Share

KABANATA 2

"What kind of dress are you wearing?" kunot noo ito at hindi maipinta ang mukha.

I am wearing a thin short dress. Sleeveless at saktong mid-thigh lang. Ayoko talaga ng mahaba at naiinitan.

"Wash day namin ngayon, Kuya, so I can wear whatever I like." Ngumiti pa ako sa kanya nang malapad na hindi niya pinansin.

Walang gana niyang ni-park ang sasakyan at lumabas mula doon. Lumabas din ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

Hinawakan niya ako sa bewang upang hindi ako mawalan ng balanse. Lumayo ako nang bahagya at nakitang mariin ang tingin niya sa mga hita ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako.

"S-ige, Kuya. A-no, Una na ako."

Hindi na ako kumaway at dumiretso na lang sa building namin.

"Heaven! Mamaya sasabay na ako sa inyo pauwi." Sinalubong ako ni Erica at kumapit pa sa braso ko.

"Sige, walang problema."

Dumiretso kami sa upuan. Kahit gusto kong manood sa YouTube ng recipe ay pinigilan ko ang sarili ko. Baka makuha na naman ang notebook ko.

"Wala ba si Miss Salonga? Bakit ang tagal niya?" dinig kong bulong ng mga kaklase ko. Sa isip ko, mas okay na iyon.

"Hindi kaya nabroken sa kuya mo?" bulong ni Erica.

"Ano?" Natawa ako at linayo ang pisngi niya, "Hindi iyon no. Hindi nga niya nakausap nang matino si Kuya."

"Tumpak! Kaya nga wala siya ngayon. Tapos hahayaan ka niyang manood ng videos para dagdag puntos sa kuya mo. Matalino talaga." Pumalakpak pa ito nang mabagal at napatango-tango.

Kinunutan ko siya ng noo at linabas ang cellphone ko. Manonood na lang ako.

"Hindi pwede iyon no. Baka unahan pa niya ako. Tara, Heaven, libre kita. Ibalita mo sa kuya mo ah." Hinatak ako nito at kinuha ang bag ko.

"Sandali, saan mo ko dadalhin?" Inaalis ko ang kamay niya sa braso ko kaso mahigpit ang kapit niya.

Binitiwan niya lang ako noong nasa siomai house na kami.

"Dalawang order ng siomai, Kuya. Dagdagan mo ng sili para hot." Hinila ako nito sa mesa at pinaypayan gamit ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko.

"Edi pinagsisilbihan ka. Ikaw ang susi para sa minamahal kong Rigel." Pumikit-pikit pa siya sa kawalan.

Hindi ko napigilan at napalo ang braso niya, "Mangarap ka, Erica."

Umingos siya at padabog na kinuha ang siomai na ni-order niya. Linapag niya sa harap ko ang isa at nakasimangot na kumain.

"Bakit ba gustong-gusto mo si Kuya? Hindi ka naman type no'n." Kumagat ako sa siomai at ngumuya nang mabagal.

Umirap siya, "Ayaw mo lang ibigay sa akin kasi alam mong hindi kayo magkadugo. Ni-re-reserve mo siguro para sa'yo."

"What?" Napanganga ako sa sinabi niya.

Alam ko naman na hindi kami tunay na magkapatid ni Kuya pero para sa akin Kuya ko pa rin siya.

"Selfie nga tayo tapos ipakita mo sa kuya mo, baka mapansin na ako." 

Kinuha nito ang cellphone ko sa bag. Kinalikot niya iyon at hinarap sa aming dalawa. Naka-ilang click siya na siya lang ang nakangiti.

"Ganyan, ipakita mo ah?" Binalik nito ang cellphone ko at tumawa pa. Napailing ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

This girl is really going crazy over my brother. Baka nga may girlfriend na iyon. Pero wala pa namang pinapakilala sa pamilya.

Palabas na ako ng gate noong mag-vibrate ang cellphone ko.

1 message

From: Kuya

Hindi kita masusundo, mauna ka na sa bahay. Call the driver.

Tatawagin ko pa lang sana ang driver kaso nasa harap na ang sasakyan. Nauna na sigurong tawagan ni Kuya.

I called Erica kung sasabay pa ba siya.

"Ano sasabay ka ba? Hindi si Kuya ang driver."

Umungol ito ng reklamo, "Hindi na. Wala naman ang inspirasyon ko. Ingat." Binabaan ako nito ng tawag kahit hindi pa ako nakakapagpaalam.

Napailing ako at sumakay na. Nginitian ko pa ang driver. Sinalpak ko sa tainga ko ang earphone at nakinig sa kanta ng little mix.

Hindi naman kumikibo ang driver at hinayaan lamang ako. Pagka-uwi ay dumiretso ako sa itaas. Naligo at nagbihis ng spaghetti back crossed sando. Mas kumportble akong walang suot na bra. Hindi naman kasi halata. Pinares ko doon ang manipis kong pants. Manipis lang iyon at presko.

