Nagising si Alyssa sa marahang pag-uga ng sasakyan. Bahagya siyang napakunot-noo habang dahan-dahang iminulat ang mga mata."Hmm…"Ilang segundo siyang nakatitig lang sa kisame. Hindi pamilyar sa kaniya ang kisame na yon. In short, hindi ito ang kisame ng apartment niya at mas lalong hindi rin ito ang kisame ng opisina nila.Kaloka, nag-resign na nga pala siya.Makapal na kulay cream ng kisame ng sasakyan, may maliliit na LED lights na tila mga bituin, at napakalamig ng hanging nagmumula sa air conditioner.Napakurap siya. Saka niya tuluyang naalala. 'Yong black card, yong luxury van, ‘yong misteryosong nagsundo sa kaniya.Bigla siyang napabangon. "Ay!"Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil sa antok. Napatingin siya sa bintana at halos mapasinghap siya. Kulay blue na lang ang nakikita niya.Sa magkabilang panig ng sasakyan ay dagat na ang nakikita niya.Napakalinaw ng tubig, tila salamin na sumasalamin sa bughaw na kalangitan. Kumikislap ang sinag ng araw sa bawat alon, habang an
최신 업데이트 : 2026-07-19 더 보기