Share

21: Totoo na Tsismis

Penulis: celestialhope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-01 18:27:43

Nasa isang coffee shop si Sophia, nakaupo sa isang sulok habang nakatitig sa tablet na nasa harap niya. Halos hindi siya makapaniwala sa nabasa.

"Julian Sebastian’s Company Facing Financial Ruin because of scammers."

Napakurap siya. Binasang muli ang headline. At doon niya naramdaman ang kilig na matagal nang naka-kulong sa dibdib niya—hindi 'yung romantic kilig, kundi 'yung tagumpay na matagal niyang hinintay. Finally. Lahat ng hinala niya noon, unti-unti nang nagkakatotoo. Totoo pala ‘yung tsismis tungkol sa pagbagsak ng kumpanya ni Julian. At sa totoo lang, gusto niyang tumawa. Karma works fast, huh?

"Finally. It’s happening. It’s really happening," mahina niyang bulong sa sarili niya.

Sandaling lumabo ang paningin niya. Nanginginig ang mga daliri habang dahan-dahang inilapag ang tablet. Umupo siya ng mas maayos, pilit inaalala kung paano rin siya minsang ginawang tanga. Ngayon, siya naman ang tumatawa sa likod.

Julian Sebastian, the almighty man who thought he could do anything...
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   22: Tulong Mo

    Ilang linggo na ang lumipas, pero tuloy pa rin ang pagbagsak ng kumpanya ni Julian.Sunod-sunod ang eskandalo. Parang mga gutom na lobo ang media—nilalapa ang bawat litrato ni Julian at ng kabit niya, all smiles sa mga glamorous events, na parang walang ibang iniisip kundi magpa-star. At sa bawat pagkakataong makikita ni Sophia ang mukha nila sa TV o sa internet… hindi na sakit ang nararamdaman niya.Masarap na.Masarap panoorin silang unti-unting mabuwal—na para bang katarungan na rin sa mga panahong siya ang iniwang luhaan.Isang gabi, sabay sa malakas na ulan at kulog sa labas, tahimik siyang nakaupo sa harap ng fireplace. Nakayakap sa sarili habang tahimik na nakatitig sa nagliliyab na apoy.Hanggang sa isang malakas na katok ang gumambala sa katahimikan.Napakunot ang noo niya. Sino ‘yon? Maaga pang nakapahinga ang mga kasambahay.Sunod-sunod na ang katok. Paulit-ulit. Parang may hinihinging tulong.“Sinong…?” bulong niya habang mabilis na tumayo para silipin ang pinto.Dahan-dah

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   23: Hindi Siya ang Nanalo

    “Nagbibiro ka ba?”“Mukha ba akong nagbibiro, Sophia?”“Hindi ka pwede maging seryoso, Dad!”Napayuko siya sa inis, ang dalawang palad ay mahigpit na nakakapit sa gilid ng mesa.“Bakit ko siya tutulungan? Matapos ang lahat ng ginawa niya sa’kin?”Napabuntong-hininga ang ama niya, tila pinipigilan ang sarili.“Dahil ‘yon ang matalinong gawin.”“Matalino?!”Halos matawa na lang siya sa narinig.“Hindi ‘to negosyo, Dad. Personal ‘to. Pinahiya niya ako, niloko, binalewala—tapos gusto mo akong tumulong sa kanya?”“Hindi ko sinabing tulungan mo siya,” mahinahon pero matigas ang boses ng kanyang ama.“Ang sinasabi ko, tulungan mo ang sarili mo.”Napatigil si Sophia. Napatigil pati ang paghinga niya.“Anong ibig mong sabihin?”“Kapag bumagsak ang kumpanya niya,” panimula ng ama niya,“magkakaroon ng epekto ‘yon. Mga utang, mga ari-arian na konektado sa estate natin… at, sa huli, madadamay ang pangalan mo. Gusto mo man o hindi, konektado ka pa rin sa kanya. Asawa mo pa rin siya sa mata ng publ

