LOGINOn her last day as a call center agent, all Alyssa wanted was to celebrate her birthday before figuring out what to do with her life. Instead, she found an elegant black card hidden inside her bag, an exclusive invitation to the mysterious Isla Verde. Before she could even question it, a luxurious black van arrived to pick her up. Free vacation? Why not? She had nothing to lose. But Isla Verde wasn't an ordinary paradise. Behind its breathtaking beauty lies a world reserved only for the richest and most powerful people. And waiting for her is a cold, untouchable billionaire, a man who belongs to the island's secret inner circle. The biggest mystery isn't why she was invited. It's who secretly sent the black card and why everyone on the island seems to know her before she even knows herself. In Isla Verde, every secret has a price. And accepting the invitation may be the biggest mistake, or the greatest destiny, of her life.
View MoreThe soft hum of dozens of voices echoed across the production floor.
Halo-halo ang tunog ng mga keyboard na mabilis na pinipindot, sunod-sunod na pag-ring ng mga telepono, at magkakapatong na English conversations ng mga call center agents na abala sa kani-kanilang customers.
Sa malawak na opisina na puno ng puting ilaw mula sa kisame, halos wala nang bakanteng cubicle. At sa gabing yon, nakaharap si Alyssa Reyes sa dalawang monitor habang maingat na nagta-type ng notes sa customer account. Nakasuot siya ng itim na headset, bahagyang nakapusod ang mahaba niyang kulot na buhok, at halatang may bakas ng pagod sa ilalim ng kaniyang mga mata.
Pero kahit ganoon ang eksena niya, hindi pa rin nawala ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Thank you for calling. My name is Alyssa. How may I help you today?" Malumanay ang boses niya.
Yong boses na hindi niya inaakala na magiging rason kung bakit buhay pa rin siya ngayon. Yong ang naging dahilan kung bakit siya nagkakaroon ng pera para sa pang araw-araw niya.
Kung may isang bagay mang ipinagmamalaki si Alyssa sa limang taon niyang pagiging call center agent, iyon ay ang kakayahan niyang ngumiti kahit hindi siya nakikita ng kausap niya.
Customer service nga daw. Smile through your voice.
Ilang libong beses na niyang narinig ang linyang iyon sa training. At hanggang ngayon, automatic na itong ginagawa ng katawan niya.
"Yes, sir. I completely understand your concern."
Napakagat siya sa loob ng labi nang marinig ang sunod-sunod na reklamo ng customer. Mahigit sampung minuto na itong nagsasalita at paulit-ulit lang ang sinasabi nito. Sa totoo lang, gusto na niyang sabihin na kasalanan din naman nito kung bakit na-lock ang account.
Pero siyempre, kailangan niyang maging professional kahit na puro pagmumura na lang ang natatanggap niya.
"I sincerely apologize for the inconvenience, Sir."
Habang hinihintay ang system na mag-load, napatingin siya sa maliit na digital clock sa gilid ng monitor.
6:57 A.M.
Tatlong minuto na lang, matatapos na ang limang taon niyang buhay bilang isang call center agent. Hindi niya namalayang napangiti siya. May kakaibang pakiramdam na bumalot sa dibdib niya.
Hindi iyon lungkot at hindi rin naman siya natutuwa. Pero pakiramdam niya, makakahinga na talaga siya ng maluwag. Para bang may mabigat na backpack na limang taon niyang pasan-pasan at sa wakas ay puwede na niyang ibaba.
Nagpatuloy siya sa pakikinig sa customer habang lumilipad ang isip niya. Naalala niya ang unang araw niya sa kumpanyang iyon. Dalawampung taong gulang lang siya noon. Halos maiyak pa siya nang unang makatanggap ng iritable na customer.
Pero ngayon? Kaya na niyang makipag-usap sa kahit sinong Amerikano nang hindi man lang kinakabahan.
Napabuntong-hininga siya. Ang bilis talaga ng panahon.
"Your request has already been processed, sir."
Ilang segundo ang lumipas. Narinig niya ang pamilyar na tunog ng system.
Call Ended.
Napatingin siya sa monitor. Unti-unti niyang inalis ang headset sa magkabilang tainga. At sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, hindi na niya iyon muling isusuot.
Nanatili siyang nakaupo Hhbang pinagmamasdan ang headset na nakapatong sa mesa. Headset lang yon pero ilang libong oras niyang isinukbit sa ulo niya. Ilang libong customer ang nakausap niya gamit iyon.
"Goodbye..."
Mahina niyang bulong habang marahang hinahaplos ang earmuffs ng headset. Hindi niya inaasahang magiging emosyonal pala siya. Akala niya kasi, excited lang siyang matapos to lahat. Pero ngayong narito na siya sa dulo ay may konting kurot din pala.
