Share

2

2

Iah's POV

"Ate sigurado ka ba diyan sa plano mo?"

"Pang-ilang tanong mo na nga ba iyan Inah? Manahimik ka nga muna diyan at mag-iisip pa ako ng idadahilan mamaya kay manang." Inis kong sabi kay Inah at inirapan siya. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng lipstick hanggang sa nagsalita na naman siya.

"Ate hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip mo." Sabi niya habang nakahalukipkip sa aking kama.

"Bakit manghuhula ka ba para maintindihan at malaman mo kung ano yung nasa isip ko ha? Intindihin mo na nga lang yung sarili mo. Handa na ba yung mga gamit mo ha at naka-upo ka lang diyan?" Hinarap ko na siya. Andami namang nalalaman nitong babae na to, mag-ingat lang ang hindi. Tsk.

"Oo ate nakahanda na yung mga damit ko. Kukuhanin ko na lang mamaya kapag paalis na tayo. Ate kinakabahan ako eh" Ayan na naman siya. Kinakabahan na naman. Sinabi nang wag mag-isip nang mag-isip baka mastress siya pumanget pa yung baby. Phew.

"Huwag ka ngang kabahan. Ako yung magpapanggap na lalaki okay?" Sabi ko sa kaniya at kinuha na ang maleta ko.

"Oh ano? Hihintayin mo pa atang lumaki ang tiyan mo bago ka tumayo diyan eh. Tara na nga." Iniwan ko na siya sa kwarto ko. Para laging lutang ang babaitang yun eh. Ganun ba talaga kapag buntis? Nagiging parang timang? Parang hindi naman ah? Bukod tangi tong si Aninah eh. Masyadong pabida.

Dumaan na din ako sa kwarto niya at kinuha na ang maleta niya. Bale tig-isang maleta lang kami. Babalik din naman kami dito eh. As soon as possible. Kailangan kong galingan sa paghahanap kay Ababa!

Kanina naisip ko baka pina-prank lang ako nitong si Inah eh. Paano ba naman kase, Ababa daw pangalan nung nakabuntis sa kaniya. May pangalan ba namang ganun? Ano kayang iniisip ng nanah nun nung pinangalanan niyang Ababa yung anak niya? Pero napansin ko blooming siya eh. Diba ganun daw yun pag buntis? Hayst. Bahala na nga.

"Iah pasaan ka?" Takang tanong ni manang pero tinulungan naman niya akong ibaba yung dalawang maleta sa salas.

"Ah manang, dun po muna sana kami ni Inah sa condo ko mag-stay" Sabi ko sa kaniya. Halata sa mukha niya ang pagkalito. Phew, nakokonsensya na agad ako eh hindi ko pa nga nasisimulan yung mismong plano.

"Bakit naman?" Parang nawala yung boses ko ah? Hindi ako makapag-salita ng ayos. Sinaulo ko na kanina yung dapat sasabihin ko ah?

"Ah manang kase ano po, may aasikasuhin din po ako eh, kailangan po hands-on eh. Malapit po yung condo dun sa aasikasuhin ko tapos si Inah naman po isinama ko na. Para din po makapag-bonding kami." Wooh. Sana naman po wag akong mapunta sa impyerno dahil sa mga pinagsasabi ko at sa mga gagawin ko.

"Ah ganun ba? Kailan kayo babalik ditong magkapatid?" Gusto kong sabihin kay manang na 'Manang hinay-hinay sa tanong hindi ko na alam kung anong isasagot ko'. Huhuhu.

"Ah... wala pong specific time eh... pero tatawag po ako dito sa bahay kapag uuwi na kami." Kailan kaya yun?

"Ah siya sige. Mag-iingat kayo dun ah?" Ngumiti naman ako at tumango. Safe naman dun sa condo ko kase dun ako tumira nung nagka-college ako. Gusto ko kasing maging independent.

"Eh alam ba naman nina mam at ser ang pagtira niyo pansamantala sa condo mo Iah?" Ayan na nga ang iniiwasan kong tanong eh. Yung involve si mom and dad. Kapag nga talaga sinimulan mong idahilan ang isang kasinungalingan madadagdagan pa ito ng panibagong dahilan at panibagong kasinungalingan. Hayst.

"Uhm, hindi na po namin sinabi kase po hindi naman po kami aabutin ng ilang buwan sa condo ko." I hope so.

"Siya sige, pero pag nagtanong sakin sina ser sasabihin ko ah?" Alam ko namang concern lang si manang pero Jusme sana wag muna mangamusta sina mom and dad kay manang kahit ngayong buwan lang. Masyado kaseng loyal tong si manang sa parents namin eh, walang tinatago, lahat sinasabi.

"Sige po manang." Tumango ako sa kaniya. Lumingon ako kay Inah na kakababa pa lang ng hagdan. "Tara na." Yaya ko sa kaniya. Tumango naman siya at kinuha na din ang kaniyang maleta.

"Manang alis na po kami ah?" Napaka-bait talagang bata nito ni Inah eh grabe! Ngumiti lang ako kay manang bilang pamamaalam. Hindi ko na kaya magsalita eh, puro kasinungalingan na yung mga pinagsasabi ko kanina eh.

"Mag-ingat kayong dalawa ah. Iah ikaw na bahala kay Inah at ikaw ang mas matanda? Tsaka wala pa yang kamuang-muang sa mundo. " Tumango ako kay manang at pilit na ngumiti. Manang kung alam niyo lang na buntis tong si Inah ewan ko lang kung masabi niyo pa ang sinabi niyo! Walang kamuang-muang ba kamo manang? Eh nakagawa na nga ng pandagdag tao dito sa mundo eh.

