Share

Chapter 33

Buong hapon kami na namasyal ni Dark. Madalas daw siya rito noon kasama si Marcus kaya kabisado na niya ang buong lugar at alam ang mga magagandang spot na pasyalan.

Ngunit kahit buong hapon na kaming namamasyal ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya kanina doon sa garahe. Paulit-ulit iyon na umalingawngaw sa isip ko at tuwing mapapabaling ako ng tingin sa kanya ay iyon agad ang naiiisip ko.

Namumula lagi ang mukha ko kapag naaalala iyon. Ano ba ang gusto niyang iparating? Yung bike ang tinutukoy ko pero alam kong merong ibang kahulugan ang sinabi niya. At alam na alam ko kung ano iyon. Hindi naman ako inosente para hindi alam ang mga bagay na iyon.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit niya iyon nasabi? Naninibago tuloy ako. Pansin ko rin na madalas niya akong hawakan ngayon.

Tumikhim ako at ipinilig ang aking ulo nang magkatinginan kami. Lumapit sa akin si Dark at pinagmasdan ako.

"Hindi ka ba naglagay ng sunscreen? Namumula yang mukha mo," puna niya.

Kung alam lang niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status