로그인Iliana POV‘Yung simbahan na pinagkasalan namin ay ‘yung simbahan na malapit lang sa reception para hindi na mahirap ang mga bisita namin na lumipat-lipat pa sa malalayo.Kaya pagdating namin sa beach resort, napahinto ako ng literal. Hindi kami napahiya ni Kuki sa pagpili ng coordinator kasi napakagaling nang pagkakaayos ng lahat. Mula sa simbahan at dito sa reception na napili namin.Huminto ako sa gitna ng walkway, habang hawak ang kamay ni Kuki.“Pasabog naman ang ayos,” bulong ko.Hindi ko alam kung saan titingin. Ang buong resort ay isinara para sa talaga sa amin. Na dapat lang dahil napakamahal din ng arkila namin dito. Mula sa entrance pa lang, may mahabang walkway na gawa sa glass panels na may ilaw sa ilalim na parang naglalakad kami sa ibabaw ng tubig. Ang ganda talaga, grabe. Sa gilid nito, may mga white roses at orchids na nakaayos ng bongga.At sa dulo nito narooon ang isang napakalawak na open reception area sa tabi mismo ng beach.May stage. May live orchestra. May cha
Iliana POVHindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa harap ng napakalaking pinto ng simbahan. Nakasuot ako ng puting wedding gown na sobrang ganda. Ito na ‘yung halos katumbas ng isang mansion na presyo na pinatahi namin ni Kuki. Ramdam ko nga ang bigat nito, pero walang mas bibigat sa kabang nararamdaman ko. Ganito pala ang ikakasal, iba ang kaba kahit wala namang dapat ikakakaba.“Ready ka na?” tanong sa akin ni Mama Davina.Paglingon ko sa kanya, nakita ko ang mga mata niyang medyo mamasa-masa, wala pa e, naiiyak na agad.Ngumiti ako sa kaniya.“Ready na po, Ma.”Sa kabilang side ko ay nandoon naman si Papa Braxton. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, parang ayaw niya akong bitawan. Hindi halata na pati sila ay kabado rin.“Sigurado ka na ba sa kasal na ito, anak?” biro pa niya.“Pa, sure na sure na ito, siyempre, kalahating bilyong piso na kaya ang gastos namin,” prangka ko namang wika sa kaniya.“Ikaw naman, masyadong seryoso, siyempre joke lang ‘yon,”
Iliana POVMatapos ang masayang bakasyon sa China ng halos isang linggo din, balik Pilipinas na ulit kami ni Kuki. Super nag-enjoy ako sa China trip namin, lalo na sa pakikipag-bonding sa Mama at Papa ni Kuki. ‘Yung mga pinsan niya, sobrang saya ring kasama. May isang gabi kasi na nag-movie marathon kami. Nakakatakot pero mas nakakatakot ‘yung salitaan dahil chinese, nakakatawa dahil walang subtitle, sa action na lang din talaga ako tumitingin. Saka, kapag lalabas ‘yung multo, doon lang ako parang matatakot nalang. Pero kahit na ganoon, super nag-enjoy ako sa kanila. Mababait ang pamilya ni Kuki. At gusto ko nga agad bumalik. Soon, pagkatapos ng kasal namin, babalik talaga ako doon.Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong ng mga staff. Kinuha nila ang mga gamit namin ni Kuki. Tahimik ang buong bahay, na-miss ko ito. Dinala ng mga staff ko ang mga gamit namin sa loob, habang kami naman ay dumiretso sa living area kung saan naghihintay na pala ang wedding coordinator.Hindi pa
Iliana POVKinabukasan dito sa China, nagpasya kami ni Kuki na mag-stay lang sa bahay at doon magpahinga o mag-bonding.“Aalis muna kami,” sabi ni Papa Kirr habang inaayos ang cuff ng polo niya. “Isasama ko si Kuki sa business namin. Time na rin siguro para makita niya ulit ang operations.”“Uuwi rin ako agad,” paalam naman ni Kuki, pero bago siya tuluyang lumabas, lumapit muna siya sa akin. “You’ll be okay?” tanong niya ng pabulong.Tinaasan ko siya ng kilay. “Kaya ko ‘to, saka mabait naman ang mama mo.”Ngumiti siya. “I know.”Bago pa siya umalis, hinalikan niya ako ng tatlong beses sa lips.Pag-alis nila, kami na lang ni Mama Karina ang natira rito sa bahay.Nasa sala ako nung magkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit, pero medyo kinabahan ulit ako sa tingin niya.Pero bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano ay bigla na niyang binasag ang katahimikan.“Iliana, Hija,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin, “marunong ka bang magluto?”Napapikit ako sandali. Ito na ba ‘yon
