로그인Iliana POVTahimik na ang malaking bahay nila Kuki pagkagising ko ngayong umaga. Wala na ang mga tito, tita, lolo at mga pinsan niya. Nag-uwian na pagkatapos ng welcome party sa akin kagabi.Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Kuki.“May pupuntahan tayo ngayong araw, Iliana,” sabi niya matapos kaming kumain ng almusal. “Favorite place ko iyon.”“Ah, tourist spot?” tanong ko habang excited na agad. Kahapon ko pa gustong gumala talaga. Nang makita ko rin ang ganda ng China.“For sure, matutuwa ka sa pupuntahan natin,” sabi pa niya habang pasakay na kami sa magandang sasakyan ng pamilya niya.“Enjoy kayo,” sabi ni Mama Karina nung kumakaway sa amin.“Salamat po, see you later,” sagot ko habang kumakaway din.Mahaba ang biyahe namin. Hinahayaan ako ni Kuki na magmasid at maging tahimik habang may baon kaming food incase magutom, pero mga chichirya, cookies, chocolate at juice lang. Sabi niya kasi ay may kakainan kaming masarap mamaya. Habang kumakain ng chichirya na parang heal
Iliana POVHindi ko alam kung paano ko i-e-explain ‘yung kaba at excitement na nararamdaman ko habang nasa eroplano kami papuntang China.Isang linggo pa lang kaming nakabalik mula sa sunod-sunod na gala namin sa Pilipinas, sa Baguio, Tagaytay, kung saan-saan pa, tapos ngayon… ito na naman, paalis na naman kami.“Okay ka lang?” tanong ni Kuki, habang nakatingin sa akin at hawak ang kamay ko.Tumango ako, kahit halatang hindi ako mukhang kalmado.“Medyo kinakabahan lang,” pag-aamin ko. “Iba na ‘to, eh, mami-meet ko na rin kasi ang buong pamilya mo.”Ngumiti siya. Binigyan niya ako ng yakap, yakap na pinapakita niya na huwag akong mag-alala dahil magugustuhan nila ako.“They’ll love you,” sabi niya.“Hindi ako sigurado,” sagot ko agad.“They will,” ulit niya na mas sigurado sa sinasabi niya.Huminga ako nang malalim, tapos sumandal sa upuan ko.Sana nga. Nandito na kasi kami sa eroplano. Nasa himpapawid na at patungo na sa China. Kasabay namin siyempre ang mga magulang ni Kuki. Medyo ka
Iliana POVPagbaba galing sa Baguio, naisip na agad naming dumiretsyo sa Tagaytay. Mabuti na lang at maraming baong damit ang parents ni Kuki.“Ready na ba lahat?” tanong ko habang inaayos ang sunglasses ko, nakatayo sa harap ng sasakyan. Maaga kaming umalis para iwas traffic.“Ready,” sagot ni Kuki, na ready na rin. “Driver mode na ako today.”“Good luck,” sabat ni Papa Kirr mula sa likod. “Ayoko ng zigzag na parang roller coaster ah, please lang,” dagdag pa nito.Napatawa ako. Alam ko na agad kung kanino nagmana ng kaka-joke itong si Kuki. Ganoon din kasi ang papa niya. Parang hindi chinese, e, parang Pinoy na rin ang ugali.“Papa,” sabi ni Kuki, “Tagaytay na po ang pupuntahan, hindi po tayo tutuloy sa Sagada.”“Still,” sagot niya, “I expect smooth.”Si Mama Karina naman, nakangiti lang habang inaayos ang buhok niya. “Excited ako. Sabi ninyo maganda daw ang view doon ‘di ba?”“Hindi lang maganda,” sagot ko. “Breathtaking po talaga.”“Sige, game, tara na at hindi na ako makapaghintay
Iliana POVFirst time nilang pareho sa Baguio. Ako, parang first time ko rin, kasi sobrang tagal na rin nung huling umakyat ako rito.“Ang lamig!” unang reklamo, pero halatang tuwang-tuwa na wika ni Mama Karina habang kakababa pa lang namin ng van. Mahigpit niyang hinila ang shawl niya palapit sa katawan, pero ang ngiti niya abot tenga agad. Halatang na-amaze agad siya sa lugar.“Ganito ba talaga dito?” tanong niya, paikot-ikot ang tingin sa paligid, parang batang unang beses nakakita ng theme park.Napangiti ako. “Opo, Mama Karina. Kaya nga tinatawag na summer capital ng Philippines.”“Actually, parang wala tayo sa Pilipinas,” sabat ni Papa Kirr, na para din talagang pinoy dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. “Malamig. Fresh hangin. Maganda.”“Wait till you see more,” sabi ni Kuki, sabay akbay sa akin. “Hindi pa ‘to ang best part.”Usapan na talaga namin ni Kuki na pagurin ang mga magulang niya sa paggala rito sa Baguio. Ang unang stop namin ay sa Burnham Park. Pagbaba pa lang nami
