Share

Chapter 2

last update publish date: 2025-12-02 18:09:51

Ralia POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pero, nagising ako na nasa sofa na ako ng bahay namin ni Guison. Halos, alas sais na ng umaga nang magising ako.

Pagtayo ko, sakto naman na gising na si Guison. Inaasahan kong magtatanong siya kung bakit hindi niya ako nakatabi sa pagtulog kagabi, pero walang ganoon na nangyari.

“Amoy alak. Kailan ka pa natutong uminom. Siguraduhin mo lang na mapagluluto mo ako ng almusal, Ralia,” sita niya sa akin.

Ralia na lang talaga ang tawag niya sa akin. Nawala na ‘yung honey, Ralia na lang talaga. Sino ang hindi masasaktan, sino ang hindi malulungkot.

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang. Pumasok na muna ako sa kuwarto namin para maghilamos ng mukha. Kahit masakit ang ulo, katawan at teka…

Napakapa ako bigla sa ibaba ko. Pakiramdam ko ay parang may kirot. Doon ko lang naalala ang nangyari sa amin ni Aleron. Oo, tanda ko, medyo nawala na rin ang lasing ko nung umibabaw na siya sa akin kagabi.

Nakatingin ako sa salamin at hindi ko alam kung bakit napangiti ako bigla nung maalala ko kung paano napangiwi, napanganga at napatirìk ang mga mata ni Aleron habang ka-sëx ko siya. Pakiramdam ko, damang-dama ko pa rin ‘yung kalakihan at katabaan ng kaniya sa loob ko. Grabe, ang sarap, sobrang nag-enjoy ako.

“Ralia, ano, matagal ka pa ba diyan? Baka ma-late ako, magluto ka na ng almusal!” sigaw na ni Guison habang kumakatok ng malakas sa pinto ng banyo.

“Oo, nandiyan na,” sagot ko, saka ako nagmadaling maghilamos. Napatulala pa tuloy ako dahil sa pag-alala sa nangyari sa amin ng bestfriend ng asawa ko.

Sa buong buhay ko, hindi ko inaasahang makakagawa ako ng ganitong kasalanan. Nagawa ko ito dahil ang cold na ni Guison sa akin. Dalawang buwan na kaming hindi nagse-sëx. Dalawang buwan na niya akong hindi hinahalikan at niyayakap. Oo, nakakatabi ko siya sa pagtulog, pero sa tuwing ako na ang yayakap sa kaniya, tinatabig niya ang kamay ko. Kulang na lang, sabihin niyang maghiwalay na kami.

Nagtatanong naman ako sa kaniya kung mahal pa ba niya ako, pero sumasagot naman siya ng oo, pero sa tono na parang ang cold. Hindi ko maintindihan ang sagot niyang oo, e, hindi na nga niya ako hinahalikan at niyayakap, nasaan ang mahal doon?

Limang buwan na ang nakakalipas nung makunan ako. Nalaglag ang baby namin ni Guison at iyon ang naging dahilan kung bakit naging cold na siya sa akin. Nasaktan siya ng husto sa pagkawala ng anak namin. Sinisisi niya ako dahil hindi raw ako nag-iingat. Pabaya ako at walang kuwento.

Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya sa akin ‘yon. Wala akong kuwentang ina at asawa. Sobrang sakit.

Kaya naman, hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-inom ng alak sa malapit sa building ng condo ni Aleron. Oo, siya agad ang naisip ko kagabi nung biyak na biyak ang dibdib ko. Mag-isa akong nagpunta sa malapit na bar at doon ako uminom ng alak. Nung alam kong lasing na ako, saka ako nagpunta sa condo ni Aleron. Wala na, nagawa ko na, may nangyari na sa amin at hindi na rin ako tatantanan ni Aleron.

Bestfriend siya ni Guison at sobrang dalas niyang magpunta sa kahit na anong event namin ng asawa ko. Sa tuwing makikita ko siya noon, malagkita ang tingin niya. Iba rin ‘yung mga ngiting pinapakita niya kapag kaming dalawa na lang. Alam ko at ramdam kong nilalandi niya ako, pero umiiwas ako dahil ayokong saktan si Guison. Maayos pa ang lahat noon, kaya wala akong time sa mga ganoong pakikipaglandian.

