Share

Chapter 6.6

"Kurt what are you doing?!" galit ang tinig ni mom ng sagutin ko ang pangalawang tawag niya.

Hindi pa din ako mapakali dahil hindi ko alam san nagpunta si Lia.

She doesnt know anything here in London. Paano kung mapasama siya? Paano kung masaktan siya? Mapahamak? Kakayanin ko ba yun?

"You know it, mom.." Simula pa lang alam na niya ang balak ko kay Lia kaya wala akong dapat na ipaliwanag.

"Tigilan mo na to, son! Maibabalik ba ng paghihiganti mo ang kapatid mo? Walang maidudulot na maganda ang lahat ng ito, Kurt."

"No mom! Kulang pa to sa ginawa nila sa kapatid ko.." nanginginig ang mga kamao kong paliwang. Tama lang ang ginawa ko. Nawala si Natalie dahil sa kanila.

"What are you talking about, Kurt? She doesn't even know your sister. Gusto mong maghiganti? Fine.. Do it sa taong nanakit talaga sa kapatid mo!" Mom hang the phone after. My point siya pero ito lang ang paraan na nasa harapan ko.

Sa lawak ng gubat bakit sa lugar kung saan ako napadpad napunta si Lia hindi ba? That's a sign. Destiny lead me to her. Lia is the only way to get my revenge for my late sister.

"Anong ginagawa mo anak?! Bakit ka nagpapakilalang asawa sa kanya?! Kung ano man ang binabalak mo Kurt ay wag mo ng ituloy dahil masama ang kutob ko diyan."

Tila binging binalewala ko noon si Mom sa sinabi niya.

"kailangan mo kumaen at magpalakas Jade. Huwag ka mag alala kasi andito ako. Akong bahala sayo." Nakatingin lang noon si Mom sa aming dalawa ni Lia.

Basang basa ko sa mga mata niya ang hindi pag sang ayon sa mga palabas ko pero she knows me well.

Alam niyang walang makakapigil sa'ken kahit siya pa na mismong ina ko.

"Mang Canor ihanda mo ang sasakyan!" utos ko sa driver ng hindi na ako makatiis. I need to get her back.

Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para mahanap si Lia. May agent tracing her phone and transaction already.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status