Home / Romance / Kabit Ako Ng Kabit Ako / The Beginning-Chap 1

Share

Kabit Ako Ng Kabit Ako
Kabit Ako Ng Kabit Ako
Author: Babz07aziole

The Beginning-Chap 1

Author: Babz07aziole
last update Last Updated: 2025-11-22 08:42:13

Trust gets you

killed

Love gets you

hurt

And being real

gets you hated.

-Peakpx

“WELCOME BACK! ija!” tinig na nagmula sa entrada ng malaking bahay. Dali-daling naglakad palapit ang pinakamatandang kawani sa Mansyon.

“Yaya Toyang! Kumusta po? Na-miss ko kayo,” wika ni Kaytie. Mahigpit niyang sinalubong ang mainit na yakap nito.

Nagtagal sila saglit sa ganoon, ilang taon na rin kasi ang nakaraan ng huli siyang makauwi.

“Mabuti naman ako ija, natutuwa naman ako at nakabalik ka na,” sabi ng matanda. Matapos nilang tuluyan maghiwalay mula sa pagkakayakap.

Inilibot niya ang paningin sa buong kabahayanan. Ilan taon na rin ang nakaraan, ngunit nanatiling walang pinagbago ang bahay na nilakihan.

Bagamat moderno na ang ilan sa mga bahay na nadaanan ng kanilang sinakiyan ay hindi maipagkakamaling hindi papahuli ang mansyon nila sa pinaka-grande at pinakamalaki.

Aghubad State is divided into five floors. Each floor has five rooms and a basement. There is a quarter-room area for each maid. There is almost 12,000 square feet of living space, and each room has its own set of qualities and moments that will fascinate you. Bricks are the main drawing of each pillar. Thick and polished wood that still comes from old, strong trees. Traditional stained-glass windows, arched doors, and a fairytale-inspired backyard.

The Bermuda grass was maintained by the old gardener, who, using large shears, trimmed the leaves of every row of trees and plants around the mansion.

Matapos pinagdaop ang palad ay lumanghap naman pagkatapos ng sariwang hangin.

Napatitig naman ang dalaga rito, nagkaroon siya ng pakiramdam na hindi niya maintindihan.

'Nakabalik na ba ako ng tuluyan?' piping kastigo niya kanyang sarili.

Isang pilit na ngiti ang ipinakita niya. Nang mapansin niya ang paninitig ng kanyang Yaya Toyang.

Napatitig naman ang dalaga rito, nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam hindi niya maintindihan.

'Nakabalik na ba ako ng tuluyan?' piping kastigo niya kanyang sarili.

She gave out a strained smile. Nang mapansin niya ang pag-aalala mula sa mukha ng kanyang Yaya Toyang.

“Napagod ka marahil sa haba ng naging biyahe mo. Halika na at pumasok ka sa loob. Naipaayos ko na kanina pa ang dati mong silid sa itaas. Magpahinga ka na muna roon, ipapatawag na lamang kita sa oras ng hapunan para bumaba,” ani nito at inakay na siya sa pagpasok.

Nginitian naman niya ito. Matalas talaga ang pandama nito, lalo sa tuwing nakakaramdam siya ng pagkabalisa.

They left the driver alone to continue unloading his equipment from the car. Two new assistants appeared at the front door.

“Iyon na ba ang Amo natin, Manang Charing? Mukhang mabait naman. Hindi kapares ng mga ibang anak mayayaman na napapanuod ko sa T.V,” wika nito na tumulong na sa pagkuha ng mga bagahe.

“Ngayon ko lang din siya nakita sa personal. Madalas na si Toyang ang kausap niya. Sa video calling lang sila nag-uusap. Tama ka, mukha naman mabait at maganda. Naiiba sa nakita ko na naka-make up sa tuwing katawagan ni Toyang,” pagsagot naman nito.

