Share

CHAPTER-5

Penulis: Saturn
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-06 18:26:02

HOPE

Sa mahimbing kong tulog ay binalot ako ng malamig na ihip ng hangin.

I curled up and hugged myself, did I leave the sliding door open from the veranda of my room?

Baka nakalimutan ko na namang isara. Pero bakit gano'n ang nararamdaman ko, para bang may iba akong kasama sa loob ng aking silid.

Nanaginip lang ba ako? Kinapa ko ang kumot sa aking paanan. Wala akong makapa.

Tumitindi ang lamig. Umihip muli ang malakas na hangin. May kaluskos akong narinig.

D*****g ako at napabaliwas ng bangon. Agad akong tumingin sa paligid ng kuwarto ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko.

Napahilot ako sa aking dibdib.

Nilingon ko ang slidding door ng veranda.

Bukas iyon at tinatangay ng malakas na hangin ang manipis na puting kurtina.

Ayaw humupa ng kaba ko.

Dahan-dahan akong kumilos, nangingig ang binti kong binaba ang dalawang paa.

May pumasok bang ibang tao sa kuwarto ko habang natutulog ako?

Sa ganitong disoras ng gabi? Sino ang maglalakas loob na gawin iyon sa mga tauhan namin sa isla?

Kahit si Daniel na personal butler ko ay hindi basta-basta pumapasok sa aking silid ng ganitong oras.

Napalunok ako. Lumapit ako sa veranda, iginala ko ang panginin sa kabuan no'n pero wala akong nakita. Tumingin rin ako sa paligid. Kumikislap na tubig mula sa dagat ang sumalubong sa akin.

Huminga ako nang malalim. Marahil nga guni-guni ko lamang ang narinig at naramdaman.

Alam ko naman lately, ay marami nang mga mata ang nakamasid sa akin sa loob ng isla. Isa iyon sa laging pinagbibilin ni kuya sa mga tauhan niya.

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit biglang-bigla kailangan ko pa ng mahigpit na bantay. Ayaw ko ng may bodyguard na laging nakasunod sa akin.

At isa pa, dito lang naman ako sa loob ng isla, siya na ang nagsabing ligtas ako sa loob ng islang ito.

But then, pinaliwanag niyang marami siyang nakakabangga sa negosyo, they might come after me to make my brother suffered.

Madalas akong makaramdam na tila may mga matang nagmamasid sa akin, dapat sanay na ako e. Pero minsan may kakaibang hatid na kilabot sa aking pakiramdam tulad ngayon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nakayapak akong lumabas ng kuwarto suot pa ang pangtulog ko.

Napakunot ang aking noo nang matanaw ko ang pagpasok ng isang maid sa guest room kung saan tumutuloy ang isa sa mga bisita ni Kuya. Umalis na sila? Lihim akong nakaramdam ng tuwa. Mula nang dumating kasi sila hindi na sila naghiwalay na tatlo nila kuya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng matinding selos.

Pangalawang araw pa lamang ito, akala ko ba

ilang araw pa silang mananatili rito sa isla?

May nilabas itong plastik na itim. A garbage bag. Mamaya pa'y ganoon rin sa kabilang guest room na tinutuluyan naman ng isa pa.

Lumapit ako, hindi nila napansin. "Siguraduhin mong nalinis mo nang maigi, ang banyo nakiskis mo bang mabuti?" Tumango ang kaniyang kausap.

"Huwag kang mag-alala nilagyan ko rin ng bleach ang sahig."

"Nailabas mo na ba lahat ng gamit do'n-"

"Elsie?" Agad na napalingon sa akin ang dalawa at kita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita ako.

Agad silang yumuko bilang pagbibigay galang.

"Y-young Miss. Kayo po pala, ang a-aga niyo po yatang nagising, magandang umaga po."

"M-magandang umaga young miss," pasegunda ng isa.

Napatingin ako sa kasama ni Elsie, napapakurot ito sa kaniyang daliri.

Ninerbyos ba siya? Bakit?

Isang buwan pa lamang ito sa amin bilang maid at alam kong hindi malayo ang agwat ng aming edad.

"Jonet.” Napatingin agad siya sa akin.

"P-po, young miss?" I felt pretty weird about her action. It seems like she's really nervous. But why?

"Jonet!" mababa ngunit matigas na banggit ni Elsie sa pangalan niya. Kung hindi ako nagkakamali, may kalakip na warning sa tono niya.

