LOGINAleron POV
Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at bakit bigla ko na lang naisip na sabihin kay Jason ang nangyari sa amin ni Ralia. Siguro dahil ilang araw na akong hindi mapakali.
Nasa garahe kami ni Jason, nag-aayos siya ng motor, ako naman nakasandal sa pader, nag-aantay ng tamang timing. Ang hirap kasi. Paano mo ba sisimulan ang ganitong kasalanan?
“Pre… may sasabihin ako,” bulong ko. Sa wakas ay tinapangan ko na rin ang sarili ko.
“Putik, ano na naman ‘yang kagaguhang ginawa mo?” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
Huminga ako nang malalim, tapos pinag-isipan ko pa kung sasabihin ko na ba talaga sa kaniya o huwag muna, pero tinuloy ko na.
“May nangyari sa amin ni Ralia nung nakaraang gabi.”
Natigilan si Jason sa ginagawa niya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi pa siya agad nakapagsalita, parang tinignan niya ako kung nagbibiro pa ako o hindi.
“Tangina mo, Alaron!”
Napapikit ako. Expected ko na ‘yun. Mas malapit kasi ako kay Jason, kaysa kay Guison. Sa kaniya lang ako hindi naglilihim.
“Gago ka ba?” sigaw niya habang napahampas sa takip ng makina ng motor niya. “Asawa ’yun ni Guison! Asawa ng kaibigan natin, pare!”
Hindi ako kumibo. Nakatungo lang ako, parang batang napagalitan.
“Ba’t mo pinatulan, ha? Sabihin mo nga sa akin. Ano iniisip mo? Wala ka bang konsensya?”
Umangat ang tingin ko sa kanya. Kita ko agad ‘yung namumula niyang mukha, ‘yung inis sa mata niya. Gusto ko sanang sumagot nang may maayos na paliwanag, pero paano mo ba ipapaliwanag ang mali?
“Gusto niya, Jason,” mahina kong sagot.
“’Gusto niya?! Pre, kahit pa… kahit pa! Hindi excuse ’yon!” Umikot siya palabas ng garahe, naglakad pabalik-balik na parang hindi makapaniwala sa inamin ko. “Si Ralia ’yun. Misis ni Guison. Bestfriend natin since high school!”
Napahawak ako sa batok ko. Pinipilit kong maging kalmado, pero ‘yung bigat sa dibdib ko parang lalo pang bumabaon.
“Crush ko kasi siya noon pa, alam mo naman ‘di ba ‘yun,” dagdag ko na halos pabulong lang kasi alam kong hindi pa rin excuse ang pagkakaroon ko ng crush sa kaniya.
Mas lalo pang napamura si Jason.
“Putangina, Alaron, artista pa ’yan noon! Siyempre crush mo! Lahat naman tayo naaliw sa kanya dati pero hindi naman kami nakipaglandian sa asawa ng tropa natin!”
Sumandal siya sa lamesa at tinakpan ang mukha, frustradong-frustrado siya sa akin. “Pre, seryoso, anong plano mo ngayon?”
Hindi ako sumagot. Kasi wala naman talaga akong plano. Wala akong direksyon. Basta sumabay lang ako sa agos ng mga mangyayari pa. Kung saan kami dalhin ni Ralia… doon ako susunod.
Ayoko aminin pero totoo, hindi ko siya tinanggihan kasi matagal ko na siyang gusto. Noon pa, noong nasa TV pa siya, umaarte pa sa mga drama at nagpapakilig sa lahat ng kalalakihan. Tapos ngayon… ako ‘yung pinili niyang lapitan, kaya hindi ako tumanggi.
Pero alam kong mali. Kahit gaano ko pilitin ikatwiran ‘yung gusto niya akong kalandian, mali pa rin talaga.
“Pre, tumigil ka na,” sabi ni Jason sa wakas, seryoso na din siya sa pagpayo sa akin. “Makunsensya ka naman kay Guison. Tropa natin ‘yun. Dati pa. Hindi mo ba naiisip na magkagalit na nga at nagkakalabuan ‘yung dalawa, dumagdag ka pa sa poproblemahin ni Guison?”
Napatingin ako sa sahig. “Alam kong nasasaktan siya, Jason, pero, tinatabangan na rin siya kay Ralia.”
“Hindi pa rin excuse ’yon!” singit niya agad.
“Hindi, pakinggan mo muna ako,” sagot ko ng mas mahinahon. “Simula nung nawala yung first baby nila, nag-iba na si Guison. Naging malamig na siya kay Ralia. Hindi niya na tinitingnan si Ralia gaya ng dati. Naaawa ako kay Ralia, halatang stress at sobrang lungkot. Nung puntahan niya ako ng lasing sa condo ko, wala na rin akong nagawa kasi siya na ang namilit na may mangyari.”
