Share

CHAPTER TWENTY FOUR

CAMARINES NORTE, BICOL…

Tumuloy muna sa rest house nila sa bayan ng Daet sina Markus at Helena matapos silang umibis sa private chopper ng mga Montenegro sa airport ng Bagasbas. Masaya silang sinalubong ng mag-asawang katiwala ng pamilya sa bahay na iyon. Sina Tyong Lino at Tyang Marta.

“Helena…! Aysus, kagara-ganda pa man din giraray! Dae nagbag-o ang aking ini maski may agom na at bados!” Natutuwang salubong ni Tyang Marta.

“Mabag-o man baga ‘yan? Sapul pagkaaki magayon na!” dugtong naman ni Tyong Lino.

Nangingiti lang si Markus kahit hindi naiintindihan ang sinasabi ng mga sumalubong sa kanila. Siniko ito ng asawa.

“Naintindihan mo?” tanong dito ni Helena.

Umiling si Markus.

“Maganda pa rin daw ako! At hindi nagbago ang kagandahan ko kahit nag-asawa na ako at buntis na.” tumawa pa si Helena.

“Ah, totoo naman! Naniniwala ako diyan!” sabi naman ni Markus.

Tumawa rin ang mag-asawang katiwala. “Naku, hindi nga pala maiintindihan ng asawa mo ang salita namin dito.” anang lalaking katiw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
be positive Markus soon mapapaibig mo din c Helena ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status