“Tumigil na nga kayo sa kachi-chismis. Buhatin niyo na paitaas iyan, hindi kayo binabayaran ng may-ari para pagkuwentuhan siya.” Sita naman ni Virgilio. Pinagpawisan ito sa dami ng dalahin ng kanilang bagong dating na amo.

Kung titignan ay pan-tatlong tao ang katumbas ng dami ng mga dinalang bagahe nito...

UNANG GABI nasa hapag-kainan na ang dalaga. Nasa kumedor na at inuumpisahan ng kumain ng hapunan.

Nasa gilid lang naman si Toyang, naghihintay sa maaring ipag-utos ng alaga niya.

Pitong taon na rin ang nakaraan, magmula ng mangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa mga magulang ni Kaytie. Pinili nitong magpunta sa ibang Bansa, para makalimot at makapag-umpisa muli. Suportado niya ito, magpahanggang ngayon. Kahit buhay niya kaya niyang isaalang-alang dito. Ganito niya ito kamahal ng sobra.

Napansin niya ang pagkutsara nito sa sabaw ng sopas. Ngunit hindi naman gustong tikman.

“May problema ija?” tanong ni Toyang ng mahalata niyang tuluyan sumimangot ito. Kapansin-pansin iyon sa labi nitong namumula dahil sa lipstick na namarka sa labi nito. Ang kilay nitong naka-brush up. Matingkad naman na kulay ang ginamit sa talukap ng mga mata at blush on na nagpa-inhance sa pisngi.

“Toyang, did I tell you I want a stake for dinner?”

Hindi naman nakakibo si Toyang. Muli niyang binalikan ang naging pag-uusap nila ng kanyang alaga, bago niya ito pinataas kanina sa mismong silid nito.

Ngunit kahit anong kalkal niya sa kanyang memorya. Hindi siya sinabihan nito na iyon ang gustong hapunan nito ngayong gabi. Madalas itong mag-request ng light meal para sa hapunan, dati pa.

“What! It's my first night here in my mansion, and this is what you're going to feed me?” the girl screamed.

Mabibigat na pagbagsak ng kaliwang kamao ang ginawa nito bago tuluyan tumayo at tumalikod.

“P-pasensya ka na s-senyorita. H-hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ni Toyang na hinabol pa ang pag-alis nito mula sa komedor.

Natigilan naman sa paghakbang ang dalaga. Tinapunan ng malamig at nang-uuring titig ang ginang.

“Kilala mo ako Toyang. Huwag mo iyang kakalimutan, kung ayaw mong palayasin kita ng tuluyan!” Nakaduro pa ang kanan hintuturo nito sa matandang katulong. Habang sinasabi niya iyon dito.

“P-pasensiya ka na s-senyorita. Sisiguraduhin ko sa susunod, hindi na ako magkakamali.” Muling paghingi nito ng dispensa.

Ipinagkrus naman niya mula sa dibdib ang magkabilang kamay at may nanunuyang ngisi sa labi. Habang napapailing bago binalikan ng tingin ang pobreng matanda.

“Let me make it clear to you, Toyang. Hindi porke't matagal ka na rito sa mansyon ay gagawin mo na ang gusto mo.... Andito pa ako. Tandaan mo iyan!” Duro nito sa matandang nakayuko lamang ang ulo.

Umalis na ng tuluyan ang dalaga, matapos nitong tawagin ang driver na si Virgilio, para ipag-drive ito papuntang Bayan. Upang kumain doon.

Nang makaalis ay kaagad na nilapitan ng ibang kasambahay ang matanda.

“Manang! Bakit naman hinayaan mong ganonin ka ng alaga mo.”

“Oo nga, akala mo naman kung sino makaasta. Sa panlabas lang pala siya maganda! Masama pala ang ugali!” Sabat ng isang maid.

“Sinabi mo pa, walang-galang. Hindi pala totoo iyong chismis na mabait si Ma'am Kaytie. May pagkamaldita pala!” turan naman ng pinakabata sa mga katulong na naroon na nagliligpit sa mga pagkain na hindi nagawang galawin ng kanilang Amo.