*kamuang-muang means kaalam-alam*

***

"Inah mamili ka na lang diyan sa dalawang guest room kung saan ka mag-stay ah?" Tumango naman siya sa akin. Hindi naman siya pwede sa room ko kase madaming chuchuness, charot lang, basta ayaw ko lang, bakit ba? Tatlo yung room dito sa condo ko, yung kwarto ko tapos dalawang guest room. Syempre yung kwarto ko ang pinakamalaki.

Biruin mo mag-isa lang ako dito dati? Minsan naman may nakakasama ako kapag naisipang mag sleep-over ng mga college friends ko. Dito rin kami madalas tumambay non tapos dito rin ang madalas venue ng paggawa ng thesis at iba pang projects. Bukod sa ako lang ang nakatira dito eh malayang malaya silang gawin kung ano man ang gusto nila.

"Aayusin ko lang ang gamit ko tapos pagkatapos ko tsaka ko aayusin yung sayo." Sabi ko sa kaniya tsaka dumiretso na sa kwarto ko.

Inilibot ko yung tingin ko sa dati kong kwarto. Psh. Ganun pa rin naman. Medyo maalikabok lang. Halos dalawang taon ko din itong hindi nadalaw. Hindi naman ako napunta dito kapag nauwi akong Pinas dati eh. Hindi ko rin naman napalinisan kase wala naman talaga akong balak na tumira dito no! 

Tinatamad naman akong maglinis. Mga ilang minuto pa akong nakatulala bago naisipang lumabas. Psh. Nakaupo pa rin si Inah sa sofa, kung nasaan siya kanina nung iniwan ko siya nandun pa rin siya.

"Iah tinatamad akong maglinis eh, magpapapunta na lang ako kay manang ng dalawang katulong para malinis ang buong condo. Sila na din ang pag-aayusin ko ng mga gamit natin. I changed my mind, sinapian ako ni kumareng katamaran." Mahabang litanya ko habang nakapamewang na nakaharap sa kaniya.

"Okay ate. Pero anong gagawin natin kung may mag-aasikaso na pala dito?" Yung mga galawan at reaksyon talaga ni Inah napaka-inosente. Hindi mo aakalaing mabubuntis ng maaga. Kaya don't expect from those goody goody!

"Sasamahan mo ako sa mall. May gagawin ako. Hindi ka na ba magbibihis?" Umiling naman siya. "Oh tara na" sabi ko at naglakad na papuntang pintuan.

"Akala ko ba ate magpapapunta ka ng katulong dito?" Tanong niya sa akin. Nalatigil naman ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Oo nga. Hindi ba pwedeng kapag nasa kotse o nasa mall tayo tsaka ko yun gawin? O baka naman gusto mo pang hintayin yung mga katulong at makipag-chismisan?" Pinapainit nito ang ulo ko ah.

"Chill ate. Tara na nga." Sabi niya at hinila na ako palabas. Hindi ko na ini-lock ang pinto ng condo, may security naman sa baba tapos para dire-diretso na din ang maids mamaya.

"Hoy Inah wala ka man lang dala kahit ano?" Tanong ko sa kaniya nung nasa elevator na kami.

"Wala ka namang sinabi ate. Tsaka kasama naman kita, okay na yun." Parang walang pakialam na sagot niya sa akin.

Cellphone at wallet nga lang ang dala ko pati susi ng kotse.

"Inah pumunta ka muna sa receptionist at sabihin mong may pinapunta akong katulong sa unit ko. Baka mamaya hindi nila papasukin eh. Ikaw na bahala, kukunin ko lang yung kotse. Hintayin mo na lang ako diyan sa labas"  Tumango naman siya kaya iniwan ko na siya doon. Paano ko ba tuturuan si Inah na maging matured at independent? Just like me? Ang problema nga lang sakin eh, mainitin ang ulo, kakaiba mag-isip tapos minsan akala mo may sapi. Pero kapag serious talks seryoso naman ako. Pero kapag lokohan hindi ako nagseseryoso baka masaktan lang ako. Charrott. Akala mo nga naman may boyfriend. Tsk.

Magpapasama ako kay Inah mamili ng mga gamit ng lalaki tapos after non magpapasama ako sa kaniya sa parlor para isakatuparan ang mga plano ko para sa OPERATION HANAPIN ANG NAKABUNTIS KAY INAH!

Pero seryoso kahit kinakabahan ako I still need to do this, kinabukasan ni Inah ng baby ang nakasalalay dito. Kaya naman naming palakihin ang bata ng hindi nangangailangan ng tulong ng iba. May kaya naman kami kaya lang yung presence ang kailangan namin hindi pera.

Naiisip ko pa lang kung anong itsura ko kapag naka-gupit panlalaki ako natatawa na ako, paano pa kaya kapag nagupit na? Pero hindi ko muna iisipin ang itsura ko basta matapos lang lahat ng problemang ito.

Bakasyon ko dapat to eh! I should be enjoying my self! Dapat nagliliwaliw ako ngayon. Dapat naghahanap ako ng boyfriend, charooot.

Pero bahala na nga kung ano man ang mangyari sa hinaharap. Pero paano ko pala itatago yung hinaharap ko? Mamaya ko na pag-iisipan yun basta yung mga kakailanganin ko muna ang uunahin ko.

Inaamin ko nag-eenjoy ako sa mga nangyayari. I love challenges!

Heiberg University wait for me!!!

***

04-19-20

HOPE YOU ENJOY READINGāœŒšŸ»

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status