Share

Just the CEO's Secretary
Just the CEO's Secretary
Author: ClairdeLune

Chapter 1

I knocked on the fully opaque glass door thrice in front of me and opened it afterwards with a tablet on my other hand. Kaagad namang sumalubong sa aking mga mata ang aking boss na si Sir Sebastian Vergara, sitting on his swivel chair with that fine navy tailor-made suit in all his glory.

Abala ito sa kakabasa ng mga sandamakmak na papeles sa kan’yang table habang nakakunot ang noo, but he’s still gorgeous even with that serious face. Really.

Kahit naman siguro ano’ng emosyon ang naka-printa sa mukha niya ay mala-Adonis pa rin ang mukha nito. Kaya hindi ko rin maiwasang humanga sa ka-g’wapuhan niyang taglay. Kulang na lang talaga ay patayuan ko siya ng rebulto para mas maipakita ko ang labis-labis na appreciation ko sa mukha niya. Chos.

I immediately erased those wild and forbidden thoughts from my mind and composed myself when I reached his high-end L shape executive office table. Hindi man umaangat ang tingin niya sa akin ay alam ko namang alam niyang nasa harap niya ako.

“Excuse me, Sir, here’s your appointments for today.” I placed the tablet on the table and stepped backward with my hands clasped in front of my tummy. “Your first client for today is expecting to see you one hour from now. She would like to see you personally,” dagdag ko pa habang pinapatiling tiwasay ang pagkakatayo lalo na ang aking mukha.

I’ve done this many times and there’s no way I’d make mistakes in front of him. Pero hindi ko pa rin maipagkailang minsan ay nawawala ako sa aking sarili lalo na kung tinititigan ko ang mukha niyang labis na pinagpala ng Poong Maykapal.

Kung bakit ba naman kasi ganito pa ka-g’wapo ang boss ko?! Tapos tatlong taon lang ang agwat namin, kaya batang-bata pa talaga. Nakakawala tuloy ng poise minsan. Mabuti na lang talaga at hindi niya pa ako nahuhuling halos maglaway na sa kan’ya.

Halos tatlong taon na akong nagta-trabaho bilang executive assistant ng CEO ng Vergara Group of Companies.  Twenty-five ako no’ng nagsimula ako rito at tweny-eight naman si Sir no’n. At unang kita ko palang sa kan’ya, akala ko talaga may bumabang anghel sa langit para sunduin ako, eh. Worse, sa final interview ko pa siya nagpakita! 

Halos hindi ako mapakali no’ng mga oras na ‘yon lalo na kapag nakikita ko siyang seryoso lang na nakamasid sa akin habang nakasandal ang katawan sa upuan, tapos nakalagay ang kanang siko sa arm rest habang nilalaro ang pang-ibaba niyang labi.

Imagine! Imagine how nervous I was at that time! Lalo na’t godlike pa ang mukha ng taong tumitig sa ‘yo nang tagus-tagusan. Mabuti na lang talaga at maayos ang pagkakasagot ko sa mga tanong nila at nakapasa naman.

“Thank you, Miss Ramos,” rinig kong sabi ni Sir na kina-balik ko sa aking wisyo. 

I just gave him my warm smile and bowed my head a little, then watched him as he rose on his feet and walked toward his walk-in closet. And yes, may walk-in closet siya sa kan’yang opisina. Madalas kasing magpalit si Sir ng mga damit sa isang araw.

Ilang segundo akong naghintay roon at pinuno ng hangin ang baga bago nagsimulang maglakad papunta sa kung nasaan ang boss ko.

Hindi lang kasi sa paghahanda ng schedules, agendas, appointments, or minsan sa pag-meet ng clients (kung sasabihin niya) ang trabaho ko, minsan tinu-tulungan ko rin siya sa mga susuotin niya. Halos kasama niya ako sa lahat ng lakad niya dahil sa trabaho niya naman talaga umiikot ang mundo niya. Sa akin naman ay sa kan’ya lang din umiikot ang mundo ko. Charot.

