Keilani POV
Pagdating ni Braxton sa pintuan ng bahay, ramdam ko na agad ang bigat ng kaniyang presensya. Oo, ganoon na agad ang napi-feel ko, lalo na’t alam ko na ang ginagawa niyang mali.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na gagawin niya ito sa akin. Hindi ako makapaniwala na sa aming dalawa, siya pala ang unang sumuko, siya ang unang gagawa ng kasalanan. Ngayon, nawala tuloy ang pagmamahal na pinanghahawakan ko sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin. Nawala iyon nang makita kong may kalandian siya.
Galit ako pero hindi galit na galit kasi may kasalanan na rin ako, may ibang lalaki na rin na nakatikim sa pagkababaë ko.
Pagpasok niya ay nakita kong may kaunting alikabok pa sa kanyang sapatos, tanda ng pagod sa maghapong trabaho. Oh, baka pagod sa kakakangkang sa kabit niya. Pero ako? Nakaupo lang sa sofa, ini-scroll ang bago kong phone na bigay ni Sylas. Dapat mapansin niya ito, oo, dapat lang, aba, siya lang ba ang may karapatang magkaroon ng ganito. Pasalamat nalang ako at nakahanap agad ako ng pangtapat sa kaniya.
Hindi ko na itinatago ang cellphone ko. Hindi na kailangan. Alam ko naman na may ganoon din siyang phone, bigay ng walang iba kundi ang kabit niyang si Davina. Ang masakit lang, parang hindi niya iniisip na alam ko ang tungkol dito. Akala niya, bingi at bulag ako sa katotohanan. Mabuti na lang at sinundan ko talaga siya, kundi ay hindi ko malalalaman na matagal na pala niya akong niloloko.
“Walang pagkain?” tanong niya nang mapansing wala ni isang ulam sa mesa. Kumakain siya minsan kapag uuwi, pero mas madalas ay hindi kaya nagluto lang ako ng pang sa akin lang.
“Hindi na ako nagluto. Wala namang kumakain tuwing gabi kundi ako lang, nasasayang lang.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen ng phone habang sinasabi iyon. Hindi ko na kailangan mag-effort na magmukhang concerned o apologetic. Kung siya cold sa akin, mas kaya kong maging cold sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin?” Bahagya niyang tinaasan ng boses ang tanong niya, pero halatang pigil pa rin ang inis. Aba, wala siyang karapatang magalit, ako dapat ‘yun.
Nang tingnan ko siya, diretso akong tumayo at lumapit. “Bakit? Kumakain ka ba dito? Sa loob ng isang buwan, bilang na bilang ko kung kailan ka kumakain dito. Almusal, at hapunan, palagi tayong nasisiraan, napapanis lang.”
Kitang-kita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahan iyon. Matagal ko nang gustong sabihin ito, pero pinili kong magtimpi. Ngayon, bakit pa? Alam kong kabit niya ang asawa ng CEO niya, at malupit lang dahil pati ako, napilitan nang kumapit sa patalim.
“Keilani...” Nag-iba ang tono niya. Hindi ko alam kung gulat o takot ang bumalot sa kanya, pero hindi iyon mahalaga sa akin, wala nang mahalaga sa akin ngayon. Sasakay na lang ako sa mga trip niya pero never na akong magpapakaasawa sa kaniya kasi may kabit naman na siya na minamahal niya ng sobra, doon na lang siya maghanap ng kalinga niya.
“T-teka, bagong labas ng cellphone ‘yan ah. Mahal ‘yan, sobra,” sabi niya at lumapit pa sa akin para tignang mabuti ang cellphone niya. “Paano ka nakabili nito? Ginamit mo ba ang ipon natin, Keilani?” tanong niya na mukhang magagalit na naman.
“Check mo ang bank account natin kung nababawasan, hindi naman ‘di ba?” malamig ko pa ring sabi sa kaniya habang matalim ang tingin ko sa kaniya.
“K-kung ganoon ay saan ito galing?” tanong niya pa rin.
