Share

Chapter 20

"Doc, may pasyente po kayo," rinig kong sabi ng nurse sa labas ng clinic ko.

I sighed before putting the clipboard I was holding on my desk. Amputek, tapos na ang clinic hours ko may humabol na naman. Uwing uwi na ako eh.

"Let them in," I said, half hearted.

Once the door of my clinic opened, pinasadahan ko ng daliri ko ang buhok bago inayos ang coat ko. A lady stepped inside together with a kid.

Nakaramdam ako ng kakaiba havnag tinitignan ko ang mag ina na pumasok. Pakiramdam ko, eh kilala ko sila.

Tinignan ko yung anak na maupo sa sofa dito sa clinic ko. She's very obedient to her mom. May benda pa siya sa kanang braso niya. Tahimik lang itong nakaupo, habang nag cecellphone.

Amputek, ganyan na ba ang mga bata ngayon? Cellphone na ang libangan?

Naalala ko dati, nag lalaro lang ako ng gagamba tapos nilalagay ko iyon sa lalagyan ng posporo. O di kaya, nag lalaro ako sa labas tapos uwi ko, gusgusin ako. Galit na galit nanay ko noon eh, gusto manaket.

When the lady looked at my side. My world stopped spinning. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.

Para akong napipe at hindi makapag salita. Now I know why am I feeling that why a while ago. I can't formulate a wotd or sentence, to say to her. For almost 9 years, ngayon ko nalang siya ulit nakita.

Lyric Chelsy Faller Makinano

Maraming nag bago sa kanya. Mula ulo hanggang paa. Pasimple kong tinignan ang kamay niya para hanapin kung may singsing siyang suot.

"Doctor Monteferrante?"

Nabalik ako sa realidad nang mag salita siya, "Y-yes?"

She smiled at me and handed me a brown envelope, "I would like to ask for a second opinion about my daughter's X-ray. Sabi kasi ng doctor niya noon, there's a fracture and need magpa surgery, so humanap ako ng second opinion. I saw an article that, you are one of the best radiologist we have here in the Philippines, so hinanap ko talaga ang clinic mo."

Tumikhim ako bago ko tinanggap iyon. I smiled when I heard her say one of the best radiologist we have in the Philippines. Kinuha ko ang X-ray sa loob at tinapat sa ilaw na nasa likuran ko.

"Based from this X-ray, I can't see any fractured bones, so no need  for a surgery," I said while looking at the X-ray.

I handed it back to her and she smiled at me before putting it inside the brown envelope.

"H-how are you?" I managed to say that kahit barado na ang lalamunan ko.

Her gaze went up to look at me, "I'm fine, you?"

I looked at her daughter who's looking at us now, bago ko binalik ang tingin sa kanya, "S-she's your daughter?"

Ngumiti siya sa akin bago pinalapit ang anak niya. I looked at her daughter who's now smiling at me.

"This is Syrah Lindleigh, my daughter."

My daughter

My daughter

My daughter

Ano?!

Tumikhim ako bago ko tinignan ang anak niya, "Hi," that's all I can say.

Ano ba kasi dapat sasabihin ko? Kumusta ka na? Kelan birthday mo? Anong zodiac sign mo? Nag aaral ka na ba? Anong grade? Saan school?

Baka akalain pa ng bata, eh isa akong stalker. Mawalan pa ako ng trabaho, amputek.

"Hi doc. It's nice to meet you po," nakangiting bati sa akin ng anak ni Chelsy.

Based on her physical features, mukha siyang may lahi. She has this chinky eyes, pointed nose, hazelnut hair, white skin at medyo mapula pa ang pisngi niya.

Binalik ko ang tingin ko kay Chelsy, na nakangiti pala sa akin ngayon.

Putek Sebastian, be professional!

"Uhm," tumikhim ako habang tinatapik ng daliri ko ang mesa ko, "like I said, I can't see any fractured bones basrd on the X-ray you gave me, so no need for a surgery."

Tumango si Chelsy at hinarap ang anak niya. Hinawakan pa niya ito sa balikat, "I told you Lily there's is no fractured bones, so don't be scared," the Chelsy looked at my side, "she was scared when she heard that she needed to do a surgery."

I smiled at the both of them, before tapping Syrah's head, "Don't be scared anymore. We will not do any surgery on you."

"Sige doc, mauna na po kami," paalam ni Chelsy and they were about to go out of my clinic, nang pigilan ko sila.

"Hatid ko na kayo," I told them habang kinukuha ko ang gown ko.

"No need," agad na tanggi ni Chelsy, but her daughter said something na nagpakunot ng noo ko.