Agad umayos ng tayo si Jonet. Sumilip ako sa bukas na kuwartong tinutuluyan ni Tracy.

"Nasaan ang mga bisita ni Kuya, ano ang mga iyan?" ang taka kong tanong habang nakatingin sa dalawang malaking itim na garbage bag. Nakita kong nagkatingin sila.

Nakita kong muli ang pagkurot ni Jonet sa sariling daliri. Napalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang naghihintay ng sagot.

"Wala lang ito young miss, mga naiwang basura lamang ng dalawang pinsan n'yo. At opo, nakaalis na po sila. Maagang-maaga po," ang mahinahong ani Elsie.

Napatango na lamang ako at nagpaalam na sa kanila. Ngunit napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Jonet sa akin.

Pagbaba ko ay agad kong tinalunton ang pasilyo papuntang kusina.

Natigilan ako nang mapadaan ako ng library at maulanigan ang mga boses na nag-uusap.

Nakilala ko ang boses ni Papa. Bakit ang aga-aga naman yata ang paggising nila.

"Lintik na 'yan! Bakit parami na sila nang parami?!" mataas ang boses ni Papa. May halong galit.

"This is not good Sin, this island is not safe anymore for us! Kailangan natin ng mas maraming tauhan dito sa isla."

"What do you expect Dad? Will our enemies just seat and watch us? Of course, you know already that they will do everything to track us down. This is the life that you choose for us,” ang malamig na ani Kuya. Saglit na natahimik sa loob.

Wala akong narinig na sagot mula kay Papa.

"They might after her, b-babawiin siya sa akin-" bakas ang pagkabahala sa boses ni Papa nang muli itong magsalita.

"At hindi ako makakapayag na mangyari 'yon, she's mine,” agad na putol ni Kuya.

"She's not yours! Alam mong hindi maaaring maging kayo dahil magka-"

"Stop that bullshit, Pa!" dumaguntong ang boses ni Kuya. Nakarinig ako ng kalabog. Parang tunog ng sinuntok na mesa.

Tumahip ang dibdib ko. Sino ang tinutukoy nila? Nabuhay ang kuryusidad ko. Lumapit pa ako at sumilip sa hindi gaanong nakapinid na pinto.

Apat sila sa loob ng silid. Kasama si Daniel at isang lalaking 'yon ko pa lamang nakita.

Bakas pa ang matinding galit sa mukha ni Papa gano'n rin kay Kuya na nakakuyom ang dalawang kamao habang nakadiin sa lamesa.

Naglaban sila ng titig.

Kita ko ang tensyon sa pagitan nila, they are arguing again... Over what?

"Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag nakarating ito kay Sandoval," seryoso saad ni Papa.

Pero hindi siya pinansin ni Kuya bagkus, hinarap nito ang dalawa. Kita ko ang pagtiim bagang ni Papa nang baliwalain siya ni Kuya.

"Did you already disposed the body?" walang emosyong tanong ni Kuya.

"Yes, young master. And as of now, ginagawa namin ang lahat para magsalita rin iyong kasama niya," napatango-tango ito.

He leaned on his swivels chair, nagsindi ng sigarilyo.

"George.” Agad lumapit ang lalake sa kaniyang mesa.

Iniabot nito ang hawak na folder. "Nariyan lahat ng nakalap naming impormasyon, Boss. Lumalabas diyan na lahat ng taong nakapasok ng isla ay konektado sa Zagu organisation." Ang dinig kong aniya.

Sinong sila? Zagu organisation? Napasukan kami. Nanlamig ang buong katawan ko.

"We need to tighten the security of the island, Boss. I can assure you that this is not the last attack of the enemy, there's more coming... and much bigger."

Napatakip ako ng palad sa bibig. Parang nanlaki ang ulo ko sa narinig. Fear consumed my entire system. So, there was an attack that happened on us?

Kailan? Bakit hindi ko man lang naramdaman?

Maghapong laman ng isipan ko ang mga nangyari. Ang mga narinig kong usapan nila Kuya.

Naging busy siya maghapon sa loob ng library at ayaw daw paistorbo. Ni ang pagkain sa tanghalian ay hinatid na lamang sa kaniya.

Nagkulong lamang din si Papa sa kuwarto nito.

I did my usually routine, my every day walking, kita ko ang kakaibang kilos ng mga tauhan namin sa paligid ng isla.