“Galing sa isang kaibigan, iyon ang totoo,” sagot ko at saka muling naupo sa sofa. Muli akong tumutok sa bago kong cellphone.
“Keilani, hindi ka naman ganiyan, ano’t parang pakiramdam ko ay galit ka sa akin.” Ramdam na pala niya ang pagbabago ko agad. Mabuti naman.
“Hindi, nagtatampo lang ako kasi hindi ka na kumakain dito sa bahay natin. Nagtatampo lang ako kasi madalas mo na akong hindi pansinin, mag-uusap lang tayo kapag ganito, uuwi ka galing sa trabaho. Minsan, naiisip ko, baka ano,” huminto muna ako at saka tumingin sa kaniya.
“Baka ano?” tanong niya tuloy habang seryosong nakatingin sa akin.
“Baka gusto mong itigil na natin ito. Hindi naman na tayo magkaanak, maghiwalay na lang tayo,” dire-diretsyong kong sabi kaya lalo kong nakita ang pagkabigla sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang mga kamay ko. “Hindi ko alam na ganiyan na pala ang nararamdaman mo sa akin. Patawarin mo ako, masyado lang talaga akong busy. Hindi ko gusto na maghiwalay tayo, mahal na mahal kita, Keilani, hindi tayo maghihiwalay. Sadyang busy lang ako sa trabaho,” paliwanag niya. Gusto kong umiyak. Hindi ko na tuloy alam kung totoo ba itong sinasabi niya o gawa-gawa na lang niya.
Kung gusto naman na niya ang Davina na iyon at ayaw na niya sa akin, bakit ayaw pa niya akong pakawalan?
“Ganito na lang, para maging busy din ako, gusto kong magtayo ng coffee shop. Gusto kong magkaroon ng libangan, kahit doon na lang ay payagan mo ako,” sabi niya na agad naman napatayo para tutulan ako.
“Hindi, huwag na, dito ka na lang sa bahay at mag-relax. Nag-iipon tayo para sa futute natin, Keilani. Ang ipon natin na iyon ay para sa mga anak natin, alam mo naman ‘di ba ‘yon?”
“Maganda nga iyon habang nag-iipon tayo, lumalago pa ang pera natin. Kaysa naman maipon iyon na ganoon na lang. Ang mga mayayaman ay kaya yumayaman pa lalo ay dahil ginagamit nila ang utak nila para mas dumami pa ang pera. Ganoon ang naiisip ko, hayaan mo akong magtayo ng pangarap kong coffee shop,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Kung mabuburo lang kasi ako dito sa bahay at iisipin ang pambababae niya, mababaliw lang ako. Kaya mainam talaga na may pagkalibangan ako.
“Huwag na talaga, Keilani, please, mag-relax ka na lang dito sa bahay, please lang.”
Tumayo ako at saka hinarap siya. “Maghiwalay na nga lang siguro tayo!” bulyaw ko sa kaniya at saka ako pumasok sa kuwarto namin.
Sumunod siya. “Bakit ka ba nagkakaganiyan, Keilani? Hindi ka naman ganito ah. Tahimik at mahinhin ka. Bakit biglang ganiyan ka, sige nga, sabihin mo nga sa akin ang dahilan!” sumisigaw na rin siya.
“Gusto mo talagang malaman?” tanong ko rin na pasigaw.
“Oo, sabihin mo para alam ko kung bakit nagkakaganiyan ka?!”
“Dahil nabo-boring ako dito sa bahay, tapos napi-feel ko pa na parang walang may pake sa akin, kahit ang asawa ko, oo, nararamdaman kong hindi na ako mahalaga. Kaya mainam pa na magpakalayo-layo na lang ako, maging mag-isa sa buhay, tahimik at walang iniisip na ikaka-stress ko!”
“Hindi, walang maghihiwalay. Sige, kung ganiyan ang napi-feel mo, magbabago na ako, patawarin mo ako kung ganiyan ang nararamdaman mo,” sabi niya at saka ako niyakap.
