Share

CHAPTER 5

Author: Lunayvaiine
last update Last Updated: 2023-01-07 14:19:09

JOHAN'S POV

Pauwi na kami galing maynila. Kaya na ni Dheaven ang sarili niya doon. Gusto naman talaga namin siyang tulungan e kaso ayaw naman niya. Ayaw naman namin pilitin kasi sabi naman niya hindi pa siya handa.

"Ano pre handa kana ba harapin ulit si Ciela? panigurado sasabunin ka niyon at hahanapin sayo kung nasaan ang pinsan niya." pang-aasar ni Jeremiah.

"Anong ako, baka nakakalimutan mo magkakasama tayo. Idadamay talaga kitang gonggong ka. Kayo kaya nagsabi na ako magsabi kay Rhaenyssa na hihiwalayan na siya ni Dheaven."

"Syempre ikaw unang hahanapin ni Ciela,"

"Bahala na alangan naman sabihin ko sa kaniya nasaan talaga pinsan niya e alam mo naman hindi pa handa iyong isa."

Hindi na siya ulit nakipagtalo sa'kin. Wala naman talaga kaming alam sa nangyare. Ayaw kasi talaga sabihin ni Dheaven dahilan niya.

Kinabukasan bumalik na kami sa School, mabuti na lang napakiusapan namin ang school director. Nagpaalam naman kami ng maayos sa mga teacher's namin lalo na si Dheaven. Hindi ko alam anong dinahilan niya at pinayagan siyang hindi pumasok ng matagal. Kung sa iba iyan baka ibagsak siya sa lahat ng subjects.

Sabay kaming pumasok ni Jeremiah dumiretso kasi kami sa office ng school director. Mabuti na lang family friend namin siya kaya madali lang napakiusapan.

"Pre, lagot na nandiyan na si Ciela at ang tropa niya."

Malayo pa lang ay tanaw na namin ang pinsan ni Dheaven. Kasama niya si Rhaenyssa. Mugto ang mga mata at sobrang tamlay. Napalunok ako dahil papalapit na sila sa pwesto namin. Parang gusto ko na lang tumakbo palabas ng school. Pero ayoko isipin nila na naduduwag ako at pinagtatakpan ko talaga pinsan niya kahit iyon naman talaga ang totoo.

"Mabuti at buhay pa pala kayo, akala ko ay naglaho na rin kayo kasama ng pinsan ko." unang bungad sa amin ni Ciela.

Hindi ko pwedeng sabihin na hindi siya galit dahil halata naman sa itsura at pananalita niya.

"Wala naman kaming kinalaman sa desisyon ni Dheaven." sagot ni Jeremiah.

"Ah talaga? kaya pala magkasama kayo sa condo ni Ally, anong akala niyo hindi ko malalaman na doon kayo galing pag-umpugin ko kayo diyan e."

"Sinamahan lang namin si Dheaven niyon kasi nagyaya siyang mag-inom. Kinabukasan umalis na siya hindi nga namin alam saan siya ngayon. Nagising na lang kaming lahat na wala na siya doon sa condo ni Ally. lasing na lasing kasi ako ng mga oras na iyon kaya wala akong masyadong maalala." totoong lasing ako niyon wala nga akong maalala kung ano pinaggagawa ko ng gabing iyon.

"Kung ako sa inyo sabihin niyo na sa'kin kung nasaan ang pinsan ko. Tingnan niyo nga itong si Rhaen. Mugto na ang mata araw-araw umiiyak hindi ba kayo marunong maawa."

Ito talaga ang pinaka-ayaw ko iyong kinokonsensya ako. Nadamay lang naman talaga kami sa kalokohan ni Dheaven e. Ano ba kasing pumasok sa utak niyon bakit niya ito ginagawa pati tuloy ako nagkaroon ng problema kahit ang ayos naman sana ng buhay ko.

"Kahit pigain mo pa kami Cie, wala talaga kaming alam kung nasaan si Dheaven ang huli niyang sinabi magpapalamig muna siya. Haharapin naman niya si Rhaen kapag handa na siya." sagot ni Jeremiah

Walang nagawa sila Ciela kung 'di ang paniwalaan na lang sinabi namin. Wala din naman siyang makukuhang sagot sa amin. Nirerespeto namin ang gusto ni Dheaven. Ayaw din naman namin siyang pangunahan.

