"May problema ka ba, anak?" tanong ni mama sa kalagitnaan ng panunuod namin. Nandito kami sa sala at gaya ng kinaugalian namin ay tinatapos namin ang gabi sa panunuod ng mga teledrama. Nilingon ko sila ni Drei na nakatingin na sa akin. Ibinalik ko ang atensyon sa TV. "Okay lang naman ako, 'ma. Bakit niyo naman iyan natanong?""Napapansin kasi namin nitong mga nakaraang linggo na tahimik ka. Kung minsan ay malayo ang mga tanaw mo at natulala ka. May hindi ba magandang nangyari sa inyong paaralan bago ang bakasyon niyo?" puno ng pag-iingat niyang tanong. Si Drei ay tahimik lang na nanunuod pero alam kong nakikinig siya sa usapan namin.Tatlong linggo na simula noong bakasyon, simula noong huli naming pagkikita ni Dark.Tanggap ko na ang mga nangyari. May nararamdaman man akong kaunting galit sa mga panloloko ni Dark pero matagal ko na iyong tinangggap.Ang mahirap ay ang makalimot. Na sa kabila ng lahat ay naiisip ko pa rin siya minu-minuto at oras-oras. Lagi kong naiisip ang mga mag
"Mag-iingat ka anak at lagi mo sanang pagbubutihan ang iyong pag-aaral," bilin ni mama.Kinuha ko na ang mga bag ko at ngumiti sa kanila."Lagi kang bumisita ate kapag may libre kang oras ha?" ani Drei at hinalikan ang aking pisngi.Niyakap ko silang dalawa bago ako tuluyang umalis ng bahay. "Aalis na ako. Lagi kayong mag-iingat dito. Tatawag ako kapag nakarating na ako sa apartment."Two weeks from now ay pasukan na. Dati rati ay hindi ako ganito kaagang bumabalik pero dahil sa scholarship offer na nakuha ko ay kailangan kong maagang bumalik para maayos ko ang lahat ng mga kakalanganin bago magpasukan.Nauna na ang mga gamit ko doon. Pinakiusapan ko na lang si Manang Fe na sabihan ang delivery service kung saan ang kwarto ko. Hassle naman kasi kung ako pa ang magbubuhat ng mga iyon sa itaas.Nakatulugan ko ang buong biyahe. Ilang gabi na rin kasi akong puyat dahil sa kakaisip ng mga walang katuturang mga bagay. Muntik pa nga akong makalgpas sa babaan, mabuti na lang at ginising ako
"Ano ang ginagawa mo dito?" ulit na tanong ni Zenon sa akin.Malamig ang mga tingin niya. May disapproval sa mga mata niya na nakatingin sa akin. Naayos na niya ang necktie na inaayos niya kanina. Ang laptop naman niya ay nasa ibabaw na ng mesa."Do you have a tongue or what? Bakit hindi ka makapagsalita?"Inagaw ko ang aking braso na hawak niya at tiningnan nang matalim. Ano ba talaga ang problema sa akin ng isang ito? Isa talagang malaking palaisipan sa akin. Wala naman akong matandaan na magawang masama sa kanya para magkaroon siya ng matinding disgusto sa akin ng ganito. Tandang-tanda ko pa ang unanaming pagkikita. Unang ingkwentro pa lang namin ay mainit na ang dugo niya sa akin. Magkaaway siguro kami sa nakaraang buhay namin."Hindi ba dapat na nandito ako? Mabuti naman ang intensyon ko sa pagpunta ko dito ah. Wala naman akong masamang balak kaya bakit galit ka riyan?" hindi ko na narendahan ang bibig ko. Iniinis niya kasi ako eh.Kita ko ang pagtiim bagang niya sa sinabi kon
Para akong lantang gulay nang makauwi ako sa aking apartment. Puno ako ng energy noong pumunta ako sa De Marco Group pero ngayon ay wala ng natira ni isa.Pabagsak akong humilata sa sofa at pumikit ng mariin. Inalala ko ang mga nagyari kanina. Ni isang detalye ng aking buhay ay walang pinalampas si Zenon. Kulang na lang ay tanungin niya kung ano ang kulay ng underwear ko.Ang sabi niya kanina ay thirty minutes lang ang interview ngunit umabot na ng isang oras ay sige pa rin hanggang sa hindi ko namamalayan na malapit na pala ang tanghalian.Hinalukay niya ang lahat lahat hanggang sa kadulu-duluhan ng akin ninuno. Para siyang imbestigador sa dami ng tanong niya. Para akong criminal na iniimbistigahan. Pakiramdam ko ay nahubaran niya ang buo kong pagkatao.Hindi ko naman magawang magsinungaling kaya ang lahat ng mga sinabi ko ay pawang katotohanan. Mas mahirap na pagtagpi tagpihin ang mga impormasyon kapag magsinungaling pa ako. Mas lalong hindi ako makakapasa kapag natunugan ng lalak