Pinusod ko paitaas ang buhok ko at naghanda sa kusina. Balak ko sanang magluto kaso nakatanggap ako ng text kay Mama na ma-le-late sila ng uwi.

Kumibit balikat ako. Imbis na ulam ay popcorn ang niluto ko. Habang nagluluto ay kumakain ako. Ham lang at itlog.

"Heaven, nandito kana pala, Hija. Paghahanda na ba kita?" si Manang Karing.

"Hindi na po. Kumakain na po ako." Tinaas ko pa ang plato ko na kinatango niya. Umalis din siya at hinayaan ako.

Inayos ko ang popcorn at nilagyan ng cheese powder. Nauna ko na iyong inakyat sa kwarto ko.

Bahagya pa akong nagulat noong datnan si Kuya na nasa sala na. Nakapamewang ito at may hawak na cellphone sa tainga niya.

"I'll call back later." Agad nitong binaba ang tawag at hin*god ako ng tingin.

Nakangiti ko siyang linapitan, "Kumain ka na?"

"Hm. Kumain na ako sa labas. May aasikasuhin lang ako bago tayo manood ng movie." Mabilis itong lumayo at umakyat sa itaas.

Kumunot ang noo ko at nalito sa inasta niya. Napalabi na lang ako at dumiretso na lang sa kusina para kumuha ng softdrinks.

Inakyat ko iyon sa kwarto ko at naghintay. Umabot ng kalahating oras ay hindi pa siya kumakatok. Nagsalang na ako ng movie, romance iyon. Hindi ko aasahan na kakatok pa siya kaya 'yon na lang ang pinanood ko.

Tumingin pa ako sa oras at umiling. Kapag ganito ay hindi na tuloy ang movie marathon namin. Aalis na pa naman siya bukas.

Hinayaan kong magplay ang palabas. Naligo ako ulit at inalis lahat ng saplot ko. Matutulog na lang ako pagkatapos ng movie. Ni-blower ko pa ang buhok ko habang nanonood. Nasa date ang bida at naglalakad nang magkahawak kamay.

Umingos ako, hindi naman nakakakilig. Tumingin ako sa kaharap na salamin at pinagmasdan ang katawan mo. Alam kong hindi lang ako ang ganito matulog kun'di may mangilan-ngilan ding sikat na artista na gaya ko kung matulog. Mas kumportabe kase at makakahinga ka ng maluwag. 

Hinagod ko ng tingin ang katawan ko. Nineteen and fully grown. Malaking bulas din kasi si Mama na namana ko. Pinagkakamalan nga ako madalas na twenty-three years old.

Nasa ayos akong pinupusod ang buhok ko gamit ang kamay ko noong bumukas nang maluwang ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at napaharap doon.

Natigilan si Kuya—mali, na-estatwa siya at napatitig sa katawan ko. Ako man ay natulala at hindi agad nakabawi. Mabuti na lang at sinara niya ulit ang pinto. Mabilis kong hinila ang manipis kong roba na abot lang hanggang mid tigh. Nagmamadali ko iyong sinuot. Ramdam ko pa ang pamumula ng mga pisngi ko sa hiya.

Walang malisya, Heaven! Kahit hindi kayo magkadugo, Kuya mo yan!

Ilang hingang malalim pa bago ko buksan ang pinto. Naabutan ko itong nakasandal sa hamba ng pinto. Agad na bumaba ang tingin niya sa suot ko at nakahinga nang maluwag matapos makitang nakaroba na ako.

"I told you, always lock your door," madiing sambit nito bago dumiretso sa loob at umupo sa sahig.

Maliit akong napanguso. Malay ko bang tuloy pa ang movie marathon!

"Hindi ko naman kasi alam na manonood ka pa," angal ko.

Sa totoo lang, nakalimutan ko talagang i-lock. Napangiwi ako at napakagat sa pinky finger ko.

"Kapag sinabi kong manonood tayo, manonood tayo." Sumubo ito ng popcorn at nagfocus sa T. V.

Lumapit ako at umupo ng indian sit sytle sa tabi niya. Sinulyapan niya pa ako ngunit agad ding bumalik sa screen ang mga mata niya.

"Maganda ba, Kuya?" tinutukoy ko ang palabas kaso ako ang liningon niya.

"Maganda," wala sa loob na sagot niya bago bumalik ang tingin sa palabas.

Inunat ko ang mga binti ko at sinandal ang mga palad ko sa sahig. Pinagkrus ko pa ang mga binti ko at sumubo ng popcorn.

"Ngayon ko lang iyan napanood," wala sa loob na sabi ko na kinalingon niya. 

Tahimik siya at ramdam ko ang tingin niya sa mga binti kong nakalabas. Nahiya ako at tiniklop ang mga iyon.

