Share

Kabanata 2

Author: Rina Novita
”Tara na?” Tanong ni Derrick sa akin pagkabalik nito sa reception area.

Hindi ako nagsalita, bagkus, tahimik ko lang na sinundan si Derrick papunta sa sasakyan namin. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang iyak ko, na gustong gusto ng bumuhos noong mga oras na yun.

Habang nasa byahe kami pauwi, halatang sobrang saya ni Derrick na siyang kabaliktaran ng nararamdaman ko. Galit na galit ako.

Habang hinahayaan kong magpakaliga si Derrick sa maliit niyang mundo, patago kong tinext si Carrie, ang aking assistant. Walang ideya si Derrick tungkol dito.

Si Carrie ang nag hahandle ng lahat ng mga business affair ko, at kasama na rin doon ang mga property business na palihim kong pinapatakbo. Dahil sa advance na technology at komunikasyon, madali ko nalang na nasusubaybayan ang mga ito habang nasa trabaho si Derrick at naiiwan ako sa bahay.

Huminto ang sasakyan namin sa garahe ng bahay ng mother-in-law ko. Oo, mula nang maikasal kami, tumira na kami sa bahay ng aking mother-in-law na si Ruth. Sa tuwing pag uusapan namin ang pagbili ng sarili naming bahay, palaging sinasabi ni Derrick na wala pa itong sapat na ipon.

“Sarah, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap. Pati si Gillian, kanina pa tanong ng tanong kung nasaan ka na.” Bati ni Ruth, na naghihintay na sa labas para sa amin.

“Sorry, Ma. Bigla po kasi akong hinila ni Derrick papunta sa office niya. Magpapaalam naman po sana ako sainyo pero natutulog po kasi kayo.”

“Ano? Palagi ka nalang may dahilan. Nakikita mo ba kung gaano kagulo ang bahay? Wala man lang nag linis!”

"Sorry, Ma."

Mabilisan akong kumilos para maglinis ng bahay. Inuna ko ang kusina. Nakakapagtaka lang dahil sigurado akong malinis ito bago kami umalis kanina. Bakit sobrang daming hugasin? Ako, si Derrick, Ruth at Gillian lang naman ang nakatira dito ah?

“Ma, may bisita ba tayo kanina? Bakit parang ang dami masyadong hugasin?” Tanong ko.

“Bumisita si Lorraine kasama ang mga bata niya kanina. Sa wakas ay may trabaho na siya kaya naman wala na siyang oras para mag luto. Ayun, dito sila kumain kanina.” Sagot niya.

Inis na inis ako. Pagkatapos sa kusina, sumilip naman ako sa dining room at tumambad sa akin na ubos na ang lahat ng mga pagkaing hinanda ko kaninang umaga. Paano yun? Hindi pa kami kumakain ni Derrick?

“Ma, bakit po hindi nalang mag order si Lorraine ng pagkain kung wala na pala siyang oras mag luto? Ni hindi man lang siya nag hugas.” Inis na inis talaga ako.

“Wag ka ngang masyadong maging mapag bilang! Baka nakakalimutan mo na daughter-in-law ka lang! Ikaw nga eh! Wala ka rin namang ambag! Kaya kung ako sayo tatahimik nalang ako kasi si Derrick nga siyang kumikita ng pera ay walang pakielam, ikaw pa kaya?” Gaya ng nakasananayan, nasinghalan nanaman ako ni Ruth.

“Okay lang yun, Sarah. Hindi naman masama siguro kung dito na kakain sina Lorraine at mga anak niya paminsan-minsan.” Sabat ni Derrick.

Hays! Ayoko na ngang makipag usap! Wala rin namang patutunguhan ‘to! Pero sana talaga wag ng pumunta dito mula bukas ang ate ni Derrick na si Lorraine at ang mga anak nito tutal kapitbahay lang naman namin sila!

“Oh, ano pang ginagawa mo? Magluto ka na! Gutom na gutom na ako.” Utos ni Ruth.

“Pagod na po ako, Ma. Hindi pa rin po ako tapos mag linis. Okay lang po ba na mag order nalang tayo ng pagkain?”

“Honey, wag na tayong gumastos. Magluto ka nalang.” Medyo pasinghal pa ang pagkakasabi nito ni Derrick sa akin.

“Huh!” Lalo akong nainis.

