LOGINIliana POVPagbaba galing sa Baguio, naisip na agad naming dumiretsyo sa Tagaytay. Mabuti na lang at maraming baong damit ang parents ni Kuki.“Ready na ba lahat?” tanong ko habang inaayos ang sunglasses ko, nakatayo sa harap ng sasakyan. Maaga kaming umalis para iwas traffic.“Ready,” sagot ni Kuki, na ready na rin. “Driver mode na ako today.”“Good luck,” sabat ni Papa Kirr mula sa likod. “Ayoko ng zigzag na parang roller coaster ah, please lang,” dagdag pa nito.Napatawa ako. Alam ko na agad kung kanino nagmana ng kaka-joke itong si Kuki. Ganoon din kasi ang papa niya. Parang hindi chinese, e, parang Pinoy na rin ang ugali.“Papa,” sabi ni Kuki, “Tagaytay na po ang pupuntahan, hindi po tayo tutuloy sa Sagada.”“Still,” sagot niya, “I expect smooth.”Si Mama Karina naman, nakangiti lang habang inaayos ang buhok niya. “Excited ako. Sabi ninyo maganda daw ang view doon ‘di ba?”“Hindi lang maganda,” sagot ko. “Breathtaking po talaga.”“Sige, game, tara na at hindi na ako makapaghintay
Iliana POVFirst time nilang pareho sa Baguio. Ako, parang first time ko rin, kasi sobrang tagal na rin nung huling umakyat ako rito.“Ang lamig!” unang reklamo, pero halatang tuwang-tuwa na wika ni Mama Karina habang kakababa pa lang namin ng van. Mahigpit niyang hinila ang shawl niya palapit sa katawan, pero ang ngiti niya abot tenga agad. Halatang na-amaze agad siya sa lugar.“Ganito ba talaga dito?” tanong niya, paikot-ikot ang tingin sa paligid, parang batang unang beses nakakita ng theme park.Napangiti ako. “Opo, Mama Karina. Kaya nga tinatawag na summer capital ng Philippines.”“Actually, parang wala tayo sa Pilipinas,” sabat ni Papa Kirr, na para din talagang pinoy dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. “Malamig. Fresh hangin. Maganda.”“Wait till you see more,” sabi ni Kuki, sabay akbay sa akin. “Hindi pa ‘to ang best part.”Usapan na talaga namin ni Kuki na pagurin ang mga magulang niya sa paggala rito sa Baguio. Ang unang stop namin ay sa Burnham Park. Pagbaba pa lang nami
Iliana POVIlang linggo kaming masaya ni Kuki dahil tinangkilik agad ng mga mayayamang tao ang business namin. Trending pa rin hanggang ngayon ang IK Bladecraft company ko. Karamihan sa mga mahihilig sa iba’t ibang sandata ay talaga namang panay ang order sa amin.Kaya naman wala pang isang buwan ang IK Bladecraft company namin ni Kuki ay masasabi namin agad na success. Oo, ganoon kabilis, kaya heto, ikakasa na naming dalawa ang susunod na plano sa buhay.Maaga pa lang, nagising na ako kasi biglang dumalaw dito ang parents ko. Pero pansin ko rin ay maaga palang ay aligaga na ang mga kasambahay. Pabalik-balik sila sa kung saan-saan, na para bang maingat ang mga kilos, parang may pinaghahandaan.Pati nga sina Mama at Papa, biglang dating dito. Pinagagayak ako pero hindi naman sinasabi kung anong mayroon at kung saan kami pupunta.“Iliana, anak, make sure you’re presentable today,” sabi ni Mama Davina habang inaayos ang kuwelyo ng suot kong dress.“Mama, may bisita ba tayo?” tanong ko h
Iliana POVDumating na ang araw ng opening ng first ever business naming dalawa ni Kuki. Sa loob ng ilang buwan na puro bakasyon at pag-iikot namin ni Kuki sa buong mundo, hindi namin namalayan na tuluyan na ngang nabuo ang napakalaking building ng IK Bladecraft. Napakaganda at napakalaki. Kakaibang building ito sa lahat ng nakita ko. Natupad ang gusto ni Kuki na kulay. Kulay itim ang buong building. Astig kung titignan. Parang building ng mga assassin.“Ready?” tanong ni Kuki habang nandito kami sa magarang sasakyan.“I was born ready,” masigla kong sagot sa kaniya. Lumapit siya at inayos ang hikaw kong isang maliit pero mamahaling diamond blade-shaped earring. Pinasadya ko talaga ito para opening ng first ever business naming dalawa ni Kuki.“Media is already outside,” sabi pa niya. “And the investors, lahat dumating na rin.”“Good,” sagot ko. “Let them wait.”Hindi kami nagmadali. Dahil sa mundong ito, ang tunay na may kapangyarihan ay hindi kailanman nagmamadali.Nung handa na kam
