Share

Kabanata 0077

last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-20 22:36:59

Keilani POV

Pag-akyat namin sa hagdan papunta sa second floor ng mansiyon, pakiramdam ko ay isang panaginip ang lahat ng ito. Ang bawat hakbang ko sa makintab na marmol na sahig ay tila nagpapaalala na ibang mundo na talaga ang kinasasadlakan ko. Sa dulo ng pasilyo, tumigil si Sylas at binuksan ang isang double door.

“This will be your room for the next few months,” sabi niya nang nakangiti habang iniabot ang kamay para imbitahan akong pumasok.

Napanganga ako.

“Room ba talaga ‘to, Sylas? O isang buong bahay na?” tanong ko habang iniikot ang tingin sa paligid.

Tumawa siya at saka tumingin sa akin na parang natutuwa sa reaksyon ko. “You deserve nothing but the best, Keilani. This is all yours. Make yourself at home.”

Ang kuwarto ay mas malaki pa kaysa sa buong bahay na tinitirhan namin ni Braxton. Ang sahig ay gawa sa dark wood na may makapal na cream-colored carpet sa gitna. Sa kaliwang bahagi ay may napakalaking king-sized bed na tinatakpan ng puting comforter at napapalibutan ng fluf
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0061)

    Keilani POVMaaga akong nagising kinabukasan, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Nakakagulat nga kasi naabutan kong tulog pa sa tabi ko ang asawa ko. Kadalasan, kapag nagigising ako, wala na siya at nakapasok na sa work. Ngayon, heto, tulog na tulog na akala mo ay puyat. Nakatagilid pa siyang natutulog, nakatalukbong ang kalahati ng katawan sa puting kumot, at tila napakakalma ng mukha.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama namin at iniwasan kong mag-ingay para hindi siya magising. Naisip kong silipin si Keilys, baka gising na rin siya. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang sala. Hindi ako nagkamali. Nandoon siya, nakaupo sa carpet, nakatalukbong ng kumot habang nakatitig sa TV na may pinapanood na cartoons.“Good morning, baby,” bulong ko habang nilalapit ang sarili sa kanya.Ngumiti lang ito at hindi man lang ako nililingon. Malamang ay naka-focus na naman sa paborito niyang animated show. Hinaplos ko ang ulo niya bago ako tumayo ulit.Bumalik ako sa kuwarto namin ni Sylas para kuni

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0060)

    Sylas POVNasa ilalim ng manipis na kumot si Harvy, nakatagilid habang mahimbing na natutulog. Tahimik na tahimik dito. Wala siyang kamalay-malay na may demonyong papasok ngayong gabi para pagbayaran ang ginawa nila.Huminga ako nang malalim. Inilabas ko na rin mula sa utility belt ang maliit na vial ng amonia at isang panyo. Lumapit ako sa kama, maingat na maingat ako sa bawat hakbang, hanggang sa makapuwesto ako sa tabi ng ulo ni Harvy. Dinampi ko ang amonia sa panyo, sabay biglang tinakpan ang ilong at bibig niya.“Mmmph!—”Nagpumiglas siya. Halatang nagulat. Pero wala siyang laban sa puwersang mayroon ako.Makalipas ang ilang segundo, nagising siya nang tuluyan, natataranta, nagpupumiglas habang nakatingin sa akin. Titig na titig siya sa akin, pilit akong kinikilala pero alam kong malabo niya akong mamukhaan dahil sa suot ko. Dilat na dilat ang mukha niya na may kasamang labis na takot.“W-What the hell—”“Shhh,” bulong ko habang bahagyang iniiba ang boses ko sa isang malamig na t

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0059)

    Sylas POVHating gabi na. Tahimik na ang buong paligid. Pagod si Keilani kaya mahimbing na ang tulog nito. Pinagod ko talaga para mabilis siyang makatulog. Nakadalawang round kami kanina, pagod din ako pero kapag galit ang namuo sa iyo at may plano ka, hindi ka makakatulog kahit anong pagod pa 'yan. Hindi ako matutulog ngayong gabi nang hindi ko nagagawa ang plano ko.Bumangon na ako at tahimik na umalis sa tabi niya Pinagmasdan ko siya sandali, hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa nila sa asawa ko. Ang pagpapaulan nila ng bala ng baril sa sasakyan nito. Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ko.Kaya hindi ako mananahimik nang hindi ako nakakaganti. Kaya ngayong gabi, gagawa ako nang ikakatakot lalo ng pamilyang Veron.Paglabas kosa kuwarto namin ni Keilani, tumuloy ako sa secret hide out o secret room ko. Doon, ssa-isa kong sinuot ang itim na suit na pang-assassin. Sinuot ko ‘yon ng mahigpit, matibay at kumpleto. Mula combat boots hanggang gloves, para walang