“Tumigil na nga kayo, h-hindi lang kami nagkaintindihan. G-ganito na siguro kapag tumatanda.” Pagpapatahimik niya sa mga kasama. Hindi na umimik pa ng mga kasamahan niya at nagkibit-balikat. Ngunit natanim sa mga isipan ng mga ito. May hindi magandang ugali ang kanilang Amo!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 27

    Noon ipinadala siya sa ibang bansa, upang doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi aakalain ni Kaytie na darating si Ebony, na siyang magiging kakampi niya. Naging biktima siya ng bully sa America, kaliwa’t kanan ang pagtrato sa kanya ng hindi maganda ng mga kapuwa niya kaklase. Inakala ni Kaytie ay makakalaya siya sa masamang karanasan sa Pilipinas. Ngunit maling-mali siya, dahil ang buhay niya sa ibang Bansa ay naging impyerno! Sa mga panahon na iyon ang tanging nagligtas lamang sa kanya ay si Eve, isa sa mga identy na nabuo sa pamamagitan ng katauhan niya. Dahil na rin sa mga traumatic experience niya sa buhay. Si Ebony ang dumating noong madilim ang tinatahak niyang daan. Magmula noon, dumadating ito kapag kailangan niya ng tulong. May mga pilit na nakipaglapit sa kanya na ibang estudyante. Ngunit siya na ang ang tumatangging makipag-usap. Dahil para kay Kaytie, nariyan si Ebony, dadamay sa kanya palagi. Pinili ni Kaytie na maging normal ang buhay. Nagpunta siya sa mga espe

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 26

    MULA sa presinto ay kasamang lumabas doon si Reeza at Lordan. “Salamat, kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako makakalaya,” sagot ng lalaki “Wala iyon, siya nga pala. May nais akong sabihin,” seryusong sambit ni Reeza. “Ano iyon?” Huminga muna ng malalim ito bago tuluyan nagsalita. “Si Kaytie, may nangyayari sa kanya. May napapansin ka bang kakatwa sa mga ikinikilos niya nitong nakaraan?” Si Reeza. Saglit natigilan si Lordan, may ilang beses na naalala niyang natitigilan ito at natutulala. At may mga sandali na naiiba ito kung kumilos at magsalita. Idinantay naman ni Reeza ang kamay sa balikat ni Lordan. Nagkatinginan sila nito. “I know, may mga pagkakamali ako sa pagsasama natin. Gusto kong itama at para makabawi na rin sana sa inyo ng Mom mo. I’m sorry mas pinili ko ang career ko sa ibang Bansa dati. Because I thought I would be happy there.Pero unti-unti nakikita ko ang sarili kong bumabalik sa iyo. And then, nalaman kong kinasal ang kapatid mo at isang Kaytie Aghubad ang nap

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 25- Restart

    "I always feel like I'm struggling to become someone else. Like I'm trying to find a new place, grab hold of a new life, a new personality. I guess it's part of growing up; it is also an attempt to reinvent myself." –Haruki MurakamiKAHIT anong pagpipigil ang ginawa nila kay Kayt ay walang taasan pa rin pumunta ito sa ibaba. Where Renton was. Nagkagulo na at nagsialisan na rin ang ibang bisita. Ang ilan ay nakiusyuso. Makikita na panay ang pagsisigaw ni Renton sa mga taong naroon, nagtatanong kung nasaan si Kaytie. Naka-suot ito ng all white attire, wala itong pansapin sa paa. Tanging itim na medyas lamang. Kapansin-pansin din ang wala sa ayos nitong anyo. Pinanlilisikan ang mga taong nais na lumapit dito. Tila ba, lalo itong naging agresibo kaysa sa huling nagkita sila. Mukhang hindi nakabuti ang pinagdalhan ditong lugar. “Renton!” Pagtawag niya. Unti-unti naman natigilan ito, tila ba nakikiramdam ang binata sa paligid. Hanggang sa ang mukha nito’y napaling sa direksyon niya.