Pero, darating pa rin pala ang araw na mag-iiba ang takbo ng buhay mo. Tang-ina, hindi ako makapaniwala na naka-sëx ko na siya. Hindi rin ako makapaniwala na mas magaling pa siya kaysa sa asawa ko.

Dati, oo, galit ako sa mga kabit. Galit ako sa mga malalanding babae na nakikipag-sëx pa sa may asawa na. Pero, gets ko na ang iba ngayon. Na may dahilan din minsan kung bakit nagtataksil ang mga babae o lalaki.

Alam ko, may karma ito. Handa naman ako sa karma na iyon. Bahala na. Iyon na lang ang naisip ko. Nandito na ako, kaya itutuloy ko na lang.

Lumabas na ako ng banyo at saka ako nagsimulang magluto ng almusal ni Guison.

Habang nagluluto na ako, naisip ko, tuloy pa rin ang pagiging mag-asawa namin. Pagsisilbihan ko siya, pero magtataksil ako nang magtataksil sa kaniya. Hindi ako magpapahuli, ito ang ganti ko sa kaniya sa pagiging cold niya sa akin. Malandi na kung malandi, pero gusto kong maging masaya. Gusto kong mahinto na ang pag-iiyak ko gabi-gabi.

“Luto na, honey, kumain ka na,” tawag ko sa kaniya.

Naupo na siya sa hapagkainan. “Kape,” malamig niyang utos.

“Sandaling lang,” sagot ko at saka ko siya pinagtimpla.

“Tatlong araw akong mawawala, may team building kami sa Batangas, kaya puwede kang maglasing nang maglasing kung gusto mo,” sabi niya, na parang galit ata siya na nag-iinom na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Ang gusto ko sanang mangyari ay ‘yung magtatanong siya kung bakit naglalasing ako.

“Masarap palang maglasing paminsan-minsan,” sabi ko na lang. Hindi ako nagalit.

“Kaysa maglasing, maghanap ka na lang ng trabaho. Nang sa ganoon, hindi mo na rin pinapakelaman ang mga ipon ko,” sabi niya, kaya doon na ako napatingin sa kaniya.

“Guison, kailan ko ginamit ang pera mo? Kailan? Marami akong pera, marami akong ipon sa pag-aartista noon. Iyon ang ginagamit ko, hindi ko pinapakelaman ang mga ipon mo!”

Hindi ko tuloy napigilang magtaas ng boses.

“Mainam na ‘yung sigurado, Ralia,” walang ganang sagot niya. Tang-ina, pakiramdam ko, malapit na niya talaga akong iwan. Iyon ang nakikita ko.

“Makikipaghiwalay ka na ba sa akin, Guison?” tanong ko sa kaniya nung harangin ko siya sa pag-alis.

“Umalis ka diyan, mali-late na ako. Papasok na ako sa trabaho. Tigilan mo ako sa mga kaartehan mo, masama ang gising ko, Ralia,” sabi niya at saka ako tinabig.

“Maghiwalay na lang tayo kung ganiyan ka!” sigaw ko sa kaniya.

“May lalaki ka na siguro, kaya ka ganiyan!” bulyaw niya rin sa akin.

“Ikaw, baka may babae ka na! Hindi mo na kasi ako hinahalikan at niyayakap. Wala na ring nangyayari sa atin sa kama, na parang diring-diri ka na sa akin. Ikaw siguro ang may iba!” sigaw ko sa kaniya, habang tumutulo na ang mga luha ko.

Umirap lang siya at saka sinarado ng malakas ang pinto ng bahay namin. Tang-ina, wala na talaga siyang pakelam sa nararamdaman ko. Dahil sa pagiging ganiyan niya, lalo akong nadedemonyong makipaglandian lalo kay Aleron.

