LOGINPaglabas nila ng klinika, mas mahigpit ang pagkakahawak ni Samantha sa kanilang sanggol—tila ba sa bawat paghinga nito ay nakasalalay ang kanyang lakas.Tahimik silang naglakad patungo sa sasakyan. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ang takot ang nangingibabaw—kundi ang determinasyong harapin ang laban.“Bren…” mahina niyang tawag habang nakatingin sa kanilang anak.“Hm?”“Lalaban tayo, ‘di ba?”Hindi nagdalawang-isip si Bren. “Oo. Kahit gaano kahirap, kakayanin natin.”Pagdating sa bahay, agad nilang inayos ang mga kailangang gawin. Nakausap nila ang doktor tungkol sa gamutan—mga gamot, schedule ng check-up, at mga dapat bantayan.Mula noon, nagbago ang takbo ng kanilang araw-araw.Sa umaga, maingat na pinapainom ni Samantha ng gamot ang sanggol. Bawat patak ay parang dasal—punong-puno ng pag-asa.“Good job, baby…” bulong niya matapos itong painumin.Sa gilid, nakatingin si Bren habang hawak ang maliit na kamay ng anak.“Ang tapang mo,” sabi niya, pilit na ngumiti.Maging ang kani
Nagpatuloy ang mga araw na tila mas mabagal ang takbo kaysa dati. Bawat oras ay puno ng pag-aalala, bawat minuto ay tila may kasamang kaba.Kinabukasan, maaga silang bumalik sa klinika para sa mga karagdagang pagsusuri. Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita—tanging mahinang paghinga ng kanilang sanggol ang maririnig.Sa loob ng silid, habang kinukunan ng dugo ang bata, napapikit si Samantha. Hindi niya kayang panoorin ang bawat pag-iyak nito.“Sandali na lang, baby… sandali na lang,” bulong niya, kahit siya mismo ay nanginginig ang boses.Sa gilid, mariing nakakuyom ang kamao ni Bren. Pilit niyang pinipigilan ang sariling emosyon, dahil alam niyang kailangan niyang maging matatag—para sa kanilang dalawa.Matapos ang ilang oras, pinauwi muna sila habang hinihintay ang resulta.Pagdating sa bahay, tahimik ang paligid. Ibang-iba sa mga nakaraang linggo na puno ng tawanan at sigawan ng mga bata.Lumapit ang panganay nilang anak.“Ma… okay lang si baby?” inosente nitong tanong.Lumuhod si
Lumipas pa ang ilang linggo matapos ang gabing iyon sa balkonahe. Tuloy tuloy ang masayang ingay sa kanilang bahay. Unti unting natutong gumapang ang bunsong anak nila, habang ang panganay naman ay lalong naging masipag sa paaralan. Sa umaga, halos pare pareho ang kanilang gawain. Si Samantha ang naghahanda ng almusal habang si Bren naman ang nagbibihis sa mga bata. “Papa, mali ang pagkakabuhol ng buhok ko,” reklamo ng kanilang panganay habang nakatingin sa salamin. Napakamot si Bren. “Ganito ba?” tanong niya habang sinusubukang ayusin. “Hindi!” natatawang sagot ng bata. Mula sa kusina ay narinig ni Samantha ang kanilang usapan kaya napailing siya habang nakangiti. “Ako na nga,” sabi niya habang lumalapit. “Ano ba, ginagawa ko naman,” depensa ni Bren. “Ginagawa… pero hindi tama,” biro ni Samantha. Nagtawanan silang tatlo. Sa gilid naman ng sala, gumagapang ang bunso habang pilit inaabot ang laruan ng ate niya. “Uy! Huwag mong kunin ‘yan!” sigaw ng panganay, ngunit maya may
Lumipas pa ang ilang buwan matapos ang gabing iyon. Mas naging masigla ang kanilang tahanan habang unti unting lumalaki ang bunsong anak nina Bren at Samantha.Ang dati’y tahimik na bahay ay napalitan ng halakhakan, iyakan ng sanggol, at minsan ay sigawan ng magkapatid na nag aagawan ng laruan.Isang umaga, habang naghahanda si Samantha ng almusal sa kusina, narinig niya ang mahihinang yabag papunta roon.“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Bren habang inaantok pang nagkakamot ng ulo.“Almusal,” sagot ni Samantha. “May pasok ang ate ngayon, di ba?” tanong niya.Sumandal si Bren sa mesa at ngumiti.“Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ikaw ang inaalagaan ko.”saad niya.Napailing si Samantha habang naglalagay ng itlog sa plato.“Hanggang ngayon naman,” biro niya.Sa sala, abala ang kanilang panganay sa pag aayos ng kanyang bag. Maya maya pa’y narinig nila ang mahinang iyak ng sanggol mula sa silid.“Ako na,” sabi ni Bren.Pagpasok niya sa silid, nakita niyang gising na ang maliit na b
Lumipas ang ilang buwan matapos isilang ang kanilang bunsong anak. Unti unting natutunan nina Bren at Samantha ang bagong ritmo ng kanilang buhay bilang pamilyang may dalawang anak.Sa umaga, madalas na si Bren ang unang nagigising. Tahimik siyang bumabangon upang hindi magising ang sanggol na katabi ni Samantha. Titimpla siya ng kape, saka sisilip sa silid ng kanilang panganay na anak.Isang umaga, nadatnan niyang gising na ito at nakaupo sa kama.“Ate ka na talaga ngayon,” nakangiting sabi ni Bren.“Titingnan ko si baby,” masiglang sagot ng bata habang bumababa sa kama. Magkahawak silang naglakad papunta sa silid nina Samantha. Mahimbing pang natutulog ang mag ina. Ang maliit na sanggol ay marahang gumagalaw sa duyan.Dahan dahang lumapit ang bata.“Ang liit niya pa,” bulong nito.“Oo,” sagot ni Bren. “Pero balang araw, hahabulin ka rin niyan sa bahay.”Napangiti ang bata. “Tuturuan ko siya mag drawing.”Sa likod nila, nagmulat ng mata si Samantha at napangiti sa eksenang iyon.“Goo
Lumipas ang mga linggo matapos nilang malaman ang pagdating ng panibagong biyaya. Unti unting nagbago ang ritmo ng kanilang araw araw. Mas maaga nang umuuwi si Bren. Mas madalas nang may yakap at halik si Samantha bago pa man magsimula ang umaga. Ngunit tulad ng dati, hindi naging puro saya ang lahat.Isang hapon, habang nasa check-up si Samantha, tahimik si Bren sa gilid ng clinic. Hawak niya ang bag ng asawa, tila ba doon niya inilalagay ang lahat ng kaba.“Nerbyoso ka?” tanong ni Samantha, napapansin ang hindi mapakaling paggalaw nito.“Konti,” amin ni Bren. “Mas alam ko na ngayon kung gaano kahalaga ang bawat sandali. Ayokong may makaligtaan.”saad niya.Hinawakan ni Samantha ang kamay niya. “Hindi mo kailangang maging perpekto. Kailangan lang kitang nandito.”sabi niya sa asawa.At nang marinig nila ang unang tibok ng puso ng sanggol, parang sabay na natunaw ang lahat ng takot sa loob ni Bren. Napapikit siya, hindi napigilan ang pagluha.“Ang lakas,” bulong niya.“Mana sa’yo,” biro







