Mukhang dumadami na ang readers nito. Paramdam naman kayo sa comment section hehehehe!
Sylas POVHating gabi na. Tahimik na ang buong paligid. Pagod si Keilani kaya mahimbing na ang tulog nito. Pinagod ko talaga para mabilis siyang makatulog. Nakadalawang round kami kanina, pagod din ako pero kapag galit ang namuo sa iyo at may plano ka, hindi ka makakatulog kahit anong pagod pa 'yan. Hindi ako matutulog ngayong gabi nang hindi ko nagagawa ang plano ko.Bumangon na ako at tahimik na umalis sa tabi niya Pinagmasdan ko siya sandali, hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa nila sa asawa ko. Ang pagpapaulan nila ng bala ng baril sa sasakyan nito. Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ko.Kaya hindi ako mananahimik nang hindi ako nakakaganti. Kaya ngayong gabi, gagawa ako nang ikakatakot lalo ng pamilyang Veron.Paglabas kosa kuwarto namin ni Keilani, tumuloy ako sa secret hide out o secret room ko. Doon, ssa-isa kong sinuot ang itim na suit na pang-assassin. Sinuot ko ‘yon ng mahigpit, matibay at kumpleto. Mula combat boots hanggang gloves, para walang
Keilani POVNagkaroon ako ng online meeting sa isang mahalagang client sa ibang bansa, halos alas singko ng umaga ako bumangon para kausapin siya. Sa totoo lang, hindi ko ginagawa ‘yun, kaya lang, malaking halaga ang kikitain ng company ko rito kaya nagtiyaga akong gumising para makipag-online meeting sa kaniya. Ang saya lang dahil halos daang milyon agad ang kinita ko sa kaniya. Kung hindi ko siya inatupag nang gising ng umaga, wala, hindi ko kikitain ang ganoong kalaking pera.Hindi na ako nakatulog pagkatapos ko siyang kausapin. Ang ginawa ko, bumangon na ako at nagpaluto ng almusal sa kasambahay ko. Habang umiinot ng mainit na kape, nagbukas ako ng tv para manuod muna ng balita ngayong umaga.Pero pag-on ko ng TV, isang live report ang bumungad sa akin. Ang ganda-ganda ng umaga ko pero nasira dahil sa baliw na si Avina Veron.“This is unacceptable. My family has been targeted and I believe the couple, Keilani and Sylas, are the only ones with motive,” aniya habang nasa harapan ng
Keilani POVI didn’t go to work today. Sa totoo lang, hindi ko pa kayang humarap sa maraming tao ngayon. Masyado pang sariwa sa isip ko ang lahat. Ang pag-ambush. Ang mga putok ng baril. Ang mga armadong lalaki na humarang sa kalsada. Hindi ko akalaing mangyayari ‘yon sa buhay ko—lalo na’t walang ibang nasa loob ng sasakyan ko kundi ako at ang mga bodyguard ko lang. Buti na lang, bulletproof ang sasakyan. Kung hindi—baka wala na ako ngayon.Kaya heto ako ngayon, naka-robes lang, nakahiga sa malaking couch sa entertainment area habang pinapaikot-ikot ng daliri ko ang ice sa baso ng tubig. Si Keilys ay naglalaro sa carpeted floor sa harap ko. Hindi ko siya kayang alisin sa paningin ko ngayon. Hindi muna ngayon. Hindi habang may gumagapang na takot sa likod ng isipan ko na baka ‘yung susunod na pag-atake, mas malapit na. Mas brutal. Mas personal.Buwisit, wala na nga sina Braxton at Davina, pero mukhang may bagong kakalaban sa amin. Hindi ko alam kung ako ba ang kalaban o si Sylas. Basta
Sylas POVUmakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ko ang masamang balita mula sa isang bodyguard ni Keilani.“Sir, na-ambush ang sinasakyan na sasakyan ni Ma’am Keilani.”Nanlambot ang laman ko, pero sa halip na mag-panic, tumayo ako mula sa opisina ko, kinuha ang coat ko at saka tinigasan ang boses. “Tangna! Nasaan siya ngayon?”“Safe na po, sir. Walang nasaktan sa kanila. Bulletproof po ‘yung sasakyan kaya hindi tumagos ang bala. Pero confirmed po—apat na armadong lalaki ang umatake.”Napapikit ako sa init habang napapailing. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “I want the footage, now. GPS coordinates, dashcam, lahat. And alert Kuki.”Pagkababa ng tawag, tinapik ko ang desk ko nang malakas. Ramdam kong nanginginig ang panga ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit.“Those bastards crossed the line.”Alam ko na agad kung sino ang may pakana. Walang iba kundi ang pamilya Veron. Harvy. Daryl. And that Avina bitch.Tinawagan ko si Kuki, ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao sa ma