Tsss. Sige lang! Hahayaan ko lang sa ngayon na apihin ako ng napaka walang utang na loob na pamilyang ‘to. Sisiguraduhin kong magugulat talaga kayo kapag nalaman niyo kung sino talaga ako.

Pagsapit ng gabi, antok na antok na ako pero inuna ko munang patulugin si Gillian. Pagkatapos, nagbasa ako ng mga email na galing kina Bradley at Carrie. Walang mapaglagyan ang saya ko nang makita ang balanse ng bank account ko na nanggaling sa kita ng mga apartment unit.

Ngayong gabi, dito nalang muna ako matutulog sa kwarto ni Gillian. Kaya naman na ni Derrick ang sarili niya, at hindi pa rin humuhuoa ang inis ko sakanya ngayong gabi.

Ihanda lang talaga ng malanding Kendall na yun ang sarili niya dahil sisiguraduhin kong madudurog siya kapag naghiganti ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 254

    Naging tensyonado ang mukha nina Arnold at Erica nang makita nilang nakatayo ang doktor sa pintuan."Kumusta na siya, doktor?" Hindi makapaghintay si Erica na malaman ang tungkol kay Irene at sa kanyang sanggol."Congratulations, sir. Mayroon kayong malusog na baby girl," sabi ng babaeng doktor, at sandaling huminga nang maluwag sina Arnold at Erica.Pero nanatili pa rin ang kaba sa kanilang mukha, dahil hindi pa nila naririnig ang kalagayan ni Irene."Kumusta ang ina, doktor?" tanong ni Arnold, nanginginig ang boses."Asawa ka ba niya?" Tinitigan ng doktor si Arnold nang mabuti."O-oo, doktor," nauutal na sagot ni Arnold, ramdam ang bigat ng konsensiya dahil hindi man lang niya sinasamahan si Irene sa mga pagpunta nito sa ospital."Sir, ang kalagayan ni Irene ay... kritikal. Sinusubukan pa rin naming pigilan ang pagdurugo. Ipagdasal niyo po siya."Natigilan si Arnold sa sinabi ng doktor. Hindi siya makapagsalita nang lumakad palayo ang doktor, iniwan silang dalawa ni Erica sa

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 253

    "Irene, ayos ka lang ba? Inaalagaan ka ba nang maayos ni Arnold?" tanong ni Erica na may pag-aalala nang kontakin siya ni Irene. Malat at magaspang ang boses ni Irene, kaya't nag-alala si Erica."Kailan ka babalik sa Jaketon? Gusto ko nandito ka pag manganak ako.""Sandali, nasaan si Arnold? Hindi pa rin ba siya nag-aalaga sa'yo?" Lalong lumalim ang pag-aalala ni Erica. Bihira siyang makatanggap ng tawag mula kay Arnold, maliban na lang kung may kailangang pag-usapang tungkol sa trabaho."Si Arnold... sabi niya sobrang busy siya sa trabaho."Napabuntong-hininga si Erica. Mula sa boses ni Irene, naramdaman niyang may problema ito. Pero parang pinipili pa rin ng buntis na babae na kimkimin ang mga bagay na iyon."Sige, Irene. Tatapusin ko lang ang trabaho ko dito. Susubukan kong makabalik bago ka manganak. Dapat alagaan mo ang sarili mo at ang baby, ha?""Salamat. Salamat!"Pagkatapos makausap si Irene, nagpadala ng mensahe si Erica kay Arnold, hinihikayat itong magbigay ng mas ma

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 252

    Napasigaw si Sarah nang buhatin siya ni Troy. Inakay siya ng malalakas na braso ng asawa, parang bagong kasal, papunta sa malaking kama. Ang maganda at malambot na kama ay napapalibutan ng manipis ngunit magagandang kurtina, at pinapalamutian ng mga talulot ng rosas na nagpabango sa buong silid."Sabi ng doktor, pwede na tayo, ahem... kaya okay lang, di ba?" Dahan-dahang inilatag ni Troy ang katawan ni Sarah sa maluho at komportableng kama.Ngumiti si Sarah, namumula ang mukha habang nakayuko si Troy sa ibabaw niya. Malapit na malapit ang mukha nito sa kanya."Miss na miss din kita, Troy!" Iniyakap ni Sarah ang kanyang mga braso sa leeg ni Troy, at hindi na ito makapagpigil. Sinimulan niyang hagkan ang mukha ni Sarah, at agad itong naging matitinding halik na hindi na niya matigilan.Hindi na alam kung sino ang nagsimula, pero ilang minuto lang ang lumipas, pareho na nilang inalis ang lahat ng suot nila. Gaya ng unang gabi nila, sabik silang paligayahin ang isa't isa. Ang tindi ng

