kanino mo ninakaw ang card na ‘to?”

Napatitig lang si Alyssa sa lalaki. Pakiramdam niya ay ilang segundo ring tumigil ang paghinga niya bago tuluyang napasinghap. 

Ano? Ninakaw? Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Ngunit sa paraan ng pagtitig ni Damien, malinaw na hindi ito nagtatanong para lamang manghula. Naniniwala itong may itinatago siya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Island of Desire with my Billionaire   Epilogue

    Kinabukasan, dahan-dahang iminulat ni Alyssa ang kaniyang mga mata kasabay ng pagdampi ng banayad na sikat ng araw na sumisingit mula sa siwang ng makapal na kurtina.Ngunit sa pagkakataong iyon, kakaiba ang umaga. Wala na ang pamilyar na kaba sa kaniyang dibdib. Wala na ang takot na laging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Wala nang mga misteryosong mensahe o madidilim na lihim na kailangang isipin pagkagising.Sa halip, ang unang bumungad sa kaniyang paningin ay ang maamong mukha ni Damien.Mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Ang isang matipunong braso nito ay mahigpit at possessive na nakapulupot sa kaniyang baywang, na para bang kahit sa pagtulog ay pinoprotektahan siya nito at ayaw siyang pakawalan.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alyssa. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang kamay at marahang hinaplos ang magulong buhok ng binata."Dami..." malambing na tawag niya.Bahagyang gumalaw ang lalaki, umungol ng mahina at lalong isiniksik ang mukha sa leeg niya.

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 70

    Parang kinapos ng hininga si Alyssa habang nakapako ang mga mata sa seryosong mukha ni Damien.Someone from your family.Ang mga salitang iyon ay parang patalim na patuloy na humihiwa sa dibdib niya. Ayaw tanggapin ng isip niya. Sa dami ng mga posibilidad at hirap na pinagdaanan nila sa islang ito, iyon na yata ang pinakamasakit na katotohanang maaari niyang marinig."Damien..." basag at halos paos na tawag niya sa binata.Hindi ito agad nakasagot. Nakahawak pa rin ito sa cellphone, nakatitig sa kawalan habang ang panga ay tila nagtiim. Rumehistro ang matinding tensiyon sa malalapad nitong balikat."Who?" malamig at may diin na tanong nito sa ama sa kabilang linya.Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa silid. Tanging ang malalalim na paghinga lang ni Alyssa ang maririnig."Your grandfather's brother."Nanlamig ang buong katawan ni Alyssa. Pakiramdam niya ay nanuyo ang kaniyang lalamunan."Elias?" madilim ang mukhang tanong ni Damien."No."Nagsalubong ang makapal na kilay ng

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 69

    "Elias."Bumigat nang husto ang hangin sa loob ng silid. Napatitig si Alyssa kay Damien habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang dibdib. Hindi niya kailangang itanong kung tama ba ang narinig niya dahil sa paraan pa lamang ng pagbigkas nito sa pangalan, malamig, may bahid ng matinding pagbabanta at galit at alam niyang sigurado ito.Nasa kabilang panig ng pinto ang taong matagal na nilang pinaniniwalaang patay. At ngayon, ito mismo ang nagbabala sa kanila na lumayo."Damien..." mahina at nanginginig niyang tawag.Agad itong lumapit sa kaniya at humarang sa kaniyang harapan upang protektahan siya. "Stay close to me.""Pero paano tayo lalabas dito?"Tumingin si Damien sa matigas na kahoy ng pinto. "I'll get us out.""Damien, wait," mabilis niyang hinawakan ang braso nito bago pa ito gumawa ng padalos-dalos na hakbang. "Huwag mo siyang harapin nang mag-isa."Saglit na natigilan ang binata. Then, surprisingly, lumambot ang matitigas nitong tampok at ngumiti ito nang bahagya."I w

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 68

    Buong araw na hindi mawala sa isip ni Alyssa ang tungkol sa East Wing. Kahit pilit niyang ituon ang atensyon sa masarap na pagkain sa mesa, sa kumikinang na dagat, o sa simpleng pakikipag-usap kay Damien, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kaniya ang imahe ng malaking wooden door na may gintong symbol at ang silver key at si Evelyn. Kasama ang boses ng lalaking hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng kaba sa dibdib niya: "You shouldn't have remembered, Aly.""You're doing it again."Napakurap si Alyssa. Nawala ang malalim niyang pag-iisip nang mag-angat siya ng tingin. Nasa harapan niya si Damien, nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa habang hawak ang isang tasa ng kape. Ang seryoso nitong mga mata ay direktang nakatitig sa kaniya."What?" tanong niya."ANg lalim na naman kasi ng iniisip mo.""Sorry...""Don't apologize," pilyong ngumiti ang binata, dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Come here."Napakunot ang noo niya, bagaman may kaunting kilig na gumapang sa sistema ni

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 67

    Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Alyssa. Napatigil siya sa paghinga.Hindi niya kailangang marinig nang dalawang beses ang boses na iyon. Kahit hindi pa lubusang bumabalik ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isipan, kilalang-kilala ng sistema niya ang boses na iyon.Ito iyon. Ang boses mula sa kanyang bangungot. Ang boses na malamig na nagsabing kailangan niyang kalimutan ang lahat.Napahigpit ang kapit niya sa kumot."Damien..." nanginginig na tawag niya.Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumangon ang binata. In one swift motion, he positioned his broad body between her and the closed door. Parang isang pader na handang saluhin ang kahit anong panganib."Stay behind me," mababa ngunit madiin nitong utos.Tumango siya, hindi magawang ibuka ang bibig.Hindi gumalaw si Damien nang ilang segundo. Nakatitig lamang ito sa pinto. Kahit nakatalikod, kitang-kita ni Alyssa ang pag-igting ng mga balikat nito at ang paghigpit ng mga kamao, sinusubukang kontrolin ang matinding tensiyon

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 66

    Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Tila umurong ang dila niya habang nakatitig sa pangalang naka-highlight sa screen ng laptop.ELIAS MONTENEGRO.Paulit-ulit na nag-echo sa utak niya ang pangalang iyon. Parang may malamig na kamay na biglang sumakal sa lalamunan niya."Your uncle..." mahinang basag niya sa katahimikan. Lumingon siya kay Damien. "He's supposed to be dead.""Supposed to be?" Tumango si Damien, madilim at seryoso ang ekspresyon nito, pero hindi nito inalis ang tingin sa laptop. "That's what I was told.""By whom?""My father. Years ago."Kusang gumapang ang kamay ni Alyssa para abutin ang kamay ni Damien. Mahigpit niya itong hinawakan, naghahanap ng init. "How did he die?""Car accident," tipid nitong sagot, ang hinlalaki ay marahang humahaplos sa likod ng palad niya. "Outside the island."Napakunot ang noo ni Alyssa. "May narecover bang body?"Sandaling tumahimik ang lalaki. Naramdaman ni Alyssa ang bahagyang paninigas ng mga kalamnan nito. "No. His car was found. Burn

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status