Keilani POV
Sinubukan kong magluto ng almusal ngayong umaga, inagahan ko ulit ang luto ko gaya nang ginagawa ko araw-araw. Kahit wala na akong ganang ipagluto pa siya, ginawa ko na lang ulit kasi bumawi sa kama kagabi si Braxton.
Sinabi ko lang kasi na makikipaghiwalay ako, ginalingan bigla sa kama. Kaya lang, kahit naka-two rounds kami kagabi, balewala kasi baog naman siya. Kaya malakas ang loob niyang mambabae kasi alam niyang hindi siya makakabuntis.
This time, hindi na siya nagmamadali. Gumayak siya ng dahan-dahan, at saka ako sinabayang mag-almusal.
“Na-miss ko ang adobong manok mo tuwing umaga,” sabi niya matapos kaming kumain. Napatingin ako sa bagong cellphone niya na sa wakas ay nilabas na niya. Nakapatong ito sa lamesa.
“Ikaw din pala, may kagaya ng cellphone ko?” tanong ko na sa kaniya. Kagabi kasi, hindi niya nilabas ‘yun kaya hindi ko na nabanggit.
“Ah, oo, bigay din ng kaibigan ko,” pagsisinungaling niya. Sa totoo lang, pangit din ‘yung naging dahilan ko kagabi. Sinong kaibigan ang magbibigay ng ganitong kamahal na cellphone sa amin? Pero, alam ko naman ang totoo kaya hindi ko na pahahabain ang eksena.
“Ang suwerte naman natin sa mga kaibigan natin. Sa mahal ng ganitong klaseng cellphone, talagang tayo pa ‘yung suwerteng magkakaroon ng ganito. At ang nakakatuwa pa, halos sabay pa tayong niregaluhan ng ganito,” nakangiti kong sabi.
“Oo nga, ‘yan nga rin ‘yung kinakagulat ko kagabi, s-sabay pa tayong naregaluhan ng ganito,” sagot naman niya na mautal-utal pa. Ang magara lang sa asawa kong ‘to, hindi niya tinatanong kung saan galing ito o kung sinong kaibigan ang nagbigay sa akin. Siguro, ayaw na lang din niya na itanong ko rin sa kaniya ‘yon. Magaling din siya, pero mas magaling ako kasi nahuli ko agad siya, at bukod doon, pumayag pa ako kay Sir Sylas na maging kabit din niya. Wala siyang alam na habang kinakabit niya si Davina, nakikipagkabitan na rin ako kay Sylas na mukhang ang libög-libög sa kama.
“Sige na, pumasok ka na sa trabaho at baka ma-late ka pa,” sabi ko sa kaniya at saka ko hinanda ang tumbler niya na palagi niyang dinadala.
“Oo nga, baka ma-late ako pero okay lang naman, wala namang meeting ngayon.”
Kinuha niya ang bag sa kuwarto namin at saka muling lumapit sa akin. Ngayon na lang ulit niya ako hinalikan sa labi ko bago siya tuluyang umalis.
**
Nung tanghali na, habang nagluluto ako ng pagkain ko, dumating na naman ang bruhang mama ni Braxton. Sumugod ito sa bahay namin dahil nabalitaan niyang may bago akong cellphone. May mga friend talaga ko sa social media na spy ng mga angkan ni Braxton.
“Hoy, babae ka, sabihin mo nga, galing ba ‘yan sa pera ng anak ko? Pera ba ‘yan ng anak ko at ganiyang kamahal na cellphone ang binili mo?” tanong niya agad sa akin.
“Tawagan niyo po ang anak niyo. Siya ang tanungin niyo kung saan ito galing para maliwanagan kayo?” magalang kong sagot sa kaniya. Napakatalim ng tingin niya sa akin, parang gusto nang manakit. Ganito ito, kapag nababalitaan niyang may bagong gamit o bagay akong natanggap sa anak niya, galit na galit siya. Para bang wala na akong karapatang magkaroon ng kahit anong bagay o kahit pera sa asawa ko. Hanggang ngayon, kahit may asawa na si Braxton, parang bini-baby pa rin niya ito. Ang lakas ng sapak niya sa ulo.