SAFIYAA's POV

"Saan kayo galing bakit ganiyan mga mukha niyo?" tanong ko sa mga kaibigan ko pagbalik nila sa room.

"Nakasalubong namin sila Johan." wala sa mood na sagot ni Ciela habang inalalayan si Rhaen na umupo.

Kanina pa kasi umiiyak si Rhaen. Hindi naman namin mapatahan kaya sinamahan muna ni Ciela sa labas para magpahangin.

"Kasama ba si Dheaven? anong sabi?"

"Hindi nila kasama ang pinsan ko wala din silang alam kung nasaan ngayon ang pinsan ko tikasan na lang daw sila basta."

"Hindi pwede iyan, baka naman pinagtatakpan lang nila si Dheaven." sabat naman ni Rohana na noon ay abala sa pagtatapos ng assignment niya.

"Huwag ka muna sumabat Rohana tapusin mo muna assignment mo. Pakopya mamaya ah." pang-aasar ni Francyn.

"Teka nga, hindi ba nakita natin may pi-nost silang picture magkakasama sila sa isang condo?" aniya ni Francyn.

"Sa condo ni Ally iyon isa sa mga kaibigan nila. Inamin naman ni Johan na magkasama sila ng araw na iyon pero kinabukasan iniwan sila ni Dheaven at ngayon hindi nila alam kung nasaan."

Pambihira parang kapatid ko lang iniwan din si Ciela pero mas matino pa din si Kuya kasi nagpaalam naman siya kay Ciela iyon lang hindi rin nilinaw masyado ang dahilan. Muntik pa kami mag-away ni Ciela dahil sa kagagawan ng Kuya ko. Mabuti na lang at naintindihan niya na wala akong kinalaman at wala akong alam sa dahilan ng kapatid ko.

Uuwi na nga mamaya si Kuya, hindi ko alam anong magiging reaction ni Ciela kapag nagkita sila. Bakit kasi pumatol sa bata pa sa kaniya at kaibigan ko pa damay na naman ako kapag nagbangayan sila hay naku!

Pero sana naman ay hindi sila magkasagutan. Hindi ko din alam bakit uuwi si Kuya akala ko nga wala na siyang balak umuwi, simula kasi ng maghiwalay sila ni Ciela pumunta na siya ng maynila para doon magtrabaho. Nag-aaral din si Kuya at the same time nagta-trabaho nagulat nga magulang ko sa desisyon niya e kasi kaya naman siyang pag-aralin nila Mommy pero mas pinili niyang pag-aralin ang sarili at mamuhay mag-isa na malayo sa amin.

CIELA's POV

Nakaka-badtrip talaga ang araw na'to akala ko pa naman malalaman na namin kung nasaan si Dheaven. Nakarating na sa mga magulang at tita niya ang nangyare kasi hindi na daw siya umuuwi sa kanila. Wala akong maisagot sa kanila kasi kahit ako ay hindi rin alam kung nasaan siya.

"Rhaen, tara ihatid na kita sainyo." sabi ni Francyn. Medyo malapit lang kasi bahay nila Francyn at Rhaen. Mabuti na rin iyon may kasama si Rhaen. Nag-aalala kasi kami sa kaniya ilang araw na siyang hindi okay, simula ng iwan siya ni Dheaven palagi na lang mugto mga mata niya.

Ano na lang sasabihin ng mga magulang niya sa amin.

"Gusto ko muna mapag-isa." bigla niyang sagot kay Francyn.

"Rhaen, hindi kita pwedeng pabayaan mag-isa. Sige ganito nalang sasamahan kita kung saan mo gusto. Lalayo lang ako konti sayo babantayan lang kita." ani Francyn.

Siya kasi talaga ang mas concern sa aming lahat minsan hindi lang siya showy pero mabait at mapagmahal sa kaibigan si Francyn. Siya ang ate sa aming lahat, kahit magkasing-edad lang kami.

"Sige, uuwi na lang ako."

Biglang nagbago ang isip ni Rhaen.

Ramdam naming lahat ang sakit na nararamdaman niya. Kasi nakikita namin kinikilos niya parang kaming lahat naiiyak at nalulungkot talaga para sa kaniya.

