Share

Chapter 15

"Oh? Bakit magkasama sila ni Alice? At.. mukhang sobrang close nila. Wala na kayo ni Clark?" Biglang lumipad ang tingin sa akin ni Kayla.

Kumunot ang noo ko at iniiwas ang tingin sa banda nila Clark. "Hindi naman kami. Alam niyo namang hindi ko siya boyfriend."

"Alam namin. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ba siya interesado sa iyo? Alam ng lahat kung gaano siya kabaliw sa iyo," dagdag pa niya.

Hindi ako umimik. Wala akong pakialam. Ang problema ko ay hindi ako nakaabot bago magcut off.

"Teka, si Alice ba ang kasama niya? Sa lahat ng babae ay siya pa talaga? Hindi ka ba naiinis Cassandra?" tanong ni Emman.

Sa totoo lang ay naiinis ako. Nagsama pa talaga ang dalawang taong kinaiinisan ko. Malamang na baka pinagtatawanan nila ako o kung ano na namang kabalbalan ang mga pinagsasabi ni Alice tungkol sa akin.

Magakakasama kami noon nina Alice at Emman sa dating agency kung saan ako napatalsik dahil sa mga paratang sa akin noon ni Alice. Alam na alam ni Emman ang tunay na ugali ng babae k
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status