Share

Chapter 2

Bago magsimula ang heist, naunang pumunta ang aming mga kasama sa van, habang naiwan ako at si Golden. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong tumutulo ang luha niya habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko maintindihan pero nakaramdaman ako ng kaginhawaan sa init ng yakap niya. Yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang kalinga ng isang ama na pagkatapos ng labing walong taon ay ngayon ko lang naramdaman.

Pakiramdam ko ay ligtas ako at walang kahit anong makakapanakit sakin. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap at hinubad ang kwintas na kanyang suot, marahan niyang isinuot ito sa aking leeg.

"Kwintas ng Buhay ang tawag dito," sabe niya habang hinihimas ang kwintas na suot ko.

"Nagmula pa yan sa mga nauna mong lolo na pinasa lang din sakin. Tingin ko, mas bagay na siya sayo ngayon na matanda ka na. Dalaga na ang prinsesa ko. Sorry anak sa buhay na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo, sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama. Huwag mong iwawala 'yan ha? Yan ang magliligtas sayo sa lahat ng kapahamakan. Sabe ng Itay, kapag nasa peligro ka, bumababa ang anghel mula sa langit para protektahan ka basta't suot mo ang kwintas na 'yan," paliwanag niya.

"Tay, hindi mo kailangan humingi ng patawad. Masaya ako na ikaw ang naging tatay ko, at kung mabubuhay akong muli, ikaw pa rin ang pipilin kong maging ama." Maririnig ang nginig ng boses ko dahil sa pagpigil ko sa mga luhang nagbabadyang bumagsak anumang oras.

"Pano kung ikaw naman ang nasa peligro? Sino ang bababa sa langit para protektahan ka?" tanong ko. Ngumiti lamang sya bilang tugon at ginulo ang aking buhok. Muli niya akong niyakap nang mahigpit sa huling pagkakataon at agad na kaming sumakay sa van.

***

Nanghihina pa ay bayolenteng kinaladkad ni Nitrate si Klarissa paakyat sa ikalawang palapag ng gusali. Marahas niya itong ihinagis sa sofa kung saan dahan-dahang kinuha ni Little Finger ang revolver niya na nakatago sa binti at tinutok kay Nitrate.

BANG!

Dumaplis kay Nitrate at tumama sa pader ng kwarto ang balang magdidikta ng kapalaran ni Little Finger at ng buong heist. Mabigat ang mga hakbang nito patungo sa direksyon ni Little Finger, at dahan-dahan niyang inilapit ang noo sa revolver nito na hanggang sa kasalukuyan ay nakatutok pa rin sa kanya.

"Anong sinasabe mong plano, Amateur? Walang nakakaalam ng plano, dahil walang plano! Hanggang ngayon ba hindi mo naintindihan yon? Kada minuto nag-aantay tayo sa walang kasiguruhan sa loob ng impyernong 'to. Kaya kung gagawa ka ulit ng kabaliwan na ikakasira ng heist na 'to, hindi ako magdadalawang-isip na magtanim ng bala diyan sa utak mong walang laman," nanggigil nitong paliwanag. Matapos komprontahin ni Nitrate si Little Finger ay tahimik na nitong nilisan ang kwarto at pumunta na sa kanyang posisyon.

"And because of what they did, we are now the safest member of the troops. lisipin nila na mga civilian tayo at tinakot lang na sumunod sa mga utos nila, kaya magagawa natin ang role natin nang walang kahirap-hirap," paliwanag ni Sly kay Little Finger.

"Gear up. Get your guns and we'll go down in a few," utos ni Sly. Kinuha nila ang mga baril na malaki at nagsimula nang bumaba sa lobby para gawin ang trabaho nila.

***

Bumaba kami ni Sly suot pa rin ang magagarang damit namin, ngunit ngayon, may nadagdag ng palamuting na kaming AR-15 at AK-47 na nakasabit sa aming mga balikat. Pinaghiwalay namin ang mga babae, lalake, at pinagsama-sama naman ang mga matatanda at may mga karamdaman, pahalang silang pinaupo nang maayos. Isa-isa rin naming kinuha ang kanilang mga cellphone para maiwasan ang pagkontak nila sa mga pulis sa labas. Ang kasalukuyang bilang ng mga hostage ay: 32.