"Aba!" Isang pamilyar na boses ang biglang sumira sa katahimikan. "Ano'ng drama 'yan?"
Napapitlag siya nang may dalawang kamay na biglang tumakip sa mga mata niya.
"Ay! Mae!"
Inalis ng babae ang mga kamay nito saka umikot sa harapan niya. Suot pa rin nito ang headset habang nakangisi.
"Tapos na shift mo?"
Tumango si Alyssa. "Oo."
Saglit na natahimik si Mae at pagkatapos ay ngumiti ito.
"Congratulations."
Simple lang ang salitang iyon. Pero sapat na para mamuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Alyssa.
"Hoy!" Agad siyang pinisil ni Mae sa pisngi. "Bawal umiyak ang birthday girl!”
Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang namatay ang ilaw sa buong production floor at pagkatapos ay may tugtog siyang narinig. At kahit pa siguro tulog siya ay alam niya kung anong music ang naririnig niya.
Happy birthday to you...
Unti-unting lumapit ang mga katrabaho niya. Kumakanta ang lahat at may dalang cake pa ang isa sa workmate niya. At ang lahat ay may dalang gitft para sa kaniya. Hindi niya alam kung anong dapat i-react sa mga oras na yon. Basta ang alam niya ay gusto na lang niyang umiyak.
"Ano ba!" Mahina siyang natawa habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya.
Hindi niya inaasahan ito. Akala niya ay makakauwi lang siya nang tahimik. Pero mukhang iba ang plano ng mga taong naging pamilya niya sa loob ng limang taon.
Lumapit ang team leader nila habang hawak ang cake.
"Make a wish, Alyssa."
Tahimik niyang tinitigan ang kandila. Dalawampu't limang taong gulang na siya ngayon. At sa unang araw ng bagong taon ng buhay niya, wala na siyang trabaho.
Nakakatawa at nakakatakot pero somehow, nakakaexcite. Pumikit siya at saka siya huminga nang malalim.
"Lord… Hindi ko alam kung saan Mo ako dadalhin pagkatapos nito pero sana, mas maging masaya ako."
Marahan niyang hinipan ang kandila. Kasabay noon ang malakas na palakpakan ng buong team. At hindi niya alam, habang masaya siyang napapalibutan ng mga taong mahal siya...
~
Unti-unti nang nag-uwian ang mga empleyado.
Ang kaninang maingay na production floor ay nagsimulang maging tahimik. Isa-isang namatay ang ilang ilaw sa opisina habang ang mga agents na susunod na shift naman ang pumapalit sa kanila.
Samantala, nakatayo si Alyssa sa gitna ng kaniyang cubicle. Nakatingin siya sa maliit na espasyong limang taon din niyang naging mundo. Marahan niyang hinaplos ang mesa.
"Bye." Mahina niyang bulong saka naglakad palabas ng production floor.
Mabigat ang tote bag na nakasabit sa kaniyang balikat. Halos hindi na magkasya ang lahat ng regalong natanggap niya. Naging assorted gifts na nga sa sobrang dami. Hindi pa nga niya nabubuksan lahat pero parang hindi siya excited or baka nalulungkot lang talaga siya dahil bukas, wala na siyang trabaho.
“Bakit ka ba kasi nag-resign na wala ka pang back-up plan? Tanga rin eh no? Ano yan? Bahala na si Batman?” Tanong niya sa sarili habang natatawa. “Basta ang importante, nakaalis ka na sa toxic na environment na yon.”
Paglabas niya ng building ay agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Katatapos lamang ng rush hour. May mga empleyadong nagmamadaling pumasok sa opisina. May mga estudyanteng may bitbit na backpack. May delivery riders na paroo't parito.
Habang naglalakad siya papunta sa waiting shed ay napansin niyang parang may matigas na bagay na tumatama sa braso niya mula sa loob ng tote bag.
Huminto siya sa ilalim ng lilim ng isang puno at maingat niyang ibinaba ang bag sa sementadong upuan. Isa-isang inilabas ang laman nito. Napangiti siya habang binabasa ang ilan sa mga maliit na notes na nakakabit sa mga regalo.
"Don't forget us!"
"Balik ka kapag okay ka na ha?"
"Good luck sa future mo!"
Natawa siya. "Baliw talaga."
Pero habang inaayos niya ang mga gamit ay may napansin siyang isang sobre. Matte black iyon at hindi ito katulad ng ibang gift envelope. Mas makapal at mas elegante yon. Parang velvet ang pakiramdam kapag hinawakan.
Napakunot ang noo niya. "Hala! Sino kaya ang nagbigay nito?"
