Share

Chapter 3.3

"Davies. Are you sure yan ang monthly expenses ng department mo? That's too high. Pwedeng idouble check mo yan?!" Galit kong inihagis sa kanya ang hard copy ng reports niya.

"How about you, Turner? Dumating na ba ang ibang materyales para sa susunod nating design? Malapit na ang tag init. Kailangan masimulan na ang summer collection natin.."

"Next week pa ho sir.." nanigas ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ito ang inaasahan ko ngayong meeting namin. Bakit lahat palpak.

"I'm so sorry Mr. Morgan pero may naghahanap po sa inyo sa lobby.." bulong ng assistant ko na mas lalong nag painit ng ulo ko. She knows that I don't want any disturbance when I'm in meeting.

"Nalalaman mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Agad itong lumabas marahil sa panlilisik ng mga mata ko.

Hindi ko hinarap ang sinasabi niyang naghahanap sa akin sa lobby.

HAPON na ng matapos ako sa mga ginagawa ko. Naalala kong bigla ang taong sinasabi ng assistant ko kanina. Tinawagan ko siya sa intercom para alamin kung sino yun.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Pumunta si Lia dito sa building? Anung pumasok sa isip niya para gawin iyon. Sa inis ko lumabas ako para kausapin ng harapan si Carrie, ang assistant ko.

"Bakit hindi mo sinabi agad na si Jade ang naghahanap sa kin sa baba?!" pabagsak na dumapo ang palad ko sa table niya. Natataranta itong nagsalita.

"Balak ko pong gawin yun kaya lang po...."

"Ah! Nevermind. Wala na rin namang magagawa yang sorry mo.." putol ko agad sa excuse niya. Kung binanggit niya agad ang pangalan nito hindi sana aabot sa ganun.

Hindi ko nanaman maimagine kung anong naging reaksyon ni Lia. For sure nagpakilala siyang asawa ko pero nobody knows here that she's my wife.

Hindi siya pwedeng makatunog kahit isang clue lang na hindi talaga kami mag asawa. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko.

"Manang Greta asan ho si Jade?" tanong ko agad ng makauwi ako ng mansion. Matagal na din naninilbihan sa akin ni Manang kaya halos parang ina ko na siya.

"Hindi ho sa nangengealam ako sir pero kung ganito lang ho ang buhay na ibibigay nyu kay mam Jade hindi po ba dapat pakawalan nyu na lang siya?"

Natahimik ako sa suhuwesyon niya. Sobrang sama ko na ba? Hindi nila ko masisisi at kulang pa yun sa dinanas ng kapatid ko sa kuya ni Lia.

Manang Greta don't know anything about Lia. Basta ang alam niya asawa ko to ng makabalik ako mula Pinas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status