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 24

    MAGMULA nang magpakilala si Reeza, kung sino ito sa buhay ni Lordan. Hindi maiwasan ni Kaytie na magkaroon ng asiwa kapag umaaligid ito. Madalas itong naroon sa burol at sinasamahan si Lordan, kung saan man ito nagpupunta. Pilit man iwasan ni Kaytie ang makaramdam ng inis, hindi niya magawa. “Are you mad at me?” tanong ng lalaking kasalukuyan gumugulo sa isip ni Kaytie ng mga sandaling iyon. Gulat pa siyang napalinga rito. Inaakala niya ay makakalayo siya saglit, pero heto ngayon kusang nilalapitan siya ng taong pinakaiwas-iwasan. “What are you talking about?” She continued fiddling around inside the fridge. Nasa kusina siya ng mga sandaling iyon. “I'm not numb, Kayt. Alam kong umiiwas ka sa akin, may nagawa ba akong hindi maganda?” Pangungulit nito sa kanya. Hindi pa rin siya nagsalita. Ipinagpatuloy pa rin niya ang hindi pagpansin dito. “Answer me, may nagawa ba akong mali para iparamdam mo sa akin ‘tu?” Maririnig ang hinaing sa tinig nito. With that ay tuluyan siyang natig

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 23

    NAGMULAT ng mata sa umagang iyon si Kaytie. She felt herself first, bago piniling bumangon mula sa pagkakahiga. Still early, pero hindi na niya nagisnan na nasa tabi niya si Hardin. Tuluyan na siyang tumayo at pumasok sa may banyo para hilamusan ang mukha. While she was washing her hands, she noticed something. Gulat niyang inalis ang mga kamay mula sa pagkakabasa. Kumurap-kurap siya. Pinagmasdan pa niyang maigi iyon ng ilang beses. She thought her own hand was stained with blood. It was full. Ngunit, mukhang nagkamali lang pala siya. Namamalikmata na naman siya. Nang makapag-ayos ay lumabas na siya ng silid. Ramdam niya ang gutom, tahimik lamang ang buong bahay. Hanggang sa makarating siya sa dining area. “Magandang umaga po,” bati ni Kaytie kina Josephine at Lordan na abala sa pagkain. Sinagot ng huli ang kanyang pagbati, may matamis din na ngiti sa labi. Upang tuluyan mahawa siya. Habang ang matandang babae, piniling manahimik mula sa pwesto. Tamilmil naman sa pagka

  • Kabit Ako Ng Kabit Ako    Chapter 22

    LUMIPAS ang mga Linggo. Matapos na maiuwi ni Josephine mula sa hospital ay bigla rin ang naging pagbabago sa katauhan ni Hardin. "I'm home babe," anas nito at isang masuyong halik ang ibinigay nito sa may sentido niya. Walang halong pagpapanggap. Puno ng pagmamahal ang tanging nadarama ni Kaytie habang kayakap ang asawa. "Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita?" tanong niya rito. "Yes, umuwi talaga ako ng maaga para makakain ng masarap na luto ng maganda kong misis." Puri ni Hardin na pinisil pa ang baba ni Kaytie. Kahit paano ay kinilig siya. Habang tumatagal ay lalong nagiging malambing ang asawa. Hindi na ito katulad ng dati, unti-unti na itong nagiging mahinahon. Bumabalik na ito sa lalaking minahal niya. Na sweet, loving and thoughtful. "Flowers for you and chocolates." Sabay abot nito sa kanya. Lalong lumubo ang puso niya sa mga ipinasalubong nito sa kanya. "Hindi mo naman kailangan bigyan ako ng ganito. Marami naman mga tanim na bulaklak sa garden at napakaraming pagka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status