ログインSylaila POVClearing day sa palengke ngayon. Ibig sabihin, walang bukas na puwesto at walang vendor na magtitinda. Day off naming lahat.Nakangiti tuloy akong bumangon mula sa higaan habang inuunat ang mga braso ko. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng ganitong pahinga. Sunod-sunod ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Mula sa pagkahilo ko, sa mga pabalik-balik na alaala at kung ano-ano pa.Kaya naman nang maisip kong maglakad-lakad ngayong umaga, agad akong ginanahan talaga.Lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Isla na nakaupo na sa sofa. Maaga rin itong nagising.“Nanay!”Ngumiti agad siya.“Hindi mo ako ginising, nauna ka pa!”Tumango ako.“Baka po kasi napagod kayo kahapon kaya hinndi ko na po kayo inistorbo,” magalang niyang agot.Lumapit ako at ginulo ang buhok niya.“Gusto mo bang maglakad-lakad tayo ngayong umaga?”Nanlaki agad ang mga mata niya.“Talaga po?”“Oo.”Tumalon pa siya sa tuwa. Pinagbihis ko siya ng bagong damit. Pagkatapos ay pinuntahan ko na rin si Lusing kabil
Sera POVMalamig at payapa naman ang naging tulog ko rito sa nakita kong apartment dahil may aircon. Malibag nung una, oo dahil maalikabok kaya bago ako nag-stay dito ay pinalinis kong mabuti. No choice kasi dahil ito lang ang apartment na nakita kong may aircon. Hindi kasi ako makakatulog ng walang aircon, kaya pinalinis ko na lang.Pagkagising ko, nagpatimpla ako ng kape sa driver ko. Doon siya natulog sa sala.Tuwing umaga, chill lang ako sa kuwarto. Ganito ako palagi. Ang una kong ginawa ay kunin ang cellphone ko.At iyon ang pinakamalaking pagkakamali kong ginawa ngayong umaga. Pagkabukas ko ng social media, agad na bumungad sa akin ang sunod-sunod na video clips. Mga repost. Mga screenshots.Mga edits. At lahat ay iisa ang laman.Si Chusan.Hindi ko alam na nag-live pala siya kagabi. Ang galing lang, ang dami kong message at call sa kaniya pero ni isa ay wala siyang sagot. Iyon pala, umiinom kasama ang mga kaibigan niyang tanga.Nanlamig agad ang mukha ko.“Ano na naman ito, Chu
Chusan POVTahimik na rito sa yate. Tanging tunog lamang ng alon ang maririnig sa paligid habang marahan nitong hinahampas ang gilid ng yate.Nasa gitna pa rin kami ng dagat. Malayo sa city. Malayo sa mga tao. Malayo sa magulong mundo. Sa unang tingin, parang perpekto ang gabing ito. Pero hindi para sa akin. Nakasandal ako sa railings ng yate while holding my wine glass. The air was cold. My vision was also starting to blur a little from drinking so much wine.But it wasn’t enough to knock me out. It wasn’t enough to let me sleep. Napalingon ako sa lounge area. Nakahandusay na roon sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.Mga lasing na. May naghihilik pa nga.Napangiti ako. Mga mahihina talagang uminom. Ako na yata ang pinaka-malakas uminom sa amin. Humigop ako ng wine ulit. At doon ko napansin ang bago kong cellphone na nakapatong sa lamesa.I just bought a new one because my old phone, which held so many memories of Sylaila and me, was lost at Amontala.Tinitigan ko ang bago kong na
Sylaila POVTahimik na ang apartment nang gabing iyon. Nakauwi na kasi sina Lusing at Fabian matapos ang masayang hapunan namin.Masaya akong nakitang busog silang umalis.Lalo na si Fabian na halos hindi na makatayo sa dami ng nakain niyang tinola at pancit. Nag-uwi pa nga siya ng pancit para raw may almusal siya bukas. Hinayaan ko na lang at marami din kasing natira. Pati si Lusing ay nag-uwi na rin. Imbis na masira at masayang, mainam na ipauwi ko na lang din talaga sa kanila.Si Isla nasa sala. Nakahiga sa lumang sofa habang nanonood ng cartoon sa maliit naming telebisyon. Yes, binigay sa akin ni Lusing ‘yung lumang TV niya na hindi na nagagamit. Naisip niya kasing walang ibang pinaglilibangan si Isla kundi ang mag-color ng mga books niya. Binabayaran ko nga, kaya lang ay ayaw niya, gift na lang daw niya sa matalino at cute na si Isla. Tuwang-tuwa kasi siya palagi sa anak ko. Kung buntis lang siya, naku baka pinaglilihian na niya si Isla.Tinignan ko si Isla. Paminsan-minsan ay na