They looked more alert.

Bumalik ako sa mansyon upang maligo. Nang matapos makapagbihis ay umupo ako sa harap ng vanity mirror upang magsuklay ng buhok. Natigilan ako nang mula sa salamin ay nakita ko ang isang sobre sa babaw ng night table ko.

Nakakunot ang noo kong tumayo at kinuha iyon. Maang ko itong tinitigan saglit. Hindi ko ito napansin kaninang paggising ko.

Napabuka ang bibig ko nang makita ang nakasulat sa likod.

My Isabella? It sounds familiar to me. Nanginginig ang kamay kong binuksan iyon.

Sulat at litrato?

Kumabog ang dibdib ko at binundol ng matinding kaba. Bakit may larawan ng isang kakapanganak na bata?

Naguguluhan ko itong tinitigan. Sino siya?

"Kaunting tiis na lang, Isabella. Makakasama mo na rin ang totoo mong pamilya."

Nabitawan ko iyon. Hindi ko alam pero nanginginig ang binti kong napaupo sa gilid ng kama.

Naalala ko ang nangyari kagabi rito sa loob ng aking silid. Mayroon nga kayang nakapasok sa loob ng silid ko?

Para sa akin ba ito? Dapat ko bang ipaalam ito kay kuya?

Nagpadala na lang ako ng pagkain kay Daniel kinahapunan. Alanganin man pero "Daniel, bakit maaga yatang umalis ang mga bisita ni Kuya?" Bahagya lamang siyang natigilan sa tanong ko.

"Wala akong maibibigay na malinaw na dahilan, Young Miss. Basta ang alam ko lang, sila ang may kagustuhang umalis ng isla nang mas maaga,” magalang niyang sabi. Pilit ang ngiti ko, sa tuwing narito si Kuya, pormal na pormal ang pakikitungo nito sa akin.

Ni hindi na ito nagtatagal sa tabi ko para makipagbiruan at makipagkuwentuhan.

Nag-aagaw ang liwanag at dilim nang maispatan ko si Daniel kasama ang dalawa pang tauhan sa isla.

"Ang utos mula kay Young Master ay itumba na,"

"Silang dalawa po ba? Sa tingin ko po'y wala ngang alam iyong isa."

"Walang kinalaman man o mayroon, alam mo ang patakaran sa islang ito. Walang sino mang makakalabas dito nang buhay." Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagbuka ng aking bibig.

Lakas loob at lihim ko silang sinundan, papunta sila sa kagubatang bahagi ng isla. Ang laging sinasabi ni Daniel, mapanganib ang bahaging ito ng isla.

Pero bakit dito ang tungo nila?

Kabado man at nakakaramdam ng takot, ay patuloy ko pa rin silang sinundan.

Tiniis ko ang kagat ng mga lamok at tinik ng mga ligaw na halaman at damo. Nangingilag din ang aking mga paa sa bawat paghakbang natatakot akong makaapak ng bagay na makakagawa ng ingay.

Hanggang sa mapahinto ako, pumasok sila sa isang kuweba. Maang akong nakamasid.

Sa tinagal ko na rito, ngayon ko lang nalaman na may kuweba sa bahaging ito ng isla.

May narinig akong ingay mula sa loob.

Maingat ang bawat hakbang ko, walang taong nakabantay sa bukana ng kuweba.

Lakas loob akong pumasok, malalim ang kuwebang iyon. Mangha akong napahinto at mabilis na nagtago nang mapagtantong may ilaw sa loob.

Mula sa pinatataguan kong tipak ng malaking bato sa loob ng kuweba ay tanaw ko sila. “P-parang awa na ninyo pakawalan niyo na ako, kakausapin ko si Y-young Master at m-magmamakaawa." Tangis ng isang babae.

Nanginginig ang boses nito. Napatakip ako sa aking bibig nang makilala ko ang babaeng nakatali sa isang upuan.

Kinalagan siya ng isa. Nang makawala ay agad itong lumuhod at nagmakaawa.

Sabog man ang kaniyang buhok at nangingitim ang mga mata dahil sa mga pasa ay nagawa ko pa rin itong kilalanin dahil ito ang isa sa mga babaeng bisita ni Kuya, si Len.

Bakit gano'n, ang sabi nila ay umalis na ang mga ito ng isla?

