Share

One Hundred three Trip:

"Lumabas ka ba kagabi, Almhera?"

Bungad ni Mama sa akin kinabukasan nang makaupo ako sa harap ng aming hapag-kainan. Kumalabog ang dibdib ko nang pumasok sa isip kong baka nakita niya kaming dalawa ni Clinthon kagabi. Napayuko ako sabay kagat ng sariling mga daliri. Huwag naman sana, siguradong pagagalitan nila ako ni Papa 'pag malaman nilang may kausap akong lalaki kagabi.

"Imposibleng ikaw nga 'yon, anak. Hating gabi na rin 'yon. Pero alam niyo ba?"

Sabay kaming napatingin nina Papa at Brayson kay Mama nang pabagsak niyang binitawan ang hawak niyang kubyertos.

"Kinilabutan ako sa nakita ko kagabi. Nagbanyo kasi ako, nang pabalik na ako sa kwarto, may anino ng tao akong nakita riyan sa kilid ng tarangkahan natin," ani Mama habang tinuturo ang labas ng bahay namin.

"Ano?! Baka may masamang tao sa labas kagabi, Amanda. Ba't hindi mo ako ginising?" Binitawan ni Papa ang hawak na kubyertos sabay nag-alalang tiningnan si Mama.

Na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status