"Mommy, pumayag ka ng ihatid tayo ni doc. Ayokong mag commute po eh, gabi na kasi."

When I looked at Chelsy, nakagat siya ngayon sa kanyang pang ibabang labi niya. I smiled at her and walked towards there direction.

"Lets go," I told them at nauna sa paglalakad while they were stalking me from behind.

Dumaan lang ako saglit sa ward ng mga nurse para ipaalam sa kanila na aalis na ako. Nang makarating kami sa parking lot nutong hospital, agad kong pinatunog ang sasakyan ko para mag bukas na iyon.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa back seat, pero sinigurado ko naman na makakaupo ang bata sa likod.

"Lily, get inside the car na," rinig kong sabi ni Chelsy sa anak niya, at agad naman itong sumunod sa ina.

I looked at Chelsy nang makapasok na sa loob ng kotse ko ang anak niya, "Tara na? Baka antukin na ang anak mo."

Nanatili ang tingin niya sa sasakyan ko. Ilang beses din siyang namalikmata, na para bang namamangha siya sa nakikita niya.

"Wow, Audi ang sasakyan mo," then she looked up at me, "that's nice."

"Saan kayo nakatira ngayon?" I asked Chelsy habang nasa byahe kami.

Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong napatingin siya sa akin saglit, "Uhm, sa Caloocan."

"Caloocan?!" Gulat kong sabi at napatingin pa sa gawi niya. Nakita ko siyang nakangiwi na ngayon sa akin, halatang nahihiya na.

"I told you naman kanina na huwag mo na kaming ihatid ng anak ko diba," nahihiya niyang sabi habang pinaglalaruan niya ang daliri niya.

Huminga ako ng malalim at pasimple kong tinginan ang anak niya sa rear mirror ng sasakyan, "Mabuti nga hinatid ko kayo, look at your daughter right now."

Sa sinabi kong iyon, agad siyang napatingin sa backseat. Her daughter is already sleeping so peacefully. Nakahiga siya ngayon sa backseat, at ginawa pa niyang unan ang bag ko.

"She's really tired," bulong ni Chelsy at humarap na ulit sa harapan.

"Malamang. Nag commute kayo from Caloocan hanggang Makati para magpa check up. Plus the fact na pilay siya at gabi na ngayon, pagod na iyan malamang," I told her and I heard her sigh.

Hindi na siya umimik pagkatapos non, kaya nanahimik nalang din ako.

"Yung bahay sa kanto," turo ni Chelsy at sinunod ko naman iyon.

Mula sa loob ng sasakyan ko, I can see their house. Isang palapag lamang iyon na kulay cream white, may itim na gate sa harapan. Their house is just simple, sakto lang para sa kanilang dalawa.

"Uhm, salamat sa pag hatid," she looked at both left and right, parang may gustong sabihin pero nag aalangan, "Sebastian."

My heart skipped a beat when I heard her say my name again.

I bit my lower lip, "Can I...... come in?"

"Ha?!" Gulat na tanong niya sa akin kaya pati ako nagulat.

Napakamot ako sa batok ko, "Uhm, naaawa lang ako sa anak mo kung gigisingin mo siya," tumingin ako sa gawi niya.

I saw how she bit her lower lip, "Uhm, hindi ayos lang iyan. Sanay na si Lily sa ganito."

I looked at her daughter who was sleeping so peacefully sa likod. Humihilik pa nga siya ng bahagya kaya napangiti ako ng palihim.

Ang cute amputek

Binalik ko ang tingin ko kay Chelsy na ngayon ay pinagmamasdan din pala ang kanyang anak na natutulog ng mahimbing.

"Buhatin ko nalang si Syrah, imbes na gisingin mo siya," suhestyion ko at agad na tinanggal ang seat belt na suot ko.

"Pero--"

I cut her off, "No buts, sige na."

Mabuti naman at sumunod siya sa akin. Sabay kaming umalis sa pagkakaupo namin. Binuksan ko yung pinto ng backseat ng sasakyan, at maingat kong binuhat yung bata, habang si Chelsy ay kinukuha ang gamit nila. Syrah immediately encircled her arms around my nape habang sinasara ko ang pintuan.

Nauna sa paglalakad sa akin si Chelsy para buksan ang gate nila.

"Cone in, come in," Chelsy said habang pinipindot ang switch ng ilaw.

Nang mag bukas ang ilaw, doon ko nakita ang kabuoan ng bahay nila. Pagpasok mo ng bahay nila, altar at tv na nakasabit sa pader ang makikita mo. May sofa na kahoy sa kaliwa, at may computer table sa kanan. Kapag lumakad ka pa, sa kaliwang bahagi, may dalawang kwarto kang makikita, at katapat nito ang simpleng dining area.