"W-wala akong k-kinalaman maawa kayo, may anak akong binubuhay at napasama l-lamang ako kay Tracy dahil sa perang ibabayad niya. “Nakita kong tinanguan ni Daniel ang isa mga kasama.

Naglabas ito ng baril, alam ko na ang susunod na mangyayari. Dapat, pigilan ko sila. Pero para akong itinulos.

Tinutok nito ang baril sa sintido ni Len.

Umalingawngaw ang malakas na putok sa loob ng kuweba. Halos masuka ako sa nakita.

Parang mawawalan ako ng ulirat nang makitang humadusay sa lupa ang duguan at wala nang buhay nitong katawan.

Nanginginig ang buo kong katawan na lumabas at nilisan ang lugar.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (12)
goodnovel comment avatar
cessn
sana po ms.saturn move mo din mga ibang story mo dto .like yung.heavenly fathers amen .... tenc u
goodnovel comment avatar
Melanie Juaton
miss A Related ba e2 Kay Saturnino or SA asawa ni Unu hehe
goodnovel comment avatar
Melanie Juaton
jusko grabe 2 miss A SA lahat na basa ko story mo D2 Ako parang natatakot hahah mafia na mafia talaga,Kung SA TV ko e2 Pina pa nood Baka tinakpan Kona ang pata ko o Di Kaya pinas pasfoward Kona.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • KIDNAPPED   FINAL CHAPTER

    NORTH SINISTER "Ayaw ko na rito! Ilabas niyo na ako tang*na niyo talaga isa isahin ko kayong gagapasin!" nanganglit ang bagang ko sa sobrang galit nang paggising koy nakatali muli ang buong katawan ko. "Kumalma ka nga, Sin!" Iritadong bulyaw na sa akin ni Rocco. I glared at him. Nagpumilit akong makawala pero masyadong mahigpit ang pagkakagapos ko.He heaved a sigh. Namaywang sa harapan ko. "Sin, magpagaling ka muna matatakot mo lang si Hope at lalong magkakagulo kung ganiyan ka pa rin na haharap sa mag-iina mo." Kumawagkawag ako pero masyadong mahigpit talaga ang pagkakatali nila sa akin. Napatingin ako sa lamesa kung saan laging nakapatong ang urn ng anak ko. It wasn't there. Naalarma ako. Where is it?Aburido ang mga mata kong hinanap sa paligid. "Muntikan mo nang matabig kagabi kaya inalis ko muna diyan at nilagay sa altar-""G-gusto ko lang makasama ang anak ko." Agad kong sabi. Medyo naging mahinahon at nakayuko. Nagwala na naman ba ako tulad ng lagi nilang sinasabi? Wa

  • KIDNAPPED   CHAPTER-89

    NORTH SINISTER Nanghihintakutan ang mukha niyang tinakbo ang drawer, hinili iyon pabukas. Pero bago pa niya mahugot ang kuwarenta'y singkong baril nito sa loob ay sinipa ko ang ulit ang drawer pasara.Napasigaw ito ng malakas at namilipit sa sakit mula sa pagkakaipit ng kamay nito. I grabbed him. Pumalag siya. I hit his face multiple times with my fist. Pumutok and labi't kilay niya. Nagkandadugo dugo ang mukha niya. I tied him up. I dragged him out of his room. Dinala ko siya sa hallway. Lupaypay ang ulo niya pero ang mga mata ay nanatiling matalim at palaban. "Sinasabi ko na nga ba, traydor ka North!" Hingal niyang utas. "Did I surprise you, Alexander?" ang ngisi ko. Nagsindi ako ng sigarilyo. Humithit at binuga ang usok sa mukha nito. "Hayop ka, pagsisihan mo ito, hindi mo pa talaga kilala ang anak ko North," mahinang tawa nito kahit na kitang galit na galit. Tumiim ang titig ko sa kaniya at umigting ang aking panga. Kailangan kong isunod agad ang baliw na babaeng iyo

