Share

KABANATA 1

HEAVEN ABELLANA'S POV

"Kuya! Sabay mo 'ko!"

Tumakbo ako palapit sa kanya at mabilis na sumakay sa sasakyan niya.

Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Nag-peace sign ako at nagpa-cute para lang hindi ito magalit.

"Where's Dad?" malamig na tugon niya na kinanguso ko.

"Iba 'yong way niya. Ayoko sa driver magpahatid."

Hindi na siya nagsalita at pinaandar lang niya ang sasakyan ngunit ang noo ay nanatiling nakakunot.

"Magsounds ako ah."

Kahit hindi pa siya umo-oo ay ni-connect ko na ang bluetooth ng cellphone ko. I played the song of little mix- holiday. Linakasan ko pa 'yon na kinasulyap niya.

Sumabay pa ako sa lyrics at natigil nang patayin niya ang speaker.

"Bakit? Ang ganda ng kanta, Kuya!"

Masama ko siyang tiningnan ngunit patay malisya itong nakatingin lang sa daan.

"Malaswa."

Hindi na ako nakipag-argumento at umingos na lang. Wala rin naman akong laban.

I sighed, "Kailan ka papasok sa company ni Daddy?" inosenteng tanong ko sa kanya.

Pagsulyap ko ay hindi nakatakas sa paningin ko nang humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Don't know. May inaasikaso pa ako," he answered, as cold as an ice.

"Isang taon na 'yang inaasikaso mo, Kuya. Dapat last year ka pa nagsimulang magtrabaho kay Daddy. Nakuha ko sana 'yong kursong gusto ko," humina ang boses ko sa dulo.

Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi. Gusto ko lang naman ipaglaban ang pangarap ko.

I love cooking. Gusto ko sana ng HRM kaso si Daddy, business management ang pinakuha. Nagda-doubt kasi kay kuya lalo na at mukhang ayaw nitong magtrabaho sa company. Ako tuloy ang sasalo.

"Soon. I'll talk to him."

"Di bale na. Useless na rin naman. Dito na ako, 'wag mo na lang ipasok sa parking."

Tinigil niya ang sasakyan at mabilis kong kinalas ang seatbelt ko. Bumaba ako at bumaba rin siya.

"Bye, Kuya!" Akmang tatalikod na ako kaso pinigilan niya ang siko ko.

"Where's my brotherly kiss?" he impatiently requested

Napairap ako at hinalikan siya nang mabilis sa pisngi. Kumaway ako at mabilis na lumiko sa building ng department namin.

"Heaven! Hinatid ka ng kuya mo?" si Erica na seatmate ko.

Sa dulo kami nakaupo, katabi ng bintana. Hindi ko talaga gusto ang kurso at madalas akong antukin.

"Oo. Iba kasi ang way ni Daddy."

Umupo ako at linabas ang sariling cellphone. Kinuha ko rin ang wireless earphone. Isa lang. Linagay ko iyon sa tainga ko at tinabunan ng buhok ko.

"Uy, sabay ako mamaya. Pahatid naman pauwi. Please!" Pinagsalikop pa nito ang mga kamay niya.

Crush niya kasi si Kuya. Sabagay, ang gwapo kasi ni Kuya. Bagay sa kanya ang freckles niya. Pero ako, wala akong freckles.

"Sige kung papayag si Kuya." Ngumiti ako nang maliit bago tinutok ang tingin sa cellphone.

Tumawa siya at muntik pa akong niyakap kung hindi lang dumating si Ma'am.

"Good morning class!" si Miss Salonga.

Nagsimula siyang i-play ang powerpoint niya habang ako naman ay dinala sa youtube ang cellphone ko. Itinayo ko iyon gamit ang stand ng cellphone case. Linabas ko pa ang notebook at ballpen.

Ni-search ko ang recipe ng beef broccoli. Habang nagpi-play iyon ay nagsasalita rin si Ma'am. Wala sa kanya ang focus ko kundi sa earphone ko. Mataman akong nakikinig sa recipe at sinusulat ang mga detalye.

Sa sobrang engross ko sa panonood ay hindi ko na liningon si Ma'am. Nag-enjoy ako at tumingin pa ng ibang recipe. Sinusulat ko ang mga iyon sa notebook ko at kapag may oras ay sinusubukan kong lutuin sa bahay.

"Miss Abellana."

Napa-angat ang tingin ko at nalingunan si Ma'am na nakataas kilay.

"You know my rules. Cellphone is not allowed while my class is ongoing."