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   24: Bitag

    “Julian, ang tanga ng plano mo.” Matalim ang boses ni Vanessa habang binabasag ang katahimikan sa loob ng opisina. Tumutunog ang mahabang pulang kuko niya sa ibabaw ng desk, parang babala sa papalapit niyang inis.“Talaga bang iniisip mong susunod na lang siya kasi nakiusap ka nang maayos?”Ngumisi si Julian habang sumandal sa upuan. Kasing-asim ng kumpyansa niya ang suot niyang mamahaling suit.“Hindi naman santa si Sophia. Tutulong ‘yan kung may mapapala siya.”“Eh ‘kung hindi?” Lumapit pa si Vanessa, bumaba ang boses.“Pano kung hayaan ka na lang niyang malunod? Kilala na natin ang mga babaeng katulad niya, ‘di ba?” Kumindat si Julian na para bang hindi natitinag.“Mas kilala ko siya kesa sa’yo, Vanessa. Malambot ‘yan—ganyan na siya mula’t sapul. Hindi niya maatim na pabayaan akong bumagsak.” Napataas ng kilay si Vanessa, may bahid ng ngiti sa labi.“Delikado ‘yang inaakala mo, Julian.”Bago pa makasagot si Julian, may kumatok sa pinto. Natigilan silang dalawa.“Pasok,” utos ni Jul

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   25: Ex-Wife Mo Siya!

    "Binenta mo sa kanya ang mga shares?" nanginginig ang boses ni Vanessa, puno ng hindi makapaniwalang galit. Nakatayo siya sa gitna ng opisina ni Julian, ang mga braso'y mahigpit na nakapulupot sa kanyang dibdib. Ang mata niya'y sumabog ng galit habang nakatingin sa kanya."Alam mo ba ang ginawa mo?" tanong ni Vanessa, ang galit na hindi na matago sa bawat salitang binibitawan.Tahimik lang si Julian at ibinagsak ang katawan sa kanyang upuan, ang ekspresyon niya'y kalmado—parang may kabangyaan pa."Hindi ko binenta ang mga iyon. Pinayagan ko siyang bilhin," aniya, sabay lacing ng kanyang mga daliri."May pagkakaiba," dagdag pa niya, na may bahid ng pagkamalasakit sa tono.Suminghap si Vanessa at nagpatuloy sa paglalakad-lakad sa buong kwarto."Pinayagan mo siyang bumili? Julian, ex-wife mo siya! Ang babae na siguradong may balak na maghiganti. At ngayon, binigay mo sa kanya ang kontrol sa kumpanya mo, parang isang pilak na plato?""‘Di niya hawak ang lahat," sagot ni Julian, ang boses

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   26: Hindi Karapat-dapat

    Vanessa ang nagtakip ng mukha at tumingin sa malaking bintana ng opisina, ang mata niya nakatingin sa skyline ng siyudad.“Alam mo ba kung anong pakiramdam nito?” mahina niyang tanong, ang tinig niya na parang naputol ang mga salita sa bigat ng emosyon.“Magtayo dito, tapos mapanood ka lang na nagdedesisyon na maaaring sirain tayong dalawa? Mga desisyon na baka magdala sa kanya pabalik sa buhay natin, sa paraang hindi natin kayang kontrolin?”Tumayo si Julian, iniiwas ang tingin habang nakakapit ang mga braso sa likod ng kanyang upuan.“Vanessa, kailangan mong magtiwala sa akin.”Agad siyang humarap kay Julian, ang mga mata niyang naglalagablab ng galit.“Magtiwala? Paano ako magtitiwala sa'yo kung pati desisyon mo hindi mo man lang ako tinatanong? Kung hindi mo man lang iniisip kung paano ako o tayo maaapektohan?”“Hindi ito tungkol sa atin,” matigas na sagot ni Julian. “Tungkol ito sa kumpanya. Tungkol sa kaligtasan. Akala mo ba gusto ko to? Akala mo ba gusto kong hayaang pumasok si

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   27: Nagbabaga na Galit

    Maingay ang tunog ng stilettos ni Vanessa habang tumapak siya sa marmol na sahig ng private lounge ng isang mamahaling resto. Mataray ang pagkaka-kulay ng mapula niyang labi—para bang may sarili itong galit. Sa may bintana, nakaupo si Sophia, pa-cool na hinahalo ang tsaa niya, parang walang kahit anong bumabagabag sa kanya.Si Vanessa ang unang nagsalita."Ah, so dito ka pala nagtatago kapag hindi ka abala sa panggugulo sa buhay ng may buhay?" matalim ang tono niya, sabay taas ng kilay.Dahan-dahang tumingala si Sophia, saka bahagyang ngumiti—isang mapanuksong ngiti na parang sinasabing “ikaw na ang galit, pero ako chill lang.”"Hindi ako nagtatago, Vanessa. Akala ko pa nga magugustuhan mo 'yung pagiging prangka ko."Umupo si Vanessa sa harap niya, mabilis at parang may diin ang kilos—lahat calculated. Lahat may pahiwatig.“Cut the drama, Sophia. Pareho naman nating alam na may pakana ka. Bigla kang sumulpot, kunwari concern sa business ni Julian—ano ‘to? Bawi-misyon? O ‘yung tinatawa