Binaliktad niya ang card pero walang nakasulat na name at wala ring greeting. Wala talaganf kahit anong sulat. Pero may nakaukit na weird na logo na gold sa gitna. Mukha itong family crest ng isang napakayamang angkan.
Hindi niya pa iyon kailanman nakita.
"Ang sosyal naman nito." Mahina niyang sabi.
Maingat niyang binuksan ang sobre at halos mapasinghap siya nang makita ang laman. Hindi papel, hindi rin gift certificate kundi isa iyong black card. Shiny yon at medyo mabigat malamig din sa kamay. Halatang hindi ordinaryong plastic at mukha pa itong gawa sa metal.
Nang itapat niya iyon sa sikat ng araw ay kumikinang ang nakaukit na gintong letra.
WELCOME TO ISLA VERDE
Sa ibaba nito ay may mas maliit na nakasulat.
"This Black Invitation grants exclusive access to Isla Verde. Transportation has already been arranged."
Napakurap siya.
"Ha?" Transportation? Napailing siya. "Ang bongga naman ng prank."
Sinubukan niyang baliktarin ang card. Simpleng itim lang ang likod nito pero may kakaiba. May maliit na simbolong kumikislap kapag natatamaan ng liwanag.
Hindi niya maintindihan kung bakit pero habang hawak niya ang card pakiramdam niya ay hindi ito laruan. Napakamahal ng pagkakagawa. Parang isa itong bagay na hindi basta-basta ginagawa.
"Kanino kaya to galing?"
Isa-isang pumasok sa isip niya ang mga katrabaho. Si Mae? Team leader? Manager?
Imposible. Bakit naman siya bibigyan ng ganito? Habang nag-iisip siya ay may biglang narinig na mahinang ugong ng makina.
Lumingon siya at doon ay unti-unting huminto sa mismong harapan niya ang isang napakahabang itim na luxury van.
Napasinghap siya. "Whoa..."
Hindi siya mahilig sa sasakyan pero kahit sino sigurong makakita nito ay malalaman agad na sobrang mahal. Makintab ang itim nitong pintura at halos makita niya ang sarili niyang repleksyon sa gilid nito.
Tahimik na bumukas ang sliding door. Kasabay niyon ang pagbaba ng isang lalaking nasa limampung taong gulang.
Naka-itim itong suit at may puting guwantes. At tila sanay na sanay sa pagiging chauffeur.
Lumapit ito sa kaniya. Huminto nang halos dalawang metro ang layo. Pagkatapos ay bahagyang yumuko.
"Good morning." Malalim ngunit magalang ang boses nito. "Miss Alyssa Reyes."
Nanlaki ang mga mata niya. "Po?"
Paano nito nalaman ang pangalan niya?
Ngumiti nang bahagya ang matandang lalaki.
"Happy twenty-fifth birthday, Miss."
Mas lalo siyang natigilan. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang oras. Napatingin siya sa paligid.
May prank ba ito? May camera ba? May vlog ba? Pero walang tao siyang nakita sa paligid.
"Ako nga po si Alyssa."
"Good." Ani ng lalaki. "Your transportation is ready."
Napatingin siya sa hawak niyang black card. Pagkatapos ay sa van at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa lalaki.
"Transportation?"
Tumango ito. "You have been invited to Isla Verde."
Napatawa siya. "Sir, kung prank po ito. Naku, panalo na kayo."
Hindi man lang ngumiti ang matandang lalaki. Sa halip ay marahan nitong inilabas ang isang tablet. Ipinakita rito ang litrato niya. Pati birthday, pati buong pangalan niya at pati oras ng kaniyang out sa trabaho.
"Everything has been prepared for your arrival, Miss."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Alyssa. Hindi na ito mukhang biro. At lalong hindi ito mukhang scam.
"Libre po ba talaga?" Bigla niyang tanong.
Napakurap ang chauffeur. "Excuse me?"
"Libre po to diba? Hindi niyo naman ako sisingilin? Kasi, Sir, wala po talaga kayong mapapala sakin ngayon kasi nag-resign na ko sa trabaho.”
Ngayon lang bahagyang ngumiti ang matanda.
"No, Miss. Everything has already been paid."
Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?"
Tumango ito at mayamaya'y napakamot siya sa ulo. Wala na rin naman siyang trabaho.
Birthday pa niya. Libre ang biyahe. Libre raw ang resort. At kung sakaling prank man ito, mukhang sobrang laki ng ginastos.
Napatawa siya sa sarili. "Alyssa, isang beses ka lang mabuhay. Subukan mo na."
Huminga siya nang malalim. Saka isinukbit muli ang tote bag sa balikat.
"Okay."
Ngumiti siya sa chauffeur. "Let's go."
Marahan itong yumuko bago iniabot ang kamay bilang paggalang.
"Welcome, Miss Alyssa."