Hindi ko alam pero naiilang ako ngayon, dahil siguro sa kanina. Pero lagi naman kaming ganito ni Kuya. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagka-ilang kun'di ngayon lang.

Yumakap ako sa mga binti kong nakatiklop at pinatong doon ang baba ko. Sinulyapan ko pa siya at tila lalo lang siyang namroblema sa ayos ko. Kita ko pang humigpit ang hawak niya sa baso ng soft drinks. Namuti kasi ang kamay niya.

Hindi kinayang takpan ng roba ko ang mga binti ko at sa tiyan lamang iyon. Ramdam ko ang lamig. Ayos lang kasi natatakpan naman ng paa ko. Ganitong ayos ako kumportable at hindi nakakangalay.

"Tuloy ang alis mo bukas, Kuya?" malungkot na tanong ko.

Liningon niya ako kaso dumiretso sa baba ang tingin niya. Agad siyang umiwas ng tingin.

"Oo. Tatawagan kita. Binti mo, ayusin mo."

Agad akong napahawak sa laylayan ng roba at inayos iyon. Nag-indian sit ako ulit at tinipon sa gitna ang roba para matakpan iyon.

Hindi na ako nagtanong at kumain na lang ng popcorn. Nakakatawa na ang scene kaya naman hindi ko mapigilang sumabay ng tawa. Si kuya ay nakikita ko pang napapangisi habang sumisimsim sa soft drinks niya.

Kusang naglaho ang tawa ko noong mag-iba ang scene. Bakit ganoon? Kanina nakakatawa, pero ngayon nasa kwarto na sila at naghahalikan.

Napalunok ako at sinulyapan sa gilid ng mata ko si Kuya na napainom ng marami sa soft drinks.

Nag-init ang mga pisngi ko at nahiya sa kanya. Baka isipin niya ang harot ng kapatid niya at may ganito akong kopya ng palabas.

Mabilis akong tumayo at dumukwang para sana palitan ang palabas gamit ang remote. Nasa kama ang character at alam ko na ang kasunod. Pinindot ko ang forward kaya lamang ay tumalon ang eksena kung saan intense na ang nangyayari sa kanila.

Yumuko pa ako at linapit ang remote sa player. Lumuhod ako ngunit nakayuko pa rin ang katawan ko. Nakalapag pa ang isang kamay ko sa lapag. Para na akong gagapang. Natataranta pa rin na mailipat ang senaryo ng palabas.

Sigurado akong namumula na ang mga pisngi ko. Nanginig ang kamay ko sa kaba pero nagulat pa ako sa kuryenteng dumaloy sa kamay ko noong kunin niya ang remote.

Inayos niya pababa ang roba ko. Marahan niyang hinatak pababa para takpan ang dapat takpan. Hinayaan niya ang palabas. Hinagod pa niya ako ng tingin ngunit mabilis na umiwas. Pinatay niya ang T. V bago ako liningon.

"Sorry, Kuya. Hindi ko alam na ganoon."

Tumango ito at hindi nagsalita. Nilingon pa niya ang kama at napalunok. Huminga siya nang malalim bago tumalikod.

"Good night," iyon lang ang sabi niya bago ako iwan sa kwarto.

Napabuga ako ng hangin at tinabi ang mga kalat. Movie marathon gone wrong. Ang awkward!

Hanggang sa pagtulog ko, dala-dala ko iyon. Kaya noong gumising at maalalang ngayon aalis si Kuya ay mabilis akong tumayo. Nakitang alas singko na ng umaga. Ganitong oras siya umaalis.

Umaklit ako ng sandong mahaba at iyon na lang ang sinuot kaysa sa roba. Wala pa naman niyan masyadong gising sa bahay.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya kaso wala siya kaya mabilis akong bumaba sa sala. Naabutan ko siyang nakatayo sa gitna at nagtitipa sa cellphone niya.

"Kuya! Uwi ka agad, please!"

Yumakap ako sa bewang niya na kinatigil niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya kaya naman napalayo ako. Liningon niya ako at sa damit ko na naman nakatingin. Sanay naman siyang ganito ako manamit.

"Of course, Brat!" pagkasabi'y hinalikan niya ako sa noo bago dumiretso sa pinto. Hinatid ko siya doon at hanggang labas sana kaya lang ay hinarap niya ko at hinagod ulit ng tingin.

"Akyat ka na sa taas. Kaya ko na," utos nito.

"Huh?"

"Go back to your room. Ikaw na ang umiwas habang kaya ko pang magpigil," madiing bulong nito.

Kahit hindi ko maintindihan ang bulong niya ay napatango ako at marahan na sinara ang pinto. Sinilip ko pa siya sa bintana at nasalubong ang tingin niya. Tinuro niya ang itaas senyales na umakyat na daw ako sa kwarto. Napadabog ako, sumimangot din at inirapan siya bago umakyat ulit sa itaas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status