Napakurap ako ngunit hindi nakahuma noong kuhanin nito ang cellphone. Tumingin pa ito sa notebook ko at kinuha rin iyon.

Umawang ang mga labi ko at hinabol ng kamay ko ang notebook, ang kaso ay nailagay na niya sa likod niya.

Sa kanya na 'yong cellphone, 'wag lang 'yong notebook!

"Before you go home, make a visit to the faculty together with your guardian." Tumalikod ito at mabilis na kinuha ang mga gamit. Dumiretso sa labas at hindi nagpaalam sa klase.

"Grabe si Ma'am! Type niya kasi kuya mo. Gusto lang no'n makita," bulong ni Erica.

Nagtagis ang mga ngipin ko at lalong nawalan ng ganang mag-aral.

"Pero, Sis, ako ireto mo sa Kuya mo. Huwag si Ma'am. Salbaheng bayaw 'yan!" Niyugyog pa nito ang mga balikat ko.

Napaikot ang mga mata ko at naiinis na inalis ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Sa inyo na si Kuya. Paghatian niyo pa!" pa-angil na sagot ko.

Yumukyok ako sa mesa at hindi na ito pinansin. Sinusuyo pa ako at sinusundot sa tagiliran. Ngunit walang makaayos sa nararamdaman ko lalo pa't na kay Miss Salonga ang mga gamit ko!

Nainip ako sa buong klase at gusto ko na lamang mag-uwian para makuha ko na iyong notebook. Kung pwede lang hilahin na si Kuya ay ginawa ko na.

Nag-abang ako sa gate. Nauna na si Erica dahil kailangan pa naming puntahan si Miss Salonga.

Nabuhayan ako ng loob noong makita ang sasakyan niya. Ni-park niya iyon sa gilid at mabilis na lumabas.

"I called. Teacher mo ang sumagot. Bakit nasa kanya ang cellphone mo?" Mariin ang titig nito na nakapagpangiwi sa akin.

"Kinuha niya!"

"Bakit niya kinuha?" Naningkit ang mga mata niya.

Bumagsak ang mga balikat ko at napasimangot.

"Nanonood kasi ako ng cooking video sa klase niya. Ayon, kinuha niya pati 'yong notebook ko na may maraming recipe. Kunin mo, Kuya!"

Hinatak ko nang marahan ang laylayan ng shirt niya. Ngunit umiling ito at umigting ang panga.

"Brat," dinig kong bulong niya sa hangin.

"Hindi ah. Hindi lang talaga siya marunong magturo." Sinabayan ko siya ng lakad at hinatak-hatak pa lalo ang shirt niya.

"Non-sense reason." Hinatak nito nang marahan ang kamay ko papasok ng faculty.

Sinuyod niya ng tingin ang mga mesa. Tinuro ko ang pwesto ni Miss Salonga. Prente itong nakaupo at nakaayos. Mukhang pinaghandaan niya ang pagdating ni Kuya.

"I'm sorry for my sister unethical behaviour," panimula ni Kuya na nakapagtayo kay Ma'am.

"U-umupo muna k-ayo. Let's talk about Heaven's attitude."

Nataranta si Ma'am at hindi alam paano pauupuin si Kuya. Umirap ako na nahuli ng tingin ni Kuya. Humigpit nang bahagya ang hawak nito sa siko ko pero hindi naman masakit.

"There's no need for that, Ma'am. I think this is her first offense. You should have warned her first. Hindi muna dapat kinuha ang mga gamit niya. Kapag umulit ay doon pa lang. Please, we are in a hurry. Give back her things, especially her notebook." Napanganga si Miss Salonga at hindi alam kung anong uunahin.

"N-o, no. I did that for her to not repeat her mistakes."

"If that so, sorry for that. Please, pakibalik na at nagmamadali kami."

Kita kong namilog ang mga mata ni Miss Salonga at pilit pang inabot ang kamay ni Kuya.

"N-o. Let's talk first about her attitude."

Anong attitude?

Nakasimangot na ako na nakita ni Kuya. Liningon nito ang mga notebook sa mesa at hindi pinansin si Miss Salonga na nagsasalita.

"Alin dito ang notebook mo?"

Tinuro ko ang kulay brown na may food sticker. Kinuha niya iyon at linagay sa palad ko.

"We have to go. You can have her cellphone if you want it."

Nasama ako sa pagtalikod ni Kuya at giniya pa ako nito palabas ng faculty.

