FAZER LOGIN“Ang marahas na pag-angkin na ito… katulad na katulad kay Roger! Imposible!” bulong ng kanyang isip habang patuloy siyang napapaigtad sa matinding sarap at kaba, hindi malaman kung ang lalaking kaharap ba ay isang estranghero o ang sarili niyang asawa. “Bakit, kulang pa ba ang nararamdaman mo, Angela?” bulong ng nakamaskara habang mas hinigpitan ang hawak sa kanyang baywang, ang hininga nito ay mainit at dumadampi sa kanyang tainga. “O baka naman kulang pa talaga ang mga nararanasan mo sa iba?” Pagkasabi na pagkasabi iyon ng nakamaskara, agad niyang isinandal si Angela sa malamig na pader habang buhat-buhat pa rin siya nito nang walang kahirap-hirap, tila ibinabaon ang buong bigat ng katawan ng dalaga sa sarili niyang dibdib. Pagkalapat sa pader ng likod ni Angela, sa isang mabilis at sanay na galaw ay ibinaba na niya ang suot niyang pantalon at panloob para tuluyang ilantad at pakawalan ang kanyang nag-iinit at nag-aabang na pagkalalaki. “Ohhhh! Hindi pwede ito… ang misyon ko,
Lumipas ang mga oras hanggang sa tuluyang sumapit ang gabi.Sa pagkakataong iyon, papunta na si Angela sa Alfonzo Empire Hotel upang gawin ang trabaho niya—ang akitin ang lalaking nakamaskara at makuha ang ebidensiyang kailangan niya.Hindi naman siguro ako hahanapin ni Roger sa Alfonzo kung mag-disguise ako, sambit niya sa sarili habang papalapit sa entrance ng hotel.Maingat niyang inayos ang suot niya bago tuluyang pumasok. Makapal ang makeup na inilagay niya sa mukha, sapat upang itago ang tunay na anyo ni Angela. Sa unang tingin, mahirap siyang makilala ng sinumang nakakakilala sa kanya.Kailangan kong makakuha ng ebidensiya ngayong gabi. Kailangan kong mapatunayan sa kliyente ko na karapat-dapat ako sa isang bilyong kabayarang nakuha ko kahapon.Huminga siya nang malalim bago tuluyang humakbang papasok.Maya-maya, narating niya ang Room 456.Saglit siyang napatigil sa harap ng pinto. Mahigpit niyang hinawakan ang doorknob, pilit na pinatatatag ang sarili, bago niya iyon dahan-da
“Oo… wala akong inaatrasan,” matatag na sagot ni Angela, bagamat ang loob niya ay nagwawala dahil sa pangalang Alfonzo Empire Hotel. “Pero kailangan ko ng paunang bayad bago ko simulan ang lahat.” Hindi nag-atubili ang babae. Isang mapait ngunit kampanteng ngiti ang sumilip sa mga labi nito habang marahang isinasara ang hawak na sobre. “Huwag kang mag-alala, Angela,” wika ng babae habang dumukot ng mamahaling leather wallet sa loob ng kanyang bag. “Dahil tiwala akong gagawin mo ang trabahong ito nang maayos, ang kabuoan ng isang bilyon ay ididiposito ko na sa bangko mo ngayong araw mismo.” Nanlaki ang mga mata ni Angela. Bahagyang napatayo ang kanyang balahibo sa narinig. “K-kahit… kahit hindi ko pa nasisimulan ang trabaho ko? Paano kung magbago ang isip ko o hindi ko magawa?” Umiling ang babae at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. “Kilala ko ang taong binabayaran ko, Angela. Nakikita ko sa mga mata mo na kailangan mo ang perang ito, at kailangan ko rin ang hustisya. Walan
Huminga nang malalim si Angela at akmang hahawakan na ang hawakan ng pinto ng silid kung saan nagpapahinga ang kanyang ina, nang biglang bumukas ang pintuan mula sa kabilang silid.“Miss Angela Bautista?” tawag ng nurse na nakatuka sa kaso ng kanyang ina.Agad na lumingon si Angela. Mabilis siyang lumapit habang sapo ang dibdib sa kaba.“Ano po yun, Nurse? Ayos na po ba si Inay? Pwede ko na po ba siyang makita?” sunod-sunod na tanong ni Angela, halata ang pag-aalala sa kanyang boses.Tumikhim muna ang nurse, seryoso at medyo mabigat ang mukha habang tinititigan si Angela na tila ba nag-aalinlangang sabihin ang susunod na sasabihin.“I’m sorry to tell you this, Miss Angela… Your mother is stable na para sa kanyang pangunahing karamdaman, pero… may nakita kaming ibang komplikasyon habang isinasailalim siya sa iba pang laboratory tests,” panimula ng nurse habang mahigpit na hawak ang chartboard sa kanyang dibdib.Napakurap si Angela, biglang kumabog nang mabilis ang kanyang dibdib. “Ano
“Huwag mong isara ang usapan natin sa titulo at trabahong ‘yan, Angela! Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin!” bulyaw ni Dave na pinilit hinaan dahil nasa ospital sila. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Puntahan mo na si Elina... baka magising na siya. Ako na ang bahalang pumunta kay Inay para sabihin ang balita.”Akma na sanang tatalikod si Angela para maglakad palayo at tuluyang tapusin ang pag-uusap, nang bigla siyang hablutin ni Dave at yakapin nang mahigpit mula sa likod para pigilan siyang umalis.“Uhmmmm! Dave, bitawan mo nga ako! Baka may makakita pa sa ating. Huwag ka nang umasa na magiging tayo pa sa hinaharap!” galit na sabi ni Angela habang pinipilit kumalas sa pagkakayakap. “Kaya lang naman ako lumapit sa iyo noong mga panahong iyon ay dahil kailangan ko ng tulong mo para sa pamilya ko! At gusto kong maghigante sa walang kwenta kong kapatid. Hindi dahil mahal kita! Gumising ka nga!”Natigilan si Dave sa sinabi ni Angela. Bahagyang lumuwag ang yakap niya, s
Samantala sa Hunson Hospital, habang abala si Roger sa pagtatapos ng kanyang meeting sa kumpanya, tahimik namang naghihintay sina Angela at Dave sa labas ng Emergency Room kung saan isinasailalim sa maselang operasyon si Mrs. Bautista.Malamig ang hangin sa puting pasilyo ng ospital.“Salamat, Dave, at nadala mo si Elina rito,” saad ni Angela habang blangkong nakatingin sa sarili niyang mga kamay na nakapatong sa kanyang tuhod, sinusubukang pakalmahin ang sarili sa gitna ng pag-aalala. “Kung hindi dahil sa tulong mo at sa mabilis mong desisyon na isama siya rito, baka kung ano pa ang mangyari kay inay.”“Wala iyon, Angela,” sagot ni Dave, ang boses ay mababa, may bahid ng pagsusumamo. “Maayos ang intensyon ko dahil mahal kita... at handa kong gawin ang lahat para sa'yo. Kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi kita pababayaan lalo na sa mga sandaling ganito na kailangan mo ng karamay.”Napatigil si Angela sa sinabi ni Dave. Bahagya siyang lumingon kay Dave, at sa kanyang isipan, bigl







