SA PAGLIKWAD ng mga araw, nagpatuloy ang kunwaring buhay mag-asawa nina Markus at Helena. Bagama’t hindi nga sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon, nauwi naman sa pagiging magkaibigan ang naumpisahan nilang samahan.Tumitindi man sa paglipas ng mga araw ang damdaming nadarama si Markus para sa babaeng pinakasalan, hindi iyon naging dahilan upang samantalahin niya ang patuloy na magandang pakikitungo ni Helena sa kan’ya at sa pamilya niya.Nag-aaral na lahat ang kan’yang mga kapatid. Si Aling Lora naman ay unti-unti na ring bumabalik ang dating sigla na bahagyang naapektuhan ng pagkawala ni Mang Berting. Nawiwili ito sa pag-aasikaso ng kan’yang sari-sari store. Nagtutulungan ang nanay niya at mga kapatid sa pagpapalago ng munting kabuhayan ng mga ito lalo at nauuso ang online selling. Kapag walang pasok ang magkakapatid, kung ano-anong produkto rin ang ibinibenta ng mga ito gamit ang internet. Isang bagay na hinangaan ni Helena sa pamilya ni Markus. Mas lalo nitong napatunayan na
NAKANGITI si Helena habang pinagmamasdan niya ang himbing na himbing nang si Markus na nakahiga sa mahaba nilang bamboo sofa. Medyo nakanganga pa ito. At naririnig din niya ang mahinang paghilik nito.Napailing siya. Minsa’y pinagtawanan siya nito at sinabing napakaganda niyang babae pero nakanganga raw pala siyang matulog at naghihilik pa. Para bang ang isang katulad niya ay walang karapatang maghilik. Of course nagbibiro lang naman ito noon nang sabihin iyon. Pero nakakatawa nga pala talagang pagmasdan ang nagiging gesture sa pagtulog ng ilang tao. Katulad niya at ni Markus. Heto nga at baka maya-maya’y tumulo pa ang laway nito dahil sa sarap at pagkahimbing ng tulog. Impit siyang napahagikgik sa naisip na iyon. Para siyang bata.Sa isang banda nama’y nakadama siya ng awa sa asawa. Alam niya kasing sobra itong napagod kanina sa trabaho. Nag-request kasi siya rito na sumama sa pag-iikot sa mga malalaking supermarket sa Metro Manila para sa production checking ng kanilang mga produkto
“H-HELENA…?” Nagulat na sabi ni Markus nang bigla itong maalimpungatan at nang idilat ang mga mata, ang nabungaran nito agad ay ang kan’yang asawa na nasa harapan niya at nakatunghay sa kan’ya.Napabangon si Markus. “B-bakit? Anong ginagawa mo rito?” Sinalat niya pa ang noo ni Helena. “Bakit hindi ka pa natutulog? May dinaramdam ka ba? Sumasakit ba ang tiyan mo?” Parang nataranta, sunod-sunod na tanong niya na may pag-aalala pa sa tono ng boses.Napangiti si Helena sabay iling. Parang kinilig siya sa ipinakitang concern ng asawa at higit sa lahat, ‘may idadahilan na siya…! T’yempo!’“H-hindi. Wala akong dinaramdam. Parang, may narinig kasi ako kanina na umuungol ka. I thought, baka nananaginip ka na naman kaya pinuntahan kita.” Gumagaling na talaga siyang magkaila, ani Helena sa sarili. Huwag sanang makahalata ang asawa niya.“G-ganoon ba?” Napakamot sa ulo niya si Markus. “Hindi ko matandaan…”“H-huwag mo nang isipin ‘yon. Matulog ka na uli…” akmang tatayo na rin si Helena nang pig
MAGKAYAKAP sina Markus at Clarisa ng mga sandaling iyon. Umiiyak si Clarisa habang nakasubsob sa dibdib ni Markus.Ang isang kamay ni Markus ay humahagod naman sa likod ng kan’yang kababata.Damang-dama ni Helena ang mabigat na tensyon ng mga oras na iyon. Para bang hindi siya dapat maging istorbo sa dalawang nilalang na ito na heto, at ika nga ay nasa wagas nilang ‘moment’ na matatawag.Bakit ganoon? Bakit parang bumigat ang pakiramdam niya? Bakit tila, kinurot ang puso niya sa nakitang iyon?Ganoon pa man, napapatda man sa pintuan matapos niyang buksan iyon at ganoon nga ang bumungad sa kan’ya, kagya’t siyang nakabawi agad sa pagkabigla. Isinara niya uli ang pinto ng buong ingat. Nang hindi namamalayan nina Markus at Clarisa. At saka siya lumigid sa may likod bahay. Magkukubli muna siya. Saka na siya papasok. Kapag tapos na ang eksenang iyon ng kan’yang asawa at ng babaeng iyon na pamilyar sa kan’ya ang mukha.Kumalma na si Clarisa sa pag-iyak. Sa paghagulgol na tila ba katapusan na
