Share

Chapter 7.7

BUONG magdamag kong hinahanap si Lia. Ang bawat balitang naririnig ko sa news ay lalong nagpapahirap sa kalooban ko. Hindi ko dapat siya hinayaang umalis.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyari sa kanyang masama. Ilan sandali pa tumawag ang agent ko at natrace na nga kung nasaan ang asawa ko.

"Sa Black Pool Beach tayo." utos ko kay Mang Canor. Alam kong pagod na din siya sa puyat at marahil sa gutom na din.

Pagdating ko ng hotel ay agad hinanap si Lia sa receptionist una ay ayaw ibigay sa'ken ang detalye buti na lang at dala ko ang fake marriage certificate namin at napakiusapan ko ang babaeng pinoy duon.

Naantig sa kwento ko na ipinaglalaban ko ang pagmamahal ko sa asawa ko.

Sa kwarto kung san to na ka check in ay wala siya—Nakita ko ang mga gamit niya kaya baka lumabas ito.

Inisip ko kung anung unang pupuntahan ng isang heartbroken. Sa lugar na tahimik, maganda ang view at makakapag bigay ng positive vibes. Tama sa may dagat.

Ng makarating ako hindi kalayuan nakita ko ang babaeng pumipiglas sa isang lalaki. Nilapitan ko to agad at nakita si Lia, nakahiga sa buhanginan. Nakapatong sa kanya ang hayop na lalaking ito.

Hinila ko siya at agad na sinapak. Tatayo pa lang ito pero sinundan ko na agad ng suntok, paulit ulit hanggang hindi na siya makalaban.

Tumawag ako ng saklolo at binalingan agad si Lia. Ang mukha niya ay puno ng galos at pasa. Punong puno ako ng galit sa nangyari. Hindi ko siya nagawang protektahan.

Ako ang dahilan ng mga sugat na to sa kanyang katawan. Masahol pa ako sa lalaking nagtangka sa kanya.

"Hun, wake up. I'm already here. You are safe. "Niyakap ko siya. Bahagya itong umiyak at dumating na din ang mga awtoridad at isang ambulance.

Hawak hawak ko ang kamay ni Lia habang nasa loob kami. Nakahiga siya at walang malay.

Lahat ng to ay kasalanan ko. Hindi ko dapat siya hinayaang umalis ng mag isa dapat pinasama ko sa kanya si Manang Greta kung ang gusto lang naman niya ay ang makalayo sa akin.

Pagdating ng hospital ay agad syang dinala sa ER. Ginamot ang mga sugat niya at nagkaron ng ilang examination.

"What happened to her? Are you the guardian?" malumanay ang boses ng doctor.

"I'm her husband. Some lunatic, drunk man physically attacked her on the beach."

"Where are you those dark times? "nagpantig ang tenga ko sa tono ng pananalita ng doctor pero hindi ko na lang to pinatulan at bumalin sa asawa ko.

"How's my wife's condition, Doc?" kunot ang noo ko at medyo nahihilo sa puyat.

"She's fine. The physical trauma is not severe, but we are not sure emotionally and mentally. She might need a therapist," tumango lang ako at paglabas nito ay agad na pinuntahan si Lia.

Hinawakan ang kamay niya at hinalikan sa labi. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko kaya ang nakikita kong mga pasa sa mukha niya at mangilan ngilan sa braso.

Tang ina ng lalaking yon. I will file a case and sisiguraduhin kong pag sisisihan niya ang ginawa sa asawa ko.

Kamuntikan na siyang ma rape dahil sa kagaguhan ko.

"Jade, calm down. Hun, I'm here." Nagwawala ito ng magkamalay. NiyaKap ko siya ng mahigpit, umiyak ito sa dibdib ko at niyakap din ako.

Nawala sa isip ko lahat ng dahilan kung bakit kami nasa ganitong kalagayan ni Lia.

Nakalimutan ko ang paghihiganting nasa kalooban ko.

I need her badly right now. I feel at ease, calm sa mga yakap niya at paghaplos sa likuran ko.

Ngayon ko lang ulit tinawag siya ng hun. Nagagalak ang kalooban kong mabigkas yun, masabi sa kanya.

"I'm here, hun. You are safe now. I'm sorry, Jade. It won't happen again, I promise. Uuwi na tayo after this. You will be fine."

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin at hindi pa din nahinto sa pag iyak. I don't know kung dahil lang ba talaga sa nangyari o may iba pa.

Alam kong nasaktan ko siya ng husto kaya ang pagyakap niya sa'ken pabalik ay hindi ko talaga inasahan.

I expected worse, but there she goes again, being herself. She is the most selfless human being I have ever met in my entire life of existence.

"Kurt!" I heard her call my name between our kisses. She reciprocate. That was torid kahit nasa hospital kami hindi ko un pinansin. I don't care if makita kami ng Doctor or Nurse. I missed her a lot.

Nasa iisang bahay kami pero daig pa namin ang magkalayo.

"I promise I won't hurt you again and hindi na tayo magkakahiwalay Jade. I love you." Isang police ang pumasok kaya nahinto ang paghahalikan naming dalawa.

"Kayo po ba si Ms. Jade Morgan?"

"Mrs. Jade Morgan sir." Pagtatama ko sa lalaki.

"Ako nga po. Ano pong kailangan nila?"

Bigla akong kinabahan ng mapagtanto kong police nga pala ang kausap namin. Hindi siya pwedeng makilala nito. Ilalayo nila sa akin si Lia. Hindi ako papayag sa bagay na yun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status