Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Kabit sa Phone ng Asawa Ko

By:  Rina NovitaCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
10 ratings. 10 reviews
256Chapters
85.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matagal ding nagtiis si Sarah Joy mula sa pantataksil ng kanyang asawa na si Derick Dane at pang aalipusta ng kanyang mga in-law bago siya tuluyang magdesisyon na makipag divorce. Bandang huli, lubos na pinagsisihan ni Derick ang naging divorce nila ni Sarah dahil noon niya lang din nalaman na ang binabalewala niyang dating asawa ay walang iba kundi ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Ilang taong tinago ni Sarah ang kayang tunay na pagkatao mula sa kanyang ex-husband at sa pamilya nito. Sa sobrang pagkadesperado, ginawa ni Derick at ng kabit nito ang lahat para malimas ang mga ari-arian ni Sarah. Ngunit ang lingid sa kaalaman ng mga ito, si Sarah pala ay tinutulungan ng dalawang sobrang gwapo at yamang mga lalaki. Ano kaya ang magiging ending ng love story ni Sarah? Mahahanap niya kaya ang kanyang true love?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

“Mommy, bakit ibang babae ang profile picture ni Daddy? Sino siya?”

‘Ano?’

Hindi ako makapanila sa tanong ni Gillian, ang aking seven-year-old na anak.

Agad-agad, tinignan ko ang contact ni Derrick sa WhatsApp at pag pindot nap ag pindot ko, tumambad sa akin ang litrato ng isang dalagang babaeng nakasuot ng revealing na damit at ga-balikat ang buhok. Hindi ako nagdalawang isip at sinave agad ang picture sa aking gallery.

“Ah, baka isa lang yan sa mga ka officemate ni Daddy. Mahilig kasi silang mag prank doon.” Sagot ko sa aking anak dahil ayokong masira ang imahe ng tatay nito sakanya.

Pagkalipas ng tatlong minuto, muling napalitan ang profile picture ng isang calligraphy image.

‘Siguro aksidenteng napindot ni Derrick ang picture. Pero bakit may picture siya ng babaeng yun? Sino ba talaga yun?’ Noong oras na yun, alam ko sa sarili ko na kailangan kong mag imbestiga.

Kaya sinned ko ang picture kay Bradley na may kasamang message: [Pakicheck naman nito sa lalong madaling panahon.]

Si Bradley ay katrabaho ni Derrick. Sobrang pinagkakatiwalaan ito ni Benny Humphrey, ang CEO ng kumpanya. Si Uncle Benny ay matalik na kaibigan ng aking namayapang ama at mula pagkabata ay nakakasama ko na siya kaya parang anak na rin ang turing niya sa akin. Dahil dun, ang noong kagagraduate lang ng high school na Derrick ay walang anu-anong nakapasok sa kumpanya. Pero sikreto lang ito at walang ideya si Derrick tungkol dito.

[Si Kendal Kowitz yan. Bago lang siya dito sa company at hindi pa siya permanent. Bakit?]

[Pakisend sa akin ang phone number niya.]

Pagkasend sa akin ni Bradley ng phone number ni Kendall, agad-agad ko itong sinave sa WhatsApp. Doon ko napansin na ang profile picture nito ay ang parehong calligraphy image na profile picture ni Derrick.

‘Napaka weird. Bakit parehas sila ng profile picture?’

Nagdesisyon akong tawagan si Derrick.

"Hi, honey."

Nasagot ang tawag, pero walang nagsasalita.

"Honey, nasaan ka?”

“Sorry, si-sino to?” sagot ng kabilang linya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

‘Babae? Sino siya?’

“Hi, sino ‘to? Bakit nasayo ang phone ng asawa ko?” Hindi ko mapakaling tanong.

Beep!

‘Bakit niya biglang binaba?’ Dahil dun, lalo akong nacurious. Pinagtataksilan ba ako ni Derrick?

-

Narinig ko na nagpapark ang sasakyan ni Derrick sa garahe. Medyo mas maaga itong nakauwi kumpara sa mga nakaraang araw.

“Nandito na ako.”

“Oh honey, bakit ang aga mo naman atang umuwi?”

“Nakita mo ba ang phone ko? Kaninang umaga pa kasi nawawala kaya nakipag meeting ako kaninang umaga kay Mr. Humphrey ng walang phone.”

Nagulat ako.