Alas siyete na ng gabi, tatlong oras na rin ang nakakalipas nang magsimula naming pasukin ang The Heimz. Kada tatlong oras din aakyat si Sly sa VIP Room kung nasaan si Golden upang magreport ng ganap sa grounds, at magbigay ng orders pagbalik. Ilang minuto din ang tinatagal niya sa taas. Pagkatapos ng mahaba nilang usapan ni Golden, bumaba siyang may dalang dalawang malalaking bag. Hinagis niya ito sa gitna at pinabuksan kay Carbon ang mga ito. Naglalaman ang bag ng mga jumpsuits, balaclava masks, at mga pekeng rifles like them. Pinasuot ito ni Sly sa sampung random na hostage kasunod ang pagposisyon ng walong hostage sa harap ng entrance ng The Heimz, nakatutok ang kanilang mga baril sa labas habang ang dalawang hostage naman ay nasa unahan at nakatayo lamang sa gitna. Pinindot ni Sly ang button at dahan-dahang nagbukas ang entrance ng gusali. Nakakabulag na mga ilaw ang sumalubong sa aming mga mata nang tuluyang bumukas ang makapal na metal na gate. Mabilisang nilapitan at kinuha ng dalawang hostage ang dalawang malalaking box na nakaabang sa entrance. Nang makabalik na ang dalawa, nanlaki naman ang mata ko sa gulat nang i-assist ni Nitrate ang mga matatanda at may mga karamdaman palabas ng The Heimz. Matapos nilang makalabas lahat, pinindot na ni Sly ang button upang isara muli ang gusali. Ang kasalukuyang bilang ng mga hostage ay: 25. Naglalaman ng mga pagkain at mga hygiene kits ang mga kahon, hindi na ako nag-atubili pa at ibinahagi ko ang mga pagkain sa mga hostage upang makakain na sila. Isa-isa ko ring binigyan ng pagkain ang troops kasama na si Golden sa ikalawang palapag ng gusali sa VIP Room. Agad akong bumaba para magbantay ng mga hostage mula sa VIP Room.

Umupo ako sa pwesto kung saan tanaw ko ang lahat at sinabayan kong kumain ang mga hostage. Mapapansin na hindi lahat kayang ngumuya sa ganitong sitwasyo, hindi lahat kayang sikmurain na anumang oras pwedeng mawala ang kanilang buhay. Marahil may iilan sa kanila ang nangakong uuwi ng may fried chicken silang dala na paborito ng bunso nilang anak. O di kaya' y may ilan sa kanilang nangako sa anak nila na tatabihan nila itong matulog ngayong gabi ngunit, malamig na hangin lang ang hehele sa kanila at kumot lang ang yayakap ngayon sa mga anak nila. Marahil maroon ding mga anak na nagpaalam na uuwi rin sila kahit hindi sila hinahanap sa loob ng tahanan nila.

"P-pa'no niyo nasisikmurang gawin 'to?" tanong ng isang babae, tingin ko ay nasa trenta na siya at nasa middle class na pamilya base sa mga alahas ay pananamit niya.

"Ang alin?" Nakataas na kilay kong tanong.

"A-ang magnakaw? Napakabata mo pa, hija. Do not get ahead of yourself. Malayo pa ang mararating mo sa buhay. Hindi mo kailangan madaliain ang buhay mo at tumanda agad," tugon niya.

"Kahit naman anong edad dinadalawan ng gutom. Baka puti na mga namin kapag nag-antay pa kami ng ayuda mula sa gobyerno, kaya naman kami na ang gumagawa ng paraan para mabuhay," sagot ko habang may laman pa ang bibig ko.

"Hindi naman kami masamang tao. Wala naman kaming sinaktan na kahit sino inyo hanggang ngayon. Kailangan lang namin ng pagkain sa kumakalam naming sikmura," dagdag ko.

"Bakit... bakit di ka maghanap ng trabaho? Marami kang mapapasukan sa edad mo. Yung trabaho na hindi nakatanim ang isang paa mo sa hukay," nag-aalala niyang tugon.

"Para saan pa? Para sa kakarampot na sahod? Halos umabot na sa sesenta ang presyo ng bigas. Hindi naman masamang umaray kapag masakit na. Hindi rin naman masamang magreklamo kapag may problema na. Umaaray na kami kasi di na namin kayang bilhin ang ganon kamahal na bigas. Kung hindi kayo umaaray dahil may pambili kayo, kaming mga wala, hayaan niyo kaming umaray, hayaan niyo kaming magreklamo, at hayaan niyo kaming mabuhay," paliwanag ko.

"Kayong mayayaman o may kaya sa buhay, hindi niyo kami maiintindihang mga nasa laylayan. Buti kayo, hindi niyo kailangan hanapin ang kakainin niyo kinabukasan. Kami? Hahanapin pa namin kung saan namin kukuhain ang kakainin namin ngayon, ganon ulit bukas. Walang kasiguraduhan. Swerte na kung makakain kami ng isang beses sa isang araw. At higit sa lahat, hindi tayo pantay ng opportunidad sa trabaho, sa edukasyon, at sa buhay. Pero kapag kumalam na ang sikmura natin at wala na rin kayong makain, pare-parehas lang tayo ng anyo," dagdag ko.