Naabutan ko si Sir na nakatayo sa nakabukas na drawer na naglalaman ng iba’t ibang kulay at disenyo na neckties. Tanging ang white dress shirt na lang ang suot niya sa pang-itaas habang namimili ng necktie na ipapares sa tailor-made suit niya.

Mula sa doorway ng walk-in closet niya ay kitang-kita ko kung gaano kaalagang-alaga ng gym ang katawan ni sir lalo na’t nakatalikod siya sa gawi ko. Napaka-broad ng mga balikat niya kaya hapit na hapit ang dress shirt na suot, idagdag pa ang tangkad niyang dumagdag talaga sa pagiging attractive niya.

Natampal ko ang sarili noo sa aking isipan nang na-realize na pinag-pantasyahan ko na naman ang boss ko! Naku naman, dapat ko na talagang tigil-tigilan ‘tong kahibangan ko kung ayaw kong ma-sisante ng wala sa oras.

“Can you please pick a necktie for me, Miss Ramos?” rinig kong tanong ni sir nang naramdaman ang aking presensya. 

“Yes, Sir.” Mabilis kong kinain ang distansya sa pagitan namin at tumabi sa kan’ya. Humakbang naman si Sir sa gilid upang bigyan pa ako ng espasyo, pero sa kaloob-looban ko ay nagdasal talaga ako na sana ay lumapit pa siya sa akin nang mas lalo kong malanghap ang pabango niyang tama lang upang maghatid ng kabaliwan sa isang babae. Chos!

Sa pagtingin-tingin ko ay naispatan ko ang isang navy blue tie. It was just a solid color, a simple one, pero iba ang hatak especially when it comes to professionalism. Charot, dami ko talagang alam sa buhay.

“This would fit best your suit, Sir,” sinabi ko at dinampot ang napiling necktie para sa kan’ya. Pinakita ko naman iyon sa kan’ya na kaagad naman niyang pinagmasdan.

Kanina kasi ay isang striped necktie ang suot niya. Hindi na rin bago sa akin na nagpapalit siya minsan ng susuotin lalo na kung mga bigating kliyente ang kikitain niya.

“Hmm, very well, then,” tango niya at kinuha iyon mula sa akin.

Humakbang ako paatras at pinagmasdan siyang sinusuot ang tie sa harap ng full-length mirror na nakatayo sa gilid. Mariin akong napalunok nang nakita ang repleksyon niya sa salamin. Seryoso lang siya habang pinagbuhol-buhol ang necktie sa kan’yang leeg at bahagyang naka-taas ang baba habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Mas lalo talaga siyang guma-g’wapo kapag naka-serious mode ang mukha niya, eh. Nagkakaroon kasi siya ng mysterious aura kapag gano’n. Mahilig pa naman ako sa mga mysterious type. Kaya nga type na type ko si Sir. Unang tingi pa lang alam mo nang sisirain niya ang katinuan mo sa pagiging mysterious niya.

Joke lang! Mabait naman si Sir. Sa halos tatlong taon na nagta-trabaho ako sa kan’ya ay nakita ko na ang iba’t ibang sides niya. Pero madalas talaga siyang seryoso, kaya nga unang impression ko sa kan’ya ay suplado at mainitin ang ulo. Pero hindi naman. Competitive at medyo bossy lang talaga siya minsan. Hindi ko rin naman siya masisisi kung gano’n siya.

Isa siyang CEO at alam ko rin kung gaano kalupit ang ama niya sa kan’ya despite of being a successful bachelor in town. Malaking profit na ang pinatubo niya simula nang siya ang umupo bilang CEO. Pero kahit gaano pa siya ka-succesful at ka-responsible, hindi pa rin niya makuha-kuha ang buong tiwala ng kan’yang ama.

Minsan ko na rin silang narinig na nagkasagutan dahil lang sa biglang umatras ang isang client. Hindi rin naman kasalanan ni Sir ‘yon dahil desisyon iyon ng kliyente at naisipang manirahan na sa ibang bansa at wala ng planong magkaroon ng koneksyon dito sa Pilipinas. Pero grabe pa rin ‘yong pagda-down ng ama niya sa kan’ya, kesyo palpak daw humawak ng negosyo at kung ano-ano pang mga masasakit na salita. Sobrang lakas kasi ng boses ng ama niya no’n kaya rinig na rinig sa table ko na nasa harap lang ng office ni Sir.

