“TAPHNEY, hija... what are you doing here?”Agad na napabalikwas ng bangon si Taphey nang marinig ang boses na iyon. It was her dad. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o malulungkot nang makita ang mugtong-mugtong mga mata ng kanyang ama. Umalis siya sa kanyang kama at sinalubong ng isang mahigpit na yakap ang daddy niya.“Dad...” mahinang usal niya kasabay ng isang masaganang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. Hindi na niya iyon napigilan lalo na nang maramdaman niya rin ang pagganti sa kanya ng yakap ng daddy niya. “I’ve missed you.” dagdag na wika niya habang pinipilit pigilan ang pagluha sa kanyang mga mata. Mas lalong humigpit ang yakapan nilang mag-ama.“I miss you more, hija. Papaanong nandito ka? Tumakas ka ba?” Saglit na lumayo muna si Taphney upang punasan ang kanyang mukha. Dahan-dahan rin siyang umiling.“Hindi po, dad-”“Then what are you doing here? Napakaimposible naman sigurong hayaan kang magpunta rito ni Mr. Santocildez, that guy is such a devil and merciles
HALOS isang linggo na rin ang lumipas magmula noong nagpunta si Taphney sa bahay nila at hindi na siya muling pinasama ni Ashton sa opisina nito. Hindi na rin nakikita ng dalaga si Tristan sa mansyon ng binata kahit na ba secretary niya ang nabanggit. Hindi na siya nagtanong pa nang karagdagang detalye dahil noong dumating sila ni Tristan sa mansyon ni Ashton ay mabilis lang siyang pinaakyat ni Manang Martha sa kwartong ginagamit niya at pinagsabihang huwag siyang bababa. Ilang minuto muna ang lumipas bago muling pumanhik ang mayordoma at sabihan siyang hinahanap na siya ni Ashton. Wala na si Tristan nang makababa siya sa unang.Naghapunan lang sila nang tahimik ni Ashton. Hindi rin ito tumitingin sa kanya kahit na ilang beses na siyang tumikhim. Ganoon lamang ang sistema nito hanggang ngayon nga na halos isang linggo na ang nakalipas. Magsasabay sila sa pagkain ni Ashton ngunit parang wala rin naman siyang kasabay kasi hindi naman sila nagkekwentuhan o nag uusap ng binata. Maging ang
HINDI na namalayan ni Taphney na nakatulog na pala siya kahapon dulot na rin marahil ng kanyang matinding pag-iyak. Nang magising at tingnan niya kung anong oras na ay pasado na madaling araw. Hindi nalang siya tumayo sa higaan at pinagpatuloy na lamang ang pagtulog. Kinabukasan ay tila isang normal na araw lang ang lumipas. Lubos niya rin pinagpasalamat na sa kabila ng kanyang matinding pag-iyak kahapon ay hindi naman namaga ang kanyang mga mata. Mabilis na ngang tumayo mula sa kamang kinahihigaan niya si Taphney at uunat-unat ng kanyang mga braso. Kumunot ang noo niya nang may mapansin na nakatakip na kung ano sa itaas ng kanyang mesa.Dahan-dahan niya iyong binuksan at ganoon na lamang ang pangungunot ng noo niya nang makitang pagkain iyon. Muli nalang niyang tinakpan iyon at dumiretso sa banyo ng kanyang kwarto. Mabilisan lamang ang ginawa niyan pagligo dahil anong oras na siya nagising, medyo sikat na rin ang araw nang sumilip siya sa kanyang bintana. Nang magtapos mag-ayos ng sa
“WHAT are your plans for tomorrow, Ashton? Tatanda ka na naman ng isang taon bukas ah.”Ashton hurriedly shrugged his shoulders while giving the payment for his order. Nandito siya ngayon sa main restaurant ng kaibigan niyang si Sebastian or also known as Pawn when they are in the headquarters but since wala sila roon, he wants to treat Pawn just like the others commoners businessman or let’s say a head chef of a prestigious restaurant.“I don’t know... maybe work?” dagdag na sagot ng binata habang kinukuha ang order na lasagna at carbonara with garlic bread na pinasadya niyang ipaluto kay Sebastian.According to everybody who happened to ate in Sebastian’s restaurant, ang lasagna at carbonara daw ng binata ang pinakamasarap na natikman nila sa lahat ng restaurant na kinainan nila. Well, Ashton never doubt that, maging siya rin kasi ay nakakalimutan panandalian ang mga problema niya sa tuwing nakakatikim ng luto ng kaibigan.“What the hell? Kahit sa araw ng kaarawan mo, you’re still p