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0058)

    Keilani POVNagkaroon ako ng online meeting sa isang mahalagang client sa ibang bansa, halos alas singko ng umaga ako bumangon para kausapin siya. Sa totoo lang, hindi ko ginagawa ‘yun, kaya lang, malaking halaga ang kikitain ng company ko rito kaya nagtiyaga akong gumising para makipag-online meeting sa kaniya. Ang saya lang dahil halos daang milyon agad ang kinita ko sa kaniya. Kung hindi ko siya inatupag nang gising ng umaga, wala, hindi ko kikitain ang ganoong kalaking pera.Hindi na ako nakatulog pagkatapos ko siyang kausapin. Ang ginawa ko, bumangon na ako at nagpaluto ng almusal sa kasambahay ko. Habang umiinot ng mainit na kape, nagbukas ako ng tv para manuod muna ng balita ngayong umaga.Pero pag-on ko ng TV, isang live report ang bumungad sa akin. Ang ganda-ganda ng umaga ko pero nasira dahil sa baliw na si Avina Veron.“This is unacceptable. My family has been targeted and I believe the couple, Keilani and Sylas, are the only ones with motive,” aniya habang nasa harapan ng

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0057)

    Keilani POVI didn’t go to work today. Sa totoo lang, hindi ko pa kayang humarap sa maraming tao ngayon. Masyado pang sariwa sa isip ko ang lahat. Ang pag-ambush. Ang mga putok ng baril. Ang mga armadong lalaki na humarang sa kalsada. Hindi ko akalaing mangyayari ‘yon sa buhay ko—lalo na’t walang ibang nasa loob ng sasakyan ko kundi ako at ang mga bodyguard ko lang. Buti na lang, bulletproof ang sasakyan. Kung hindi—baka wala na ako ngayon.Kaya heto ako ngayon, naka-robes lang, nakahiga sa malaking couch sa entertainment area habang pinapaikot-ikot ng daliri ko ang ice sa baso ng tubig. Si Keilys ay naglalaro sa carpeted floor sa harap ko. Hindi ko siya kayang alisin sa paningin ko ngayon. Hindi muna ngayon. Hindi habang may gumagapang na takot sa likod ng isipan ko na baka ‘yung susunod na pag-atake, mas malapit na. Mas brutal. Mas personal.Buwisit, wala na nga sina Braxton at Davina, pero mukhang may bagong kakalaban sa amin. Hindi ko alam kung ako ba ang kalaban o si Sylas. Basta

  • Kakaibang Tikim   Season 2 (Kabanata 0056)

    Sylas POVUmakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ko ang masamang balita mula sa isang bodyguard ni Keilani.“Sir, na-ambush ang sinasakyan na sasakyan ni Ma’am Keilani.”Nanlambot ang laman ko, pero sa halip na mag-panic, tumayo ako mula sa opisina ko, kinuha ang coat ko at saka tinigasan ang boses. “Tangna! Nasaan siya ngayon?”“Safe na po, sir. Walang nasaktan sa kanila. Bulletproof po ‘yung sasakyan kaya hindi tumagos ang bala. Pero confirmed po—apat na armadong lalaki ang umatake.”Napapikit ako sa init habang napapailing. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “I want the footage, now. GPS coordinates, dashcam, lahat. And alert Kuki.”Pagkababa ng tawag, tinapik ko ang desk ko nang malakas. Ramdam kong nanginginig ang panga ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit.“Those bastards crossed the line.”Alam ko na agad kung sino ang may pakana. Walang iba kundi ang pamilya Veron. Harvy. Daryl. And that Avina bitch.Tinawagan ko si Kuki, ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao sa ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status