Habang sumasakay siya sa marangyang van ay hindi niya namalayang unti-unting nagsara ang p***o sa likuran niya. Kasabay ng mahinang tunog nito ay parang tuluyan ding nagsara ang p***o ng dati niyang buhay.
At nagsimula ang isang paglalakbay na hindi niya kailanman inakalang magpapabago sa kaniyang kapalaran.
"Elias."Bumigat nang husto ang hangin sa loob ng silid. Napatitig si Alyssa kay Damien habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang dibdib. Hindi niya kailangang itanong kung tama ba ang narinig niya dahil sa paraan pa lamang ng pagbigkas nito sa pangalan, malamig, may bahid ng matinding pagbabanta at galit at alam niyang sigurado ito.Nasa kabilang panig ng pinto ang taong matagal na nilang pinaniniwalaang patay. At ngayon, ito mismo ang nagbabala sa kanila na lumayo."Damien..." mahina at nanginginig niyang tawag.Agad itong lumapit sa kaniya at humarang sa kaniyang harapan upang protektahan siya. "Stay close to me.""Pero paano tayo lalabas dito?"Tumingin si Damien sa matigas na kahoy ng pinto. "I'll get us out.""Damien, wait," mabilis niyang hinawakan ang braso nito bago pa ito gumawa ng padalos-dalos na hakbang. "Huwag mo siyang harapin nang mag-isa."Saglit na natigilan ang binata. Then, surprisingly, lumambot ang matitigas nitong tampok at ngumiti ito nang bahagya."I w
Buong araw na hindi mawala sa isip ni Alyssa ang tungkol sa East Wing. Kahit pilit niyang ituon ang atensyon sa masarap na pagkain sa mesa, sa kumikinang na dagat, o sa simpleng pakikipag-usap kay Damien, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kaniya ang imahe ng malaking wooden door na may gintong symbol at ang silver key at si Evelyn. Kasama ang boses ng lalaking hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng kaba sa dibdib niya: "You shouldn't have remembered, Aly.""You're doing it again."Napakurap si Alyssa. Nawala ang malalim niyang pag-iisip nang mag-angat siya ng tingin. Nasa harapan niya si Damien, nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa habang hawak ang isang tasa ng kape. Ang seryoso nitong mga mata ay direktang nakatitig sa kaniya."What?" tanong niya."ANg lalim na naman kasi ng iniisip mo.""Sorry...""Don't apologize," pilyong ngumiti ang binata, dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Come here."Napakunot ang noo niya, bagaman may kaunting kilig na gumapang sa sistema ni
Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Alyssa. Napatigil siya sa paghinga.Hindi niya kailangang marinig nang dalawang beses ang boses na iyon. Kahit hindi pa lubusang bumabalik ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isipan, kilalang-kilala ng sistema niya ang boses na iyon.Ito iyon. Ang boses mula sa kanyang bangungot. Ang boses na malamig na nagsabing kailangan niyang kalimutan ang lahat.Napahigpit ang kapit niya sa kumot."Damien..." nanginginig na tawag niya.Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumangon ang binata. In one swift motion, he positioned his broad body between her and the closed door. Parang isang pader na handang saluhin ang kahit anong panganib."Stay behind me," mababa ngunit madiin nitong utos.Tumango siya, hindi magawang ibuka ang bibig.Hindi gumalaw si Damien nang ilang segundo. Nakatitig lamang ito sa pinto. Kahit nakatalikod, kitang-kita ni Alyssa ang pag-igting ng mga balikat nito at ang paghigpit ng mga kamao, sinusubukang kontrolin ang matinding tensiyon
Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Tila umurong ang dila niya habang nakatitig sa pangalang naka-highlight sa screen ng laptop.ELIAS MONTENEGRO.Paulit-ulit na nag-echo sa utak niya ang pangalang iyon. Parang may malamig na kamay na biglang sumakal sa lalamunan niya."Your uncle..." mahinang basag niya sa katahimikan. Lumingon siya kay Damien. "He's supposed to be dead.""Supposed to be?" Tumango si Damien, madilim at seryoso ang ekspresyon nito, pero hindi nito inalis ang tingin sa laptop. "That's what I was told.""By whom?""My father. Years ago."Kusang gumapang ang kamay ni Alyssa para abutin ang kamay ni Damien. Mahigpit niya itong hinawakan, naghahanap ng init. "How did he die?""Car accident," tipid nitong sagot, ang hinlalaki ay marahang humahaplos sa likod ng palad niya. "Outside the island."Napakunot ang noo ni Alyssa. "May narecover bang body?"Sandaling tumahimik ang lalaki. Naramdaman ni Alyssa ang bahagyang paninigas ng mga kalamnan nito. "No. His car was found. Burn












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore