Home / Romance / Kakaibang Tikim / Kabanata 0069

Share

Kabanata 0069

last update Huling Na-update: 2025-01-14 22:12:05

Keilani’s POV

Hindi ko inakala na dadating ako sa ganitong punto…ang pagkakaroon ng sitwasyon kung saan kailangang ipaglaban hindi lang ang pangalan ko, kundi pati na rin ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang coffee shop na itinayo ko mula sa wala ay tila nagiging laruan na lang para sa mga taong gusto akong pabagsakin. O mas magandang sabihin na gustong agawin ang coffee shop ko ng taong wala namang naging ambag sa buhay ko.

At dahil kailangan ko ng tauhan, kailangan ko na ring isagawa ang matinding plano na kagabi ko lang naisip. Kailangan ko nang magmadali kasi malapit na akong umalis ng Pilipinas.

At ngayon, naisip ko na kailangan ko nang hawakan sa leeg si Celestia—ang bestfriend ko na matagal ko nang pinagkakatiwalaan—ay nasa harap ko, sa loob ng office room ng coffee shop. Hindi ko alam kung saan hahantong ang pag-uusap na ito, pero isa lang ang sigurado, hindi ako puwedeng magpatalo dahil may plano na ako.

“Keilani, bakit mo ako pinapunta dito?” tanong niya habang pinipilit ngumit
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Haydie Lucero
wow nice ms a, palaban ang bida i like it ...️...️...️............
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 45)

    Keilys POVHabang wala si Ilaria, wala akong ibang ginagawa kundi ang manood ng TV sa sala habang nagkakape. Tahimik na tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga naglilinis na kasambahay, nagluluto sa kusina at usapan ng mga security guard sa labas ang maririnig. Napataas naman ang isang kilay ko nang biglang lumabas sa tv ang balita tungkol sa pamilya ni Lorcan Trey. Binalita sa tv na si Lorcan trey ang susunod sa yapak ng ama nito. Si Lorcan daw ang magiging magaling na CEO ng company nilang pagawaan ng aircon at iba’t ibang appliances. Sa loob-loob ko, natatawa ako, pakiramdam ko kasi, wala siyang magandang gagawin sa company nila kapag nahawakan na niya ‘yun.Napa-advance din tuloy ako ng isip, someday, kapag handa na ako, sure akong ako rin ang hahawak sa company ng mga magulang ko. Company na ‘di hamak na mas malaki sa hahawakan ni Lorcan.Maya maya, pagkatapos ng balita, dinampot ko ang phone ko. Na-boring na naman ako kaya nagliwaliw ako sa mga update sa buhay-buhay ng mg

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 44)

    Ilaria POVPagdating namin sa city, tapik-tapik na ni Toph ang balikat ko, nakatulog pala ako. Nakakahiya, baka nakanganga pa ako.“Sorry, Sir Toph, baka nakanganga at naghihilik pa ako,” sagot ko habang inaayos ko ang sarili ko.“Ayos lang, nakakaantok kasi ang daan kanina sa probinsya, panay ang ulan, mabuti at okay na pagdating dito sa city.”Tumango ako, ngumiti at saka na bumaba sa magara niyang sasakyan.Agad kaming dumiretso sa isang derma clinic. Malamig ang aircon sa loob, makintab ang puting sahig, at puro mga naka-all white na staff ang abala sa loob. Nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito. Pero si Toph? Para bang siya ang may-ari ng lugar. Kumportable siyang naglakad patungo sa receptionist at nag-English agad.“Hi! We have an appointment for facial, under the name Toph Davis,” aniya sabay ngiti. Sanay na sanay si Topg magpa-cute sa mga tao.Ngumiti rin ang receptionist, “Yes sir, kindly take a seat. Our dermatologist will call you in a minute.”Hindi ko alam kung saan

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 43)