AGAD na bumangon sa kinahihigaan niyang kama si Taphney nang marinig at makumpirmang umalis na ang kotseng kinasasakyan ni Ashton. Nag-abala pa talaga siyang mag-alarm para lang magising nang maaga at masimulan ang oplan seventh birthday party para sa pinsan ni Lucifer na si ay joke! Hindi niya muna pala tatawagin na pinsan ni Lucifer si Ashton dahil nga birthday ngayon ng binata. Hahayaan niya munang tawagin ito sa pangalan nitong Ashton hangga’t hindi pa natatapos ang araw na ito.Patayo pa lamang si Taphney sa kama nang bigla siyang makarinig ng mga katok sa kanyang pinto. Agad na nabaling rito ang kanyang paningin.“Miss Taphney... gising na po ba kayo? Nakaalis na po si Sir Ashton-”“Gising na ako Manang Martha! Good morning by the way!” masayang bati ng dalaga nang mabilis niyang buksan ang pinto at bumungad sa kanya ang mayordoma. Halata ang pagkagulat sa matanda na isang tipid na ngiti na lamang ang isinagot sa kanya. Agad namang nakunsensya si Taphney at nag-aalalang lumapit
HINDI na mabilang ni Taphney kung ilang beses na siyang may narinig na may kumatok sa kanyang pinto ngunit patuloy niya lang itong hinahayaan. Hindi siya tumatayo para pagbuksan iyon at hindi rin siya sumasagot sa tuwing tinatawag ang pangalan niya. Naiinis siya at wala siya sa mood para makipag-usap sa kahit na sino ngayon.Nalipat muli ang mga mata ng dalaga nang makarinig na naman siya ng pagkatok mula sa kanyang pintuan. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin na para bang pinihit ang doorknob niya mula sa labas at makitang unti-unti ngang bumubukas ang pinto. Sa pag-aakalang ang mayordoma lamang iyon ay mabilis siyang nagtalukbong ng kumot bago tumalikod.“Wala po akong ganang kumain, Manang Martha. Bababa nalang po ako pag nagutom-”“It’s me... Taphney...”Pakiramdam ng dalaga ay biglang may kung anong kumiliti sa puso niya nang mahimigan ang boses na iyon. Hindi siya magkakamali pagdating sa pagtukoy kung kanino ang boses na narinig. Iyon lang naman kasi ang lalaking daig pa ang
NANG makarinig ng pagbagsak ng pintuan si Taphney ay dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto ng banyong kinaroroonan niya at nilapat ang tenga roon. Sinisigurado niya kung wala na ba talaga si Ashton sa loob ng kwarto. Pinalipas na muna niya ang limang minuto at dahan-dahan nang pinihit ang seradura ng pinto. “Wala naman na siguro ang damuhong pinsan ni Lucifer na iyon-” “And who is the person you are pertaining with those words?” Literal na nanlaki ang mga mata ng dalaga nang sa paglingon niya ay bumungad sa kanyang paningin ang binatang si Ashton na prenteng nakaupo sa gilid ng kanyang malaking kama. Agad na kumunot ang kanyang noo at hindi makapaniwalang tinitigan ito. “A-akala ko... akala ko umalis kana?!” hindi na niya napansin na medyo napalakas na pala ang boses ng pagkakatanong niya. Isang pilyong ngiti ang agad na rumehistro sa mga labi ng binata. Taphney can’t believe this man! Buong akala niya kasi ay nilisan na nito ang kwarto noong narinig niya ang pagbagsak ng pin
LAST night was a totally blast, iyon ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Taphney nang magising siya at ngayon ay masasabi na niyang nasa tamang pag-iisip na siya. Hindi niya pinagsisisihan ang mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Ashton kagabi ngunit nandoon pa rin ang kahihiyan hindi lamang para sa sarili kung hindi para na rin sa binata. She let him tasted and touched her eventhough they don’t have a relationship. Naisip niya tuloy, is this still part of the contract?Halos kalahating oras na siyang gising ngunit hindi pa rin bumabangon sa kanyang higaan. Wala na ang binata nang imulat niya ang kanyang mga mata. Mas maigi na rin iyon para naman hindi maging awkward ang pakikitungo niya rito. Hindi niya pa alam kung paano titingnan o kakausapin si Ashton matapos ang nangyari kagabi.Nang makuntento sa tagal na pakikipagtitigan ni Taphney sa kisame ng kanyang kwarto ay dali-dali na siyang nagtungo sa banyo na nandito lang din sa kwartong inuukupahan niya. Bukod k