“Talagang tatawagan ko siya!” matapang niyang sabi sabay dukot ng cellphone sa bag niya. Naka-loudspeaker pa siya nang tawagan si Braxton.
“Oh, mama, napatawag po kayo?” tanong agad ni Braxton sa kabilang linya nang sagutin niya ang phone call ng mama niya.
“Anak, ginamit ba nitong si Keilani ang ipon niyo para bumili ng ganitong kamahal na cellphone?”
“Hindi po, mama. Galing po ‘yan sa kaibigan niya. Hindi po namin ginagalaw ang ipon namin,” sagot agad ni Braxton kaya nawala bigla ang tapang ng mukha ng mama niya nang tignan ako.
“Sinu-sure ko lang at alam ko naman na para sa future ninyo ang ipon ninyo.”
“Mama, ginugulo niyo na naman ba ang asawa ko? Hindi ba’t sinabi kong huwag niyo siyang inaaway o pinupuntahan sa bahay namin nang wala ako. Kaya nakikipaghiwalay ang asawa ko e, palagi niyo ata siyang inaaway,” sabi ni Braxton na kinagulat ng mama niya.
“N-no, anak, hindi ko siya inaaway, gumagala lang ako, ito naman, parang palaging kontrabida ang tingin sa akin,” sabi nito na bait-baitan ngayon, e talaga namang kontrabida siya ng buhay namin. “Oh, sige na, alam kong nasa work ka na kaya ba-bye na.”
“Sige po, mag-ingat kayo sa pag-uwi, at please, mahalin niyo ang asawa ko,” pahabol pa ni Braxton sa mama, niya pero hindi na siya sumagot, binaba na lang niya bigla ang linya niya.
“Sinong kaibigan naman ang naloko mo at ganiyang kamahal na cellphone ang natanggap mo?” tanong niya na nagbalik na naman sa pagiging m*****a.
“Pati ba naman iyon ay kailangan niyo pang tanungin?”
“Malay ko lang, ha. Baka hindi sa kaibigan ‘yan galing. B-baka, may lalaki kang nilalandi at sa kaniya ‘yan galing,” sabi niya na kinangisi ko. Hindi lang siya m*****a, matalino pa. Dito ako hanga sa kaniya, magaling siyang mag-imbestiga. “At bakit nakikipaghiwalay ka na sa anak ko? Bakit, ano ring dahilan mo, dahil ba may iba ka na?”
“Dahil ayaw niyang suportahan ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Gusto kong magtayo ng coffee shop para naman habang nag-iipon kami, madagdagan ang pera namin, para makatulong din ako. Nang hindi naman ako nakatanga lang sa bahay na ‘to. Gusto kong maging busy, gusto kong gumalaw-galaw, kaya lang ayaw ni Braxton.”
Ang mama niya, galit palagi sa akin pero kapag sa ganito, alam kong papayag siya. Gusto kasi siya ay nagtatrabaho rin ako, ayaw niya na buhay princesa ako sa bahay, gusto niya kapag pagod ang anak niya, pagod din dapat ako.
“Ganoon ba? Hayaan mo, susubukan kong kausapin ang anak ko. Oo, tama ‘yan, maganda ang naisip mo para natutulungan mo naman ang anak ko. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mapapayag siya,” sabi niya kaya napangiti ako ng kaunti.
“At kung hindi siya pumayag, baka ibenta ko na lang ang cellphone na ito. Sapat na siguro ang perang mapagbebentahan ng mahal kong cellphone para makapagpatayo ako ng coffee shop,” sabi ko naman sa kaniya kaya nakita kong ngumiti siya.
“Alam mo, minsan nakakainis ka, pero may time pala na matutuwa rin ako sa iyo. Tama, aanhin mo ang mahal ng cellphone na ‘yan? Nakakahanga na gumagana na ang utak mo ngayon. Tama ‘yan, sige, Keilani, ganiyan na lang ang gawin mo, pera na lang ng mahal na cellphone na ‘yan ang gamitin mo sa business na itatayo mo. Kapag tumutol si Braxton, tawagan mo ako at ako ang bahala sa kaniya,” mahinahon niyang sabi kaya tumango na lang ako.