“Talaga bang nagawa mo siyang tikman sa kama?” tanong pa ni Jason, habang nakangiwi.
“Hindi ko naman siya hinalikan. Hindi ko rin kinain ‘yung ibaba niya, pero, oo, naipasok ko na ‘yung arì ko sa bibig at butas niya sa ibaba,” pag-aamin ko sa kaniya habang hindi na naman makatining ng diresyo sa kaniya.
“Putangina naman oh. Grabe ka, Aleron. Paano na lang kapag may nakaalam niyan. Masisira ang image mo bilang vlogger at sikat na model,” sabi niya habang napapakamot ng ulo. Hindi na tuloy magawang matuloy ni Jason ang ginagawa niya. Na-distract na siya at sumakit ang ulo sa inamin ko.
“Magtatago kaming mabuti, ganoon lang naman,” sagot ko.
“Tang-ina, so, itutuloy niyo ‘yan?” tanong pa niya, na para bang gusto na niya akong sapakin.
“Hanggang hindi sila nagkakaayos, hanggang hindi binabalik ni Guison ang dating pagmamahal niya kay Ralia, pagbibigyan ko muna siya sa mga hinihiling niya sa akin, lalo na kung katawan ko ngayon ang nagpapasaya sa kaniya.”
“Putangina mo talaga, pare. Huwag na huwag kang magpapahuli kay Guison, kundi, hindi kita tutulungang makipag-ayos sa kaniya. Basta, ako, pinagsabihan kita at pinigilan,” sabi niya habang galit na galit pa rin.
“Huwag kang mag-alala, magaling akong magtago ng sikreto. At sisiguraduhin ko ring hinding-hindi niya kami mahuhuli,” sagot ko, sabay kindat kay Jason.
“Huwag sana kayong karmahin pareho,” sabi pa niya, saka na siya bumalik sa ginagawa niya.
Napangisi na lang ako sa kaniya nung iwan ko muna siya. Pumasok ako sa loob at kinuha ang phone ko. Tinignan ko ang social media na napag-usapan namin ni Ralia na pagko-contact-an namin at hindi ako nagkamali ng hinala na may message siya.
“Ilang araw mawawala sa bahay si Guison. Kung free ka, puwede kang bumisita,” basa ko sa message niya.
Doon palang, alam ko na agad ang gusto niyang mangyari. Saka, normal siya ngayon, hindi lasing, ibig sabihin ay tanda niya ang mga nangyari sa amin nung gabing iyon. Mukhang desidido na rin talaga si Ralia na makipaglandian sa akin.
Game ako diyan, sabi ko nga, hanggang hindi sila nagiging okay ni Guison, pagbibigyan ko muna nang pagbibigyan si Ralia para mapawi ang lungkot niya. Kapag naging okay na silang mag-asawa, sige, saka lang din ako titigil.
Ralia POVSanay na ako kay Aleron na makita siyang chill lang sa bahay, nakahiga sa couch, naka-white shirt lang, messy ang buhok, hawak ang remote habang nanonood ng kung anu-anong documentary o action movie. Minsan nga, ako pa ang nagrereklamo dahil puro junk food ang kinakain niya kapag nasa bahay lang kami.Pero ngayong gabi, may napansin akong kakaiba sa kaniya.Paglabas ko ng banyo, nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror ko. Nakabukas ang lahat ng skin care ko, cleanser, toner, serum, essence, moisturizer. May face mask pa sa gilid.Napatigil ako sa pintuan.“Anong ginagawa mo?” natatawa kong tanong.Hindi siya agad sumagot. Seryoso ang mukha niya habang maingat na pinapahid ang toner gamit ang cotton pad.“Nagbabalik loob sa ganitong routine,” sagot niya.“Routine?” napataas ang kilay ko. “Simula kailan ka pa nagka-routine?”Sumulyap siya sa salamin. “Dapat alagaan ang balat. Pampabata ‘di ba ito?”Napatawa ako. “Ha? Pampabata?”Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Ti
Aleron POVSa loob ng isang taon na pagiging actor, nasanay na ako sa spotlight at sa sigawan ng fans. Sanay na sanay na rin akong maging heartthrob. Sanay na akong sabihan ng mga tao na ako raw ang pinakapogi sa network namin ni Ralia.Pero noong araw na iyon, sa noontime show ng Star TV Network, unang beses kong naramdaman ang kakaibang inggit na hindi ko agad maipaliwanag.Special guesting ko nun. Pinagsama-sama ang mga tinaguriang pinaka-poging artista sa network namin. Parang parade ng mga leading men. May production number pa kami—may dance intro, may slow walk papasok sa stage habang umiilaw ang LED screen sa likod namin. Sumisigaw ang audience. May mga placard na may pangalan ko.“Aleron! Aleron!”Ngumiti ako at kumaway.Pero habang isa-isa kaming tinatawag sa gitna ng stage, may isa pang pangalan na hindi ko pa personal na naririnig nang ganito kalakas.“GERSON HERNANDEZ!”Parang mas malakas ang sigawan. O baka ako lang ang nakaramdam. Lumabas siya mula sa kabilang side ng st