  • KIDNAPPED   CHAPTER-88

    NORTH SINISTER Laking takot ko nang makarating sa akin ang nangyaring kaguluhan sa Isla. Sinugod ito ng mga kalaban. I wasn't there. But I wasted no time. I called my pilot and I immediately flew to the island.Masuwerte na lang ako at nasa loob lamang ako ng bansa. Agad din akong humingi ng back up sa mga kaibigan ko. Though Daniel is with her, hindi pa rin ako kampanti. Hindi basta basta ang mga kalaban ng organisasyon na kinabibilangan ko.Bukod pa sa mga kaaway namin sa negosyo."Gagu ka ba? Nandyan kapatid ko papasugod ko ang Isla niyo?" He's pissed. Malay ko ba kung tinopak ito at hindi lang pagpapadala ng spy ngayon ang trip niya. "Kung may plano man ang mga sa opisyal ng Zagu ay siguradong makakarating sa akin ' yon." Ibig sabihin malaki ang posibilidad na hindi nga Zagu ang mga lumusob."Siguraduhin mong ligtas ang kapatid ko. Kapag may nangyari sa kapatid ko Ricci tutugisin ko pati kaluluwa mo," shit. My jaw clenched. Pinatayan ko na siya ng tawag. Nakakabingi na an

  • KIDNAPPED   CHAPTER-87

    NORTH SINISTER"Ang sabi ko, bantayan mo at pagsilbihan siya, hindi na kasama roon ang pag-akbay akbay mo at pagkikipagtawanan, Daniel!" malakas na sigaw kong may pagbabanta ang tono. Rocco stopping himself from smiling, I glared at him. Binalik niya agad ang tingin sa screen ng laptop niya. Muli kong hinarap si Daniel na hindi rin maipinta ang mukha. "I'm watching you...Act like a real butler, asshole." He tsked at me. He was pissed. Halatang nagtitimpi lang at ayaw patulan ang paninita ko. "Tang*na naman, Young Master. Umiral na naman 'yang pagkaseloso mo! Pati ba naman ang pagkakaibigan namin ni Hope ay bibigyan mo pa ng malisya-""We had agreement, Daniel. I don't fvcking care if you were friends but follow and obey our fvcking agreement. And to remind you, you cannot just call her by her name, she's your Young Miss asshole!" ang iritado at galit na galit kong paalala sa kaniya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga, parang sumusuko na sa pakikipagtalo sa akin. So

  • KIDNAPPED   CHAPTER-86

    NORTH SINISTER "M-mama. Mama ko... bumalik ka na, please. Miss na miss na po kita." Walang tigil ang iyak ko habang nakatayo sa harap ng puntod ni mama. My dad wasn't here. Ang mga kapatid ng mama ko ang nag-asikaso sa labi niya. "Umiyak ka man nang umiyak diyan, sa tingin mo ba maibabalik mo pa ang buhay ng kapatid namin?" "Dapat nga nasa kulungan 'yan e, para kahit paano makakuha naman tayo ng hustisya. Katulad din 'to ng ama niya, napaka demonyo talaga!""Ubusin mo man ang luha mo, hindi na nun mababago ang katotohanan na ikaw ang pumatay sa kapatid namin. Napakabata mo pa demonyo ka na. Mamatay tao!""Katulad mo rin ang iyong ama, puro pasakit lang ang binigay niyo sa kapatid namin! Mas pinili niyong ipagpalit siya sa ibang babae!" Naninikip ang dibdib ko, habang patuloy na tinatanggap lamang ang bawat paninisi nila. Kung puwede nga lang na parusahan ang sarili ko, ginawa ko na. Hindi ko man sinasadya, pero tama sila pinatay ko pa rin ang sarili kong ina. It was an urgent ac

  • KIDNAPPED   CHAPTER-85

    HOPE Dali dali akong pumunta ng aking silid.Nanginginig ang buong kalamnan ko.Halos mabuwal ako. Nanghihina ako at umiikot ang paningin. Nanginginig ang kamay na binuksan ang maliit na drawer ng night table. Kumuha ako ng isang tableta ng gamot sa botelya at agad pinasok sa bibig ko.Uminom ako ng tubig mula sa mineral bottle na nakapatong lang din do'n. Parang bibiyakin ang ulo ko sa sakit. This is not normal. Napasabunot akong muli sa akin buhok. Impit akong sumigaw dahil sa kirot. I'm sweating ice cold. Gusto kong makita si Sin. Pupuntahan ko siya. I should be with him too today—his special day. I hated myself for having amnesia. How did I even forget his birthday?But it wasn't too late yet, right?Wala man akong regalo, at least naalala ko pa rin ang araw na ito. Pupuntahan ko siya at ipapaalam na hindi ko nakalimutan ang kaarawan niya. Pero hinanghina ako at unti unting nanlalabo ang paningin ko. I'm so sorry Sin... Tumulong muli ang mga luha ko. Kinapa ko ang ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status