Pag-alis niya, naghanap na agad ako ng buyer nitong cellphone sa social media. Medyo binabaan ko na lang ng presyo para mabilis mabenta. Sa oras na mabenta ko ito, itutuloy ko na ang plano ko sa ayaw at sa gusto ni Braxton.
Ilaria POVSa park ng school kami huminto. Sa damuhan, naglatag na kumot si Rook, pagkatapos ay saka nilapag at hinanda ni Vandall ang box ng pizza, box ng chicken wings, box ng donut at mga milktea. May tubig din naman. Ang dami, at ayon sa kanila, utos ito ng bossing nila. Siyempre, walang iba kundi si Sir Keilys.“Ayos ka lang, Miss Ilaria?” tanong ni Nomad.Dahan-dahan akong tumango, pagkatapos ay saka ako lumingon ulit sa malaking cafeteria ng school namin. “Kung hindi tumawag si Sir Keilys, baka dumanak na ang dugo sa loob ng cafeteria,” pag-aamin ko sa kanila. Sa totoo lang, natakot ako kanina. Natakot ako bigla kasi ganoon ang iniisip ko. Basta, kakaiba, e. Para bang na-e-engganyo akong makakita ng taong madugo.“Anong ibig mong sabihin, Miss Ilaria?” tanong naman ni Vandall. Nahinto siya sa pagkagat sa pizza dahil sa sinabi ko.“Hindi ko alam. Habang mag-isa ako kanina, parang wala ako sa sarili ko. May mga ginawa ako na parang hindi ko matandaan. Basta, ang huling natatandaa
Ilaria POVIsang linggo na ang lumipas mula nang ilibing namin si Nanay Laria, pero para bang kahapon lang iyon. Naaamoy ko pa rin minsan sa hangin ang halimuyak ng bulaklak sa sementeryo, naaamoy ko pa rin ang kandilang unti-unting nauupos sa tabi ng larawan niya.Narito na ako sa White Cross College of Nursing. First day ng last sem ko. Graduating na ako. Dapat masaya ako, ‘di ba? Dapat puno ako ng inspirasyon at saya. Pero habang pinagmamasdan ko ang campus na ito, parang wala akong maramdaman kundi panlalamig. Basta, ang plain masayado ng lahat, na dati kapag nag-aaral ako ay araw-araw akong masaya.Bitbit ko ang bag ko habang naglalakad papunta sa building. Tahimik akong tumingin sa paligid—mga bagong mukha, mga dating kaklase, mga nagkukumahog sa paghanap ng room assignment. Lahat sila, parang may direksyon. Ako, parang wala. O baka meron, pero hindi gaya ng sa kanila. Ang direksyon ko ngayon ay hindi na lang diploma. Hindi na lang titulo. Dugo, gusto kong makakita ng mga taong
Keilys POV“Sabihin ninyo na po, Tatay Iggy. Sige po, makikinig at tutulungan ko po kayo.”Tumulo na ang luha sa mga mata niya kaya naisip ko agad na mukhang seryoso na ang inaalala niya. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.“Nung elementary pa si Ilaria, nagkasakit siya. Hindi ‘yong pisikal na sakit, kundi… ‘yong sa pag-iisip.”Napatingin ako sa kaniya. Atat na atat akong marinig kung anong sakit iyon.“Pag-iisip po?” tanong ko.“Oo.” Tumango siya, habang pinipisil ang rosaryo sa kamay. “Ilang taon din naming itinago ‘yon sa mga kapitbahay. Nasa ospital pa nga siya noon, sa isang espesyal na ward. Akala namin, wala nang pag-asa. Ang sabi ng doktor… may mga sandali raw na nawawala siya sa sarili.”Tahimik lang ako, habang nakikinig pero ‘yung kabog ng dibdib ko, sobrang lala na dahil sa paunti-unting pag-amin niya. Ramdam ko kasi ang panginginig sa boses niya.“Pag nagagalit siya,” patuloy ni Tatay Iggy, “hindi siya umiiyak gaya ng ibang bata. Hindi rin siya nagsisigaw. Pero bigla na la