Ang problema naman sa akin, pakitaan lang ako ng ganitong ka-sweet-an ni Braxton, tumitiklop na ako. Minahal ko siya ng tatlong taon, kilala namin ang isa’t isa kaya kahit alam kong may iba na siya, heto, para akong tanga na parang hinahayaan na lang na ganoon, basta huwag lang din siyang mawala ng tuluyan sa akin. Gusto kong makipaghiwalay, siya ang may ayaw, kaya doon na lang ako kumakapit, iniisip na baka mahal pa rin niya ako.
Keilys POV“Sapat na ba ‘yan sa tingin mo?” tanong ko kay Ilaria habang nakaupo kami sa harap ng bahay nila, habang ang magulang niya ay nagpapahinga na sa loob. Kakatapos lang naming mag-merienda. feeling ko kasi ay kulang pa ang bigay ni Doberlyn, ayos sana kung kalahating milyong piso, e.“Hindi ko po alam,” sagot niya. “Pero malaking bagay na rin ito. Kahit pa paano, may panimula na kami. Malaki na sa aming mahihirap ang ganitong halaga. 200k ito ah.”Napatingin ako sa paligid. Sa mga pader na halos nilulumot na. Sa dingding na pinupuno ng mga retasong kurtina. Sa kisame na sa bawat pag-ihip ng hangin ay parang tutumba.“Ilaria,” malumanay kong sabi, “ipagpagawa na natin ‘tong bahay niyo.”Napalingon siya sa akin. “Talaga bang kaya ng halagang ito ang pagpapagawa nitong bahay namin? Wala po kasi akong idea, e?”“Gamitin natin ‘yung two hundred thousand. Pero ‘wag lang basta ayusin ito, i-expand na natin. Ayusin ang bubong, palitan ang mga dingding, lagyan ng maayos na kisame at bi
Keilys POVNGAYONG hapon, pagkatapos naming magpakain ng spaghetti sa mga nagkakabit ng banderitas, sumama naman ako kay Ilaria sa bahay nila.Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila, napansin ko agad ang maliit na bakod na gawa lang sa kahoy, may mga luma’t kalawangin na pako. Ang mismong bahay ay yari sa pinagtagpi-tagping kahoy, may ilang bahagi ng yero sa bubong na halatang pinagsama-sama na lang mula sa kung saan. Parang kahit isang malakas na ihip ng hangin ay kaya nang itumba ang bahay nila.Nang mapansin ko iyon, biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa supot ng prutas na dala ko.“Pasok ka, Sir Keilys,” ani Ilaria habang nakangiti sa akin. Kita sa mukha niya ang bahagyang kaba, marahil ay nahihiya siya sa simpleng bahay nila na makikita ko.“Oo, sige,” sagot ko habang panay pa rin ang tingin sa buong paligid.Sumunod ako sa kaniya. Habang naglalakad ako papasok sa loob, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ko mas nage-gets kung bakit gusto niyang abuti ang pangar
Ilaria POVMaya maya, napansin ko na pinupunasan na niya ang leeg niya. Agad ko ring napansin na ubos na pala ang tubig sa cooler.“Uh-oh, Sir. Wala na tayong tubig,” sabi ko.“Do you want me to collapse here just to prove a point?” sagot niya habang tumatawa.“Sige na nga, bili tayo sa tindahan,” aya ko. Habang naglalakad kami, may pilyong ideya akong pumasok sa isip ko.“Sir, gusto kong marinig kung paano ka bumili sa mini store. Ikaw po ang tatawag sa tindera, ha? Sabihin mo lang po, pagbilan po.”“What?”“Just say it, Sir. Trust me.”Nagkibit-balikat siya. “Fine,” sabi niya at saka pa siya huminga ng malalim na akala mo ay mahirap ang gagawin, “pagbilan po.”Saktong lumabas ang tindera at napangiti sa amin. “Ano pong bibilhin ninyo?”“Cold bottled water po. Tag-isa kami,” sagot ko sa tindera.Bumili rin si Sir Keilys ng chichirya. Nakita niya ‘yung bangus-flavored chips na nasa plastic.“Let’s try this. I’ve never had fish-flavored chips before.”“Masarap po ‘yan, minsan kapag wal
