FAZER LOGIN"At sa totoo lang... wala na rin akong gaanong pera."
Pagkasabi ni Alyssa ng huling salita, muling bumalot ang katahimikan sa buong entrance ng Isla Verde.
Hindi na niya alam kung mali ba ang sinabi niya o sadyang hindi lang marunong ngumiti ang lalaking nasa harapan niya. Nanatili itong nakatingin sa kaniya, walang mabasang emosyon sa malamig nitong mukha.
Unti-unting humigpit ang hawak niya sa strap ng canvas tote bag.
Okay... baka sumobra yata ako. Napakagat siya sa ibabang labi.Pwede namang sabihin na lang niyang "No." Hindi 'yong tititigan niya ako na parang ako ang may atraso sa buong mundo.
Bahagya siyang nagpalit ng tindig. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod mula sa mahabang biyahe. Masakit na ang balikat niya sa bigat ng tote bag, habang ang init ng sikat ng araw ay unti-unting sumasagi sa likod niya.
Sa paligid, napansin niyang maging ang mga empleyadong papasok sa lobby ay bahagyang bumabagal ang lakad. Palihim silang sumusulyap sa kanilang dalawa bago muling nagkukunwaring abala sa kani-kanilang ginagawa.
Pakiramdam tuloy ni Alyssa ay isa siyang eksibit na pinanonood ng lahat.
Maya-maya, gumalaw si Damien. Hindi ito nagsalita. Sa halip, muli nitong inabot ang matte black card at pinagmasdan iyon nang matagal.
Napatingin din si Alyssa sa card. Ano ba'ng meron dito?
Pareho lang naman ang hitsura nito mula kanina, itim, makapal, at may gintong logo ng Isla Verde sa gitna. Kung tutuusin, mukha lang naman itong mamahaling membership card.
Huminga nang marahan ang lalaki bago nagsalita.
"Chief Ramos."
Agad na tumuwid ang head of security. "Sir."
"Bring the scanner."
Tatlong salita lamang ang sinabi nito. Pero tila sapat na iyon upang magbago ang atmospera sa paligid. Halos sabay-sabay na nagkatinginan ang mga guwardiya.
May isang empleyadang napasinghap. Narinig pa ni Alyssa ang mahihinang bulungan.
"Scanner? Sa public entrance? Hindi pa 'yan nangyayari..." Napakunot ang noo niya.
Ha? Ano'ng espesyal sa scanner?
Lumapit si Chief Ramos at yumuko nang bahagya. "Right away, sir."
Pagkatapos ay mabilis itong pumasok sa loob ng lobby. Tahimik na sinundan iyon ng tingin ni Alyssa bago muli niyang binalingan si Damien. Nakatayo pa rin ito sa parehong puwesto, tuwid ang tindig at walang kahit katiting na pagbabago sa ekspresyon.
Kung hindi lang ito kumukurap paminsan-minsan, baka napagkamalan na niya itong rebulto.
Scanner...
Napatingala siya habang pinipigilan ang sariling ngumiti.
Ano 'to? Grocery? Baka mamaya ilagay nila 'tong card sa machine tapos… "Congratulations, Ma'am! Buy one, take one!"
Muntik na siyang matawa. Mabilis niyang kinagat ang loob ng pisngi.
Tumigil ka nga, Alyssa. Ang seseryoso nila, tapos ikaw kung ano-ano ang iniisip.
Ngunit habang mas tumatagal ang katahimikan, mas lalo namang nagiging makulit ang isip niya.
Baka may cashier pa silang tatawagin. "Sir, kailangan po bang i-bag?"
Napapikit siya nang mariin. Focus.
Hindi ito ang tamang oras para magbiro. Lalo na at mukhang wala ni isa sa mga taong naroon ang marunong ngumiti.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin bumabalik si Chief Ramos. Hindi na kinaya ni Alyssa ang katahimikan.