‘Ano? Nakipag meeting siya kay Uncle Benny kaninang umaga?’

Palihim kong tinanong kay Bradley kung nagsasabi siya ng totoo.

[Oo, kasama si Derrick sa meeting naming ni Mr. Humphrey kaninang umaga. May problem aba?]

Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Bradley.

“Sigurado ka ba na hindi moa lam kung nasaan ang phone mo?” Tanong ko.

“Oo. Pero kung wala dito sa bahay, baka nasa office. Sinamahan ko kasi si Mr. Humphrey kanina sa field.”

Mukha naming hindi nagsisinungaling si Derrick.

“Hmm…mukhang… na kay Kendall ang phone mo.” Medyo nag aalangan pa ako noong sinabi ko ito.

“Huh? A-ano?” Halata sa mukha nio Derrick na gulat na gulat ito.

“Bakit? Bakit parang gulat na gulat ka?”

“A-a… hindi niya pwedeng makuha ang phone ko. Malaking problema yun.” Halata sa mukha ni Derrick na nagpapanic ito.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ka…kasi ilang beses na akong sinubukang landiin ng babaeng yun sa office. Hindi lang ako, pero pati na rin yung iba kong mga katrabaho. Nitong nakaraan nga, yung babaeng yun nagging ang dahilan ng away ni Mr. Thompson at ng asawa niya. Pero wag kang mag alala kasi kinausap ko na si Mr. Humphrey tungkol dito kaya baka tanggalin na rin siya next month.”

Sobrang nakahinga ako ng maluwag sa naging paliwanang ni Derrick. Pero hindi pa rin ako makampante kaya kailangan ko itong icheck ulit kay Bradley at Uncle Benny.

“Tara, samahan mo ako.”

“Ha? Saan tayo pupunta?”

“Alam kong hindi ka kumbinsido sa sinabi ko at alam kong naiilang ka ng dahil kay Kendall kaya Samahan moa ko sa office at ikaw mismo ang kumuha ng phone ko mula sakanya.”

Hinila ni Derrick ang kamay ko papunta sakanya sasakyan, at dumiretso kami sa kanyang office.

Taimtim akong nagdadasal na sana hindi mahulog ang asawa ko sa temptasyon ng malanding babaeng yun.

Sobrang tahimik ng byahe naming papunta. Sa kabila ng mga sinabi at pagsama sa akin ni Derrick, hindi pa rin ako tuluyang mapalagay lalo na at nakikita kong hindi mapalagay si Derrick. Malamig naman ang aircon ng sasakyan, pero pawiis na pawis siya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka naman scripted ang lahat ng ito.

“Good afternoon, Mr. Dane.” Bati ng security guard pagkapasok naming sa main entrance.

“Good afternoon, John. Nakauwi na ba ang lahat?”

“Yung iba po, sir. Pero si Mr. Humphrey at may mangilan-ngilan pa pong nasa taas pa. Oo nga po pala, iniwan po ito ni Ms Kowitz kanina. Para daw po sainyo.” Inabot ni John kay Derrick ang isang envelope na naglalaman ng phone ni Derrick.

Halatang halata sa itsura ni Derrick na bigla itong nakahinga ng maluwag. Dahil ba sa nahanap n anito ang phone nito o dahil hindi kami nagtagpo ni Kendall? Kung bakit, hindi ko alam.

“Oh, maraming salamat, John.” Sagot ni Derrick.

“Honey, aakyat lang ako sandali.”

"Okay."

Habang nakaupo ako sa receptionist, narealize ko na medyo matagal na rin noong huli akong nakabisita dito sa office ng asawa ko. Talagang pinaganda at pinalaki ni Uncle Benny ang lugar.

“Sarah!” Gulat na gulat si Bradley, na galing sa labas, nang makita ako.

Agad-agad, nilakihan ko siya ng mga mata. Buti nalang at mabilis na napick up ni Bradley. Bukod kay Uncle Benny, na siya ring nagrecommend kay Bradley sa kasalukuyan niyang position ngayon, wala ng may iba pang alam na close kami ni Brandley.

Imbes na huminto, ngumiti nalang si Bradley at nilampasan ako. Buti nalang at walang ibang empleyado na nakakita sa amin.

Noong oras din nay un, biglang nag ring ang aking phone. Si Uncle Benny, tumatawag.

“Sarah, pumunta ka nga dito sa office ko sandali.”