Kuki POVHindi pa tapos ang paggamit namin sa yate ngayong araw dahil may agenda pa kami ngayong hapon. Nakatayo si Iliana sa gilid ng yate, nakaharap sa malawak na dagat, tahimik habang pinagmamasdan ang alon na kumikislap sa ilalim ng araw ngayong hapon. Ako ang naghanda nito para sa kaniya. Kasi ang totoo, siya ang panalo kanina sa cooking show namin. Mas nasarapan kasi talaga ako sa ginataang isda niya. Kaya bilang premyo, ito ang naisip kong ibigay sa kaniya.Inaya ko siya sa mismong harap ng yate. Pagdating doon, pinakita ko na ang surprise ko.“Wow!” sabi niya habang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon.Isang malinis na picnic mat ang nakalatag doon na may ilang unan na puwedeng sandalan. Sa gitna, maayos na nakaayos ang pagkain na sandwiches na ako mismo ang gumawa kanina, iba’t ibang prutas na hiniwa ko nang maayos, at ilang snacks na sigurado akong magugustuhan niya.May maliit na speaker pa sa gilid.At nang pindutin ko na iyon, nagsimula nang tumunod ang nakaka-rela
Iliana POVAng agenda namin ngayong araw ay manghuli ng isda. Sa buong buhay kasi, never pa naming ma-try manghuli ng isda sa dagat, kaya iyon ang naisip naming gawin ngayong ikatlong araw na namin dito sa isla ng Zambales.“Relax lang, ma’am, huwag masyadong mahigpit ang hawak sa panghuli,” sabi ng driver ng yate namin na siya rin nagtuturo kung paano kami makakahuli ng isda.Napapikit ako sandali habang pinipigilan ang sarili kong mapangiwi. Kung alam lang niya kung gaano karaming beses akong humawak ng kutsilyo na mas delikado pa kaysa sa fishing rod na ito.“Ganito po ba?” tanong ko, habang kinokontrol ko pa rin ang paghawak sa fishing rod na ito.“Naku, masyado pa rin pong tense. Parang makikipaglaban kayo sa isda,” natatawa niyang sagot.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan kong niluwagan ang hawak ko. Pinakiramdaman ko ang bigat ng pamalo, ang galaw ng alon na bahagyang umaalog sa yate. Iba kasi ang eksenang ito. Hindi ito tulad ng mga bagay na nakasanayan ko. Mas sanay akong
Iliana POVHabang nakatayo ako sa gitna ng makulay na entablado na ako mismo ang nagpagawa, hindi ko mapigilang ngumiti. Sa eksena palang ngayon, para bang sure na ako na ang mananalo.Maingay ang paligid. May mga batang tumatakbo. May mga matatandang nakapila. May mga nanay na may dalang folder, p
Keilys POVAt kung may isang bagay na hindi ko kayang tiisin, iyon ay ang pakiramdam na may taong nakagawa ng masama sa asawa ko at nakatakas nang ganoon lang kadali.Hindi ako mapakali matapos kong makuha ang report sa background check. Malinis sina Paco, Lucas at Rapha. Kung may bahid man ang nak
Iliana POVPumunta si Governor Sage sa bahay ko. Napilitan tuloy akong bumangon sa pagkakahiga ko. Ginising ako ni Ceska. Nasigawan ko pa nga dahil ayokong-ayoko na ginigising ako habang nakasarapan pa ang tulog ko.“Bumangon ka na. Iba ang timpla ni Gov. Parang galit. Masyadong seryoso ang mukha h
Keilys POVDumating na ang final report. Ito na ang background check sa tatlong pangalan na pinaasikaso ko nung nakaraan. Sina Paco, Lucas, at Rapha.Tahimik ang opisina ko sa villa habang nakabukas ang ilaw sa ibabaw ng lamesa. Binasa ko muli ang buod ng report.Financial records ay malinis. Comm