Marahan siyang tumingin kay Damien.
"Sir..."
Bahagya lamang itong lumingon bilang hudyat na nakikinig.
Nag-atubili siya. "Kapag... negative po ba 'yang scanner n'yo..." Napakamot siya sa batok. "...makukulong po ba ako?"
Muling tumahimik ang paligid. May isang guwardiyang napaubo. Ang isa naman ay mabilis na umiwas ng tingin, halatang pilit na pinipigilan ang sariling matawa.
Napakurap si Alyssa.
Ay naku. Mali na naman yata ang sinabi ko.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa tuwing kaharap niya ang lalaking ito, kusa na lang lumalabas ang mga salitang hindi niya napag-iisipan. Siguro dahil masyado itong seryoso. O baka dahil gusto lang niyang mabawasan kahit kaunti ang bigat ng sitwasyon.
Upang ilihis ang isip, muli niyang inilibot ang tingin sa paligid. Napakalawak ng entrance ng Isla Verde.
Kumikinang ang puting marmol na sahig sa ilalim ng liwanag ng umaga. Ang matataas na haliging bato at malalawak na salaming dingding ay nagbibigay sa buong lugar ng pakiramdam na para siyang nasa lobby ng isang seven-star hotel.
Maging ang mga halaman sa gilid ng p***o ay mukhang mas mahal pa kaysa sa buwanang renta ng apartment nila.
Napabuntong-hininga siya.
Grabe… Baka presyo pa lang ng chandelier nila, kaya nang bayaran ang utang ng pamilya namin.Agad niya iyong inalis sa isip. Ay, huwag kang mainggit. Hindi naman sa'yo 'yan.
Sa sandaling iyon, muling bumukas ang malaking glass door. Lumabas si Chief Ramos habang may bitbit na manipis na silver case. Mahigpit ang hawak nito, na para bang napakahalaga ng laman. Tahimik nitong inilapag ang case sa ibabaw ng marble counter.
Unti-unting bumukas ang takip. Hindi napigilan ni Alyssa ang sumilip. Sa loob ay nakapatong ang isang maliit na itim na device na may manipis na glass panel at digital screen.
Napakurap siya.
Grabe… Parang scanner sa science fiction movie.
Bigla tuloy siyang napaatras nang bahagya.
"Huwag mong sabihing pati fingerprint kukunin nila?"
Hindi niya namalayang nasabi pala niya iyon nang mahina. Napalingon si Chief Ramos sa kaniya.
"Miss Reyes." Magalang ang tono nito. "May I have the card?"
Napatingin siya sa black card na hawak niya. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nag-atubili. Parang sa sandaling bitawan niya iyon ay may kung anong magbabago.
Huminga siya nang malalim bago ito iniabot.
"Ingatan n'yo po." Mahina siyang ngumiti. "Iyan lang kasi ang dahilan kung bakit nandito ako."
Maingat na tinanggap ni Chief Ramos ang card. Napansin ni Alyssa kung gaano ito kaingat sa paghawak, na para bang isang napakahalagang bagay ang nasa kamay nito.
Ang arte naman nila… Hindi naman itlog 'yan. Napailing siya sa sarili. Tumigil ka nga.
Habang inihahanda ang scanner, napansin niyang muling bumaba ang tingin ni Damien sa tote bag niya.
Napayuko tuloy siya. May mali ba?
Sinilip niya ang sarili. Gusot na puting blouse at kupas na maong. Lumang puting sneakers. Pagkatapos ay napatingin siya sa bahagyang nakaawang na tote bag.
Napangiti siya nang bahagya. Hindi man mamahalin ang mga iyon, pinili niya ang bawat isa nang buong puso. Ngunit mabilis ding nawala ang ngiti niya.
Sa unang pagkakataon mula nang makarating siya sa Isla Verde, bigla niyang naisip na baka nga hindi siya nababagay sa lugar na ito.
"Ready, sir."