“P-PAANO mo ako nakilala?” tanong ni Clarisa nang kaharap niya na si Helena ng mga sandaling iyon. Oo. Kaharap niya ito ngayon. Ipinasundo siya nito sa driver nito at ngayon ay naririto silang dalawa sa isang restaurant. Tinawagan siya nito kahapon. Nagpakilala ito sa kan’ya. At inimbita siya na kung maaari’y magkakilala sila ng personal at makapag-usap. Nag-atubili pa siya na pagbigyan ang paanyaya nito, dahil bakit? Sa anong dahilan? Pero nang marinig niya ang pakiusap nito, nagpakumbinsi na rin siya. At saka interesado rin siyang malaman ang dahilan nito kung bakit biglang-bigla’y ibig siya nitong kilalanin at kausapin. At heto nga. Magkaharap na sila ngayon ng babaeng itinururing niyang karibal niya kay Markus. Napakaganda nga pala nito. Higit na maganda sa malapitan. Ano ang binatbat niya rito? Wala! Maski sa kutis nitong ala-porselana, mapapahiya ang balat niya…! Hindi nga nakapagtataka na magustuhan ito ni Markus. Kahit hindi ito nababalutan ng yaman, maski sinong lalaki,
LINGID sa kaalaman ni Markus ang pakikipagkita niya kay Clarisa at ang pag-aalok niya ng tulong dito, kaya hindi na nagtaka si Helena nang kumpirmahin ito sa kan’ya ng asawa kinabukasan.Nakalimutan niya, sobra nga palang malapit sa isa’t-isa ang dalawa kaya tiyak na ipararating ni Clarisa kay Markus ang inalok niya rito. Siguro’y para ipahamak siya sa kan’yang asawa.For sure, kilala rin ni Clarisa si Markus bilang ma-prinsipyong tao, at alam ng dalaga na hindi magugustuhan ni Markus ang ginawa niya. Pero bakit ba? Ano ba ang masama sa ginawa niya? Gusto niya lang namang makatulong…“Tumawag sa akin si Risa. Nagkita pala kayo.” ani Markus sa pagitan ng kanilang pag-aalmusal ng umagang iyon.Tinitigan ni Helena ang asawa. Wala siyang mabasang reaksyon sa anyo nito. Hindi ito tumitingin sa kan’ya. Tuloy lang ito sa pagsubo.“I j-just want to help.”Tumango-tango si Markus. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na makikipagkita ka sa kan’ya?”“I thought you might not agree.”Huminto si Markus
NADATNAN ni Markus si Helena ng gabing iyon na nasa harap ng tv. Sumisinghot at nagpapahid ng luha. Bigla siyang nataranta. “H-helena? Bakit? May nangyari ba?” Mabilis na pagdalo niya rito.Natawa si Helena sa naging reaksyon ng asawa. “Wala. Nanonood lang kasi ako ng MMK. The story touched my heart so much.” Napasinghap pa ang buntis.Sinulyapan ni Markus ang tv na advertisement ang kasalukuyang umeere. Naihilamos nito ang palad sa mukha. “Sus! Akala ko naman…!”“Sorry po, mister. Kasi, sobra talaga akong naapektuhan ng pinanonood ko. You know, this is how the story goes. When Almira’s father died, her mother left her to work abroad. But when her mother was in another country, she was forgotten and left to their relatives because her mother remarried there. Her life became miserable because her auntie’s husband exploited her.” Napabuntong-hininga pa si Helena. Apektado talaga ng sobra sa istorya ng programa.“Ano nang nangyari pagkatapos?” ibig matawa ni Markus. Dumarami ang nadidisk
NAGISING si Helena na nakatunghay sa kan’ya ang lahat sa harap ng hospital bed niya. Ang kan’yang pinakamamahal na lola, si Markus na mahalaga na sa kan’ya, ang biyenan niya at ang mga kapatid ng kan’yang asawa.“Kumusta ka na, apo? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” Nakangiting bungad ni Doña Amanda sa apo nang magmulat ito ng mga mata. Hinalikan pa nito sa noo si Helena.Napapikit si Helena. Waring pinakikiramdaman ang sarili. “O-okay na ako, lola. Magaan na ang pakiramdam ko…” sumulyap siya kay Markus na nasa may paanan niya at nakangiti ring nakatunghay sa kan’ya. “Mac…” aniya.Dumistansiya si Doña Amanda nang lumapit si Markus sa asawa. Tinanguan nito ang manugang sa apo.Ginagap ni Markus ang isang kamay ni Helena. Masuyo itong hinalikan sa noo. “K-kumusta?”Napapikit uli si Helena sa ginawing iyon ni Markus. May gumitaw na luha sa sulok ng kan’yang mga mata. “M-mabuti na ang pakiramdam ko, Mac. Salamat…” pinisil pa niya ang kamay ni Markus na nakahawak sa kamay niya. “A-ang a