Masigabong palakpakan ang namayani pagkatapos ng closing ceremony."Congrats, ate!"Malaki ang ngiti na niyakap ko ang kapatid ko."Salamat. Yung gift ko?""Nasa bahay ate. Hindi ko na dinala dahil baka masira pa," sagot ni Drei.Natatawa akong kumalas sa kanya at binalingan si mama na nasa aking tabi, naiiyak at tahimik na nanunuod sa amin ni Drei.Nginisihan ko siya. "Bakit naman kayo umiiyak, 'ma? Hindi ba dapat ay masaya ka?"Umiling si mama at niyakap ako ng mahigpit. "Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan. Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas ay graduate ka na. Congratulations, anak. Patawarin mo sana ako kung hindi kita nasoportahan noon. Proud na proud ako sa iyo," iyak niya sa aking balikat.Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko lang. Nasa gitna kami ng malawak na gymnasium dito sa paaralan. Katatapos lang ng graduation ceremony at sobrang ingay ng paligid. Tulad namin ay may mga mag-anak na nagyayakapan, kumukuha ng mga larawan at iba pa.Pumikit ako at umusal ng pasasala
Hindi ko alam kung makailang beses ko nang tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Pang sampo na siguro kung hindi ako nagkakamali.Nakasuot ako ngayon ng pencil cut skirt, white top at isang itim na blazers. Two inch black heels naman sa paa ako. Ang huling araw na nagsuot ako ng ganitong damit ay noong thesis defense nila. Pero ngayon na nagtatrabaho na ako sa kompanya ay araw-araw na akong mag-susuot ng mga ganitong damit. Corporate attire.Lalo akong gumanda dahil sa suot kong damit ngayon. Dagdag pa doon na nakalantad ang mahahaba at mapuputi kong mga hita.Lumabas na ako sa condominium at naglakad na sa kahabaaan ng malawak at maingay na kalsada. Umaga pa lang ay medyo may kabigatan na ang trapiko.Sampong minuto lang ang lakaran mula sa aking condo patungo sa kompanya na aking papasukan kaya nilakad ko na lang. Para naman kasing tanga kung mgtatricycle pa ako. Sa labas pa lang ng building ay hindi ko na mapigilan ang hindi mamangha at mapanganga sa kabuuan nito. Sobran
Namalayan ko ang aking sarili sa loob ng comfort room. Mabilis ko itong inilock at wala na akong pakialam pa kung may gustong mag-cr.Nanginginig ang buo kong katawan. Ang mga kamay ko ay sobra sobra ang panginnginig na kailangan ko pang pagsiklupin ang mga ito ng mahigpit upang tumigil ito. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maputla ang mukha ko. Kung wala lang pahid ng lipstick ang aking mga labi ay makikita na na kulay puti rin ito. Ang mga mata ko ay sobrang pula sa pagpipigil ng mga luha.Iiyak ba ako? Hindi ko alam. Sa dami at halo-halo na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin doon!Si Dark... Bakit siya nandito? Siya si Alexander Miller? Ang may-ari ng kompanyang ito?? Paano iyon nangyari? Dark ang pangalan niya at hindi Alexander! Maaari bang magkamukha lang sila? Pero hindi, hindi ako pwedeng nagkamali! Alam ko ang mga tingin na iyon. At kung ibang tao siya ay hindi ko mararamdaman ang ganito kahit na sabihin na magkamukha lang ang mga ito. Nguni
Dumaan ang isang oras na nakaupo lang ako dito sa aking lamesa. Pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak habang iniisip ang mga bagay at gamit na bibilhin na pwedeng ilagay dito sa bakanteng lamesa ko, yung mga cute stuff para pampaganda lang ng mood habang nagtatrabaho.Tumingin ako sa intercom na nasa gilid ko. Ayon sa nakalagay dito sa papel ay hindi raw ako pwedeng oumasok sa loob ng office ng boss hangga't wala itong sinasabi. Tungkol naman sa mga schedule at appointments niya na kailangan kong ipaalala ay sasabihin ko na raw mismo din sa intercom. Napapaisip tuloy ako kung ganito ba lahat ng mga naging sekretarya niya o sa akin lang. Hindi naman ganito ang communication ng boss at secretary sa pagkakaalam ko. Parang may mataas at makapal na pader sa gitna namin.At bakit ko pa ba iyon pinoproblema? Dapat nga ay masaya ako na ganito ang set up namin. Hindi ko na kailangan na makita ang pagmumukha niya palagi, hindi ko na kailangan na pakisamahan ang kanyang ugali.Muli kong naalal