Ralia POVIsang taon na agad ang lumipas. Minsan naiisip ko, parang kailan lang noong happy na happy ako sa red carpet ng una naming pelikula ni Aleron—yung kauna-unahan naming premiere night ng How Did You Find the One? Ngayon, kapag naririnig ko ang title na iyon, may kasama nang bigat at karangalan. Hindi na lang siya simpleng pelikula. Isa na siyang bahagi ng kasaysayan ng industriya.Ang How Did You Find the One? kasi ang unang tambalan naming pelikula ay naging blockbuster. Kumita ito ng bilyon. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang pakiramdam nang marinig kong umabot sa ganoong halaga ang kinita namin. Hindi iyon basta numero. Iyon ay patunay na may naniwala sa amin. Na may nagmahal sa kuwento namin.At pagkatapos noon, parang tuloy-tuloy na ang ulan ng biyaya.Best teleserye ang drama series naming dalawa. Halos lahat ng award-giving body, nominado kami. Sa gabi ng parangal, magkahawak ang kamay naming dalawa ni Aleron habang tinatawag ang pangalan ng show. Kapag kami ang nananalo,
Aleron POVHindi ako basta-basta kinakabahan sa mga event, sanay na ako dahil kahit nung vlogger at model palang ako ay nakaka-attend na rin ako sa mga magagarang event. Pero iba pala kapag ang nag-imbita sa’yo ay ang pamilya ng babaeng mahal mo, at ang venue ay ang garden ng mansion nila.“Formal. Strictly black tie,” sabi sa invitation na ipinadala ng secretary ng mama ni Ralia.Pa-party para kay Ralia. Para sa success ng How Did You Find The One?Para sa box office opening weekend na halos mag-crash ang ticketing sites.Pero sa totoo lang, ramdam kong hindi lang ito celebration ng pelikula. Parang pagpapakilala rin ito sa akin.Pagpasok pa lang ng kotse ko sa mahabang driveway ng mansion nila, sinalubong ako ng mga ilaw na tila galing sa isang European estate. Doon palang, sosyal na talaga agad.Ang garden nilang malawak ay nagmistulang parang private resort. May fairy lights na nakasabit sa mga century-old trees. May crystal chandeliers na naka-hang sa ilalim ng clear tent canopy.
Ralia POVThis is it. Ngayong gabi na magaganap ang unang public screening ng How Did You Find The One?Napakabilis ng mga araw. Parang kahapon lang press conference, tapos mall tours, TV guestings, interviews na paulit-ulit ang tanong tungkol sa chemistry at sa personal life. Ngayon, heto na.Judgment day na rin talaga.Nasa loob na ako ng artista van ko habang papunta kami sa pinakamalaking mall cinema sa Metro Manila kung saan gaganapin ang gala premiere. Sa labas pa lang, kita ko na ang mga ilaw.May searchlights. May LED wall. May napakahabang red carpet. May barricades.At sa likod ng barricades, ay dumadagundong ang sigawan.“RALIAAAAA!”“ALEROOOON!”Napahawak ako sa dibdib ko. Kahit na gaano ka na kasanay sa ganito, iba pa rin kapag premiere night. Hindi kasi ito simpleng event lang. Ito ang gabi na ipapakita mo sa publiko ang pinaghirapan mo ng ilang buwan. Ilang buwang pinagpuyatan sa shooting at ilang beses mong pinag-iyakan dahil sa dami ng crying scene. Dito rin napudpod
Madison POVNakaupo ako sa harap ng malaking LED screen sa conference room ng Celebrity TV Network, pinapanood ang final trailer ng pelikula ko.Dalawang linggo na lang at showing na.Dapat kinakabahan ako, excited, at ramdam ko ang ingay ng mga fans.Pero hindi ganoon ang nangyari. Ang tahimik. Masyadong tahimik.“Maganda naman ang traction,” sabi ng marketing head habang naka-flash sa screen ang analytics. “May steady views sa social media.”Steady lang. Hindi viral. Hindi trending. Hindi headline.Steady lang. Ngumiti ako nang maayos, dapat ay professional pa rin.“Okay po,” sabi ko.Sa labas ng conference room, may malalaking poster ng iba’t ibang upcoming projects ng network. Sa gitna, halos kasing laki ng pader ang isang standee ng pelikula ni Ralia at Aleron.How Did You Find The One?May LED frame pa. May countdown.May hashtag na umiikot sa screen.#FindTheOneWithRalEronNapangiti ako nang bahagya. Iba talaga ang dating.Kahit teaser pa lang ang inilalabas nila, trending na a







