로그인Sylaila POVMatapos ang pakikipaglaban ko kanina, heto at bumalik na ang ilan sa mag customer namin na bumibili ng ihaw-ihaw food namin.Sunod-sunod ang order ngayong tanghali. May isang dosenang isaw, tatlong stick ng tenga ng baboy, sampung pork barbecue, at isang buong manok na espesyal na pinaihaw ng isang suki namin.Naglalaban ang usok, init, at amoy ng nagmamantikang karne sa paligid.Sa kabilang banda, naririnig ko si Fabian na nakikipag-usap sa mga customer habang si Lusing naman ay abalang nag-aayos ng mga bayad at sukli.Masaya ang negosyo. Halos hindi kami magkanda-ugaga sa dami ng bumibili.“Dagdagan mo ng pahid ng sauce, Ate Ila!” sigaw ni Fabian kasi busy siya sa pagbubuhat nung mga palanggana na pinakuha ko sa apartment. Maaga palang kasi ay paubos na agad kami ng stock.“Okay,” mabilis kong sagot.Napangiti ako habang binabaliktad ang mga barbecue. Unti-unting nangingintab ang karne dahil sa matamis at malinamnam na sarsa.Nakakatuwang pagmasdan na ang daming pila. Na
Sylaila POVAraw-araw ay palaging sold out ang ihawan namin. Simula nung mag-opening, naging matunog na ito sa mga tagarito. Sabi ni Lusing, dinadayo pa kami nung taga ibang bayan.Natutuwa ako kasi sumisikat kami dahil masarap daw ang ihaw-ihaw naming tinda.Napaisip ako, hindi pa kaya kami napapansin nung mga assassin na nagpapatayo ng beach resort? Isa kasi sila sa dahilan kung bakit gusto kong magtinda ng ganito. Gusto kong makuha ang atensyon nila. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila kung paano makakarating sa city. At sa tingin ko, hindi malabong mangyari na iyon dahil kilalang-kilala na ang ihawan namin.Heto nga at halos hindi na magkasya ang mga inihaw na manok sa puwesto namin.“Dagdagan pa po natin ang ihawin,” sabi ni Fabian habang nagpupunas ng pawis. “Kahapon, alas kuwatro pa lang, ubos na naman tayo.”Napailing ako at natawa. Noong nagsisimula pa lang kami, nangangamba pa kami kung may bibili ba. Ngayon, kabaligtaran na ang problema namin.Minsan, hindi pa sumasapit
Nardo POVAraw-araw na lang akong nai-stress. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Sa umaga, iniisip ko kung nasaan sina Sylaila at Isla. Sa tanghali, ganoon pa rin. Sa gabi, ganoon pa rin.Para bang bawat oras na lumilipas ay lalo akong kinakabahan. Ilang araw na silang wala. Ilang araw nang hindi ko sila makita. Ilang araw nang hindi ko alam kung nasaan sila.At higit sa lahat, ilang araw nang hindi ko napapainom ng gamot si Sylaila. Iyon ang pinakamalaking problema. Hindi ang pagkawala nila. Hindi ang pera. Hindi ang oras, kundi ang posibilidad na unti-unti nang bumalik ang mga alaala niya.Napahigpit ang hawak ko sa baso ng alak habang nakaupo sa harap ng maliit na lamesa.Hindi puwede iyon. Hindi dapat mangyari iyon.Kapag bumalik ang lahat ng alaala ni Sylaila, tapos na ako. Hindi lang ako, pati ang lahat ng itinago ko sa loob ng maraming taon. Pati ang lahat ng kasinungalingan. Pati ang lahat ng ginawa ko matapos ang aksidente niya. Mabubunya
Sylaila POVMay kakaiba akong napansin pagkagising ko ngayong umaga. Hindi ko agad maipaliwanag kung ano iyon. Nakatingin lang ako sa kisame ng apartment habang nakahiga, nakayakap si Isla sa tagiliran ko. Karaniwan kasi, kapag nagigising ako sa umaga, parang may mabigat na nakapatong sa ulo ko. Madalas masakit ang sentido ko. Minsan naman, pakiramdam ko ay lutang ako at hindi ko maalala agad kung anong araw o anong plano ko.Pero ngayon, aba, wala. Walang sakit ng ulo. Walang bigat sa pakiramdam. Walang kakaibang pagkalito. Para bang mahimbing at maayos talaga ang tulog ko.Napaupo ako sa higaan at napatingin sa bintana.Tahimik pa ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa labas at dinig na dinig dito ang nakaka-relax na alon ng dagat.Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagtira namin sa Colmenares Town o dahil mas naging maayos ang buhay namin nitong mga nakaraang linggo dahil wala na si Nardo.Saka, ramdam kong parang mas malakas ang katawan ko kumpara dati.“Na