Kaya hindi rin talaga p’wedeng maging carefree siya sa mga bagay-bagay. Isang pagkakamali niya lang napakarami nang isu-sumbat ng ama niya sa kan’ya.

Nabalik naman ako sa aking wisyo nang may napansin. I almost leap from my place when our eyes suddenly met in the mirror. Hindi ko iyon inasahan kaya nanigas kaagad ako sa aking kinatatayuan.

Biglang nawala sa tamang pagpintig ang puso ko nang tumagal ang tingin niya sa akin. Naramdaman ko pa ang dahan-dahang pagbigat ng hininga ko dahil sa mga mata niyang pati yata ang pinag-iingatan kong mga sikreto noon ay gusto niyang hukayin.

Mabuti na lang talaga at bihasa ako sa pagpapanatili ng emosyon sa mukha ko. Either seryoso lang ako or nakangiti sa boss ko. 

Bakit ba naman kasi gan’yan makatingin si sir?! Kainis, pinakaba pa ako. Gusto niya talagang mahulog pa ako sa kan’ya nang sobra-sobra.

Char! Sige, tumitig ka lang nang tumitig Sir nang malaman mong para tayo sa isa’t isa. Sinabi ko pa sa aking isipan kaya muntik na akong mapangiti.

Ang landi ko talaga, eh, ‘no? Tapos akala pa ni Sir no’n na tomboy ako at first kasi parang wala raw akong kalandi-landi sa katawan. Hindi niya alam siya nilalandi ko sa isipan ko. Ehe. 

‘Tsaka, nagka-boyfriend na rin ako no’ng highschool, uy! Hindi lang alam ni Sir, hindi naman siya nagtanong kaya ‘di ko na lang din sinabi. Para naman kapag maging kami iisipin ni Sir na siya first boyfriend ko. 

Pinilig ko ang ulo ko sa isipan. Grabe na talaga ‘tong utak ko, kung ano-ano na naiisip. Kung mind reader lang ‘tong si Sir baka no’ng final interview pa lang ay pinalayas na niya ako sa building nila.

Nang natapos si Sir ay kaagad siyang lumabas sa walk-in closet niya. Tahimik naman akong sumunod sa kan’ya at tumayo sa gilid ng table niya habang ino-organize ang mga papeles.

“Miss Ramos, you should come with me,” aniya at naglakad na papuntang pintuan.

I nodded my head and smiled. “All right, Sir.”

Mabilis kong dinampot ang tablet na ibinigay ko kay Sir kanina at dagling sumunod sa kan’ya palabas ng office. Pero kaagad din akong napahinto mula sa paglalakad nang tumigil siya at pumihit paharap sa akin.

“Yes, Sir?” halos nauutal ko pang wika. Sobrang lapit kasi niya sa akin kaya muling nanuot sa aking ilong ang pabango niyang sobrang lakas makahatak ng atensiyon.

“Find me a woman I can date, Miss Ramos,” aniya na kinabato ko sa aking kinatatayuan. 

“P-Po?” Napakurap-kurap ako at parang nabingi nang tuluyan.

A smile without showing his teeth was drawn on his lips as he stared back at me. “You heard me, Miss Ramos. I will be expecting your report in a week.” At tuluyan na siyang tumalikod sa akin upang lumabas ng kan’yang opisina.

Naiwan ako roong tulala at naninigas pa rin sa aking kinatatayuan, hindi pa rin ma-proseso nang mabuti ang kan’yang sinabi.

This wasn’t the first time that he told me to find a woman for him. Pero ang huling utos niya sa akin ay apat na buwan na ang nakalilipas, kaya akala ko ay tapos na siya sa phase niyang iyon.

Pero siguro nga ay hindi na dapat ako mag-e-expect masiyado mula sa boss ko, na mapansin niya ako hindi bilang secretary niya kun’di bilang babae na p’wede niyang mahalin, because after all, I’m just his secretary. Nothing more, and nothing less.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status