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 251

    "Honey, gising ka na ba?" Malambing na hinaplos ni Troy ang mukha ni Sarah. Kumurap ito na tila ba nagising sa boses niya bago ito tuluyaang humarap sakanya. "Anong oras na?" "Alas-sais ng umaga. Papasok pa rin tayo sa opisina ngayon, di ba?" Umupo si Sarah. "Siyempre. Ikaw din papasok, di ba?" "Oo naman, mahal. Oh, nga pala, kumusta ang stock ng gatas para kay Kingsley? Sapat ba?" "Sobra pa sa sapat," sagot ni Sarah habang nagmamadaling pumasok sa banyo para mag-ayos. Hindi niya alam na tahimik siyang sinundan ni Troy sa loob, na nakalimutan niyang i-lock. Simula nang manganak siya kay Kingsley, madalas na niyang maalalang i-lock ang pinto. "Troy!" sigaw ni Sarah, nagulat nang makita si Troy sa likod niya habang nagbibihis. Bumilis ang tibok ng puso ni Troy nang makita ang katawan ng asawa niya, na hindi pa niya nahahawakan ng halos dalawang buwan. Ngayong umaga, lakas-loob siyang lumapit kay Sarah, lalo na't kinumpirma kahapon ng doktor na ganap na siyang naka-recover

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 250

    "Uuwi na ba tayo ngayon, honey?" tanong ni Irene habang umuupo siya sa gurney. Kakakalas lang ng IV needle mula sa kanyang kamay. Tila napakaputla pa rin ng kanyang mukha."Sandali lang," sagot ni Arnold nang malamig nang hindi lumilingon sa kanya, na nagpatulong kay Irene na huminga ng malalim upang mapawi ang sakit na patuloy na umuukit sa kanya. Mula nang umalis si Erica, napansin ni Irene na si Arnold ay naglalakad-lakad, sinusubukang tumawag ng sinuman sa kanyang telepono. Hinala niya na sinusubukan niyang kontakin si Erica, ngunit hindi ito sumasagot.Tahimik na nakaupo si Irene, naghihintay kay Arnold, na patuloy pa rin sa paglalakad sa harap niya. Si Theresa, na nangako na babalik, ay hindi na bumalik."Okay, uuwi na tayo. Kaya mo bang maglakad?" tanong ni Arnold habang pinapanood si Irene, na nahihirapang bumaba mula sa gurney sa kanyang mahinang katawan."Excuse me, ma'am, gamitin niyo po ang wheelchair na ito. Mahina pa po ang katawan niyo." Isang staff ng ER ang nag-alo

  • Kabit sa Phone ng Asawa Ko   Kabanata 249

    "Oo, binabati kita muli sa pagbubuntis ng iyong asawa. Kung maayos ang mga obserbasyon, maaari siyang umuwi ngayong gabi."Tumango lang si Arnold sa paliwanag ng doktor. Nanatili siyang tahimik kahit umalis na ang doktor sa silid. Ang narinig niya ay lubos na hindi inaasahan."H-honey, hindi ka ba masaya na buntis ako?" tanong ni Irene na may nanginginig na boses. Ang kanyang dibdib ay tila nahirapang huminga, hindi makakita ng kahit anong bakas ng kasiyahan sa mukha ni Arnold matapos marinig ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Sa halip, nakita niyang may kalituhan at gulat ito. Sinubukan ni Irene na pigilin ang lungkot at pagkadismaya na nararamdaman niya."Ikaw ba ay dahil hindi si Erica ang buntis?" tanong ni Irene muli, sa pagkakataong ito ay hinahanda ang sarili para sa sagot ni Arnold."Huwag mo nang pag-isipan pa. Masisiyahan ang Mama at Papa. Lalabas ako sandali." Mabilis na iniwan ni Arnold si Irene at nagtungo sa waiting area sa harap ng ER."Sila lang ang mama at papa ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status