Naputol ang pag-iisip niya. Marahang inilapag ni Chief Ramos ang black card sa ibabaw ng scanner.
Biglang umilaw ang manipis na screen. Isang asul na linya ang dahan-dahang gumapang mula sa ibaba paakyat, tila sinusuri ang bawat bahagi ng card.
Tahimik ang buong entrance. Tanging ang mahinang ugong ng makina ang maririnig. Hindi namalayang humigpit ang hawak ni Alyssa sa strap ng tote bag. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Please… Huwag naman sanang sabihing peke 'yan.
Hindi niya alam kung sino ang nagbigay sa kaniya ng black card. Pero sigurado siyang may dahilan kung bakit siya isinakay sa helicopter at dinala sa Isla Verde. Mabagal na gumalaw ang asul na ilaw. Hanggang sa muli iyong tumunog.
Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa screen.
Hindi niya alam kung anong meaning ng kulay green na lumabas sa screen pero naglakad si Damien papalapit sa mga guard.
"Escort Miss Reyes to the waiting lounge."
Nagulat siya sa sinabi nito. "Hindi pa rin ako pwedeng pumasok?"
"Not yet. Until I know who sent you."
Kinabukasan, dahan-dahang iminulat ni Alyssa ang kaniyang mga mata kasabay ng pagdampi ng banayad na sikat ng araw na sumisingit mula sa siwang ng makapal na kurtina.Ngunit sa pagkakataong iyon, kakaiba ang umaga. Wala na ang pamilyar na kaba sa kaniyang dibdib. Wala na ang takot na laging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Wala nang mga misteryosong mensahe o madidilim na lihim na kailangang isipin pagkagising.Sa halip, ang unang bumungad sa kaniyang paningin ay ang maamong mukha ni Damien.Mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Ang isang matipunong braso nito ay mahigpit at possessive na nakapulupot sa kaniyang baywang, na para bang kahit sa pagtulog ay pinoprotektahan siya nito at ayaw siyang pakawalan.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alyssa. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang kamay at marahang hinaplos ang magulong buhok ng binata."Dami..." malambing na tawag niya.Bahagyang gumalaw ang lalaki, umungol ng mahina at lalong isiniksik ang mukha sa leeg niya.
Parang kinapos ng hininga si Alyssa habang nakapako ang mga mata sa seryosong mukha ni Damien.Someone from your family.Ang mga salitang iyon ay parang patalim na patuloy na humihiwa sa dibdib niya. Ayaw tanggapin ng isip niya. Sa dami ng mga posibilidad at hirap na pinagdaanan nila sa islang ito, iyon na yata ang pinakamasakit na katotohanang maaari niyang marinig."Damien..." basag at halos paos na tawag niya sa binata.Hindi ito agad nakasagot. Nakahawak pa rin ito sa cellphone, nakatitig sa kawalan habang ang panga ay tila nagtiim. Rumehistro ang matinding tensiyon sa malalapad nitong balikat."Who?" malamig at may diin na tanong nito sa ama sa kabilang linya.Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa silid. Tanging ang malalalim na paghinga lang ni Alyssa ang maririnig."Your grandfather's brother."Nanlamig ang buong katawan ni Alyssa. Pakiramdam niya ay nanuyo ang kaniyang lalamunan."Elias?" madilim ang mukhang tanong ni Damien."No."Nagsalubong ang makapal na kilay ng
"Elias."Bumigat nang husto ang hangin sa loob ng silid. Napatitig si Alyssa kay Damien habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang dibdib. Hindi niya kailangang itanong kung tama ba ang narinig niya dahil sa paraan pa lamang ng pagbigkas nito sa pangalan, malamig, may bahid ng matinding pagbabanta at galit at alam niyang sigurado ito.Nasa kabilang panig ng pinto ang taong matagal na nilang pinaniniwalaang patay. At ngayon, ito mismo ang nagbabala sa kanila na lumayo."Damien..." mahina at nanginginig niyang tawag.Agad itong lumapit sa kaniya at humarang sa kaniyang harapan upang protektahan siya. "Stay close to me.""Pero paano tayo lalabas dito?"Tumingin si Damien sa matigas na kahoy ng pinto. "I'll get us out.""Damien, wait," mabilis niyang hinawakan ang braso nito bago pa ito gumawa ng padalos-dalos na hakbang. "Huwag mo siyang harapin nang mag-isa."Saglit na natigilan ang binata. Then, surprisingly, lumambot ang matitigas nitong tampok at ngumiti ito nang bahagya."I w
