Share

CHAPTER EIGHTEEN

MATAPOS ang pakikipagharap kay Doña Amanda ng pamilya ni Markus, nang gabing iyon ay nag-usap ng masinsinan ang mag-anak.

“Wala nang atrasan ‘to, anak. Bukas, ikakasal ka na kay Helena.” ani Aling Lora na hindi alam kung anong emosyon ang paiiralin ng mga sandaling iyon.

Matutuwa ba siya sa pinasok na buhay ni Markus na ang kapalit ay kaginhawahan nila, o malulungkot siya dahil matatali ang anak sa sitwasyong pare-pareho nilang hindi alam kung ang hatid noon ay suwerte sa binata.

“Wala nang atrasan, ‘nay. Tuloy-tuloy na ‘to.”

“Paano kung isang araw, matuklasan ni Doña Amanda ang totoo? Baka, makasama iyon sa matanda…!”

Inakbayan ni Markus ang ina. “Nay, huwag na muna tayong mag-isip ng negatibo. Ang mahalaga lang ngayon, tinanggap ako ng buong-buo ni Doña Amanda. Kung ano lang ako. Kung sino lang ako. At gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat ako sa paningin niya. Dumating man ang oras na matuklasan niya ang totoo, siguro, hindi magiging dahilan iyon para mangyari ang kinatat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status