"Sandali!" habol na sigaw ni Miss Salonga.

Tumigil kami at hinarap ang guro.

"Heto ang cellphone niya." Nanginginig pa ang kamay nitong pilit inabot kay Kuya ang cellphone.

Mabilis iyong kinuha ni Kuya ngunit hindi nagbigay ng ngiti.

"Thanks." Mabilis niya akong hinatak paalis doon at hindi na lumingon.

Pinagbuksan niya pa rin ako ng sasakyan at inayos ang seatbelt ko.

"Next time, wait for your teacher to finish teaching before doing shit."

Agad na nanghaba ang nguso ko sa sinabi niya,  "This is not shit. This is my interest." Inirapan ko siya at niyakap ang notebook ko.

Napailing at gigil na pinaandar niya ang sasakyan. Hanggang makauwi ng bahay ay hindi na ito nagsalita.

Bakit kasi hindi pa siya pumasok sa kumpanya para maka-shift na ako ng course!

I hurriedly changed my clothes and went straight to the kitchen with my notebook.

Naghanap ako ng sangkap. May baka pero walang broccoli. Napanguso ako. Linipat ko ang pahina ng notebook ko at naghanap ng ibang lulutuin.

I settle my eyes on the buttered chicken recipe. Kumuha ako ng manok at butter. Ito na lang.

I wore my pink apron and tied up my long curly hair. Nagsimula akong linisin ang manok. Inayos ko ang mga gagamitin at pinrito ang manok. Pagkatapos ay nagsaing naman ako sa rice cooker.

Hindi ko alam kung nasaan ang mga katulong. Basta ginagawa ko lang ang gusto ko. Isa pa, comfort zone ko ang kusina.

"Pauwi na sila Mama."

Napatalon ako at nakamamatay na tingin kay Kuya noong basta lang ito pumasok sa kusina. Kumuha ito ng pitcher sa ref at nagsalin sa baso.

Natutok pa ang tingin ko sa fitted sando at pants nito. Kita ang muscles niya at ganda ng katawan. Kaya baliw sa kanya si Erica! Iba ang balak niyang habulin kay Kuya!

Isang beses na lumiko ang tingin ko sa mukha niya na siyang pagkahuli nito sa tingin ko. Nahuli ako nitong nakatingin sa katawan niya at tinaasan ng kilay. Napaiwas ako at inalis na ang manok sa kawali.

"What's that?" Napaatras ako nang lumapit ito sa gilid ko.

"I'm planning to cook buttered chicken." Inirapan ko siya at nagtunaw na ng butter sa isa pang kawali.

"Oh? For dinner? Smell's good." Humatak ito ng upuan at pumwesto sa bandang counter.

Nakaharap sa akin at tila guwardiya kung nakapokus nga lang. Ang kaso ay hindi. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at nag-scroll doon.

"Kailan ka ba aalis, Kuya?" inip kong tanong.

Natigil ito at kumunot ang noo. "You want me to leave?"

"Hindi. What I mean is para roon sa inaasikaso mo."

"Yeah right. Maybe the day after tomorrow," kumbinse nito sa sarili.

Tumango ako bago tinuloy ang ginagawa. Hanggang matapos ako ay hindi siya umalis doon. Tinulungan pa niya akong mag-ayos ng mesa.

"Hi, Kids!"

Niyakap ako ni Mama at hinalikan sa pisngi habang ginulo naman nito ang buhok ni Kuya.

"Daddy, let's eat na," malambing ko pang pagyaya.

Tumawa ito at hinalikan ang noo ko. Tinapik din sa balikat si Kuya bago tumungo sa kabisera.

"Kailan ka papasok sa opisina, Rigs?" si Mama na matamang hinihimay ang manok.

Natigil si Kuya na binigyan nang mariin na tingin ni Daddy. Mabagal kong sinubo ang kanina habang hinihintay ang sagot niya.

"May tinatapos pa po ako, Ma."

"Hindi mo na natapos 'yang ginagawa mo," angil ni Daddy.

Agad na hinaplos ni Mama ang kamay niya at pinakalma. Si Kuya naman ay natahimik habang ako ay hindi alam kung magsasalita ba o mananahimik na lang din.

"Hayaan mo na. Kapag nasa kumpanya na, mawawalan siya ng oras para sa sarili niya," si Mama na ngumiti kay Daddy.

Bumuntong hininga si Daddy at binigyan nang mariin na tingin si Kuya.

"How's your school, Heaven?"