Buong araw na hindi mawala sa isip ni Alyssa ang tungkol sa East Wing. Kahit pilit niyang ituon ang atensyon sa masarap na pagkain sa mesa, sa kumikinang na dagat, o sa simpleng pakikipag-usap kay Damien, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kaniya ang imahe ng malaking wooden door na may gintong symbol at ang silver key at si Evelyn. Kasama ang boses ng lalaking hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng kaba sa dibdib niya: "You shouldn't have remembered, Aly.""You're doing it again."Napakurap si Alyssa. Nawala ang malalim niyang pag-iisip nang mag-angat siya ng tingin. Nasa harapan niya si Damien, nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa habang hawak ang isang tasa ng kape. Ang seryoso nitong mga mata ay direktang nakatitig sa kaniya."What?" tanong niya."ANg lalim na naman kasi ng iniisip mo.""Sorry...""Don't apologize," pilyong ngumiti ang binata, dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Come here."Napakunot ang noo niya, bagaman may kaunting kilig na gumapang sa sistema ni
Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Alyssa. Napatigil siya sa paghinga.Hindi niya kailangang marinig nang dalawang beses ang boses na iyon. Kahit hindi pa lubusang bumabalik ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isipan, kilalang-kilala ng sistema niya ang boses na iyon.Ito iyon. Ang boses mula sa kanyang bangungot. Ang boses na malamig na nagsabing kailangan niyang kalimutan ang lahat.Napahigpit ang kapit niya sa kumot."Damien..." nanginginig na tawag niya.Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumangon ang binata. In one swift motion, he positioned his broad body between her and the closed door. Parang isang pader na handang saluhin ang kahit anong panganib."Stay behind me," mababa ngunit madiin nitong utos.Tumango siya, hindi magawang ibuka ang bibig.Hindi gumalaw si Damien nang ilang segundo. Nakatitig lamang ito sa pinto. Kahit nakatalikod, kitang-kita ni Alyssa ang pag-igting ng mga balikat nito at ang paghigpit ng mga kamao, sinusubukang kontrolin ang matinding tensiyon
Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Tila umurong ang dila niya habang nakatitig sa pangalang naka-highlight sa screen ng laptop.ELIAS MONTENEGRO.Paulit-ulit na nag-echo sa utak niya ang pangalang iyon. Parang may malamig na kamay na biglang sumakal sa lalamunan niya."Your uncle..." mahinang basag niya sa katahimikan. Lumingon siya kay Damien. "He's supposed to be dead.""Supposed to be?" Tumango si Damien, madilim at seryoso ang ekspresyon nito, pero hindi nito inalis ang tingin sa laptop. "That's what I was told.""By whom?""My father. Years ago."Kusang gumapang ang kamay ni Alyssa para abutin ang kamay ni Damien. Mahigpit niya itong hinawakan, naghahanap ng init. "How did he die?""Car accident," tipid nitong sagot, ang hinlalaki ay marahang humahaplos sa likod ng palad niya. "Outside the island."Napakunot ang noo ni Alyssa. "May narecover bang body?"Sandaling tumahimik ang lalaki. Naramdaman ni Alyssa ang bahagyang paninigas ng mga kalamnan nito. "No. His car was found. Burn