Nang matapos akong kumain, tumayo na ako at kinuha ang mga pinagkainan nila para linisin. Tinapon ko sa bodega ng gusali ang mga basura mula sa aming pinagkainan at bumalik na rin. Naabutan ko si Sly na nagbibigay ng instruksyon sa mga hostage.

"Sa mga oras na 'to, pwede na kayong magpahinga o kung gusto niyo matulog na rin kayo. Kakailanganin niyo iyan dahil magkakaroon tayo ng malaking show bukas! The question is, handa na ba kayo? НАНАНАНАНАНАНАНА. But wait, where are my 10 horsemen? Carbon, Nitrate led them to their respective position," nakakakilabot ang tawang binitawan ni Sly. Tawang iyong ang nagpahiwatig na hawak namin ang sitwasyon, at nasa amin ang kapangyarihan. Samantala, hinatid naman ni Carbon at Nitrate ang mga hostage na naka-suit at may pekeng baril sa bawat bintana ng the Heimz. Isa itong ilusyon para isipin ng kapulisan na marami ang pwersa namin sa loob. At ang mga hostage ang pader na magdidikta ng heist na 'to.

"It's getting late. And we cannot afford them to infiltrate while you are all sound asleep. As we promised, we will never hurt you if you cooperate. And that will be my Ted Talk for tonight, you may now sleep in your most comfortable position," kalmado at puno ng karismang pagkakasabe ni Sly. Hindi mo maikakaila na siya ang pinaka-perperktong miyembro para sa posisyong ito. Kalahati ng troops ay kinuha na ang kanilang panaginip, pinili ni Sly at Nitrate na magbantay ngayong gabi, samantalang hinayaan muna nila kami magpahinga ni Carbon.

Madilim ang paligid. Ang sinag lang ng liwanag mula sa bintana na nanggagaling sa mga kapulisan ang siyang nagpapailaw sa loob ng the Heimz. Tumabi ako sa isa sa mga lalaking hostage dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napansin ko rin na malalim ang iniisip niya. Tila naglalakbay ang kanyang isipan nito sa kawalan, at anumang oras ay wala pa itong balak bumalik. Nakatingin lang ako sa bintana na dinadaanan ng mga ilaw na sasalubong sa amin pagkatapos ng heist na ito, nang bigla siyang magsalita na ikinagulat ko.

"Do you believe in God?" kalmadong tanong niya habang nakatitig sa kawalan.

"Kung iki-keep niya yung promise niya na babalik siya. Pero tingin ko 'di na siya babalik sa Earth," seryosong sagot ko.

"Bakit mo naman nasabe na he won't come back?" tanong ulit niya.

"Kasi diba? Nung unang punta niya dito pinako siya ng mga tao? What if gusto niya lang pala ng tsokolate, diba? Tas napako pa siya," patawang sagot ko habang mangiyak-ngiyak ako sa katatawa. Ngunit seryoso lang ang kanyang mukha at pinag-isipan kung nakakatawa ba o hindi ang sagot ko.

"I think you're the kind of person who always blames others. You always blame God for any inconvenience in your life because the way you mock him? I can see it. And you never take responsibility for your actions, not even once. So, you blame others as if they control your life," kalmado niyang pagkakasabi.

"We must have faith. You may not believe in God I believe in, but you must believe into something, even if it's not real. And we should learn how to love ourself, appreaciate life, and live with a purpose," dagdag niya.

"Siguro 'di niya lang naririnig mga dasal ko, o kung naririnig man niya, baka mas trip niyang tuparin mga panalangin ng mga tulad mong banal," iritableng sagot ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

Lumapit ako kung saan nakaupo si Sly at tumabi sakanya.

"Makakalabas pa kaya tayo ng buhay?" tanong ko kay Sly.

"Makakalabas tayo? Oo. Pero ng buhay? Hindi ko sigurado. Matulog ka na, bukas na magsisimula ang totoong heist," sagot niya.

Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya upang komportable akong makatulog. Kinakantahan niya ko ng lullaby para kumalmal ang akong isipan at para makapag pahinga na, ngunit ang himig ni Sly ay napalitan ng malalakas na tinig ng mga sirena. Mas malakas, mas marami. Ang mga tinig na ito ay nagbabadya ng nalalapit na dilim sa pagitan ng pwersa ng kapulisan at ng pwersa namin dito sa loob ng The Heimz.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status