Mas ramdam ko si Rhaen kasi nangyari na din sa akin iyan nang-iwan ako ng kapatid ni Safiyaa. Iyong akala mo okay kayo kasi masaya naman relasyon niyo. Wala naman kayong pinag-awayan tapos sasabihin bigla sayo na ayaw na niya. Ang masakit pa hindi mo alam anong dahilan bakit nagsawa agad siya. Bakit biglaan, hindi ko napaghandaan iyon kasi kahit sa panaginip hindi ko pinangarap na iwan ako ng gan'on na lang ng taong mahal ko.

Simula ng iwan niya ako hindi na ako nagpaligaw lahat ng lalaki na lalapit sa'kin at gustong makipagkilala sinusungitan ko at wala akong pake kung ano sasabihin nila.

"Sige na Francyn hatid mo na si Rhaen, mag-iingat kayo ah, text mo nalang kami kapag nakauwi na kayo."

Hinatid namin sa parking lot ang dalawa may sundo naman si Francyn kaya sinasabay niya si Rhaen pauwi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • It's Always Been You   CHAPTER 27

    FRANCYN's POVKainis naman 'tong si ate kadarating nga lang namin kina Dheaven bigla-bigla nalang tatawag na papauwiin na ako at kailangan niya ng tulong, akala ko naman kung anong tulong. Gagawin lang pala akomng utusan. Argh! nakakainis, kung alam ko lang sana hindi ko na iniwan si Rhaen d'on, nagkaroon pa tuloy ako ng iisipin kung ano na nangyare sa pag-uusap nila.Nabu-buwesit lang ako dito, saka ba't ba nandito ang isang 'to. Malas naman naging classmate ni ate 'to!."Tulungan na kita, wala naman na akong gagawin." argh! lord please lang pigilan niyo lalaking 'to baka masapak ko ng wala sa oras 'to.Nginitian ko siya ng pilit saka humarap sa kaniya. "Hindi na nakakahiya naman sa bisita ni Ate.""Gusto ko lang din tumulong saka sanay naman ako sa gawaing bahay." aba't nagmalaki pa hindi ko naman tinatanong.Huminga muna ako ng malalim, kinakalma ko ang sarili ko. Kasi sa pagkakaalala ko hambog ang isang 'to bakit ganito na ngayon umasta ito? na para bang wala siyang naaalala at hi

  • It's Always Been You   CHAPTER 26

    DHEAVEN's POVAlas syete pa ng umaga, tamad na tamad akong kumilos at bumangon pero nagising ang diwa ko nang sabihin ni Manang na nasa baba naghihintay si Francyn at Rhaen. Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili, nae-excite ako dahil sa wakas mag-uusap na kami.Teka? bati na sila ni Francyn, lokong babaeng iyon ah! hindi man lang ako sinabihan. Pero ayos na rin iyon nakokonsensya rin ako kasi dahil sa'kin nagkasira sila. Nang makababa ako natulala sila nang makita ako, sus alam ko naman na gwapo na ako bakit kailangan pa ganiyan sila tumingin sa'kin. Natawa nalang ako, iba talaga excitement ko pati sarili ko kinakausap ko na."Ang aga niyo naman anong meron?" tanong ko, na kay Francyn ang atensyon ko. Ayoko ipahalatang excited akong makausap siya."Hi dude? pasensya na naistorbo namin tulog mo, good morning pala. Sana masaya ang gising mo kasi kung hindi aalis na lang kami." kita mo 'tong babaeng 'to. Okay na sana e!"Syempre masaya naman lagi gising ko. Tara kain muna kayo.

  • It's Always Been You   CHAPTER 25

    ESTELLA'S POVGaya nga ng napag-usapan ay sa bahay gaganapin ang meeting namin para sa thesis. Kaya nagpahanda ako ng maraming meryenda. Nakakahiya naman kung hindi ko sila papakainin 'di ba?"Anong meron ba't ang daming pagkain? birthday mo ba?" iyan agad ang bungad sa'kin ni Francyn pagkababa niya."Hindi no? "Oh, ano ngang meron?""Darating mga classmates ko dito kami magme-meeting para sa thesis namin. Since tayo lang naman dito kaya nag-suggest na ako na dito na lang, saka nagpaalam na rin naman ako kina Mommy wala naman problema basta about sa schoolworks lang.""Ikaw? saan ang punta mo bihis na bihis ka ah!" "Magkikita kami ni Rhaen, may pupuntahan raw kami.""Mabuti iyan magbo-bonding uli kayo, Oh siya mag-ingat ka umuwi ka ng maaga ah!"Syempre masaya ako na okay na talaga sila ng bestfriend niya. Ilang buwan din nilang tiniis ang isa't-isa. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga ka-klase ko. "Hi guys! tara pasok kayo huwag kayo mahiya feel at home." sabi ko."Wow ang l

