Share

Chapter 43

Bakas ang pamumugto ng mga mata ko nang maisipang makipagkita sa 'kin ni Biguel. Nang sandaling magsalubong ang titigan naming dalawa ay mabilis na siyang nagtungo sa direksyon ko at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap na ikinapikit ko.

Sawang-sawa na akong lumuha. Sawang-sawa na 'ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kung pwede lang magpakamatay nang mabawasan ang mga problema ko... baka ginawa ko na.

Pasado alas kwatro na ng madaling araw nang umalis ako sa bahay kasama ng mga gamit ko. Mabuti na lang at si Biguel na rin ang nagkusang-loob na pansamantala akong samahan sa park habang naghihintay kami kay Bryan na nag-alok ng matutuluyan pansamantala sa 'kin.

“What happened?” tanong niya nang humupa ang iyak ko.

Tahimik ko siyang binalingan ng tingin habang patuloy pa rin sa pamumugto ang mga mata kong wala yatang planong humupa sa pamamaga.

Bakas sa mga mata niya ang pinaghalong takot at pakikisimpatya na bahagya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status