Napaupo na lang ako sa sahig habang humahagulgol. Sa mga nakikita ko at nararamdaman, malinaw na hindi na niya ako mahal. Wala na iyong Guison dati na mahal na mahal ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kakaibang Init (SPG)   Special Chapter III

    Ralia POVAfter one year, sikat na sikat na sina Malfoy, Jason, Madison, Felicity at Borgie. Ang mga artista ng AR TV ay laman ng mga billboard sa edsa. Sa mga mall, puro mukha rin nila ang naka-display. Isang taon lang ang lumipas pero dagsa ang mga commercial nila. Ang dami agad nilang endorser. Kaya naman minsan, naiinis na ang viewers kapag sobrang haba ng palatastas. Sikat na sikat ang teleserye ni Malfoy. Tinutukan din ng mga tao ang series nila Felicity at Jason sa hapon. Hindi rin nagpatalo ang teleserye nila Borgie at ng leading lady niyang bagong female artist. Si Madison naman ay lalong hinangaan ng mga tao. Mas pasabog daw siya ngayong umarte kaysa noon.Basta, sobrang success agad nila kahit isang taon palang. Kaya naman naisip kong bigyan sila ng isang movie na magkakasama. ‘Yung makikita ng lahat ng fans nila na magsasama-sama sila sa iisang movie. Sigurado akong aabangan ito ng mga ito. At ang naisip kong mas pasabog ay mag-special participate pa kami ni Aleron sa dulo.

  • Kakaibang Init (SPG)   Special Chapter II

    Aleron POVMaaga kaming umuwi ni Ralia at Alerion mula sa galaan sa Tagaytay. Hindi namin puwedeng palagpasin ang pagkakataon na ito. Naka-on na ang AR TV channel—may countdown sa screen.00:01:32Isang minuto at tatlumpu’t dalawang segundo bago magsimula ang pinakaunang teleserye ng network namin. Napangiti ako habang napapailing.Hindi ko pa rin minsan mapaniwalaan kung gaano kalayo ang narating naming dalawa.“Aleron! Wait lang!”Napalingon ako sa hallway, doon nakita si Ralia na tumakbo palabas ng kusina, halos madulas sa pagmamadali, hawak ang isang malaking bowl ng bagong lutong popcorn. Umaapaw pa iyon, at kita ko pa ang usok na bahagyang umaangat.“Hey, careful!” sabi ko habang tumatayo.“Start na kasi!” sagot niya, na halatang excited.Lumapit siya agad at halos ihagis sa akin ang popcorn bago umupo sa tabi ko.“Okay, okay… ready na!” sabi niya habang inaayos ang sarili sa sofa, parang batang manonood ng paboritong palabas.Napangiti ako. Ganito siya kapag sobrang invested.“

  • Kakaibang Init (SPG)   Special Chapter I

    Ralia POVDalawang taon ang lumipas pagkakasal namin. Hindi ko namalayang ganoon kabilis lumipas ang panahon. Dalawang taon na rin si Alerion. At kagabi lang, may naisip akong pagkakaabalahan namin ni Aleron. Nung sabihin ko ito kay Aleron, hindi naman siya nagdalawang-isip na suportahan ako. Para sa kaniya, maganda raw ang naisip namin.Ngayon, nasa harap ko, nakalapag ang blueprint.Logo. Plans. Contracts.Lahat.“Welcome to AR TV,” bulong ko.Naisip ko na kung babalik ako sa industriya, hindi na lang bilang artista. Gusto ko nang ako na ang gagawa ng mundo ng mga bagong artistang magpapakilala sa mundo ng showbiz. Ako na ang magbibigay ng pagkakataon na iyon sa mga bagong artista na gustong sumikat at makilala sa ganitong industriya.Agad-agad, kinasa ko na. Mabuti na lang at napaka-suportive husband ni Aleron.“Good morning, everyone!”Nakatayo ako sa harap ng malaking training hall na isang world-class studio na ipinatayo ko para sa mga future artists ng AR TV.Nasa harap ko na a

  • Kakaibang Init (SPG)   EPILOGUE

    Ralia POVHinintay ko lang ang pagbabalik-alindog ng katawan ko pagkapanganak ko kay Alerion. Sabi ko kay Aleron nun, huwag atat. Ayokong magsuot ng gown na malaki pa ang bilbil ko. Naghintay naman siya, pero ginawa ko rin ang lahat para mabalik ng mabilis ang pagiging sexy ko.Kaya pagkalipas ng halos limang buwan, five months na rin ni Alerion, ayon, kinasa na agad namin ni Aleron ang kasal.Hindi kami sa Pilipinas nagpakasal. Ang gusto namin ay sa Paris dahil ang ganda doon.Bandang alas kuwatro ng hapon, nasa loob na ako ng isang glass-walled bridal suite na tanaw ang isang pribadong garden kung saan gaganapin ang kasal namin.Ang paligid ay puno ng puting rosas, peonies, at soft blush na bulaklak. Sa gitna naman nito ay may aisle na gawa sa puting petals, at sa dulo nito ay may isang eleganteng arch na balot ng vines at fresh flowers.Intimate lang ang kasal, hindi na namin pinabongga pa dahil sawang-sawa na kami ni Aleron sa maraming tao na nakapaligid sa amin, lalo na nung arti