Sera POVKanina pa ako naghihintay. At kanina pa rin ako naiinis. Nakakita na ako ng matutuluyan ko rito sa Amontala, kaya bumalik ako rito sa lugar ni Nardo. Nakatayo ako sa harap ng kubo ni Nardo habang nakapamewang at masamang nakatingin sa malayo.Palubog na ang araw. Unti-unti nang nagiging kulay orange ang kalangitan. Oo, maggagabi na, pero ni anino ni Nardo, wala pa rin.Napasipa ako sa pinto ng kubo. Nakakairita. Hindi ko ugaling maghintay ng tao. Lalo na ng ganito katagal.At lalong-lalo na kung ang taong hinihintay ko ay si Nardo lang naman. Lintik siya, sino ba siya? Kanina ko pa rin siya tinatawagan. Paulit-ulit ko nang ginagawa, pero wala, hindi siya sumasagot. Hindi manlang nagre-reply. Ni hindi man lang nagte-text.Parang bigla na lang naglaho.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Kung nandito lang siya ngayon, baka naibato ko na ito sa ulo niya.Ano ba ang ginagawa ng lalaking iyon? May balita na ba? Nakita na ba niya ang mga pinapahanap ko?May nabalitaan na ba siya
Chusan POVMinsan, kahit gaano ka kasikat, kahit gaano karami ang pera mo, at kahit gaano karaming tao ang nakapaligid sa iyo, may mga bagay pa ring hindi kayang punan ng lahat ng iyon.At iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nakatayo ako sa gilid ng yate habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Maalon ngayon pero dito ay tahimik.Mahina ang hangin na sumasalubong sa mukha ko habang nakasuksok ang isang kamay ko sa bulsa.Sa likuran ko ay naroon ang mga matalik kong kaibigan na sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.We all have free time right now, so we decided to take a break from the chaotic world of showbiz. Out here in the middle of the sea, there's no shooting, no interviews, no endorsements. No manager calling every five minutes.Right now, we just want to relax, catch up, and drink wine in the middle of the sea.Nakaupo sa komportableng lounge area habang nakatanaw sa malayong horizon.“Aaminin ko,” sabi ni Calder habang iniikot ang wine glass niya, “na-miss ko ang ganitong
Keilys POV“Hello, Dad.”“Keilys.” Malamig ang boses niya, pero hindi naman galit. “I heard you invited your friends to the villa.”Napalingon ako sa paligid na parang may CCTV siya sa bawat sulok.“Yes. Just for the weekend.”“You’re not here for a vacation.”“I know.”“So why do you act like you’
Ilaria POVSa sobrang pagod ko kahapon, ramdam ko pa ang bigat sa talukap ng mga mata ko. Pero hindi na puwedeng bumalik sa paghiga. May trabaho ako. Nasa villa na ulit ako ni Sir Keilys at kung gusto kong manatili sa trabaho ko, dapat masipag akong gumalaw kahit pagod o puyat. Kaya bumangon na ako
Ilaria POVHINDI pa rin ako makapaniwala sa mga guardian angel ko na dumating.Hawak-hawak ko pa ang plastic folder ng mga medical records ni Nanay habang kasama ko sina Keilys, Jake, Ryle, at Toph papasok ng ospital. Parang ang bigat pa rin ng dibdib ko sa lahat ng nangyari. Pero ngayon, may kasam
Keilani POVIsang linggo na rin ang lumipas simula nang makauwi si Keilys sa bahay. Sa loob ng panahong iyon, isinantabi muna namin ni Sylas ang trabaho. Hindi namin kayang ituloy ang mga meeting at proposal habang ang anak naming si Keilys ay pilit pa ring binubuo ang sarili matapos ang bangungot