  • It's Always Been You   CHAPTER 24

    CHELSEA's POVAng boring talaga dito sa bahay hindi naman ako pwedeng lumabas dahil baka maligaw ako. Tagal naman kasi ng susunod na pasukan excited pa naman akong pumasok. Buong araw na akong nakahiga, gusto ko sana gumala kaso wala rin akong masakyan kasi iyong driver namin nand'on pa sa school hinihintay matapos klase ni Ciela. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga articles online kahit wala naman akong naiintindihan 'yong iba kahit fake news nilalagay pa rin sa article. Ano ba nakukuha ng mga ito sa pagkakalat ng mga hindi totoo, hindi naman ikakaunlad ng bansa ang mga ginagawa nila. Maya maya pa ay tumunog ang phone ko, here we go again. Kailan ba mapapagod ang isang 'to sa pangungulit sa'kin."Yrine? kailan ka ba babalik dito?" "For what reason Mavy?" yes it's Liam again, my sister's ex."Nakalimutan mo na bang meron pa tayong project, last chance mo nalang 'to para linisin ang pangalan mo dito Australia.""Hindi na ako babalik, If you come back here you know w

  • It's Always Been You   CHAPTER 23

    FRANCYN's POVSobrang awang-awa na ako sa setwasyon nila magda-dalawang linggo na silang hindi nagpapansinan hindi ko rin maintindihan kung paano nila nakakayang balewalain ang isa't-isa parang wala silang pinagsamahan. Tatlong buwan na lang matatapos na ang klase. Hindi ko pa alam saan ako mag-aaral tatanungin ko pa parents ko. Pero mas gusto ko dito pa rin sa school na'to madami na akong memories dito hindi pa ako ready na ilet-go ang mga iyon. Syempre may mga kaibigan pa rin akong gusto pa mag-aral dito lalo na si Ate.Nasa labas ako nang matanaw ko si Rhaen na naglalakad. Agad akong lumapit."Bes!"Huminto siya saka lumingon sa'kin, iyong tingin niya walang emosyon parang hindi niya ako kilala."Please, pwede ka bang makausap. Alam kong iniiwasan mo rin ako gaya ng pag-iwas mo kay Dheaven. Hindi ko alam pero naiintindihan ko. Naiintindihan kong nasasaktan ka, naguguluhan pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo kami kayang tiisin. Hanggang kailan mo kami iiwasan?" Paiyak na ako n

  • It's Always Been You   CHAPTER 22

    CIELA's POVPalabas na ako ng gate ng maabutan ko si Dheaven sa labas mukhang may hinihintay kaya nilapitan ko, alam kong si Rhaen ang inaabangan niya. Nangako ako kay Rhaen n'ong nakiusap siya sa'kin na huwag muna palapitin si Dheaven sa kaniya kahit nasa iisang school lang kami. Hindi ako pumayag dahil kaibigan ko siya, pumayag ako dahil mahalaga sila pareho sa'kin. "Kung si Rhaen ang hinihintay mo umuwi kana kanina pa siya umuwi nagpaalam siya ng maaga masama ang pakiramdam niya. Pinsan nakikiusap ako hindi bilang pinsan mo kun'di bilang kaibigan niyong dalawa. Huwag mo muna ipilit na kausapin si Rhaen, Hayaan mo muna siya. Kakausapin ka rin niya huwag muna ngayon. Naiintindihan ko setwasyon niyo, alam mong galing din ako diyan minsan na rin akong naghabol sa taong mahal ko. Pero n'ong na-realize ko nakakapagod pala, kasi mas masakit maghabol kung ayaw ka naman kausapin. Hindi ko sinasabi 'to para sukuan si Rhaen, sinasabi ko 'to para bigyan niyo muna sarili niyo ng pagkakataon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status