Share

CHAPTER FOUR

HABANG SAKAY ng jeep pauwi sa kanila, hindi maipaliwanag ni Markus ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing ipatatawag siya ng kan’yang amo na sobra niyang hinahangaan noon pa mang unang tapak niya sa kompanya nito, at makita niya ang isang higanteng poster nito na nakakabit sa dingding ng building ng Montenegro P&A Corp.

Mula noon, inasam niya na, na sana, isang araw ay makadaupang palad niya si Helena Montenegro. Iyong harapan at malapitan na masisilayan niya ang kagandahan nito. Napakas’werte niya na siguro kapag nangyari iyon. At iyon nga…! Nangyari na nga kanina ang pinakaasam niya.

Akalain niya ba talaga? Na ipatatawag siya nito? Na kakausapin? At hindi siya makapaniwala. May hihingin pa itong pabor sa kan’ya…?

Ano nga ba iyon? Hindi niya mahulaan…A, anopaman iyon, hindi niya iyon tatanggihan. Para kay Helena. Sa minamahal niyang si Helena…

Minamahal? Naloloko na yata siya sa pumasok na iyon sa kokote niya. ‘Totoo ‘yon! Minamahal mo talaga si Helena! ‘Di ba ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
matutupad ung wish mong pikutin ka Markus... charrr...ayan selos tuloy c Clarisa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status