Sylaila POVPagkauwi namin galing palengke, wala na kaming sinayang na oras. Diretso agad kami ni Lusing sa kusina. Nakapatong na sa lamesa ang mga pinamili naming karne ng baboy, tenga ng baboy, at mga manok. Mabigat ang mga dala namin kanina, pero ngayon mas mabigat ang trabaho dahil kailangan pa naming ihanda ang lahat para sa paninda bukas.“Unahin na natin asikasuhin ang mga karne bago pa tayo tamarin,” sabi ni Lusing.“Tama, para mamayang gabi, paghiga ay tulog na agad tayo.”Habang si Isla naman ay busy na naman sa pagkukulay ng mga new books niya, agad naming inilabas ang malalaking palanggana. Isa-isang binuksan ang mga supot. Pagkatapos ay sinimulan naming hugasan ang mga karne sa ilalim ng umaagos na tubig ng gripo dito sa likod ng apartment.Malamig ang tubig na dumadaloy sa mga kamay ko habang nililinis ko ang mga manok. May mga nagsasabing hindi na raw kailangang hugasan ang karne, pero nakasanayan na namin iyon para masigurong malinis bago timplahan at ihanda.Pagkatapo
Sylaila POVAlas tres ng hapon na ako nagising.Sa totoo lang, kung hindi pa gumalaw-galaw si Isla sa tabi ko, baka mas matagal pa akong nakatulog. Ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang pagod mula sa opening namin kanina ni Lusing.Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at tumingin sa kisame. Ilang segundo rin akong nakatulala bago ko naalala ang nangyari buong umaga.Ang pila, usok ng ihawan, ang halos walang tigil na pag-iihaw ko ng mga barbecue, at ang dami ng customer.Napangiti ako agad. Hindi pa rin ako makapaniwala.“Nanay”Napalingon ako kay Isla. Gising na rin siya at nakangiting nakatingin sa akin.“Ano, gutom ka na?”“Gatas po, gusto ko ng gatas,” sagot niya.Tumango ako at saka siya hinalikan sa pisngi.Pagbangon ko, tinimpla ko na siya ng gatas. Kumuha na rin ako sa fridge ng isang cupcake at saka ko nilagay sa platito.“Isla, anak, oh, mag-merienda ka na,” sabi ko sa kaniya, kaya dali-dali siyang tumakbo sa lamesa.Paglabas ko ng apartment, nakita ko agad si Lusing na nakatayo
Keilys POVUmaga pa lang, pagkagising ko, ginawa ko na agad ang plano ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong alamin pa ang mga dapat malaman sa kaniya para malaman na rin ni Ilaria na dapat siyang iwasan.Kailangan kong kilalanin pa si Kiyo Hernandez. Gusto kong malaman kung may mali ba talaga s
Ilaria POV“Hoy, gaga, sasagala ka pa bukas! Lasing ka na ata ah!” saway sa akin ni Jopay nang makitang parang namumula na ako. Sa totoo lang, sa sobrang enjoy ko buong maghapon, pati sa alak, nag-enjoy na rin tuloy ako. Sabayan pa, na sobrang saya nung mga tinutuntog ng live band. Kahit hindi na k
Keilys POVNagising ako kaninang madaling-araw dahil sa lamig ng aircon. Hindi ko namalayan na nakatodo pala ang lamig nung ma-set ko bago ako matulog. Pagkagising ko, hindi na ako nakatulog. Naalala ko rin, ngayong araw na ang paggiba sa bahay nila Ilaria. Ngayong araw na rin ang unang araw para g
Keilys POVHindi ako mapalagay kahit nakauwi na kami ni Ilaria dito sa Villa. Tahimik siya, halatang iniisip pa rin ang nakita namin sa lamay, lalo na ang itsura ni Kiyo sa kabaong. Ako naman, ibang tao ang bumabagabag sa isip ko. Hindi ko inakalang makikita ko roon si Lorcan Trey. Ang taong gumago