Iliana POVIlang linggo kaming masaya ni Kuki dahil tinangkilik agad ng mga mayayamang tao ang business namin. Trending pa rin hanggang ngayon ang IK Bladecraft company ko. Karamihan sa mga mahihilig sa iba’t ibang sandata ay talaga namang panay ang order sa amin.Kaya naman wala pang isang buwan ang IK Bladecraft company namin ni Kuki ay masasabi namin agad na success. Oo, ganoon kabilis, kaya heto, ikakasa na naming dalawa ang susunod na plano sa buhay.Maaga pa lang, nagising na ako kasi biglang dumalaw dito ang parents ko. Pero pansin ko rin ay maaga palang ay aligaga na ang mga kasambahay. Pabalik-balik sila sa kung saan-saan, na para bang maingat ang mga kilos, parang may pinaghahandaan.Pati nga sina Mama at Papa, biglang dating dito. Pinagagayak ako pero hindi naman sinasabi kung anong mayroon at kung saan kami pupunta.“Iliana, anak, make sure you’re presentable today,” sabi ni Mama Davina habang inaayos ang kuwelyo ng suot kong dress.“Mama, may bisita ba tayo?” tanong ko h
Iliana POVDumating na ang araw ng opening ng first ever business naming dalawa ni Kuki. Sa loob ng ilang buwan na puro bakasyon at pag-iikot namin ni Kuki sa buong mundo, hindi namin namalayan na tuluyan na ngang nabuo ang napakalaking building ng IK Bladecraft. Napakaganda at napakalaki. Kakaibang building ito sa lahat ng nakita ko. Natupad ang gusto ni Kuki na kulay. Kulay itim ang buong building. Astig kung titignan. Parang building ng mga assassin.“Ready?” tanong ni Kuki habang nandito kami sa magarang sasakyan.“I was born ready,” masigla kong sagot sa kaniya. Lumapit siya at inayos ang hikaw kong isang maliit pero mamahaling diamond blade-shaped earring. Pinasadya ko talaga ito para opening ng first ever business naming dalawa ni Kuki.“Media is already outside,” sabi pa niya. “And the investors, lahat dumating na rin.”“Good,” sagot ko. “Let them wait.”Hindi kami nagmadali. Dahil sa mundong ito, ang tunay na may kapangyarihan ay hindi kailanman nagmamadali.Nung handa na kam
Ilaria POVToday ay pahinga day. Landian day na rin with Keilys. Bakit? Wala kasi akong pasok. So, maghapon lang akong tatambay sa villa ni Keilys. Bagay na hinihintay ko dahil dalawang araw na akong palakad-lakad sa magkaibang ospital dahil sa clinical hours.Pagdating ko sa sala, napansin kong na
Ilaria POVHabang umiinom kami ng miso soup, kinuwento ko na unti-unti na akong nakakabangon sa mga pinagdaanan ko. Na tinutulungan ako ni Keilys, na nag-aaral pa rin ako, at mas okay na ako ngayon.“Tsaka…” Napahinto ako sandali, kasi kinakabahan ako bigla. “kami na nga pala ni Keilys.”Sabay-saba
Keilys POV“Sabihin ninyo na po, Tatay Iggy. Sige po, makikinig at tutulungan ko po kayo.”Tumulo na ang luha sa mga mata niya kaya naisip ko agad na mukhang seryoso na ang inaalala niya. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.“Nung elementary pa si Ilaria, nagkasakit siya. Hindi ‘yong pisikal na sakit
Ilaria POVWala akong tulog. Nahiga ako sa kuwarto sa tabi ng kapilya ay maliwanag na, pagkakaalam ko ay halos alas singko na ng umaga iyon. Si Sir Keilys, umuwi muna, hindi na ata kinaya ang magpuyat nung second ninght ni Nanay.Isang oras lang ang tulog ko, hindi na ako nakatulog nung magising ak