Ilaria POVPagkaluto ng sopas nung alas nuebe ng umaga, hinanda na agad ito ng mga manang para dalhin sa mga kalalakihang nagkakabit ng banderitas.“Ilaria, sasama ako kapag dinala mo ‘yan sa mga boys,” dining kong sabi ni Sir Keilys nang makita niyang dadalhin ko na sa loob ng sasakyan ang sopas na nasa mga microwavable containers.“Sige po, mag-ready na po kayo dahil dadalhin na po natin ito sa kanila pagkahot po nitong mga sopas at tubig,” sagot ko sa kaniya.Nakita kong tumango siya at saka nag-ayos. Inayos kong mabuti ang mga sopas sa likod ng sasakyan, mahirap na, baka matapon, nakakahiyang malibagan ang magandang sasakyan, mukhang kakalinis pa naman nito.Maya maya, nakasalubong ko siyang may bitbit ng mga bottle water. “Ay, sir, kaya niyo po ba?” tanong ko.Nakita kong kumunot ang noo niya. “Ilaria naman, lalaki pa rin ako, anong akala mo sa akin. Barbell nga na kay bigat-bigat ay nabubuhat ko, ito pa kaya?”Napangisi na lang ako nang tignan ko siyang ilagay ang mga bottle wat
Ilaria POVMainit ang araw at maraming tao sa palengke ngayong umaga, pero kahit pinagpapawisan na ako, hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi lang dahil excited ako sa fiesta, kundi dahil kasama ko ngayon si Sir Keilys. Oo, as in siya mismo ang sumama sa akin mamili ng mga banderitas. Hindi ko nga in-expect na sasama siya, pero kagabi, siya pa ang nagsabi gusto niya raw makita kung anong itsura ng banderitas. Siyempre, bilang anak-mayaman at laking city, nage-gets ko naman siya.Nakakatuwa nga, hindi ko inaasahang sasamahan niya ako. Akala ko, ako lang at si Mang Egay ang aaalis, paalis na kami kanina nung sumigaw ito, hintayin daw siya at gusto niyang sumama sa amin.Pagdating namin sa palengke, agad akong nagturo ng mga stalls na may mga panindang makukulay na banderitas. Ang dami kong nakita: may hugis bituin, may tatsulok, may mahahaba, may pahaba na parang kurtina. Pinili ko na lahat. Kung puwede nga lang bilhin ang buong stall, ginawa ko na.Si Sir Keilys naman ay tahimik lang. N
Ilaria POVMaghahapunan na nang bigla akong tawagan ni Doberlyn. Hindi ko alam kung ba’t ko pa sinagot ang tawag niya, pero siguro dala na rin ng kabiglaan at pangungulit niya sa text kanina pang umaga. Isa pa, gusto ko na ring matapos ang gulong inumpisahan niya.“Puwede ba tayong magkita?” bungad niya agad sa kabilang linya. Halata sa boses niyang parang hindi siya mapakali, parang natatakot. Inamin din kasi ni Sir Keilys sa akin na tinakot talaga nila si Doberlyn at sinabihan na hindi na ako puwedeng guluhin nito. Kaya ngayon, heto, gusto niyang makipag-ayos.Sa dulo ng coffee shop malapit sa tapat ng gasolinahan kami nagkita. Pinayagan naman ako ni Sir Keilys na umalis.Impyernes, nakuha pa niyang magbihis ng maganda, pero bakas ang kaba sa mga mata niya. Hindi ko alam kung nasusuka ako sa pagkukunwari niyang para bang siya pa ang biktima, o dahil masyado akong nasanay sa pagiging maldita niya. Ngayon, tila putol ang sungay niya, hindi niya ako matignan nang nanlilisik ang mga mat