Share

Chapter 50

Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.

Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.

All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.

Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.

Umasa ako na hindi ko n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status