Keilys POVTahimik na ulit ang buong kapilya kung saan nakaburol pa rin si Nanay Laria ngayong gabi.Si Ilaria, aba, maagang nagpahinga. Sa unang pagkakataon, tulog siya nang maaga.Sabi kanina ni Manang Lumen, parang iniinda nito ang sakit ng ulo. Binigyan naman daw niya ng gamot, pagkatapos ay saka na pumasok sa kuwarto at natulog.Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa gilid ng lumang bangko sa labas ng kapilya, habang pinagmamasdan ang ilaw ng mga kandilang nakahanay sa gilid ng kabaong ni Nana Laria.Kasama ko ang ang helltrace—sina Vandall, Rook, Nomad, at Jink.Pinakiusapan ko silang magpuyat ngayong gabi, hindi lang para tumulong, kundi para may makasama si Tatay Iggy. Hindi kasi ako mapalagay kung siya lang mag-isa. Baka may gawin na naman ang gagong si Lorcan.“Boss,” bulong ni Vandall habang nagbubuhos ng kape sa styro cup. “May napansin po ako kanina kay Miss Ilaria.”Agad nakuha ni Vandall ang atensyon ko. Basta tungkol kay Ilaria, may pake ka agad ako. “Bakit, anong napansin mo
Keilys POV“Sir, what if, i-train namin si Miss Ilaria?” suggest bigla ni Vandall.Napatingin ako sa kaniya bigla. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko tuloy.“Mukhang mapagti-trip-an na siya palagi nung Lorcan na iyon. Mainam po na may alam manlang siya sa self defense. Mas mainam din kung marunong siyang lumaban na. Para mapaghandaan niya ang mga laro sa buhay nung Lorcan Trey na iyon,” sagot niya, kaya napaisip ako.“So, mauuna pa si Ilaria sa pagte-train kaysa akin?” tanong ko, kaya napangiwi silang apat.“Siyempre, Bossing, sabay na kayo. Suggest lang naman po ito. Kasi, kawawa si Ilaria kapag napag-trip-an lang ito nang mapag-trip-an ni Lorcan.”“Sasabihan ko kayo kapag nakausap ko siya. Pero kung anuman ang maging desisyon niya, igalang natin. Kung hindi siya papayag, ako na lang ang magte-training. Gusto ko na ring paghandaan ang lintik na Lorcan na ‘yan. Nangako na rin ako kay Ilaria na tutulungan ko siya, kaya tutuparin ko iyon. Kaming dalawa ang magtutulong para mabura siya
Keilys POVGabi na, marami na naman ang mga tao. Si Ilaria, mula nung umuwi kami galing sa sementeryo ay nagkulong na sa kuwarto, tila napahaba ang tulog. Sabi ni Manang Lumen ay hayaan kasi baka nagbabawi ng tulog. Kaya kami nila Manang Lumen, Jopay, Charitie at Golda ang nag-asikaso sa lahat.Nakakalibang kasi ngayon ko lang naranasan ang ganitong lamay sa probinsya. Malaki ang kaibahan sa mga napuntahan ko ng lamay sa city.Lumabas ako saglit, gusto kong uminom ng alak, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi kung ano ang magawa ko, lalo na’t apektado rin ako sa pagkawala ni Tita Laria. Baka kung anong desisyon ang bigla kong magawa.Tumingin ako sa malayo, doon ko napansin ang papalapit na sasakyan ng helltrace ko. Ngayon ko lang naalala na hinihintay ko pala sila para sa magiging report sa mission na binigay ko sa kanila.Doon na agad ako pumuwesto sa walang tao. Nang sa ganoon ay walang makarinig sa amin.“Tagumpay,” bungad agad ni Rook, sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa lu