Share

KONSTANTIN MOROZOV (The Black Sparrow Society)
KONSTANTIN MOROZOV (The Black Sparrow Society)
Author: Raven Sanz

Chapter 1

NEW YORK

VANESSA GORDANA DE LUNA'S MOTHER IS FUCKING DEAD.

He just got off the phone with his half brother, Cam. Ito ang nagsabi sa kaniya na inakusahan ang kanilang ama na pumatay kay Valya— ang ina ni Vanessa. And now he's in jail for murder. Kakaunting panahon pa lang niyang nakakasama ang ama, pero hindi niya inasahan na ganito ang kahihinatnan ng buhay nila. Everything is a fucking mess.

"My apologies but I have to cut the meeting short," anuns'yo niya nang makabalik sa boardroom mula sa hallway. "I have a family emergency. Lorenzo will continue with the meeting." Tinapik niya sa balikat ang bunsong kapatid ni Lucian at tinungo ang pinto.

When he left his position, sinalo ito ni Lorenzo. It's not like they have a choice, being born as a Profaci has responsibilities attached to it. He was waiting for the elevator when his phone rang. It's P from Italy.

"Kuya Kons, do you know if Lorenzo's busy? He's not picking up his phone." Itinuring niyang mga kapatid si Pietra at Lorenzo. He would protect them with his life, sa abot ng makakaya niya. Kahit hindi ibilin ni Lucian ay 'yon ang gagawin niya.

"He's in a meeting, sweetheart. May problema ba?" Kahit isang tambak ang trabaho niya at ngayon ay may kinakaharap na sariling problema sa pamilya, Konstantin will always find a way to answer the phone or see them.

"A woman is looking for him and she's pregnant. Iyak ng iyak. Nabibingi na ako."

"Sigurado ka bang kay Lorenzo 'yan? Wala naman dine-date ang kapatid mo. Malapit ko na nga ipa-tattoo sa noo niya 'yong mga financial report." Nagawa pang tumawa ni Kons. Lorenzo is not like Lucian at all. Kung gaano kalupit sa babae si Lucian bago nakilala si Georgina, si Lorenzo naman ay walang interes sa babae. But he did assure them that he doesn't swing the other way.

"Aba malay ko! Can you ask him to call me back when he's done. Please?"

"Fine." Nang matapos ang tawag bumalik siya sa boardroom. Wala pa rin naman ang elevator. "Sorry to interrupt. Lore, please call P when you're done. Thanks everyone!"

***

Konstantin booked a flight back to Russia, at sa malas ay kasabay pa niya sa flight si Vanessa. Ano'ng kalokohan mayroon ang mundo at sa dami ng pwede niyang makasama sa eroplano ay ang babae pa? Her face is everywhere in the Philippines. Sikat na singer, kaya maraming endorsements. Hindi niya tuloy alam kung nagdedeliryo ba siya o talagang naroon ang babae.

Hindi siya pinansin nito. Expected na niya 'yon dahil hindi siya sumipot sa kasal niya sa dahilan na ayaw na niyang balikan pa. Vanessa looked more Russian than Filipino kaya mas madali siyang gustuhin ng mga Pinoy. Mahilig sa mapuputi. Lahat na lang whitening. They weren't content with bleaching soap, so they created a whitening lotion too. Over the years, it became a pill and now it's being given thru IV. Fuck these people. Ang ganda-ganda ng kayumanggi, pero nagpipilit magpaputi.

"Champagne?" offer ng stewardess kay Kons.

"Sure. Thanks." Kinuha niya ang inaalok na inumin at nagsimulang maghanap ng pelikula.

"If you need anything... anything— just let me know." Alam niya ang tungkol sa anything na sinasabi ng babae. It's the mile high club, but it doesn't matter how pretty she is— he is not doing it, lalo na at nasa parehong flight si Vanessa.

Nakita ni Kons ang pag-ismid ni Vanessa. Narinig rin niya ang pagtanggi nito sa champagne na inaalok. Noon pa man ay hindi na ito mahilig uminom ng alak. As a singer, alam niya kung ano ang dapat at hindi dapat. May disiplina sa sarili para sa pangarap. But she loves sports at doon sila nagkakasundo. Mahilig silang magsurfing at dumadayo sila sa ibang bansa at sa ibang lugar sa Pilipinas para magawa ang hilig.

Vanessa is now watching a show at may headphones na nakapasak sa tainga kaya kung kausapin man niya ito ay malabong sumagot. Pwede rin na dahil ayaw siya nitong makausap. But he feels bad not being able to extend his condolence. Ninang niya si Valya, and she treated him like her own son. Kaya nga botong boto ito sa kaniya para sa anak.

Kaagad na kumunot at ipiniksi ang braso nang hawakan niya ang siko nito. Itinuro ni Kons ang headphones at inis na tinanggal 'yon ng babae.

"What?"

Kons heaved a sigh. "I just want to say—"

"Sorry? Para saan? Sa pagkamatay ni Mama o sa pag-iwan mo sa akin sa altar?" Inirapan siya nito at itinuloy ang panonood ng TV. She even put her headphones back at hindi na siya muling kinausap o nilingon pa.

He can't even have a simple conversation with her, pero noon ay napag-uusapan nila ang kahit na ano. Gusto lang naman niyang makiramay, masama ba 'yon? At hindi lang naman pamilya ni Vanessa ang apektado, pati ang pamilya niya ay nadamay. Valya and Stan are very good friends. Pati ang Mama ni Cam ay kilala ang babae. Malabong patayin ni Stan ang kaibigan niya para lang saan? Sa pera? The Morozov family has money too and influences. Hindi lang alam ni Kons kung may matitira pa silang allies ngayong nakulong ang ama niya.

When the woman sitting beside Vanessa stood up to use the washroom, Kons took that chance to sit beside her. Lalong nalukot ang mukha ni Vanessa. Katulad noon, madali pa rin itong mainis.

Tinanggal nito ang isang headphone mula sa tainga. "Are you serious? I don't want to talk to you. Don't you get it?"

"I don't want to talk to you either but we have to work together to—"

"IN YOUR DREAMS!" She was about to put the headphone when Kons held her hand. Pumiksi ito at pilit hinigit ang kamay pero hindi niya binitawan.

"Your mom is dead and my father is in jail for murder." Kumunot ang noo ni Vanessa. "You didn't know?"

Pero kaagad na nagbago ang expression ng mukha ng babae. "My mom is dead. I don't care if you father rots in jail. I only came back for her funeral and nothing else."

"You've changed." Malamig ang tinig ni Konstantin.

Tumawa ng pagak si Vanessa. "How can you expect me to stay the same? You of all people should know what changed me. Hindi pala what— it should be who. And you know it's you. So fuck off and go back to your seat. Do svidaniya." She meant goodbye.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano Tagudin Delacruz
omenn start plng parang ayaw na matulog nito...
goodnovel comment avatar
Glazzy Angeline A. Consigna
angas.. parang bet q si vanessa hehehe
goodnovel comment avatar
manika36
miiissssAaaaaa.. andami na nillllaaaaa.. gusto kong basahin lahat.. ahahahaa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status