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 186

    Ralia POVBandang alas tres ng madaling araw nang magising ako sa matinding kirot sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Para akong hinahati sa dalawa. Napahawak ako agad sa kumot habang napapikit sa sakit.“Aleron,” sigaw ko agad sa kaniya.Sa isang iglap, nagising naman agad siya. “Ralia? What’s wrong?”Napahinga ako nang malalim bago sumagot. “I think oras na para lumabas si baby.”Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my God… okay, okay, don’t panic, baby, I’m here.”Pero siya itong halatang mas kinakabahan kaysa sa akin.Ilang minuto lang, nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa pinakamalaking hospital dito sa New York City. Hindi ko na maalala ang pangalan, ang alam ko lang, sobrang sakit na talaga. Pakiramdam ko ay parang nasa hukay ang isang paa ko. Dito pa talaga sa New york. Nandito kami kasi um-attend si Aleron at ang kambal niyang si Lalia ng same na event. Fashion show kung saan ay ginaganap ang pinaka-malaking fashion show ng mga sikat na international fashion model.Pagdating namin,

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 185

    Ralia POVToday is island hopping day. Isa ito sa inaabangan naming magkakaibigan. Paglabas namin ng kuwarto, nadatnan na namin sina Jason, Borgie, Felicity, at Madison sa may dining area ng villa. Nakahain na ang breakfast, fresh fruits, toasted bread, scrambled eggs, at mango juice na naman. Marami kasing natirang mango kahapon kaya gumawa na naman siguro sila.“Uy, gising na ang mga VIP!” sigaw ni Borgie habang nagkakape.“Excited na ako!” halos tumalon si Felicity sa tuwa. “First time ko mag island hopping dito!”Napangiti ako sa energy niya. Umagang-umaga e, full charge agad.Tahimik lang si Madison habang umiinom ng juice, pero halata ko na nag-eenjoy din siya kahit papaano. Si Jason naman, nakatingin kay Felicity habang nagpapalaman ito ng peanut butter. Marami na rin ang nakakapansin na parang may pagtingin siya kay Felicity. At kung ako naman ang tatanungin, bagay naman silang dalawa.“Guys, bilis ang kain at gayak, maaya tayong aalis. Naka-set na ang lahat,” sabi ni Borgie

  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 127

    Ralia POVNagkaroon ng simpleng programa. May dalawang batang kumanta ng isang awit na halatang pinagpraktisan. Medyo sintunado ang isa, pero buong puso ang pagkanta. May isa pang batang nag-recitate ng tula tungkol sa pasasalamat.Habang nakaupo ako roon, hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan ko

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 126

    Ralia POVKagabi, napag-isip-isip ko, gusto kong mamahagi ng blessing na natatanggap ko ngayon. Ayokong sarilihin ito. Kaya maaga akong nagising nang araw na iyon, para tuparin ang gusto kong mangyari. Ngayon ang araw na pupunta kami ni Aleron sa napili kong orphanage para mag-donate.Sa isip ko k

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 125

    Madison POVPagpasok ko pa lang sa gate ng bahay namin, inaasahan kong aarangkada na naman ang masamang ugali ni Mama.Ilang araw akong halos hindi umuuwi ulit dahil sa sunod-sunod na shooting. Call time nang madaling-araw, uwi ng hatinggabi. Pagod ang katawan ko, pero mas pagod ang utak ko.Miss k

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Kakaibang Init (SPG)   Chapter 119

    Ralia POVThree days lang tinapos ng designer ang susuotin namin ni Aleron. Tatlong araw lang ang lumipas, pero pakiramdam ko isang buwan akong naghintay.Rush couture is not for the weak.“Hey, nandito na tayo,” sabi ni Aleron habang bumababa kami ng sasakyan sa harap ng atelier.Ngumiti ako. “Kin

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status