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-02
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   28: Durugin Mo Pa Siya

    “So, ano'ng sunod?” tanong ni Vanessa, mababa ang boses pero halatang puno ng pananabik.“Hawak na niya halos lahat ng shares ng kumpanya,” sagot ni Julian, may mapait na ngiti sa labi. “Ngayon, kailangan niyang maramdaman na hindi na siya welcome dito. Na wala na siyang lugar sa mundong ito.”Umayos siya ng upo, nakapatong ang mga daliri sa harap niya na para bang isang maingat na plano na ang binubuo. Nakangiti si Vanessa, may ningning ang mata, parang sabik sa giyera.“Kailangan niyang maramdaman, Julian. Hindi lang sa negosyo. Gusto kong ipamukha natin sa kanya—na masaya tayo. Na mas okay tayo ngayon. Yun ang pinakamasakit.”Tumango si Julian, saglit na nag-isip. “Tama. Ipaparamdam natin sa kanya kung gaano kasaya ang buhay na wala siya. Kung gaano tayo ka-perpekto. Ipapamukha natin lahat ng nawala sa kanya.”Lumapit si Vanessa, umupo sa gilid ng mesa ni Julian. Malapit. Sinasadya ang bawat kilos. Paglapit niya, bumaba pa lalo ang boses—malambing, mapanukso.“Simulan natin bukas,

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-02
  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   29: Selos na Selos

    Matagal pang nanatili si Sophia sa opisina kahit tapos na ang board meeting. Kahit pilit niyang itinuon ang atensyon sa mga numero sa harap niya, hindi niya maalis sa isip ang presensya nina Julian at Vanessa—lalo na ang tila sobrang lapit ng dalawa sa isa’t isa. Ramdam niya ang kirot sa dibdib, pero pilit niya itong nilulunok.Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang ituon ang sarili sa mas malaking goal. Para sa anak nila. Para sa kinabukasan niya.Pero sakto nang paalis na sana siya, biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Vanessa, ang tunog ng matalim niyang takong ay umalingawngaw sa loob ng opisina habang palapit siya sa desk ni Sophia. Diretso ang postura niya, parang laging handang makipagbakbakan, at ang ngiting dala niya ay walang bahid ng kabutihan.Hindi siya nilingon ni Sophia. Hindi niya kaya. Pero halatang hindi iyon iniinda ni Vanessa.“Alam mo, akala ko wala ka na dapat dito,” panimula ni Vanessa, puno ng pang-iinsulto ang tono ng boses niya. Tumayo siya nang mas

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-02

Bab terbaru

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   37: Second Chance

    "Bakit lagi nalang siya?" bulong ni Vanessa habang nakasandal sa malamig na pader sa labas ng venue. Rinig ang halakhakan at mga salpukan ng baso mula sa loob, pero ang tanging tunog sa tenga niya ay ang mabilis na tibok ng puso niyang puno ng inis."Ms. Vanessa?" putol sa kanya ng isang pamilyar na boses. Isa sa mga bisita, kaibigan rin niya."Okay ka lang ba?""Mukha ba akong okay?" iritadong sagot ni Vanessa, sabay ayos sa nalaglag na hibla ng buhok sa gilid ng mukha niya."I mean, seryoso..." dagdag pa niya, mahigpit na niyakap ang sarili. "Parang may tali pa rin siya kay Sophia. Akala ko nakamove on na siya!"Sa loob naman ng venue, nakatitig si Julian sa wine glass niya habang palihim na sinusundan ng tingin si Sophia na nakatayo kasama si Alexander."Tingnan mo 'yan," bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baso. "Akala niya panalo na siya.""Sino?" tanong ni Ben habang umupo sa tabi niya. "Si Sophia? Come on, bro. Huwag mong hayaang patulan 'yan. Teka lang, huwag mo

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   36: Panalo Ka Na

    "Handa ka na ba?" Malalim at kalmadong boses ni Alexander ang bumasag sa katahimikan ng hallway habang papasok siya sa eleganteng pero hindi over-the-top na bahay ni Sophia. Ayos ang bawat galaw niya habang inaayos ang cufflinks niya—ang navy blue suit niya, lutang na lutang sa katawan, parang likha talaga para sa kaniya. Wala siyang kailangang piliting maging sophisticated—he just is."Sandali lang!" sigaw ni Sophia mula sa itaas.Sumandal si Alexander sa railings ng hagdan, bahagyang kunot ang noo habang naririnig ang mahinang tunog ng takong na papalapit. Nang tuluyan na siyang bumaba at lumantad sa paningin niya… natigilan si Alexander.Parang huminto ang mundo.Nasa harap niya ngayon si Sophia—bihis sa isang crimson na long gown na perpektong yumakap sa katawan nito. Ang buhok niya, naka-soft waves, bumabagsak sa likod niya habang ang makeup niya, sakto lang para mas ma-highlight ang cheekbones at labi nitong mas madalas dati ay hindi niya napapansin.Pero ngayon?Iba siya. Hindi