“Pero…”

“Okay lang, pumunta ka na dito. Wala ng mga tao ngayon.” Sagot ni Uncle Benny bago ko pa man din matapos ang gusto kong sabihin.

“Sige, paakyat na ako.”

Mabilis akong umakyat sa office ni Uncle Benny.

“Kamusta ka, Sarah?” Tanong ni Uncle Benny, na mukhang sobrang seryoso.

“Okay lang naman po ako, Uncle Benny,” sagot ko habang umuupo sa couch na nasa harapan niya. Wala na ngang mga tao sa office.

Mukhang nag si uwian na ang mga tao. Hindi ko rin makita kung nasaan si Derrick; si Bradley at dalawang iba pang mga empleyo nalang ang nasa second floor.

“Sarah, tumatanda na ako. Hindi ko na kayang patakbuhin ang kumpanya ng daddy mo. Gusto ko ng mag retire.”

Palagay ko, ang gustong sabihin sa akin ni Uncle Benny ay napaka simple lang. Gusto niyang ako na ang mag take over sa kumpanya.

“Sige po, Uncle Benny. Pero sana sa ating dalawa nalang muna ito sa ngayon. Ayokong malaman ni Derrick na ako ng tunay na may ari ng company na ‘to.”

“Kung yun ang gusto mo, handa akong maki cooperate sayo. So, kailan ka na pwedeng maging involve? Para sa mga financial report at iba mo pang kailangan, ipapa email ko nalang sayo kay Bradley.”

“Sasabihan po kita kaagad. Pero kailangan ko na pong umalis sa ngayon dahil natatakot ako na baka maabutan pa ako dito ni Derrick.” Nagpaalam ako para hanapin ang asawa ko.

Beep.

Isang message mula kay Bradley ang nag pop up sa aking screen:

[Sarah, nakitang kong magkasama nanaman sina Derrick at Kendall. Nasa likod sila ng office.]

Ano? Akala ko ba nakauwi na si Kendall kanina? Kailangan ‘tong makita ng dalawa kong mga mata. Alam kong hinding hindi magsisinungaling sa akin si Bradley.

Agad-agad akong dumiretso sa likod ng opisina. Doon kadalasang nagpapark ang mga motor. Para naman sa kagaya naming may sasakyan, sa harap ng office kami nag park. Ibig sabihin, sinadya ni Derrick na puntahan ang babaeng yun sa likod ng office?

Tinitigan ko ang dalawang taong nag uusap sa ilalim ng malaking puno. Mula sa kinatatayuan ko, hindi ko marinig kung anong sinasabi nila, pero kung hindi ko sila kakilala, masasabi kong sobrang close ng mga ito.

Yung babaeng yun ba yung Kendall? Halatang bata pa ito, pero hindi naman ganun kagandahan. Bakit ganyan siya sa asawa ko? At bakit ganyan din ang asawa ko sakanya?

Mukhang magaling din magtago ng baho niya si Derrick ah.

Sige, bahala siya sa buhay niya. Sigurado naman ako na sobrang magugulat siya kapag nalaman niya kung sino talaga ako. Tama ang desisyon ko na itago ang totoo kong identity mula sakanya sa loob ng walong taon.

‘Hintayin mo lang ang higanti ko.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Yang Alojado
more episodes please sobrang ganda Po Ng story
2024-10-12 06:28:44
0
user avatar
Yang Alojado
sobrang ganda Ng story...
2024-10-08 17:47:03
1
default avatar
Magdalena Loste
ANG Ganda Ng story Sana ma unlock KO lahat I love this
2024-09-29 04:38:59
0
user avatar
Yang Alojado
I like the story......
2024-09-21 22:37:03
0
user avatar
Rina Novita
Good story
2024-09-16 14:58:08
0
user avatar
Sheryl Mendoza
Ang ganda NG story... Kapana panabik yung mga chapter...️...️...️
2024-09-04 22:10:26
0
user avatar
Aida Javier Ardales
Ang ganda nang story
2024-09-02 01:50:57
1
user avatar
Eileen Javate
hayysssyssstttt
2024-08-10 17:43:12
1
user avatar
Eileen Javate
excellent please unlocked
2024-08-10 16:52:13
0
user avatar
Mae Ann Bertulfo Sulapas
karugtong pleasee
2024-08-10 10:06:12
0
256 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status