"Pasensya makalat," nahihiyang sabi ni Chelsy at tinignan ako, saka bumaba ang tingin niya sa anak niya na buhat ko.

"Pasok ka sa kwarto namin," mahinang sabi ni Chelsy pagkapasok namin sa kwarto nila.

May isang queen size bed kang makikita, mga shelf at drawer.

Dahan-dahan kong binaba si Syrah sa kama nila, at agad itong tumagilid ng higa, para akapin ang unan sa tabi. Chelsy opened the small aircon they have inside the room.

"What do you want? Coffee, tea, juice, or water?" Tanong ni Chelsy sa akin pagkasara ng pintuan ng kwarto nila.

Hinarap ko siya saka namulsa, "Coffee will do."

Tumango ng ilang beses si Chelsy sa akin, "Coffee then."

Nag tungo kami sa simpleng dining area nila at doon ako pinaupo ni Chelsy, habang gumagawa siya ng kape ko. Mula sa kinauupuan ko, kita ko ang banyo nila na nasa kaliwa, bale ito yung likuran ng pader na pinagsasabitan ng tv.

"Here you go," binaba ni Chelsy ang tasa ng kape sa harapan ko, habang siya ay may iniinom na kape rin.

"Salamat," nakangiti kong sambit sa kanya.

She stood up, kaya napatingin ako sa kanya, "You want bread?" Alok niya sa akin at agad naman akong tumanggi, kaya bumalik siya sa pagkakaupo niya sa harapan ko.

Inikot ko ang paningin ko sa bahay nila, "Your house is clean," puri ko, kasi talagang malinis naman siya. May kaunting kalat doon sa office table, pero understandable naman.

Ngumiti ng tipid si Chelsy sa akin, "You know me Sebastian, hindi ako nakakatagal sa makakalat na lugar. I want everything clean and in order."

Ngumiti rin ako sa kanya at tumango bago sumimsim sa kape.

"Maliit lang yung bahay niyo, pero sakto lang par sa inyong dalawa," sabi ko at nakita ko ang pag silay ng mapait na ngiti sa labi niya.

"Not what you expected from the girl who graduated civil engineering, right?"

"No, it's not--"

She cut me off, "Actually, rent to own itong bahay namin ngayon. Mabuti nga natapos ko ang pag bayad, so this house is already ours. Sa amin na nakapangalan ang titutlo," pagkwento niya and I didn't say anything, so she continued.

"At first, syempre nahirapan ako. Nangapa kasi ako kung paano mabuhay ng mag isa. Like, yung totally ikaw lang mag isa," tumingin siya sa pinto ng kwarto nila kaya sumunod doon ang tingin ko, "right after I gave birth to Syrah and right after I graduated and passed the board exam sa Spain, umuwi na kami dito ng anak ko sa Pilipinas. Sa ngayon, nag iipon pa ako para sa pagpapagawa ng sarili talaga naming bahay. I already have a blueprint for that, ipon nalang. Pinagkakasya ko kasi ang lahat ng income ko, for Syrah's tuition fee, and for our everyday needs. Malaki naman kita ko, but I want to be practical first."

Tumikhim ako at pinasadahan ng daliri ang buhok ko while biting my lower lip, "Kumusta si tita? Sabi mo sa akin before, may sakit siya."

She looked at me teary eyed, "She died, 3 years ago.

"I'm sorry," mahinang sabi ko but she jjst shook her head and smiled at me.

"It's okay, hindi mo naman alam eh," pampalubag loob niya sa akin.

"Grabe talaga iyon, ang hirap mag palaki ng bata lalo na at ikaw lang mag isa. Naranasan ko ngang ma bankrupt once. I don't know what do that time. Tanging nasa isip ko lang ay, yung anak ko, kailangan niya ng maayos na buhay. Mabuti nga at nakayanan ko palakihin ng mabuti si Syrah," she looked at the door of their room again, "Syrah is a brilliant kid," tumingin siya sa akin ng nakangiti, "biruin mo, at the age of 3 she knows all the elements sa periodic table, yung mga symbols at kung anong number ang elements alam na niya."

"Wow," iyon nalang ang nasabi ko. Putek, paano iyon? Ang unfair naman, ako nga hindi ko saulado ang elements sa periodic table eh.

Tinignan ko siya at seryoso na ang tingin niya sa akin ngayon. I cleared my throat before smiling at her.

"I'm so proud of you, Engineer Makinano. For raising a child your by yourself. I'm so proud of you," nakangiti kong sabi sa kanya.

She also smiled at me, "I'm so proud of you also, Doctor Monteferranre, for not giving up your dreams."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status