Share

Chapter 104

last update Last Updated: 2026-02-13 19:48:54

Madison POV

Pagbaba ko ng grand staircase ng bahay namin, naramdaman ko na agad na may nangyayaring hindi maganda. Mula sa sala, naririnig ko ang boses ni Mama Madella at hindi iyon ang karaniwan niyang tono tuwing umaga. Sa tono palang ay galit na galit ito.

“WHAT DO YOU MEAN THEY PULLED OUT?!” sigaw niya sa kausap sa phone.

Napahinto ako sa gitna ng hagdan. Hindi muna ako bumaba at tinignan ko lang.

“Exclusive contract? Since when? We’ve been working with them for years!” dagdag niya, halos n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 146

    Ralia POVIsang linggo pa lang ang lumipas mula nang magsimula ang biglaang health revolution ni Aleron, pero kitang-kita ko na agad ang pagbabago sa kaniya.Hindi lang sa katawan, pati na rin sa aura. Tuwing umaga, bago pa ako magising nang tuluyan, naririnig ko na ang mahinang tunog ng treadmill sa mini gym ng penthouse. Kapag bumabangon ako at sumisilip sa pinto, makikita ko siyang pawis na pawis, seryoso ang mukha habang nagja-jogging. Pagkatapos noon, derecho siya sa weights. Tapos protein shake. Tapos oatmeal. Tapos vitamins.Parang may competition.At sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon, habang inaayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin, napansin ko siyang lumabas ng walk-in closet suot ang fitted black shirt at maong. Simpleng damit lang, pero halatang mas umumbok ang dibdib at braso niya.“Wow,” hindi ko napigilang sabihin.“Ano?” tanong niya, kunwari walang alam.Lumapit ako at pinisil ang braso niya. “Grabe ka. Isang linggo pa lang ah.”Ngumiti siya, tapos

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 145

    Aleron POVMaaga pa lang, nasa gym na ako. Asar na asar si Ralia dahil hindi raw pala talaga ako sasama mag-shopping sa kaniya. Akala niya ay hindi ako seryoso sa kaniya kagabi.Inagahan ko talaga ang punta rito para wala pang masyadong tao. Nakakahiya nga dahil kasa-kasama ko pa ang ilang bodyguard ko incase may mga fans na dumumog. Sa ngayon kasi, kada-labas namin ni Ralia, basta matunugan ng mga tao kung nasaan kami, ayon, sinasadya talaga kami ng mga fans.“Isa pa!” sigaw ni Jason sa likod ko habang panay ang pagbubuhat ko ng barbell. Kasama ko siya ngayon, sinama ko talaga at inaya kagabi. Mabuti at palagi siyang game kahit anong aya ko.Huminga ako nang malalim at itinulak paitaas ang barbell. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang pag-igting ng dibdib at braso ko. Pagkababa ko ng bar, agad akong umupo at hinabol ang hininga ko.“Grabe ka,” sabi ni Jason habang inaabot ang towel sa akin. “Pakiramdam ko, parang sasabak ka sa pagiging leading man ng isang fantasy movie,” tukso pa niya.

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 144

    Ralia POVSanay na ako kay Aleron na makita siyang chill lang sa bahay, nakahiga sa couch, naka-white shirt lang, messy ang buhok, hawak ang remote habang nanonood ng kung anu-anong documentary o action movie. Minsan nga, ako pa ang nagrereklamo dahil puro junk food ang kinakain niya kapag nasa bahay lang kami.Pero ngayong gabi, may napansin akong kakaiba sa kaniya.Paglabas ko ng banyo, nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror ko. Nakabukas ang lahat ng skin care ko, cleanser, toner, serum, essence, moisturizer. May face mask pa sa gilid.Napatigil ako sa pintuan.“Anong ginagawa mo?” natatawa kong tanong.Hindi siya agad sumagot. Seryoso ang mukha niya habang maingat na pinapahid ang toner gamit ang cotton pad.“Nagbabalik loob sa ganitong routine,” sagot niya.“Routine?” napataas ang kilay ko. “Simula kailan ka pa nagka-routine?”Sumulyap siya sa salamin. “Dapat alagaan ang balat. Pampabata ‘di ba ito?”Napatawa ako. “Ha? Pampabata?”Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Ti

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 143

    Aleron POVSa loob ng isang taon na pagiging actor, nasanay na ako sa spotlight at sa sigawan ng fans. Sanay na sanay na rin akong maging heartthrob. Sanay na akong sabihan ng mga tao na ako raw ang pinakapogi sa network namin ni Ralia.Pero noong araw na iyon, sa noontime show ng Star TV Network, unang beses kong naramdaman ang kakaibang inggit na hindi ko agad maipaliwanag.Special guesting ko nun. Pinagsama-sama ang mga tinaguriang pinaka-poging artista sa network namin. Parang parade ng mga leading men. May production number pa kami—may dance intro, may slow walk papasok sa stage habang umiilaw ang LED screen sa likod namin. Sumisigaw ang audience. May mga placard na may pangalan ko.“Aleron! Aleron!”Ngumiti ako at kumaway.Pero habang isa-isa kaming tinatawag sa gitna ng stage, may isa pang pangalan na hindi ko pa personal na naririnig nang ganito kalakas.“GERSON HERNANDEZ!”Parang mas malakas ang sigawan. O baka ako lang ang nakaramdam. Lumabas siya mula sa kabilang side ng st

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 142

    Ralia POVIsang taon na agad ang lumipas. Minsan naiisip ko, parang kailan lang noong happy na happy ako sa red carpet ng una naming pelikula ni Aleron—yung kauna-unahan naming premiere night ng How Did You Find the One? Ngayon, kapag naririnig ko ang title na iyon, may kasama nang bigat at karangalan. Hindi na lang siya simpleng pelikula. Isa na siyang bahagi ng kasaysayan ng industriya.Ang How Did You Find the One? kasi ang unang tambalan naming pelikula ay naging blockbuster. Kumita ito ng bilyon. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang pakiramdam nang marinig kong umabot sa ganoong halaga ang kinita namin. Hindi iyon basta numero. Iyon ay patunay na may naniwala sa amin. Na may nagmahal sa kuwento namin.At pagkatapos noon, parang tuloy-tuloy na ang ulan ng biyaya.Best teleserye ang drama series naming dalawa. Halos lahat ng award-giving body, nominado kami. Sa gabi ng parangal, magkahawak ang kamay naming dalawa ni Aleron habang tinatawag ang pangalan ng show. Kapag kami ang nananalo,

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 141

    Aleron POVHindi ako basta-basta kinakabahan sa mga event, sanay na ako dahil kahit nung vlogger at model palang ako ay nakaka-attend na rin ako sa mga magagarang event. Pero iba pala kapag ang nag-imbita sa’yo ay ang pamilya ng babaeng mahal mo, at ang venue ay ang garden ng mansion nila.“Formal. Strictly black tie,” sabi sa invitation na ipinadala ng secretary ng mama ni Ralia.Pa-party para kay Ralia. Para sa success ng How Did You Find The One?Para sa box office opening weekend na halos mag-crash ang ticketing sites.Pero sa totoo lang, ramdam kong hindi lang ito celebration ng pelikula. Parang pagpapakilala rin ito sa akin.Pagpasok pa lang ng kotse ko sa mahabang driveway ng mansion nila, sinalubong ako ng mga ilaw na tila galing sa isang European estate. Doon palang, sosyal na talaga agad.Ang garden nilang malawak ay nagmistulang parang private resort. May fairy lights na nakasabit sa mga century-old trees. May crystal chandeliers na naka-hang sa ilalim ng clear tent canopy.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status