    Keilys POVBoring simula nung umalis kanina si Ilaria. Walang nakabuntot at wala akong makausap. Sina Manang Lumen, hindi ko naman makausap kapag alam kong marami siyang ginagawa kasama ang ibang mga kasambahay. Talagang si Ilaria lang ang nasanay na akong kausap kapag nandito. Sa ilang araw na lumipas na kasama ko siya palagi bilang personal maid ko, nasanay na ako na palagi siyang nasa paligid ko.Pero, ayos lang, gusto kong makaranas naman siya ng kaligayahan habang nagwo-work sa akin. Alam ko rin kasi na mag-e-enjoy siya sa magiging lakad nila ngayon ni Toph ngayon.Habang nasa kuwarto ako, biglang nag-vibrate ang cellphone sa gilid ng unan ko. Nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ng taong matagal ko nang kinausap para hanapin ang may sala sa pagkaka-hit and run ni Aling Laria.“Hello,” sagot ko agad nang bumangon ako. Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana. Nakasanayan ko na kasi, na kapag may tatawag sa akin, sa bintana ako lumalapit at nag-stay.“Sir Keilys,” anang l

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 42)

    Ilaria POVMaaga pa lang ay gising na ako. Maaliwalas na ang panahon, kagabi kasi, biglang umulan at magdamag walang tigil, kaya akala ko ay magtutuloy-tuloy, mabuti na lang at hindi.Maaga akong bumangon para maghanda ng request ni Sir Keilys na healthy breakfast, kasi puro hindi healthy ang kinain namin kagabi, babawi raw siya ngayong umaga.Kagabi kasi, bago kami matulog, hiniling niya na igawan ko raw siya ng masarap at healthy na almusal bago ako isama ni Toph papunta sa city ngayong araw. Pabiro niya lang sinabi ‘yun, pero gusto kong tuparin o sundin para kahit absent ako ngayong gabi, may nagawa pa rin ako para pagsilbihan siya.Habang inaayos ko ang buhok ko papunta sa likod ng tainga, pumasok na ako sa kitchen at agad na inayos ang apron ko. Pinag-isipan kong mabuti ang mga gagawin kong pagkain para sa kaniya. Gusto kong maging perfect ang bawat sangkap ng lahat ng nasa isip ko.Nag-isip ako ng menu—kailangan healthy, colorful, at mukhang comforting.Kaya naisip kong gumawa n

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 41)

    Ilaria POVNasa kalagitnaan kami ni Sir Keilys ng pinapanood naming Korean thriller nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pambahay kong shorts. Nakatutok pa rin ang mata ko sa eksena kung saan may kumakatok sa pinto ng bida, pero agad ko rin itong sinilip nang hindi masyadong halata.Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang notification. Toph Davis sent you a friend request.“Uy, si Toph,” bulong ko na halos magulat pa. Nakita ko rin kasi agad ang display picture niya kaya nakilala ko agad.Napalingon sa akin si Sir Keilys, nakataas ang isang kilay, nakita niya kasi ang malakas na pag-ilaw ng screen ko. “Sino ‘yon at tila gulat na gulat ka?” tanong niya, habang sumubo ng bibimbap gamit ang chopsticks. “Who texted you?”Nahihiya pa akong sabihin sa kaniya ‘yun, kasi baka kung anong isipin niya. “Uhm, si Toph po… in-add ako sa social media.”Napangiti siya at saka umiling. “Nauna pa siya sa’kin, ha.” Bahagyang tumawa si Sir Keilys at umayos ng upo. “Baka may itatano

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 40)

    Ilaria POVNagising ako bandang alas nuebe ng gabi. Mainit pa rin ang pakiramdam ko kahit may aircon sa kuwarto, siguro dahil pa rin sa maanghang na dinner namin, samgyup kasi ang request ni Sir Keilys, sobrang naanghangan ako sa dami ng kimchi na nakain ko, pero masarap ah. Nakakatuwa nga, kung hindi pa ako maging kasambahay, hindi ako makakakain ng mga masasarap na pagkain. Sobrang suwerte namin dahil kung anong pagkain ng amo namin, ‘yun ang pagkain namin mga kasambahay niya.Nanunuyot ang lalamunan ko kaya agad akong bumangon. Gusto ko nang masarap na malamig na malamig na tubig, pero pagkalabas ko ng kuwarto, may narinig akong mahinang hikbi.Napahinto tuloy ako sa paglakad. Sa una, akala ko may multo dito sa villa—dahil sa dami ng mga kuwento-kuwento ni Manang Lumen tungkol sa mga nagpaparamdam dito sa lupang tinayuan nitong Villa. Pero hindi. Hindi iyak ng multo ang naririnig ko. Malinaw sa pandinig ko na hikbi ng isang lalaki ang naririnig ko. Parang pamilyar. Naglakad ako pap

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status