Iliana POVTahimik na ang malaking bahay nila Kuki pagkagising ko ngayong umaga. Wala na ang mga tito, tita, lolo at mga pinsan niya. Nag-uwian na pagkatapos ng welcome party sa akin kagabi.Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Kuki.“May pupuntahan tayo ngayong araw, Iliana,” sabi niya matapos kaming kumain ng almusal. “Favorite place ko iyon.”“Ah, tourist spot?” tanong ko habang excited na agad. Kahapon ko pa gustong gumala talaga. Nang makita ko rin ang ganda ng China.“For sure, matutuwa ka sa pupuntahan natin,” sabi pa niya habang pasakay na kami sa magandang sasakyan ng pamilya niya.“Enjoy kayo,” sabi ni Mama Karina nung kumakaway sa amin.“Salamat po, see you later,” sagot ko habang kumakaway din.Mahaba ang biyahe namin. Hinahayaan ako ni Kuki na magmasid at maging tahimik habang may baon kaming food incase magutom, pero mga chichirya, cookies, chocolate at juice lang. Sabi niya kasi ay may kakainan kaming masarap mamaya. Habang kumakain ng chichirya na parang heal
Iliana POVHindi ko alam kung paano ko i-e-explain ‘yung kaba at excitement na nararamdaman ko habang nasa eroplano kami papuntang China.Isang linggo pa lang kaming nakabalik mula sa sunod-sunod na gala namin sa Pilipinas, sa Baguio, Tagaytay, kung saan-saan pa, tapos ngayon… ito na naman, paalis na naman kami.“Okay ka lang?” tanong ni Kuki, habang nakatingin sa akin at hawak ang kamay ko.Tumango ako, kahit halatang hindi ako mukhang kalmado.“Medyo kinakabahan lang,” pag-aamin ko. “Iba na ‘to, eh, mami-meet ko na rin kasi ang buong pamilya mo.”Ngumiti siya. Binigyan niya ako ng yakap, yakap na pinapakita niya na huwag akong mag-alala dahil magugustuhan nila ako.“They’ll love you,” sabi niya.“Hindi ako sigurado,” sagot ko agad.“They will,” ulit niya na mas sigurado sa sinasabi niya.Huminga ako nang malalim, tapos sumandal sa upuan ko.Sana nga. Nandito na kasi kami sa eroplano. Nasa himpapawid na at patungo na sa China. Kasabay namin siyempre ang mga magulang ni Kuki. Medyo ka
Ilaria POVPagkagising ko ng umaga, tahimik. Walang tao sa mansion. Wala sina Mama at Papa, pati na rin si Sylaila. Naisip kong baka ginala nila si Sylaila, pero kasi pati si Manang Lumen ay wala. Hindi na ako nagtanong kay Keilys, busy kasi ako sa pagkain ng almusal ko. Medyo masama pa rin ang tim
Keilys POVNung makumpleto na namin ang lahat ng kailangan, umalis na kami. Mabuti na lang at agad na tinawagan ni Papa Sylas ang driver ng yate. Nung papaalis na kami, dapat ay si Vandall ang magpapaandar ng yate, pero aminado siyang hindi pa niya galamay iyon, pero mabuti na nga lang at dumating
Ilaria POVIsang buwan na ang lumipas mula noong unang beses kaming nagpunta sa OB-GYNE. Isang buwan ng paghihintay, panghuhula, at tahimik na pagdarasal tuwing gabi na sana ay tuloy na tuloy na ang pagbubuntis ko.Paalis kami ngayon ni Keilys. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse niya, kabado ak
Ilaria POVNasa labas na ang lahat ng boys, parang mga batang sigawan nang sigawan sa swimming pool area. Nakatanaw lang ako sa bintana, bawal makisali at baka kung mapaano pa ako.Masaya akong makita silang gano’n. Lalo na si Keilys. Bihira siyang maging ganap na carefree, kaya hinahayaan ko lang