Agad bumara ang manok sa lalamunan ko sa tanong at hindi mapigilan ang pag-ubo. Mabilis akong inabutan ng tubig ni Kuya at hinagod ang likod ko. Kumalma ako at napakagat ng labi.

"Okay naman, Dad." Ngumiwi pa ako.

"Liars go to hell, Heaven," si Mama na hindi naniniwala.

I groaned, "Hmp! Na-confiscate ang cellphone ko at notebook." Yumuko ako at sumimangot.

"Bakit?" Tumaas ang kilay nito at hindi ako linubayan ng tingin.

Lumingon ako kay Kuya at balak humingi ng tulong. Kaso tinaasan lang din ako nito ng kilay. Ayaw nilang nagsisinungaling ako.

"I watched cooking videos while my teacher is teaching." Napayuko ako lalo at binalot ng dagundong ang d*bdib ko.

"Hon, i-shift na natin ng kurso ang anak mo. Hindi naman siya nag-e-enjoy sa business."

Nagkapag-asa ako sa sinabi ni Mama na agad ring napawi sa sagot ni Daddy.

"No. I'm sorry, baby, pero hanggat hindi pumapasok sa kumpanya ang Kuya mo ay hindi. Matututunan mo ring mahalin ang kurso mo."

Nalunok ko na lang ang bara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko ay masisira ang pangarap ko dahil sakanila. Patago ngunit galit na titig ang binigay ko Kuya. Binalewala lang nito at inosenteng kumain, ni hindi ako sinulyapan!

Bagsak ang balikat na sumama lamang ang pakiramdam ko. Tinapos ko nang mabilis ang pagkain at dumiretso ng akyat sa itaas. Hindi nila ako tinawag dahil alam nilang masakit ang loob ko.

Naligo ako bago sana matulog. Mas kumportable din akong matulog kapag walang kahit anong damit. Nakakahinga nang maluwag. Wala namang CCTV sa kwarto kaya ayos lang.

Sinuklay at ni-blower ko pa ang buhok ko habang nakaupos sa dulo nf kama. Linagyan ng lotion ang mga binti ko at buong katawan. Nag-spray pa ako ng pabango bago humiga sa kama. Hindi ko rin hilig ang kumot. Naiinitan at nahihirapan akong huminga kapag ganoon.

Halos humihikab na at inaantok na ako noong marinig ang mahihinang katok sa pinto. Napairap ako. Hindi talaga siya makakatulog kapag alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ko.

Sinuot ko ang roba na nakasabit sa gilid ng pader ng kama ko. Kulay rosas at manipis. Hindi ko talaga gusto ng makakapal na damit. Naaalinsangan ako.

"What?" iritadong bungad ko.

Nakasandal ang kamay nito sa hamba. Umangat ang tingin nito sa akin at humagod sa suot ko. Tumagal pa ang titig niya sa litaw kong hita. Inayos ko iyon kaya naman umangat ang tingin niya.

"Milk and cookies," paos niyang bulong.

Dumako ang tingin ko sa dala niyang tray. Isang kamay lang ang panghawak niya.

Napanguso ako at linuwagan ang bukas ng pinto. Sabi na eh.

"Thanks. Palagay na lang sa bedside table, Kuya."

Pumasok at linapag nga niya iyon sa mesa. Umikot pa ang paningin niya sa kwarto.

Akala ko aalis na siya ngunit dumiretso siya sa banyo ko. Paglabas niya ay hawak na niya ang maruruming bra at panty ko. Linagay sa laundry basket sa gilid ng kabinet.

Nag-init ang mga pisngi ko at nahiya. Lagi niyang ginagawa iyon. Alam niya kasing tamad ako at burara. Minsan sila Manang naman. Basta iniiwan ko lang sa banyo ang mga iyon.

"Same old habits, Heaven. Nineteen ka na, hindi ka na bata."

"Bakit ba?! Hindi ko naman pinapagawa sa'yo." Humalukipkip ako.

Hindi siya sumagot kaya naman liningon ko. Nahuli ko itong nakatitig na naman sa labas kong hita. Ang liit kasi ng roba at bumubukas sa bandang binti paitaas. Mabuti at hindi sa gitna.

"Kuya, lumabas ka na nga." Linapitan ko siya at tinulak palabas ng pinto. Hindi naman siya umangal at nagpatianod lang.

"Okay. Let's watch movies tomorrow night. Lock your doors," malamig ngunit may diing habilin nito na tila may mangyayari kung hindi ako magla-lock ng pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status