Share

Chapter 4.4

"Nasa kwarto na ho siya sa sobrang kalasingan. Masama ho ang loob ng asawa niyo. Babae rin ho ako sir at hindi ko po lubos maintindihan ang pinapakita nyo sa kanya. Kung ako ho siguro si Mam Jade matagal ko na po kayong nilayasan."

Wala akong naging tugon sa mga sinabi niya. Tama din naman siya pero wala siyang alam sa totong dahilan.

Ako din nahihirapan pero wala akong magawa. Hindi ko kayang kontrolin ang damdamin ko. Hindi madaling baliwalain na lang ang nangyari kay Natalie.

Pinuntahan ko si Lia.

"I need to stay with her at least to please her when she wakes up maabutan niyang katabi ako." Ito ang nasa isip ko kaya tinabihan ko siya. Mabilis niya akong niyakap. Hinawi ko ang hibla ng buhok niyang sagabal sa mukha niyang maganda.

"I wish we had met somewhere else, other time Lia Tanaka. Perhaps we did not end up like this."

Naibulong ko saking sarili. Hindi ko kayang manatili kung kaya lumabas din ako at sa office ulit natulog.

Simula ng makabalik kami ng London naging escape ko na ang pagtatrabaho hanggang madaling araw.

Iniiwasan kong mag isip siya kung bakit hindi ako tumatabi sa kanya sa pagtulog. Naalala ko ng unang beses kaming magtabi ng nasa Pinas pa lamang kami..

Narinig ko ang hikbi ni Lia sa kama habang nakatalikod ito.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya at naalala ang kapatid ko.

Madalas nung mga bata pa kami ni Natalie, ako ang nagpapatahan rito kapag nagigising sa kalagitnaan ng pagtulog dahil sa nightmare..

That night back then I stayed with Lia hanggang tumahan ito sa pag-iyak. Lumunok ako at umiiling sa sitwasyong nakasadlakan.

Halos makalimutan ko ang tunay na balak sa kanya ng yakapin ako nito at maramdaman ko ang buong katawan niyang binibigyan init ang katawan ko.

"Sorry na kasi. I didn't mean it hun at hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagiging childish pero sana hindi yon maging dahilan para iwan mo na ako ng tuluyan."

Ang bawat katagang bitawan ni Lia ay galing sa kanyang puso at tanging pakikinig lamang ang kaya kong gawin.

Matindi ang pagkakayakap nito sa'ken ngunit mas matindi ang ginagawang pagpipigil ko sa sarili para hindi makagawa ng isa pang kasalanan.

"Matulog na tayo hun kasi makakasama sayo ang pagpupuyat lalo at nagpapagaling ka pa. Kailangan na natin bumalik ng London Jade at madami akong naiwan na trabaho duon kasi kung hindi ka umalis hindi ka sana nadisgrasya at nagkaroon ng amnesia. Ang tigas kasi ng ulo mo kapag ginusto mo gagawin mo at hindi mo pakikinggan ang paliwanag ko..."

May diin sa mga salitang binitawan ko. Isang paraan para maiwasan ang isang bagay na hindi ko mapipigilan kung sakaling maunang magpakita ng motibo si Lia na may mangyari sa'men.

"I'm so sorry.! Hindi na mauulit from now on sayo lang ako makikinig. Lahat ng sasabihin mo ay susundin ko wag lang tayo maging ganito. You are so cold towards me Kurt and feeling ko galit ka sakin sa madaming dahilan na hindi ko alam at hindi maalala dahil sa kalagayan ko. Basta ang alam ko mahal kita at ayokong ganito tayo...!"

Umangat sa pagkakahiga si Lia mula sa dibdib ko, tinitigan ang mukha ko sa limitadong liwanag galing sa buwan sa may bintana.

Hinawakan niya ang mukha ko at dinama ang bagong sibol na balbas ko. Unti unting dumampi ang malalambot na labi ni Lia sa labi ko.

Naunang gumalaw ang kanyang bibig saka tuluyan na akong nawala saking sarili at di namamalayang sinusuklian ko na din pala ang maiinit niyang halik.

Pumikit ako hindi para damhin ang bawat halik ni Lia kundi para hindi ko siya makita.

Marahang pumasok ang malambot at mahabang dila nito sa bibig ko.

Naramdaman ko din ang pagpisil niya sa bewang ko, sinyales ng kung anong gustong mangyari nito.

Ang umbok sa gitna ko ay dama kong unti-unting nabubuhay dahil sa binabaliw ako ni Lia.

"Jade matulog na tayo please..." kusang lumabas ito sa bibig ko at bahagyang nagpahinto kay Lia.

Umayos ito ng higa at niyakap ko naman siya para hindi masyadong magduda at sumama nanaman ang loob sa unang pagkakataong tumanggi ako sa kagustuhan nitong may mangyari sa'men.

Lalaki ako at alam kong doon papunta yun kung hindi ko inawat ang sarili ko. Lia is undeniably damn hot and gorgeous.

Walang lalaking makakayang iwasan ang isang kagaya niya.

"I'm sorry, I didn't mean to reject you, Jade. Don't assume anything, hun. I'm just restraining myself on you, and especially you are not fully recovered yet. I love you okay and don't overthink.

May amnesia ka kaya ka nagkakaganyan, sa oras na bumalik ang mga alaala mo magiging maayos na din ang lahat sa atin Jade. For now kailangan mong magpagaling. Huwag ka ng magtampo kasi para sayo din naman ang iniisip ko."

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman ito naghimutok pa.

That time she's jealous. Tanging litrato lang kasi ni Natalie ang nakita niya noon sa kwarto ko.

Iba agad ang pumasok sa isip niya. Nagdahilan akong walang naiwang gamit niya sa bahay nung bigla na lang siyang magdesisyong makipag hiwalay.

When we were still in the Philippines I needed to pretend na mahal ko siya talaga.

Kailangan ko siyang madala ng London sa lalong madaling panahon sa mga oras na yun dahil baka pinag hahanap na siya ng pamilya niya.

Kinailangan kong siguraduhin na hindi siya magdududang mag asawa talaga kami.

Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan. My planned is to make her fall in love.

Hindi kasama duon ang mahulog ako sa kanya. Palagay ko nga bago ko pa siya mapaibig ay nauna ng tumibok ang puso ko kay Lia.

Nang magkamalay si Lia noon sa bahay wala siyang maalala.

"Andito ka sa bahay natin Jade. I'm your HUSBAND...." Iyon ang unang pagsisinungaling ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status