Share

Chapter 48

Nauulinigan ko ang dalawang taong hindi man gano'n kalayo sa pwesto kung saan man ako nakahiga, ngunit rinig na rinig ko kung ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa.

“This is a form of kidnapping, Iya,” rinig kong singhal ni Daddy na nakapikit kong ikinanguso. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Paano kung magising ang anak mo at ikaw ang itinurong dumakip sa kanya? Paano kung magsumbong siya sa mga awtoridad? Nag-iisip ka pa ba?”

Halata sa boses ni Daddy ang pinaghalong pangamba at takot para sa babaeng sinesermonan niya. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o kung matatawa sa uri ng pag-aaway nilang dalawa.

Dinaig pa nila ang mga bata sa ayos nila.

“Don't worry, Jonas. I can handle it.”

“You can handle it? Sa pamamagitan nito, Hyacinth? Really?” galit na tugon ni Daddy na animong sinasabon na ngayon si Tita Hyacinth mula sa pag-uusap nilang dalawa.

“Yes, I love you,” sagot ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status