Keilani POVPagod. ‘Yun agad ang naramdaman ko pag-upo ko sa likod ng sasakyan. Sobrang dami ng tao sa event, at kahit ang saya, hindi ko maikakailang sumakit ang paa ko sa katatayo at kaka-smile sa mga camera. Pero worth it. Lahat ng effort ko, ng glam team, ng designer ko—lahat ‘yon sulit na sulit. Ang daming lumapit sa akin, kilala nila ako, at hindi lang dahil kay Sylas, kundi dahil sa sarili kong pangalan.“Ma’am, pauwi na po tayo,” sabi ng driver ko habang nakaayos pa rin ang rearview mirror para makita ako.I gave him a tired smile. “Yes, Manong. Let’s go home. I miss Keilys.”Tahimik ang byahe nung una. Tinititigan ko lang ‘yung city lights sa bintana habang nakaangat ang high heels kong sapatos. Ang gown ko, bahagyang nakalaylay pa sa upuan. Napakaganda pa rin kahit medyo gusot na dahil sa ilang oras na pagsuot ko. Hinaplos ko ang bag na pinag-agawan pa namin ni Avina nung nakaraang araw. Funny how that same bag made it to the most glamorous night of the year.Nasa isip ko pa
Keilani POVHindi ako papayag na lamunin lang ako ng presensya ni Avina Veron sa event na ‘to. Kaya habang papasok ulit ako sa grand ballroom, tumindig ako ng diretso, taas noo at bahagyang ngumiti sa mga mata ng mga taong nakakasalubong ko. Hindi ako artista, pero ngayong gabi, gusto kong maki-ningning sa mga sikat na artista at CEO dito. ‘Yung bituin na sisiguraduhin kong hindi kayang higitan ng nining nitong si Avina.“Oh my gosh, you’re Madam Keilani Merritt, right?” ani ng isang kilalang aktres na lumapit pa talaga sa akin. Halata sa suot niyang designer gown at alahas na isa siya sa mga bigating bisita ngayong gabi.Ngumiti ako at bahagyang yumuko. “Yes, I am. Nice to meet you. Ang ganda mo naman sa personal.” siyempre, dapat pala-puri ako. Saka, totoo naman ang sinasabi ko. Walang halong biro. Magaganda ang lahat ng narito, si Avina lang ang nakakairita.“I’m such a fan of your ad with your husband. Ang galing niyong dalawa, sobrang classy.” Napangiti siya at tumabi pa sa akin.
Keilani POVPagkapasok ko pa lang sa venue ng ball ng sikat na TV network, parang bigla akong dinala sa ibang mundo. Mula sa kisame hanggang sahig, puro kulay ginto, puro kristal, at ang liwanag. Lahat ng mata, naka-focus sa kanya-kanyang bitbit na pangalan at reputasyon. Mga artista, mga CEO, mga elite sa industriya ng negosyo at entertainment—nandito silang lahat. Pinaggastusan ng TV network ang event na ‘to.Nakakakaba. Pero sabay rin na nakakatuwa. Lalo na nang makita ko ang ilan sa mga paborito kong artista. Hindi ko napigilan ang sarili ko.“Hi, River! Can I have a quick photo with you?” tanong ko sa isang aktor na matagal ko nang crush. Si River Bautista na napakagaling na action star.“Of course, Mrs. Merritt,” nakangiti niyang sagot. Teka lang, kilala niya ako? OMG!Tumawa ako, ‘yung sosyal na tawa lang siyempre. “Thank you, grabe kilala mo pala ako?”“Who wouldn’t? Your commercial with your husband went viral. Iconic!”Parang gusto kong lumutang sa kilig. Pinipigil ko ang sa
Keilani POVIto na ang araw na a-attend ako sa isa na namang malaking event na first time kong mapupuntahan. Sa wakas, dumating na rin ang araw ng malaking event na pinaghahandaan ko nitong mga nakaraang linggo—ang annual prestige ball ng isang sikat na TV network dito sa Pilipinas. Hindi ko akalaing maaabot ko ang ganitong klaseng exposure, pero dahil sa biglang pagputok ng viral ng first ad ng Merritt Luxury Motor company ko, hindi lang mga businessman ang nakapansin kundi pati mga artista, executives at malalaking media.“Ma’am Keilani, five minutes until final retouch,” paalala ng isa sa makeup artists mula sa sikat na glam team na kinuhang personal ni Sylas para sa gabing ito. Sila na rin ang laging nag-aayos sa mga artista sa red carpet kaya panatag ang loob ko. Kilala na rin sila sa pagiging metikuloso, kaya confident akong magiging perfect ang look ko.“Thanks, guys. You all did an amazing job,” sabi ko habang pinapainit ang boses sa kaka-praktis ng pag-ngiti sa salamin. Ramda
Keilani POVNasa bahay lang ako ngayong araw, nakaupo ako sa sofa, hawak ang basang bimpo habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Keilys. Nilalagnat pa rin siya. Hindi naman grabe, pero bilang ina, hindi ako mapakali, kaya minabuti kong huwag munang pumasok sa work.“Baby, Mommy’s here,” mahinang bulong ko sa kanya habang mahimbing siyang nakahiga sa sofa, balot ng kumot kasi nilalamig siya. Alam kong masamang kumutan siya ng husto dahil lalo lala ang init ng katawan niya, pero kasi, kawawa naman dahil nilalamig talaga ito.Maya maya, narinig ko ang tunog ng doorbell. Napatayo ako agad para buksan ang pinto. Pagbukas ko, naroon si Celestia. Nakangiti at may dalang dalawang kahon ng healthy-style pizza at dalawang bote ng fruitea juice.“Surprise bonding!” sigaw niya habang ini-angat ang mga bitbit. Palibhasa’t kilala na siya ng mga security guard ng mansiyon, pinapapasok na agad siya ng mga ito. Kung ibang tao, hindi kasi mahigpit na pinagbabawal ngayon ni Sylas na magpapasok ng kung s