Share

Chapter 25

Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.

Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.

Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa plano ko sa buhay.

Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.

Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon.

"Good morning," Nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ngayon ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon."
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status