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   35: Pinagkakatiwalaan

    Napangiti si Alexander habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Isang candid na litrato ang nasa harap niya—kinunan sa mismong sala ng Grant mansion. Siya, si Sophia, at ang anak nito, nakaupo sa carpet habang nagtatawanan. Para silang totoong pamilya doon. At kahit alam niyang malayo iyon sa katotohanan, hindi niya mapigilang balikan at titigan ang larawan paulit-ulit.“They could be mine...” mahina niyang bulong habang marahang hinahaplos ang mukha ni Sophia sa litrato gamit ang hinlalaki. Napailing siya, saka napatawa ng mahina. “Yeah, right.”Pero kahit sinasabi niyang hindi, hindi niya kayang itanggi ang init na bumalot sa dibdib niya habang tinititigan ang babae. Iba ang ngiti ni Sophia sa litrato—totoo, hindi pilit. Wala ‘yung laging pag-aalinlangang dala ng sakit ng nakaraan. Tumingin siya sa isa pang solo shot nito, ‘yung kuha matapos ang hapon na ‘yon. Malambing ang ngiti, at sa di malamang dahilan, parang may naramdaman siyang kumislot sa puso niya.Biglang sumingit an

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   34: Tanga Siya

    “Come on, buddy, bigyan mo naman ako ng konting effort diyan,” natatawang sabi ni Alexander habang nakahiga sa carpeted floor ng sala. Nakahiga siya sa gilid, dahan-dahang iniikot sa ere ang plush giraffe para aliwin ang baby ni Sophia. Tuwang-tuwa ang bata, kumakampay ang maliliit na kamao, sabik na inaabot ang paborito niyang laruan ngayon—ang necktie ni Alexander.“Obsessed siya sa tie mo,” natatawang sabi ni Sophia mula sa sofa. Naka-cross arms siya habang pinagmamasdan ang dalawa.“Mapapaspoil mo ‘yan,” dagdag niya.“Eh ‘di wow. Magandang taste dapat sinasanay habang bata pa,” sagot ni Alexander, pabirong inilapit lalo ang tie sa bata. Agad iyong sinunggaban ng baby at napasigaw sa kilig.Napailing si Sophia, pero may bahagyang ngiti na sa labi niya. Hindi niya talaga maintindihan kung paano siya mauhulog sa isang taong gaya ni Alexander Carter. Sa una, akala niya simpleng utang na loob lang ito sa ama niya—business favor kumbaga. Pero habang lumilipas ang araw, habang nakikita n

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   33: Kailangan Mong Lumaban

    “Pinapabayaan mong manalo sila, Sophia.”Tahimik ang boses ng ama niya, pero halata ang pigil na galit sa tono nito. Nakasalampak si Sophia sa sofa, parang wala nang lakas. Maputla ang mukha niya at wala na ‘yung dating kislap sa mga mata. Hindi man lang siya tumingin sa ama niya.“Ano gusto mong gawin ko, Dad? Mag-demanda? Gumastos ng milyon para lang marinig na si Julian at Vanessa ang mga santo at ako ang bitter na ex-wife?” bulong niya habang ginugulo ang magulong buhok gamit ang mga daliri.Tumayo sa harap niya ang ama niya, nakaakbay ang dalawang braso at matagal siyang tinitigan. “Hindi. Ang gusto kong gawin mo, tigilan mong sumuko.”Napangisi siya ng mapait. “Ang dali mong sabihin. Ikaw ba naman ang pagtawanan ng buong bansa. Lahat ng madaanan ko, parang may bulong. Parang ako ‘yung kawawang asawa na iniwan. At si Julian? Ang saya ng buhay niya. Parang hindi man lang siya nawalan ng anak.”Napadiin ang panga ng ama niya. “Anak, hindi mo kami nawalan. Andito pa rin kami—ako, si

