Share

Marry You

BADTRIP NA naman si Brent kahapon. Siyempre, ako na naman ang dahilan. Hindi ito nakisalo sa amin. Lumabas ito at saka bumalik ng pauwi na kami. Panay ang sermon sa akin ni Amy. Sobrang kapal na raw ng mukha ko. Paano raw kapag napipikon na si Brent sa akin? Baka masuntok raw ako nito.

Subukan niya lang, susuntukin ko rin siya ng aking pagmamahal.

Bored na bored akong nakikinig sa instructor namin sa accounting. Hayst. Ayaw ko talaga nito. Mabuti na lang nakakaintindi ako kahit papaano. Napakalaking bagay rin na kaibigan ko ang top 1. Next year talaga mag-iiba na ako ng kurso. Kailangan kong makumbinsi sila tatay.

Boobsie.” Bulong ko habang kinakalabit ko ang likuran niya. Nasa likod kasi ako ni Amy.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status