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   32: Hindi Pwedeng Matalo

    “Hindi mo ba sa tingin medyo OA na ‘yun?” tanong ni Julian habang dahan-dahang nagsara ang pinto ng magara niyang opisina. May halong amusement ang tono niya, parang hindi makapaniwala sa eksenang ginawa kanina.Umirap si Vanessa sabay bato ng mamahalin niyang handbag sa leather couch na parang props lang sa isang eksena.“Minsan kailangan ng drama, Julian. Kailangan ng konting eksena para masaktan talaga ang pride ng babaeng ‘yon. At least ngayon, buo na sa utak ng mga tao kung sino talaga ang ‘biktima’ at sino ang ‘masama’,” sagot niya habang inaayos ang perfect niyang pulang manicure na parang walang pakialam sa bigat ng ginawa nila.Tahimik na nagbuhos si Julian ng whiskey mula sa crystal decanter. Tumunog ang yelo sa baso, ‘yun lang ang maririnig sa loob ng kwartong ‘yon.“Pero ayoko ng may sabit. Ayoko ng may posibleng lumusot,” aniya, halatang seryoso.Naglakad palapit si Vanessa, swabe at may kumpiyansa.“Please. Hindi siya kalaban. Maingay lang pero walang laban. Tsaka, hello

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   31: Future Wife Mo?

    Tumama ang matinis na tunog ng takong ni Sophia sa marmol na sahig habang dire-diretsong pumasok sa isang mamahaling bar. Kusang bumukas ang salaming pinto sa harap niya—parang sinasabing, come in, break down, lose it all here.Tapos na siya. Tapos na sa araw na ‘to. Tapos na sa drama. Tapos na sa kasinungalingan. Pero higit sa lahat—tapos na siya sa kanila.“Vanessa? Seriously?” mahina niyang bulong, halos pabulong pero puno ng sakit at pangungutya. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng kahihiyan na parang apoy sa dibdib niya.Ang pagkakaroon ng kabit ng ex-husband niya—iyon na yata ang naging highlight ng buong taon niya. At si Vanessa, ang babaeng ‘yon, todo flaunt sa social media. Halos hindi siya makahinga tuwing naririnig ang mga bulungan sa likod niya. Parang siya pa ang may kasalanan. Parang siya ang sumira ng lahat.Tahimik sa loob ng bar. Ilang dim lights lang ang ilaw, para bang ibang mundo ito—malayo sa ingay ng tunay na buhay. Dahan-dahan siyang lumapit sa counter, nanginginig

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   30: Paghihiganti

    “Joke ba ‘to?!” Bumungad na sigaw ni Sophia, kumalat ang boses niya sa malamig at marbled na sahig ng lobby ng kumpanya ni Julian. Mabilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang gulo sa harapan niya.Ang mga gamit niya—mga pinaghirapang files, mga award, pati ‘yung maliit na cactus na matagal nang nakapatong sa gilid ng mesa niya—ay isa-isang inilalagay sa mga kahon ng dalawang security guard, parang basura lang.Si Julian, nakasandal lang sa reception desk. Naka-cross arms. May bahid ng ngisi sa labi. Si Vanessa naman, nakatayo sa tabi niya na parang trophy wife—suot ang black fitted dress at abala sa pagta-type sa phone, habang ang galit ni Sophia ay parang background music lang sa kanya.Pabilis nang pabilis ang lakad ni Sophia habang lumalapit sa kanila. Ang tunog ng takong niya, parang mga putok ng baril sa katahimikan.“Julian. Vanessa. Ano ‘tong ginagawa n’yo? Hindi n’yo puwedeng basta-basta itapon ang mga gamit ko na parang wala akong kwenta! I own the majority shares

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   29: Selos na Selos

    Matagal pang nanatili si Sophia sa opisina kahit tapos na ang board meeting. Kahit pilit niyang itinuon ang atensyon sa mga numero sa harap niya, hindi niya maalis sa isip ang presensya nina Julian at Vanessa—lalo na ang tila sobrang lapit ng dalawa sa isa’t isa. Ramdam niya ang kirot sa dibdib, pero pilit niya itong nilulunok.Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang ituon ang sarili sa mas malaking goal. Para sa anak nila. Para sa kinabukasan niya.Pero sakto nang paalis na sana siya, biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Vanessa, ang tunog ng matalim niyang takong ay umalingawngaw sa loob ng opisina habang palapit siya sa desk ni Sophia. Diretso ang postura niya, parang laging handang makipagbakbakan, at ang ngiting dala niya ay walang bahid ng kabutihan.Hindi siya nilingon ni Sophia. Hindi niya kaya. Pero halatang hindi iyon iniinda ni Vanessa.“Alam mo, akala ko wala ka na dapat dito,” panimula ni Vanessa, puno ng pang-iinsulto ang tono ng boses niya. Tumayo siya nang mas

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status